ENTRY #18

Nakatayo lang ako sa pintuan ng condo ni zander matapos niya akong papasukin. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. hindi naman ito ang unang beses na pumunta ako sa bahay ng lalaki.

Boyfriend ko nga lang iyong last.

"sit down" aniya at tinuro ang sofa.

Kagat ko ang labi ko habang lumalakad hanggang maupo sa sofa. Para akong isang mabining binibini sa kinikilos ko ngayon.

"order nalang tayo ng food" tumabi siya sa'kin at nagtipa sa cellphone niya.

Oh shit! Pinagpapawisan ako. Wag ka mag-isip carmela.

"pasensya na, galing ako sa straight shift kaya medyo pagod ako... okay ka lang ba?" nagtataka siya habang tinitignan ako. "para kang tuod."

"he.he.he." ang tangin nasagot ko.

"what do you want?"

tinignan ko siya habang kagat ang labi ko. shit carmela sabi ng wag ka mag isip eh.

"hmmm?"

"a-anything."

"okay."

Tumayo siya at may tinwagan sa cellphone, siguro ay oorder na ng food.

Nilibot ko ang tingin sa condo niya. Puro pastel ang color simula sa kutina, kulay ng dingding kahit sa kulay ng sofa at iba pa niyang mga gamit, nakapalinis para sa isang lalaki.

"bakla kaba?" bigla kong naisip. Kusa nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang tila nangaasar.

Natigilan siya sa tangkag paglapag ng phone niya sa center table. Siya lang ata ang kilala ko na ganto kalinis, at mahilig sa pastel.

"kaya ba ayaw mo sa'kin?" o pwede rin naman ayaw niya lang talaga sa'kin.

Pumamewang siya. "dalawa lang tayo dito gusto mo magbigay ako ng patunay sa sinasabi mo."

Bigla akong kinabahan. "oo o hindi lang, hindi pa masagot."  shit carmela sinabi nang wag ka magisip ng sobra.

Tumatawa siyang tumabi saakin. "hindi binibini.. hindi ang sagot."

Iniakbay niya ang isang braso sa sofa. Naramdaman ko ang biceps niya sa batok ko, kikiligin na sana ako kung di lang tumunog ang cellphone ko.

Caller ID : angela

"saan ang cr?" 

tinuro niya 'yong medyo dulong pinto. Ni-lock ko ang pinto pag-pasok ko.

"hello" medyo mahina ang boses kong sagot.

"nasaan ka?"

"nasa cr."

"hala ka! Nasa cr ka parin ng school? labas na djan uuwi na tayo."

Shit Friday nga pala ngayon meaning uwian time sa cavite.

"wala na ako sa school.. nasa ano.. " medyo hininaan ko pa ang boses ko. "nasa bahay ako ni zander."

"hala ka... sumbong kita kay kezia, hindi mo pa jowa nag pauwi kana." Napapikit ako sa inis.

"ungas! Ililibre kita sa lunes"

"nasaan na daw siya" nangibabaw ang boses ni kezia sa kabilang linya.

"angela don't you dare!"

"anoo.." bahagyang tumahimik ang kabilang linya. Naramdaman ko ang pawis sa noo ko.

Please friend, please.

"nauna na daw siya umuwi." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni angela.

"sige kamo ingat."

Sinabihan ko din sila nang ingat at tinapos ko na ang tawag.

"food is here." Bungad sa'kin ni zander paglabas ko sa cr.

Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng pizza.

"so bakit ka umiyak?"

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. Buong detalye hanggang sa sabunutan namin ni cindy.

"ang one sided ng mundo. Disappointed agad saakin eh hindi pa nga alam ang totoo." malungkot kong saad.

"ganoon talaga pero pag sumuko ka, ikaw ang talo."

Halos maubos na namin ang isang box ng pizza.

"I really don't know paano nangyari 'yon, you know wala naman akong pakialam if hindi ako masama sa may exemption eh. Ang masakit lang saakin pinaghirapan ko ang prese—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko sa balikat ko na inihilig niya ang ulo niya. Dumagdag pa doon ang paglagay niya ng kamay niya palibot sa bewang ko.

"z-zander?"

"sorry, continue I'm just tired pasandal muna." Aniya at inayos ang pagkakasandig saakin.

"if you're that tired magpahinga kana.. uuwi na ako" pero hindi na siya nagrespond "zander?"

Nakapikit lang siya, iniwasan ko ang paggalaw dahil baka magising ko siya mukha ngan pagod na pagod siya medyo malaki ang eye bags niya pero bakit ang kinis parin ng mukha niya. Mukha parin siyang fresh at amoy pulbos.

Nakatitig lang ako sa kanya. "ang gwapo sana kaso pa-fall." Wala sa sarili kong sabi.

"hindi ako pa-fall."

"gising ka pa pala?" medyo napapahiya kong sabi.

"ikaw lang ang nag-iisip niyan."

Natahimik ako. "paanong hindi ako magiisip, ganyan ka"

"hindi basta-basta ang pagpasok sa relationship, you need safety measurement."

"ano akala mo sa pakikipagrelasyon? Experiment?"

"all I'm saying is hindi 'yon ganoon kadali."

"hindi ka talaga na fall kung may safety harness ka naman. Pa-fall ka lang noon kasi may safety measurement ka. Kung talagang na fall ka handa kang bumagsak kahit masaktan ka.  kasama ang sakit sa pagmamahal." Makahulugan kong tugon.

"ikamamatay mo pag nahulog ka ng walang sumalo." Malungkot ang mga mata niya tila may kung anong ibig sabihin.

Nabuhay ang curiosity ko. "namatay ka na ba?"

Tinignan niya lang ako. Gusto kong alamin bakit ganoon kalungkot ang mga mata niya, may nangyari ba sa kanya? Gusto ko sanang mag-usisa kaya lang nahihiya ako. Baka hindi ko magustuhan ang marinig ko.

"alam mo bang pitong taon ang tanda ko sa'yo?" umalis siya sa pagkakasandig sa balikat ko.

"dumaan na ako sa thirteen na math, tingin mo hindi ako marunong magbilang?"

"exactly, bakit hindi ka maghanap ng ka-edad mo sigurado naman ako na meron kang mahahanap na di nalalayo sa edad mo. Why liking me?" nabigla ako sa sinabi niya.

Gago to ah! Ipaparamdam sa akin na lagi ko siyang kakampi, pwede kong lapitan at higit sa lahat na may pakialam siya sa akin, sabay taboy?

But on the other hand. May point siya.

Don't you think you're being too.. desperate carmela?

Hindi ako nakapag-salita. Nakaramdam ako ng pagkapahiya sa narealized ko. parang tinutusok ang dibdib ko sa sakit.. hindi tama to.

Lalo akong nailing dahil dalawa lang kami dito, hindi ako sigurado kung dapat ba umakto nalang ako ng normal o dumiretso na sa pinto at umiwi.

Then naisip ko ang isa sa pinaka magandang way para mag exit sa isang akward na eksena.

'angela tawag ka' text ko sa kaibigan ko at tumawag naman siya.

Nagkunyari akong masigla ng sinagot ko ang tawag, nagtataka ang kaibigan ko dahil puro 'ganoon ba' at 'sige' lang ang sinasabi ko. tila may sariling conversation. After kong ibaba ang tawag humarap na ako kay zander na kanina pa pala nakatingin sa akin.

"zander kailangan ko nang umalis inaantay na ako ng mga kaibigan ko uwi na kami sa cavite." Hindi ko pinahalata ang lungkot sa boses ko.

"sige, ihahatid na kita." Akma siyang tatayo pero pinigilan ko siya.

"wag na alam ko naman ang sasakyan, sa pasay kami magkikita-kita." Pagsisinugaling ko.

Mabilis kong kinuha ang bag ko. "sige ba-bye salamat sa pakikinig at sa snacks, pahinga ka na." Hindi ko na siya pinagsalita ang derederetso ako sa pinto.

Napahikbi ako pagsakay ko sa elevator.

Ano bang nangyayari sa akin, bakit ko ba ginagawa ito.

Hinimas ko ang dibdib ko sa lokasyon ng aking puso. Ang sakit, hindi ko ma-explain. 'yon lang ang sinabi niya pero ang sakit na sa pakiramdam at ang sakit sa tenga.

Wala sa sarili akong naglakad palabas ng condominium. Panay ang punas ko sa pisngi ko dahil sa mga luha na umaagos. Ayukong pagtinginan ako ng mga tao dahil sa itsura ko kaya naman nakayuko lang ako habang naglalakd.

Umupo ako sa isang waiting shed para magpahinga. Panay padin ang punas ko sa mga luha ko. nilibot ko ang tingin sa paligi ko kung mayroon ba akong mabibilhan ng tubig. Puro malalaking building ang nakikita ko.

Muli pa akong nagmasid. Nasaan na?

Oh shit! Naliligaw na naman ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top