Geraldine Carcuerva
Page 23
————-««✼»»————-
Bar
————-««✼»»————
"GE, tama na 'yan. Kanina mo pa tinutungab 'yang alak na 'yan. Baka magsuka ka lang!" sigaw ng kasamahan ko at suway nito matapos kong inisang lagok ang alak na wala man lang chaser o kahit pulutan man lang.
I want to get wasted and have fun this night to forget my breakup with my boyfriend. Tangina! Hindi man lang niya pinagpabukas ang pakikipaghiwalay sa akin kaninang umaga at kailangan talaga sa mismong araw ng board exam ko.
Mabilis kong pinahid ang likido sa aking pisnge dahil hindi ko pa rin talaga tanggap na pinagpalit niya ako sa babaeng hindi man lang naliligo ng tatlong araw.
Tangina niya! Ang sakit ng ginawa ng gago'ng 'yon. Anong akala niya sa akin? Robot? Android? Para hindi masaktan matapos niya akong saktan. Kaya kanina, masyado nang okupado ang isip ko at halos luha ko na lang ang naisagot ko sa exam. Ang sikip pa ng dibdib ko habang nagsusulat sa papel.
Tapos ilang oras lang, nakita ko 'yong gago kong ex na niyayakap ang babaeng ni hindi man lang marunong magsuklay?
Gusto niya pala ng messy hair jowa. Bakit hindi niya sinabi? Edi sana hindi na lang ako naligo ng isang ligo at laging ginugulo ang buhok ko para mag-stay siya sa akin.
How come people cheat when, in fact, binigay ko naman lahat ng gusto niya? I gave him my time! Nag-date kami kung saan niya gusto. I even gave him presents kahit hindi niya birthday or kahit anong okasyon. Naging mabuting partner naman ako sa kanya, ah. Pero bakit niya ako iniwan?
Nang mapagawi ang tingin ko sa aking kasamahan dito sa table ay napangiti ako nang mapansin na may kambal pala siya. Bakit 'di ko knows?
"A-alam mo, M-Merriam..." I hiccupped. "M-maganda naman ako. I'm feeling sexy and free, but he left me? P-Panget ba a-ako? K-kapalit-palit ba a-ako? T-Then why?" I even tried to copy Liza's famous line from her movie 'My Ex and Whys.
Gusto kong ipagbabato 'tong hawak kong bote sa mesa. Gusto kong magwala sa loob ng club pero ayaw ko namang gumawa ng gulo dahil lang sa breakup ko. May konsensya pa rin ako, 'no?
Nararamdaman ko nang mas lalong lumalala na ang epekto ng alak sa akin. Dumodoble na ang nakikita ko at medyo may anghang na akong nararamdaman sa aking lalamunan.
"Halika ka na! Iuuwi na kita para naman makapagpahinga 'yang puso at isip mo!"
I smirked and laughed when I heard those words from her. Lasing na nga siguro ako?
Tumayo na ako matapos kong ilapag sa mesa ang bote ng beer, pero sa kasamaang palad ay muntik ko pang maimudmod ang mukha ko sa lamesa kung hindi lang maagap si Merriam sa pagsalo sa akin.
"S-sige... uuwi na ako... Pero babanyo muna ako..."
"Sasamahan na kita!"
"H-huwag na! Diyan ka l-lang. Stay, M-Merriam!"
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa muwebles ng kinauupuan ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nangangapa na pala ko sa dingding dahil masyado nang nanghihina ang tuhod ko dala ng alak.
May ilang lalake pa ang humarang sa akin at pilit akong hinihila sa alon ng mga tao para sumayaw pero nagpupumiglas ako dahil gusto kong umuhi!
Kahit pasuray-suray at medyo blurry na ang vision ko, alam kong nasa banyo na ako. Dumiretso na ako sa isang cubicle at doon naglabas. Matapos ang pagbabawas ay lumabas na ako ng cubicle, at sa hindi inaasahang tagpo ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
Bakit may lalake rito?
"Hoy! Bastos! Bakit ka nandito!" I shouted.
Para akong nahimasmasan nang makita ang lalake na tinatanggal niya ang kanyang necktie at nakabukas ang dalawang butones ng kanyang polo.
"Ikaw ang bastos. Bakit ka nandito?" He remained calm despite how panicked I was.
"Ikaw ang mali." Banyo 'to ng mga baba—"
"No, this is the male restroom."
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang hawakan niya ang aking palapulsuhan at hinila papasok kung saan ako lumabas na cubicle. Magkaharap kaming dalawa at pansin kong hanggang dibdib lang ako niya. Ang tangkad pala ng lalakeng 'to.
Sa sobrang magkalapit namin ay rinig na rinig ko ang tibok ng kanyang puso lalo na't sobrang tahimik ng paligid.
Mag-po-protesta na sana ako kung bakit niya ako hinila rito nang may narinig kaming boses ng mga lalake na papasok ng banyo. So it really means na mali ako.
Dahil na-curious ako sa pagmumukha ng lalake ay dahan-dahan kong iniangat ang aking tingin ngunit sa kasamaang palad ay biglang lumabo pa lalo ang aking nakikita dahilan para hindi ko maaninag nang maayos ang kanyang hitsura.
"M-Mister."
Naiusal ko na lamang bago tuluyang sumara at bumigat ang talukap ng aking mga mata.
Then I felt something pressing against my head.
————-««✼»»————
Days passed, and everything worked well.
Matapos ang kagagahan ko sa club ay hinatid daw ako ng lalake na hindi ko na alam kung ano ang kanyang pagkakakilanlan.
Kahit si Merriam ay hindi ito kilala kaya hinayaan ko na lang ang lahat ng nangyari sa nakalipas na araw at heto ako ngayon. Nakasakay sa tricycle at hinahatid ang pamangkin ko papunta sa eskwelahan.
Maaga kasi pumasok papa niya, kaya ako na rin nag-presenta na ihatid si Koko ngayon.
Nasa may gate na kami at inaayos ang kanyang uniporme nang biglang magsalita ang bata.
"Tita Geraldine, bakit wala pa po kayong jowa. Eh, 'di ba, trenta anyos ka na po kayo?"
Inis akong napapikit sa kanyang sinabi. Minsan talaga gusto kong may bitbit akong stapler para pantikom ng bibig ng mga batang pasmado ang bibig.
"Alam mo, Koko. Minsan pasmado rin 'yang bibig mo, 'no? Halika ka na. Pasok na tayo."
Ang ayaw ko talaga sa lahat ay 'yong pinapaalala kung ilang tao na ako.
Nang marating namin ang kanyang room ay humablot muna ako ng coins sa bulsa ko at binigay ito sa kanya. Nagtaka naman ang bata at naguguluhan sa aking ibinigay.
"Sige na. Tanggapin mo na. Para may ekstra kang pambili ng pagkain mo mamaya---"
"Koko?"
Napatingin ako sa loob ng klase nang may isang malalim na boses akong narinig. Lumabas mula sa madilim na sulok ang isang matipunong lalake. Napalunok ako nang wala sa oras nang makita ang kabuoan ng kanyang pigura.
His perfect white teeth, jawline, hazel eyes, and even his pointed nose Gosh, this type of guy is my type.
Lord, 'eto na lang po hihihilingin ko sa birthday ko?
My eyebrows raised when Koko exclaimed, "Sir Nathan!" Nathan sounds so manly.
"Hi!" Napatingin ito sa akin at ako naman ay nagpipigil ng kilig dahil sa biglaang paglabas ng lalakeng 'to. Gosh! "Oh, you must be Geraldine Carcuerva?"
Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang sinabi. P-papa'no niya ako nakilala?
Lumapit ito sa akin at inilapit ang kanyang labi sa aking tenga dahilan para magtayuan ang balahibo ko sa gulat at kiliti.
"I remember the club days when we were there. You asked me if we could have lunch in the future. Maybe now is the right time." He turned his back and entered his room again.
Gago! Siya pala 'yong lalake sa bar! And teacher siya ng pamangkin ko!
Magsisimula na ba ang love story namin?
————-««✼»»————
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top