Chapter 29
Ito na ang huling araw na makakapamasyal silang dalawa ni Kristoff sa Bali. Bukas ay balik Pilipinas na sila. At ang huli nilang destinasyon ay ang sikat na Pura Lempuyang Temple. Viral ito sa social media dahil sa ganda ng view nito.
Ang templong ito ay nakatayo sa tuktok ng Mount Lempuyang at isa sa mga pinipilahan ng mga turista. Ito ang tinatawag ng karamihan na 'Gateway to Heaven'. But it became more famous because there were two towering white stone gates that bordered the Mount Agung as its background. At iyon ang gustong maexperience ni Oreo.
Medyo malayo ito mula sa kanilang tinutuluyang hotel kaya maaga silang umalis. Mabuti na lamang magaling ang Balinese driver nila dahil ang daan pala papunta sa templong iyon ay para sa pang – isahang sasakyan lamang at napakatirik din ng daan dahil ang kanilang pupuntahan ay sa tuktok ng bundok.
Hindi simple ang pagpunta para makarating sa huling tourist spot na gusto nilang puntahan. Tatlong oras na byahe mula sa kanilang hotel, labin – limang minutong hiking mula sa parking area, kung saan hanggang doon lamang ang mga sasakyan, papunta sa templo. At mga isang oras na paghihintay dahil mahaba ang pila.
Napakaraming ibang turista rin ang gustong mag papicture sa lugar na ito. Mukhang lahat ng tourist destination sa Bali ay kailangan nilang pilahan upang makakuha ng magandang picture na walang mga photobomber. Mayroong mga Balinese na nakatambay sa harap na siyang hahawak ng mga cellphone at camera at kukuha ng picture.
Buti na lamang napaaga sila ng dating at maganda ang panahon. Sila na ang susunod na magpapapicture. Napag – usapan na nila ni Kristoff na mauuna na muna siyang mag – isa na magpakuha ng litrato. Hindi naman ito nagreklamo. But he said to her that if it's his turn, he wanted to have her beside him when the Balinese people take pictures.
"Okay, it's my turn," iniwan na muna niya kay Kristoff ang bag niya at tumungo na siya sa gitna ng dalawang haligi habang ang nasa likod naman niya ay bundok. Matapos makapag pose at sumenyas ang mga Balinese na nakuhanan na siya ng maraming litrato ay lumapit na sa kaniya si Kristoff. Hindi niya alam kung bakit ayaw nito mag papicture na mag – isa at pinilit talaga nito na kasama pa rin siya sa litrato.
"Dapat may solo picture ka rin dito," ani ni Oreo nang nasa tabi na niya ang lalaki.
"Nah...I think this is the best picture we'll have here in Bali," sagot naman nito. Sumenyas na ang mga Balinese na magpose na sila. Dahil hindi niya alam ang gagawin ay nilingon niya si Kristoff upang tanungin sana ito kung anong klaseng pose ba ang gusto nito. Ngunit laking gulat na lamang niya nang makitang nakaluhod ito at may kaheta na hawak na naglalaman ng singsing.
Nanlalaki ang mga mata, tinakpan ni Oreo ang bibig sa ginawa ni Kristoff. Napatingin siya sa paligid at kahit ang ibang mga turista ay nakangiti at nag cheer sa kanila. He's proposing in this beautiful temple in the sky, while everyone was taking their pictures and cheering for them.
"Hershee Oreo Soliva, will you marry me?" tanong ni Kristoff sa kaniya.
Hindi alam ni Oreo ano ang dapat maramdaman. Ito pala ang binabalak ni Kristoff kaya nagpumilit ito na kasama pa rin siya kapag nagpakuha ito ng litrato, may hidden agenda pala itong pinaplano. Hindi naman sila magkarelasyon ni Kristoff para magkaroon ito ng lakas ng loob na mag propose sa kaniya.
Kailangan ba talaga nitong dito gawin ang bagay na ito sa harap ng napakaraming tao? Pakiramdam ni Oreo hindi na gumagana ang utak niya dahil huminto ito sa pag – iisip. Wala siyang maibigay na kasagutan. Lumalakas din ang tibok ng kaniyang puso. Paano nakapag – isip ng ganitong gimik si Kristoff na halos hindi nga sila magkasundo habang magkasama sila sa trip na ito?
"You told me you wanted a ring, remember?" Kinuha nito ang singsing mula sa kaheta. "You're supposed to say yes. You don't want me to look like an idiot in front of these other tourists, right?"
Wow ha! Pwede na palang mag blackmail ngayon pagdating sa mga proposals? Nababaliw ka na talaga Kristoff! Ang galing ng strategy mo! Nakakainis!
Kahit ayaw niyang tanggapin ang proposal nito, hindi niya naman kayang ipahiya ito sa ganito karaming tao. Nilibot ng mga mata niya ang paligid. Lahat ay mukhang naghihintay din sa isasagot niya. Naikuyom niya ang mga palad at huminga ng malalim.
Hindi kaya ng konsensya niyang ipahiya ito sa ganitong sitwasyon. Kahit pa hindi naman talaga sila magkarelasyon ay sasakyan niya na lang muna ang gimik nito upang makaiwas ito sa malaking kahihiyan. Ngunit hindi niya rin naiwasan na makaramdam ng kilig sa ginawa ni Kristoff.
This was indeed very romantic, bravely proposing with so many people witnessing his act, with this magnificent view of a mountain top. The azure sky was clear, the sun was up, and the wind...the wind was gentle yet frosty, touching her skin. This unreal proposal covered her heart with warmth she had never felt before – it gave her a sense of sanctuary, telling her instincts that she'll be safe with him.
But this is all fake...I'm not even your girlfriend. I don't know why you're doing this to me Kristoff but I've got to say this was out of your comfort zone...pero hindi ito totoo. How I wish that you're really in love with me.
Gagawin niya ito sa isiping ginagawan niya ito ng pabor at hindi dahil gusto niyang magpakasal sa lalaking ito. Labag man sa kaniyang kalooban ay pilit na lamang siyang ngumiti at iniabot ang kaniyang kaliwang kamay kay Kristoff.
Nakita niya ang abot – taingang ngiti ni Kristoff nang isuot nito ang singsing sa kaniyang daliri. Lahat naman ng mga taong nakapalibot sa kanila ay pumalakpak at naghiyawan. Tumayo si Kristoff at mabilis siyang niyakap.
He definitely had full control of this situation. Para akong puppet niya. Pumayag akong mahulog sa kaniyang inihandang patibong.
Hindi siya nakagalaw nang yakapin siya nito. Para bang huminto ang oras sa kaniya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at mabagal ang naging takbo ng utak niya. Nabalik lamang siya sa katinuan nang kunin ang kanilang atensyon at sumenyas na ang mga Balinese na nakuhanan na sila ng pictures.
Kailangan na nilang umalis mula sa kinatatayuan nila dahil may nakasunod na sa kanilang ibang mga turista. Masama ang tingin niya kay Kristoff nang iabot sa kanila ng mga Balinese ang kanilang mga cellphones.
Naglakad na silang dalawa palabas ng templo. Nang mapansin niyang wala masyadong turistang malapit sa kanila ay tinutukan niya ang kasamang lalaki.
"Bakit mo ginawa 'yon? We're not in a relationship. Anong gusto mong patunayan? Kahit nag – propose ka pa, malabo pa ring mapunta ito sa kasal."
Isinuksok nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon at nagkibit – balikat lamang. "You told me you wanted a ring two weeks ago. I'm giving you what you want. I'm being romantic."
Alam niya ang sukat ng daliri ko kahit wala naman akong maalalang nakapagtanong siya sa'kin.
Napatingin siya sa suot na singsing. Saktong sakto ito sa daliri niya. Hindi niya napigilan na titigan ito at mapamangha. It's a diamond ring, not too showy but very classy. Halatang pinag - isipan ang disenyo nito dahil akmang – akma ito sa sarili niyang taste. Itinuon niya ang mga mata sa nagbigay ng singsing at nagtama ang kanilang mga paningin. Napahinto siya sa paglalakad at nakagat ang ibabang labi.
Kailangan na nilang huminto sa larong ito. Nasasaktan na siya sa ginagawa ni Kristoff sa kaniya. Nagbibigay ito ng pag – asa sa puso niya na talaga ngang minamahal siya nito. Ngunit alam niyang hindi iyon tama. Kung siya lang ang masusunod ay gusto na niyang umamin sa totoong nararamdaman niya para rito.
Napagtanto niyang hawak nga ni Kristoff ang puso niya kahit ayaw niya man tanggapin sa sarili. She finally decided to stop denying what other people say about love. She accepted the fact that she may have felt 'love' for so long but didn't want to admit it.
She was too scared to acknowledge it and concede to the notion that love is real and it exists. It wasn't just some work of hormones in her brain, it's deeper than that, unexplainable feelings that even her brilliant mind could not fathom.
Subalit hindi kaya ng konsensya niyang angkinin si Kristoff kahit sabihin niya pang minamahal niya ang lalaking ito. Unfair naman talaga ang buhay. Matagal na niyang natanggap ang katotohanang ito, mula nang pumanaw ang kaniyang ina.
"Hindi mo 'ko mahal." Nagsisimula nang mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata na hindi niya namamalayan. "Tama na Kris. Huminto ka na sa pamimilit ng gusto mo. Nasasaktan na 'ko sa mga ginagawa mo."
Nakita niyang nagulat si Kristoff sa mga nasambit niya ngunit agad din itong nakabawi. "I do love you, whether you believe it or not, what I feel for you is real. Ano bang hindi mo maintindihan sa salitang mahal kita?"
"Kung totoong mahal mo 'ko at hindi ka talaga napipilitan lang sa agreement mo sa mommy ko, bakit ngayon ka lang nag propose? Hindi nga natin itinuloy ang plano na magpakasal after college since gusto kong maging doctor. Pero bakit di ka nag propose after medschool or kahit nung bago ako umalis papuntang States?"
***
What a grand proposal! Sobrang ganda ng lugar kung saan nag propose itong si Kristoff.
Inggit much! Aw! Hope you like this chapter!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top