Chapter 25

Unang araw ng pamamasyal nina Oreo at Kristoff sa Bali. Napagpasyahan nilang mag hire na lamang ng sasakyan na may kasamang driver mula sa hotel upang makarating sa unang destinasyong gusto nilang puntahan. Hindi pumayag si Kristoff na mag motorsiklo sila dahil napakadelikado raw nito. Kahit naghihimutok siyang pumayag ay sumunod na lamang siya dahil may punto rin naman ito.

English – speaking driver ang inirekomenda sa kanila ng hotel at buong araw nila itong kasama sa lahat ng lugar na gusto nilang puntahan. Mabuti na lamang at mabait din ang driver dahil ito na rin mismo ang nagbibigay sa kanila ng mga magagandang recommendations kung anong mga lugar ang magandang madaanan habang papunta sila sa Uluwatu na siyang gusto niyang bisitahin.

Bali, Indonesia is a home for beaches, volcanoes, and rice terraces just like the Philippines. But what makes it different from her home country are the Hindu Temples that were built numerous decades ago and have been a sturdy place of worship for the believers of Balinese Hinduism. The Uluwatu Temple is one of the must – see temples in the island which stood on a limestone cliff, overlooking the waves of the ocean.

Hapon na ng makarating silang dalawa ni Kristoff roon. Sinadya nilang ito na ang pinakahuli nilang pupuntahan sa buong araw dahil ang payo ng driver ay maganda raw doon panoorin ang sunset. Pareho silang nalula ni Kristoff nang makita ang kagandahan ng Uluwatu temple. Hindi na sila magtataka kung bakit dinadagsa ito ng mga turista.

Nakakamangha ang tanawin na nakikita niya. Isang templo ang nakatayo sa gilid ng bangin na napapalibutan ng gubat at sa ilalim nito ay malalakas na alon na humahampas sa mga bato. Maraming turista ang naroon at kaniya – kaniyang picture sa lugar. Hindi siya nagsisising napagpasyahan niyang magtravel ng Bali dahil napakaraming pwedeng puntahan dito.

Nang naroon na sila ay kaniya – kaniya silang kuha ng pictures ni Kristoff sa mga templong naroon sa lugar. Tahimik lang sila sa buong araw sa kanilang pamamasyal, na para bang pareho pa nilang kinakapa paano pakisamahan ang isa't – isa. Ito ang unang pagkakataon na nagkasama sila ng buong araw na sila lamang dalawa matapos ang napakaraming taon.

Kahit siya ay hindi mapigilan magkaroon ng pag – aalinlangan at pagkailang paminsan – minsan dahil nahuhuli niya itong nakatitig sa kaniya. Ngunit hindi naman siya kinakausap maliban na lang kung patungkol sa direksyon o pagkain ang sasabihin nito. Bumuntong – hininga siya at nilapitan ito habang kumukuha ng picture ng Uluwatu Temple.

"Kris, akin na phone mo." Aniya sabay bukas ng kaniyang palad sa harap nito. Nakunot nito ang noo sa sinabi niya. "I'll take a picture of you. This place is nice, you shouldn't miss it."

Saglit itong nagulat ngunit mabilis ding nakabawi. "Are you sure? Is it okay?"

"Yep, so give me your phone, bilis. Habang di pa masyadong maraming tao rito."

Ibinigay nito ang cellphone sa kaniya. Mabilis naman siyang kumuha ng maraming shots sa lalaki habang ang background ay ang Uluwatu Temple. Hindi tuloy niya napigilan mapamangha dahil photogenic din talaga itong si Kristoff. Hindi nababawasan ang kaguwapuhan nito sa personal man o sa picture.

Nang pakiramdam niya ay marami na siyang nakuha ay tiningnan niya muna ang mga ito kung hindi ba malabo ang mga pictures na kuha niya. Tinabihan naman siya ni Kristoff na nakikitingin na rin. Isa – isa niyang iniscroll sa gallery nito ang mga litrato. Napangiti siya dahil magaganda ang kuha niya sa lalaki at hindi na siguro ito mag rereklamo pa.

Patuloy pa rin siyang nag scroll sa mga pictures hanggang sa magulat na lamang siyang mukha na niya ang nakikita niya sa screen na nakatingin sa camera at nakangiti. Hindi niya naaalalang nagpapicture siya gamit ang cellphone ni Kristoff. Nagtataka man ay sinundan niya pa ito ng pag scroll at siya pa rin ang nakikita niya, puro mga candid shots ng sarili niya.

Mabilis ang kamay ni Kristoff na kinuha ang cellphone nito mula sa kaniyang kamay. Tiningnan niya ito ngunit hindi ito makatingin sa kaniya, halatang guilty. Inilagay nito sa bulsa ang cellphone, mukhang alam na nito ang maaaring iniisip niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman sa pagkakahuli niya sa lalaki.

Why did he take pictures of me?

"Stalker ka talaga. Kung gusto mo talaga akong picturan, oh ito ang cellphone ko. Paki picturan ako," ibinigay niya ang cellphone niya kay Kristoff at nag pose sa harap nito na ang background ay ang temple pa rin. Matagal bago ito nakabawi kaya kumaway – kaway pa siya para marealize nitong naghihintay siyang kuhanan nito ng litrato. Nang matauhan ang lalaki ay kinuhanan na rin siya at nag thumbs – up pa ito.

Lumapit siya rito at ibinigay nito ang cellphone niya pabalik sa kaniya. Dagli naman niyang tiningnan ang mga kuha nito at kahit siya ay napabilib sa galing nitong kumuha ng magagandang angles niya.

"Salamat, ganda ng shots mo, ah," hindi niya napigilang papuri rito. "Pwede ka ng maging professional stalker."

"Well, you're a beautiful subject." Nagkibit – balikat ito na para bang hindi ito apektado sa huling sinabi niya. At mukhang wala itong balak na burahin ang mga pictures niya sa cellphone nito kahit kinukutya na niya ito.

"Pwede ko ba ulit makita mga pictures ko sa phone mo?" Pasimple niyang tanong kay Kristoff. Sigurado siyang hindi lang iyong mga nakita niya ang mga pictures niya roon. Curious na tuloy siya kung anong mga hitsura niya ang nakunan nito.

"Sorry, no."

"That's against the law, taking pictures of people without their permission."

"I'm in love with you and that's not against the law. I'm not going to let anyone see your photos anyway." His eyes were now looking at the apricot horizon.

The charming sun was now about to set. The sun's rays were veiling the place, painting everything around them into fire orange. Even the other tourists were noisy talking and chatting, Oreo heard Kristoff's words clear and loud that actually made her heart falter.

"Ganyang – ganyan ang rason ng mga stalker. Creepy." She rolled her eyes as she watched the breath-taking sunset. "Hindi ako maganda sa mga pictures na nasa phone mo. Idelete mo 'yon."

"Nope." Tipid nitong sagot. Isinilid nito ang mga kamay sa loob ng bulsa ng suot nitong shorts.

"Ipapapulis kita." Banta niya.

"Go ahead. Marami akong pera. Kaya kong magbayad ng abogado."

"Sasabihin ko kay Enri na nauto ka niya." Napangiti si Oreo. Siguradong papayag na itong ipakita sa kaniya ang pictures niya.

"Okay." Tipid nitong sagot na halatang hindi ito natatakot sa binabanta niya. Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi naman talaga masasama ang nakita niyang mga larawan niya. Pero dahil curious na talaga siya sa mga pictures ay gusto talaga niya itong makita.

Bumuntong – hininga siya. "Sige, papayag na akong maging girlfriend mo. Just show me the pictures you took."

Sa wakas ay nilingon na siya ng lalaki at nagtama ang kanilang mga mata. Nakatayo silang dalawa at nagtititigan, ang background nila ay ang papalubog na araw mula sa karagatan. Naririnig niya ang hampas ng mga alon ngunit mas malakas ang naging pintig ng puso niya.

Ayaw niya man aminin ngunit pakiramdam niya ay nasa isang scene sila ng palabas kung saan nag slow motion ang buong paligid at may background music na makabagbag damdamin. Natanong tuloy ni Oreo sa sarili kung ito ba ang mga panahong sinasabi ng ibang kikiligin siya dahil napaka romantic ng sitwasyon.

Ngayon ay nagsisisi siyang sinabi niya ang mga huling salita na nasambit.

"Nevermind. Kung ayaw mong ipakita sa 'kin mga pictures ko, eh di wag. Just don't post them in social media dahil isusumbong talaga kita kay mama at kakasuhan kita."

Nakatitig pa rin ito sa kaniya ngunit alam niyang malalim ang iniisip nito.

"You won't delete them if I show them to you?"

"Hmmm...unless otherwise I'm naked there, I promise I won't."

Inilabas nito ang cellphone mula sa bulsa at iniabot ito sa kaniya. "Here."

Abot – tainga ang ngiti niya nang kunin niya sa kamay nito ang gadget. Isa – isa niyang iniscroll ang mga larawan. Nauna muna ang mga pictures na kinuha niya at pagkatapos ay nakita na rin niya ang mga kuha nito ng mga views na napuntahan nila ngayong araw. Subalit mas marami pa ata ang pictures ng mukha niya rito sa cellphone ni Kristoff kaysa sa sarili niyang cellphone.

"Kristoff, ang pangit ko dito, pwede idelete mo nalang 'to?" tanong niya sa isang picture niya na mukha siyang timang dahil iyon 'yong time na nakikipagtawaran siya sa isang tinderang nagbebenta ng mga sombrero.

Inilapit naman ni Kristoff ang ulo nito malapit sa kaniya upang makita nito ang larawan. Hindi tuloy niya napigilan mapasinghap dahil halos magkadikit na ang mga pisngi nilang dalawa. Naaamoy na naman niya ang pamilyar nitong mamahaling pabango.

"I don't think you're ugly there. But if you insist, sige, pero that's the only one you can delete." Napangiti siya at napatingin sa gawi nito. Ngunit iyon pala ay isang malaking pagkakamali dahil sobrang lapit na ng mukha nilang dalawa ni Kristoff sa isa't – isa. Hindi tuloy niya mapigilang mapatingin sa mga labi nitong mapula – pula.

Hindi niya alam kung ano itong nararamdaman niya ngunit ang gwapong mukha nito ay parang tinutukso siyang gawin ang isang masamang bagay. Lumalakas at bumibilis ang tibok ng kaniyang puso at pakiramdam niya ay nagkakaroon ng sariling utak ang kaniyang mukha.

Oreo felt herself being drawn to him, like a moth to a flame. She couldn't pinpoint if it was the faint trace of his cologne, or his gorgeous face, or the sheer intensity of his presence that overwhelmed her. Everything about him seemed to pull her in, disarming her usual self-control. She hadn't meant for it to happen, but before she could stop herself, the space between them vanished, and her lips found his.

The moment their lips touched, a soft, electric pulse went through her, as if her entire body had been jolted awake by the simple act. She instinctively closed her eyes, surrendering to the sensation, letting the world melt away. 

For a brief second, it felt like her heart had forgotten how to beat. Her mind went blank, every thought wiped clean as the taste of him consumed her. It was like cotton candy—sweet, dissolving with every second, but somehow more intoxicating than anything she'd ever known. 

Her senses blurred, everything else fading into oblivion. Every inch of her was lost in the kiss, like it was the only thing anchoring her to this moment.

Akala niya ay hindi na matatapos pa ang nangyayari sa kanila ni Kristoff hanggang sa mabangga siya ng mga dumaraang turista at natauhan siyang nasa public place nga pala sila! Napadilat siya ng mga mata at mabilis na humiwalay sa lalaki.

Anong klaseng katangahan ang pumasok sa utak niya at nagawa niya ang isang karumal – dumal na pagnanasa para sa kababata! Tinakpan niya ng kamay ang kaniyang mga labi.

I definitely kissed Kristoff! Oh my gulay!!! Lord, help! Ano tong kagagahan ang nagawa ko?!?!



*****

Anong masasabi niyo sa chapter na ito? Kinilig po ba kayo? Nag enjoy po ba kayo sa kissing scene nilang dalawa? 

Salamat po sa boto at mga komento.

Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top