Chapter 12
This song is dedicated for this chapter:
Dumaan ang mga araw at mga buwan. Dumaan ang unang prom ng buhay high school ni Oreo. At sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan ay si Kristoff at ang dalawa nitong kaibigan ang naging kasa – kasama niya buong gabi ng prom. Hindi na rin siya pumalag pa dahil naging masaya naman ang kaniyang karanasan na napapalibutan siya ng mga kaibigan.
Dumaan na rin ang last quarter exams nila at ang huling recognition day para sa kaniyang junior year. Sa kasamaang palad ay hindi pa rin siya nagtagumpay na malamangan si Kristoff at maagaw ang puwesto nitong first honor ng klase nila. At kahit sa buong 3rd year level ay ito pa rin ang nag top 1 sa buong rankings.
Subalit kahit ganoon ang naging resulta ay mas natatangap na ni Oreo ito kaysa dati. Naging mas bukal na sa loob niyang mag congratulate sa lalaki at hindi niya rin akalain na magiging masaya siya para rito, kahit pa hindi niya natalo ito.
Maaaring dahil naging mas malapit pa sila bilang magkaibigan ay mas naiintindihan na niya na may mga bagay nga talagang kailangan na lamang niyang tanggapin kaysa ipaglaban pa. Naging mas magaan ang kaniyang pakiramdam dahil napalapit siya sa tatlong magkakaibigan, lalo na kay Kristoff.
Isang linggo na ang nakakalipas mula nang magsimula ang bakasyon nila. Summer na at sobrang init na ng panahon. Mabuti na lang at mas gusto ni Oreo na maglagi sa loob ng bahay at magbasa ng mga libro. Naiiwan siyang mag – isa sa loob ng bahay habang nagtatrabaho naman ang kaniyang ina.
Gumagabi na at kanina pa naluto ang kaniyang sinaing. Hinihintay na lamang niya ang mommy niya dahil nakapagsabi ito sa kaniya kaninang umaga na magdadala na lamang ito ng ulam para sa kanilang hapunan. Subalit maaaring naipit ito sa trabaho dahil alas siyete na ay hindi pa rin ito nakakauwi.
"Late si mommy ah..." sambit niya saka narinig ang tumunog na telepono nila. "Baka si mommy na 'to."
Sinagot niya ang tawag ngunit hindi ang mommy niya ang nasa kabilang linya. "Oreo, si tita Emma mo 'to. Papunta kami sa bahay niyo ngayon. Susunduin ka namin, pupuntahan natin ang mommy mo."
Malumanay ang pagkakasabi ni Tita Emma ng mga salita ngunit hindi napigilan ng puso niyang kabahan. "May nangyari po ba kay mommy? Okay lang po ba siya?"
"Oo anak, okay lang siya. Nasa hospital ang mommy, may nangyari kasi sa kaniya kanina. Paalis na kami, hintayin mo lang kami diyan sa bahay niyo, okay?"
Matapos magpaalam ay ibinaba na rin niya ang telepono. Puno ng tanong ang utak niya. Saglit siyang natigilan sa narinig na nasa ospital ang kaniyang ina. Nang makabawi ay mabilis siyang tumakbo sa kaniyang kuwarto at nagbihis ng mas maayos na damit.
Maya – maya pa ay dumating na ang Tita Emma niya, kasama nito ang asawa, na tatay ni Kristoff na si Tito Henry. Nakangiti ang mga ito sa kaniya ngunit mababakas sa mga mukha nito na may bumabagabag sa kanila. Naupo siya sa tabi ni Tita Emma sa backseat. Si Tito Henry naman niya ay nasa passenger seat at kinakausap ang driver. Tahimik lang siya hanggang makarating sila ng ospital.
Hindi malaman ni Oreo ngunit kumakabog ang dibdib niya nang pumasok sila sa naturang building. Patingin – tingin siya sa mga taong nasa palagid, balisa ang mga pagmumukha at nagmamadali. Hindi niya maintindihan ang nangyayari bakit nandito ang mommy niya, sa isang lugar kung saan pakiramdam niya ay puno ng kalungkutan.
Nang makarating sila sa ikalawang palapag, ay nahinto sila sa harapan ng isang silid at si Tita Emma ang nagbukas ng pinto. Nakita niya ang mommy niyang nasa kama, nakahiga at may kung anong ginagawa sa cellphone nito.
"Mommy!" Tawag niya sabay takbo papalapit rito. Niyakap ni Oreo ang ina. "Okay ka lang po ba? Bakit nandito ka po sa hospital?"
"Oo, okay lang ako 'nak. Sorry talaga hindi ako nakauwi." Binalingan nito ang mga kasama niya nang maghiwalay sila at naupo ito. "Em, Henry, salamat ha? Naku, ang dami ko ng utang sa inyo."
"Ano ka ba, para naman tayong hindi magkaibigan niyan. Kumusta na ang pakiramdam mo?" sagot naman ni Tita Emma.
"Medyo maganda na ang pakiramdam ko. Salamat talaga at nahatid niyo si Oreo rito."
"Don't mention it. It's the least we could do for you," boses naman ni Tito Henry ang nagsalita. Naiimagine tuloy ni Oreo si Kristoff pag naging mas matanda na ito. Tuloy ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na lungkot nang sumagi sa isip niya ang mukha ng binata. Tahimik na lamang siyang umupo sa tabi habang nakikinig sa pag – uusap ng mga magulang nito at ng kaniyang ina.
Saglit lamang nagtagal ang mga magulang ni Kristoff at umalis na rin ito pagkatapos. Naiwan na siyang mag – isa kasama ang mommy niya sa loob ng malamig na kuwartong iyon.
"Oreo, kumain ka na ba? Kainin mo nalang muna 'yang sandwich." Itinuro ng ina ang pagkaing nasa ibabaw ng mesa. Tumango siya at kinuha ang sandwich at kinain ito. Gutom nga talaga siya dahil naalala niyang hindi pa pala siya naghahapunan dahil nga hindi nakauwi ang ina.
Oreo looked at her mom intently. She noticed that her mom's skin was pale, there were dark circles around her mother's eyes and that she had become thinner, too.
"Mommy, ano po pala ang sakit niyo? Bakit kailangan po kayo pumunta rito?" inosente niyang tanong matapos lamunin ang natitirang pagkain.
Sa tanong niya ay nag – iba ang ekspresyon ng mukha ng mommy niya, na para bang nag – iisip ito kung dapat bang sumagot ito sa kaniya. Napabuntong – hininga ang kaniyang ina at pinaupo siya sa tabi nito sa kama. Hinawakan nito ang kamay niya na para bang pinaparamdam sa kaniya na may sasabihin itong napaka importante.
"Nak, makinig kang mabuti, may sasabihin ako. Okay lang kung hindi mo agad maiintindihan pero kailangan maging matatag ka para sa 'kin ha?" Napalunok ito bago nagpatuloy. "May sakit ang mommy. Cancer. Noong isang taon ko pa nalaman 'to, kaya pinalipat kita sa Brighton. Kasi kapag may nangyari sa 'kin, nandyan sina Tita Emma mo."
There was a long pause. Oreo didn't know how to answer what her mom just told her. Ano nga ba ang alam niya sa sakit na cancer? Bakit parang ngayon pa lang ay nakakaramdam na siya ng pagsakit ng puso niya? Dahil alam niyang wala pa talagang gamot para sa sakit na ito.
"Mommy, gagaling ka naman po 'di ba?" Nararamdaman na ni Oreo ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Nagsisimula na ring sumakit ang lalamunan niya. "Hindi mo naman ako iiwan 'di ba?"
Hindi na napigilan ng kaniyang ina na mapaiyak. "Oreo, anak, ayaw ni mommy na iwan ka. Mahal na mahal kita. Pero hindi ba, alam naman nating may mga bagay na hindi natin hawak? May mga bagay anak na kahit gustong – gusto mo pang tumagal sa buhay mo, minsan kailangan talagang kunin sa 'yo. At ang dapat mong gawin ay tanggapin ito at pakawalan. Diyos lang ang may alam ng lahat ng bagay."
"Pero My, bakit ikaw pa? Hindi ba pwedeng iba nalang? Bakit sa 'yo binigay ng Diyos ang sakit na 'yan kung alam Niyang wala pang gamot?" Tumulo na ang mga luha niyang kanina pa niya pinipigilan. "Mommy, mag – aaral ako ng mabuti. I'll become a doctor and find a cure for you. Kaya dapat dito ka lang, huwag mo talaga akong iiwan!"
"Alam ko na magiging magaling kang doktor paglaki mo. Mana ka sa tatay mo eh, matalino." Pilit ngumiti ng kaniyang ina sa kabila ng pagdadalamhati nito. "May tiwala ako sa 'yo anak na magiging mabuti kang tao paglaki mo. At alam ko maraming magmamahal sa 'yo. Mabait kang bata, alam ko magiging maganda ang kinabukasan mo. Kaya magpakatatag ka, Oreo. Babantayan ka palagi ni mommy."
Humagulgol si Oreo. Hindi maipaliwanag na sakit ang bumabalot sa kaniyang puso dahil sa mga sinasabi ng kaniyang ina, na para bang nagpapaalam na ito sa kaniya, na para bang may pupuntahan itong lugar na hindi siya kasama.
Ano nga ba ang magagawa ng isang teenager na katulad niyang wala naman talagang alam pa sa buhay? Ano nga ba ang pwede niyang sabihin upang gumaling ang kaniyang ina? Sino nga ba ang hihingian niya ng tulong sa mga ganitong bagay? Wala na siyang tatay at wala rin siyang kapatid. Wala siyang ibang pupuntahan at wala siyang ibang maaasahan kundi ang sarili niya lamang.
There was a sudden burst of sadness, grief and anger all over her. She could feel, that piece by piece, her heart was breaking – falling somewhere beyond her reach. There were questions in her mind and she couldn't find any answers.
Her lungs felt like they were about to explode. She was starting to shrink into the reality that she's about to suffer. She was starting to feel the pain of being left by someone she loves and who loves her unconditionally. And all she could do was cry...and cry for more. Hoping that God will hear her that she never wanted to lose her mother.
"M - Mommy...'wag ka muna mamamatay...please," nasambit niya sa gitna ng kaniyang pag – iyak.
Niyakap siya nang humahagulgol na ina nang mahigpit na mahigpit na para bang ayaw siyang pakawalan nito. At naramdaman ni Oreo ang matinding dalamhati. Maaaring wala nga siyang alam sa buhay ngunit alam niyang ang kaniyang ina ay nahihirapan ding tanggapin ang pagkakasakit nito.
"Nak, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala pang gamot ang cancer. Pero gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang makita kang lumaki, at magka boyfriend, at magka – asawa. Ayoko pang mamatay, gusto ko pang makasama kita, maalagaan. Pero kung hindi iyon ang kagustuhan ng Diyos ay wala na tayong magagawa. Kaya, Oreo, magpakatatag ka at gusto ko maging malakas ka para sa 'kin. Gagawin mo 'yon, 'di ba? Para sa 'kin?"
Tumango na lamang siya habang mahigpit pa ring kayakap ang ina. Ayaw niya sanang humiwalay rito dahil nababalot na ng takot ang puso niya na baka bigla na lang siyang iwan nito. Natatakot siya sa maaring mangyari, na baka isang araw paggising niya ay talagang mag – isa na lamang siya, walang kasama sa buhay.
"Nak, magpahinga na tayo. Pagod na si mommy, alam ko ikaw rin." Pinilit siyang pakawalan nito sa pagkakayakap. "Tingnan mo 'yang hitsura mo, oh. Namamaga ang mga mata mo."
Pinahid ng mga malalambot na kamay ng ina ang kaniyang pisnging nabasa ng luha. Sumisinghot – singhot pa siya habang inaayos niya ang kumot nito at humiga na ang mommy niya. Matamlay itong ngumiti sa kaniya. "Oreo, pwede ka roon matulog sa sofa o gusto mo ba dito sa tabi ko nalang?"
"Pwede bang dito nalang sa tabi mo mommy?"
"Oo naman, halika na. Mahiga ka na rito," tinapik pa nito ang parte ng kama kung saan nito gustong mahiga siya. Ngumiti siya ng matamis. May tiwala siya sa mommy niyang hindi siya iiwan nito. Alam niyang hindi ito basta – basta susuko na lamang. Kailangan niya lang maniwala na mabubuhay pa ito ng matagal.
However, it was indeed true that there will be things she will never have control over. There will be situations she will never understand but she still have to endure. And there will be people, even how much they say they love her and she badly wanted to be with them, even hoped and prayed that they stay longer – won't stay.
Even how much she cried and screamed to God, begging for a miracle, there was nothing but suffering and pain. Oreo's mom passed away that week. And her sorrow made her believe more that she will never be loved and she will never believe that love even existed.
*****
Hindi ko po gustong maging malungkot kayo sa chapter na ito, pero kailangan ko po talaga itong isulat. Pasensya na po talaga.
Sana ay nagustuhan niyo pa rin ang chapter na ito.
Salamat sa votes at comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top