Chapter 9
"Olá! Bom Dia! Welcome to Halkita Hotel Senhor Almeida." Bati ng babaeng receptionist sa kanila nang makalapit sila sa malapad na reception desk ng hotel. It's obviously a five – star hotel with its grand and stylish lobby partnered with a great sense of hospitality. Hindi man niya naintindihan ang sinabi ng babae ay ngumiti na lang siya.
"Were you able to arrange what I requested?" tanong ni Arkhee dito.
"Certainly Mr. Almeida. Here are your key cards," iniabot ng receptionist ang dalawang keycard holders kay Arkhee at patuloy na nagsalita. "The same suite for you Senhor and for your companion, she'll have the suite that you requested."
"Right. Obrigado Mia. Keep up the good work." Abot – tainga ang ngiti ng babae nang marinig ang sinabi ni Arkhee. Nagkaroon na ng ideya si Dessa na maaring ang hotel na ito ay pagmamay – ari ng pamilya Almeida. Hindi na siya magugulat pa dahil simula nang mag deklara sila ng fake relationship nito ay kinailangan niya rin pag – aralan ang profile ng lalaki. Kahit pa peke ang kanilang relasyon ay silang dalawa lang naman ang nakakaalam na hindi ito totoo.
Wala naman talaga siyang pakialam sa networth nito pero dahil bestfriend niya si Eliza na kaanib ng alta sosyedad at mukhang kilala ata lahat ng mayayamang tao sa buong bansa, ay binigyan siya nito ng mga impormasyon. The Almeida Empire owns chain hotels and restaurants in various parts of the world. At mukhang isa na nga ang hotel na ito, pati na rin ang restaurant na una silang nagkita ni Arkhee ay pagmamay – ari rin nito.
"Here's your keycard. I hope you like your room," pagpuputol ni Arkhee sa iniisip niya nang mag – abot ito ng keycard.
"Ah...thanks. I'm sure I will." Tinanggap niya ang iniabot nito at ngumiti ng tipid sa lalaki. Napakamot ito sa ulo at parang may gustong sabihin sa kanya. Nang hindi ito makapagsalita ay nagkibit balikat na lamang siya. Dahil hindi niya mapagtanto kung anong iniisip nito kaya hinawakan na lamang ni Dessa ang kamay ni Arkhee.
"Let's go. I badly need a shower," aniya habang hinihila si Arkhee papunta sa elevator. Mukhang nagulat ata ito sa ginawa niya dahil hindi man lang ito nakaimik. Ngunit nang makabawi ito ay naramdaman niyang hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay niya.
Napansin niya rin na mas inilapit ni Arkhee ang katawan nito sa kaniya. Sinulyapan niya ito at napansin niya na bahagya itong nagpipigil sa pagngiti. Napatingin si Dessa sa magkahawak nilang mga kamay. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na mapangiti.
Nasisiraan na ata siya ng bait. Hindi ito ang nasa isip niyang pakikipagkaibigan. Hindi dapat nangangarera ang puso niya sa nangyayari sa kanilang dalawa.
'Wag kang kiligin. Hindi kayo totoong magkarelasyon.
Awat niya sa sarili dahil halatang nanlalaban na ang puso niya sa iniisip ng utak niya.
-----
"Fancy seeing you here." Bati ni Dessa kay Kristoff na naabutan niyang nakaupo sa isang bar stool at may iniinom na alak.
Bumaba siya mula sa kanyang suite matapos makapagpahinga. Nag send lang ng message si Arkhee sa kanya na magkikita sila sa restaurant ng hotel ng alas siyete ng gabi. Six – thirty pa lang kaya naisipan niyang pumunta na lang muna sa bar ng hotel at doon na magpalipas ng oras. She's not a heavy drinker but she liked to drink once in awhile just to relieve stress.
"Same." Tipid na sagot ni Kristoff sa kanya. Umorder siya ng maiinum sa bartender at naupo na rin sa katabing stool. Gwapo at matipuno rin itong si Kristoff subalit ito na ata ang isa sa pinaka tahimik na taong nakilala niya.
Kahit magkatabi sila ay parang hindi ito nag – eexist. Mukhang hindi rin ito ang tipo ng taong nag – sastart ng conversation. Nakaramdam tuloy siya ng pagkailang dahil sa bumabalot na katahimikan sa kanilang dalawa dahil mukhang wala namang plano na makipag – usap itong si Kristoff sa kanya kahit pa sabihing 'girlfriend' siya ng kaibigan nito.
"Are you also waiting for Arkhee?" kaswal na lamang na tanong niya.
"No. I think he has a date with you."
"R-right." Nag – end na naman ang conversation nila. Mukhang wala talaga itong planong makipag chismisan sa kanya o kung ano pa man.
"Do you really hate Arkhee?" muntik na siyang mahulog sa kinauupuan sa tanong ni Kristoff sa kanya. Natigilan man ay sinagot niya ito.
"Hmmm. I don't think I hate him. It's just that his actions are always random. Masyadong unpredictable at nahihirapan akong mag – anticipate ng susunod na mangyayari. Hindi ako sanay sa ganoon. I always want to know what will happen next because I'm a doctor after all. I need to know what will happen to be able to save lives. But I don't think I have to hate him for that. That's just how he is, I think." She took a gulp of her drink and breathe out heavily.
"In the business world, Arkhee is notorious for always being able to pull – off deals and contracts into his hands because of his unpredictability. But it never worked with women and it didn't bother him until you became his so called 'girlfriend'." Sumimsim muna ito nang iniinom na whisky at nagpatuloy sa pagsasalita. I guess Kristoff knew the real score between them.
"For him, you are a summit he couldn't reach. You're always few steps higher than where he is. Gusto niyang patunayan that he's better but his plans always end up jeopardizing the situation everytime he's with you. To everyone he's a great man and a good boss but to some who knew him well, he's just a brat losing his cool."
Hindi alam ni Dessa kung ano ang mararamdaman sa mga narinig. Nahihirapan siyang iproseso ang mga nalaman mula sa matalik na kaibigan ni Arkhee. Hindi niya lubos maisip na ganoon pala ang nararamdaman ng taong iyon sa kaniya. Bago pa man siya makapag react ay nagsalita ulit si Kristoff.
"Arkhee tried to avoid you for a month because he thought you were disgusted towards him after acting like a child in front of you when we met in his office. He acted like your stalker everytime he's in the hospital. And I have to give him a lecture for being immature on how he brought you here too in Rio."
Sa wakas mukhang nakabawi na siya sa pagkagulat at nagawa na rin niyang sumagot. "B- but I'm just a nobody. He didn't have to feel that way..."
"Not to him. Believe it or not he looks up on you. Like a teenager who has a crush on the valedictorian of their class." Nilagok ni Kristoff ang natitirang inumin at tumayo. "I just wish you will like him more."
Like him more? Iyon lang at umalis na ito. Hindi na niya narinig pa na magpaalam ito dahil nalulunod na siya sa sariling kaisipan. Hindi niya lubos akalain na ganoon pala ang pagtingin sa kanya ni Arkhee. Si Arkhee Almeida na milyong dolyar ang networth, nirerespeto sa mundo ng pagnenegosyo at isa sa pinaka gwapong bachelor ng bansa ay iniisip na she's unreachable.
Siya na normal na babae at hindi nga halos makapag – make up kung minsan ay hinahangaan ng isang millionaire at iniisip pang hindi siya maabot nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maging masaya sa nalaman dahil kung titingnan ang realidad ng buhay nila, si Arkhee naman talaga ang unreachable sa kanilang dalawa.
He's out of her way – out of her comfort zone. Kaya bakit iniisip ng lalaki na hindi nito siya kayang abutin? Dessa felt the guilt covering her heart. She wanted him to feel comfortable and at ease towards her. She wanted him to like her...more too.
*****
A/N:
Did you know that the language spoken in Brazil is Portuguese?
What is the capital city of Brazil?
Salamat po sa pagboto at comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top