Chapter 8

"We're going to Rio, in Brazil. I hope that's fine with you." Sa pagkarinig ng sinabi nito ay para siyang sinampal ng malakas. Wala sa expectation niya na ang weekend getaway nila ay hindi lang out of the country but out of the continent of Asia pa. Talk about being unpredictable – which she disliked the most.

"You're always unpredictable, always exceeding my expectations. Should I be happy or should I start hating you?" Pilit niyang pinakakalma ang sarili bago patuloy na nagsalita. "After a month avoiding me, you forced me out from my workplace, brought me home and asked me to bring things I need for a weekend trip, which apparently is on the other side of the world. Ganito ba ako kapathetic sa'yo and you have to manipulate me?"

Natigilan ito sa mga sinabi niya at makikita sa pagmunukha nito ang pag – aalala. "I...I'm really sorry, Dess. I...just want--"

"It doesn't matter. The damage has been done. I'm going to sleep. I'm sure this will be a long trip." She said coldly and then leaned her head on the other side and closed her eyes. For Dessa, there was no point arguing with Arkhee. Kahit pa siguro magtatatalak siya at awayin ito ay walang mangyayari.

Nasa ere na sila at wala na siyang magagawa pa kundi ang ikalma ang sarili. Ngayon ay mas nagiging malinaw na rin ang nararamdaman niya sa lalaki. Hindi niya pwedeng magustuhan ang taong ito dahil lahat ng prinsipyo at panuntunan niya sa buhay ay binabasag nito. At iyon ang pinaka – ayaw niya sa lahat.

I will never like you.

"I --" mukhang may sasabihin pa ata ito ngunit hindi na rin naituloy pa ng lalaki. Narinig niyang bumuntong – hininga ito at nag – unfasten ng seatbelt. Hindi na niya inisip pa kung anong gagawin nito at nag – focus na lamang siya sa pagpapahinga. Alam niyang matatagalan pa bago sila makakarating sa pupuntahan nila at kapag ganitong nastress siya ay mas pipiliin niyang matulog.

Maya – maya ay nakaramdam siya ng pagsakit ng pantog niya. Mukhang kailangan na niyang bumisita ng banyo kaya paisa – isa niyang binuksan ang mga mata. Hinagip ng kanyang paningin ang kinauupuan ni Arkhee ngunit wala na ito roon. Nakahinga siya ng maluwag. Sa totoo lang, ayaw na muna niyang harapin ang lalaki dahil sa ginawa nito sa kanyang pag mamanipula. 

Tumayo siya sa kinauupuan at tumungo sa pinaka malapit na lavatory. Ngunit bago pa man siya makapasok sa loob ay may narinig siyang malalakas na boses sa loob ng cockpit na nagsasalita. Hindi niya napigilang maki – usyoso dahil mukhang mga pamilyar ang mga boses na naririnig niya. Inilapit niya ang tainga sa pintuan ng cockpit upang mas marinig pa ang pinag – uusapan ng mga taong nasa loob.

"She hates me Kris! She said I manipulated her! What should I do now?" anang isang baritonong tinig na bakas sa boses nito ang parang pagkabigo.

"You did manipulate her. Serves you right." Sagot naman ng isang lalaki na mukhang walang pakialam sa nararamdaman ng unang nagsalita.

"Bakit ba kasi hindi mo sinabi ng maaga sa kanya?" anang isang boses na hindi masyadong pamilyar.

"He's just a poor man who's good with dealing business but not with women." Malamig na sagot ng pamilyar na tinig ni Kristoff.

"I need help!" na mukhang napagtanto na rin niyang si Arkhee ito at mukhang siya rin ang topic of conversation ng mga nasa loob. Habang nakikinig ay hindi maiwasan ni Dessa na matawa. Hindi ito ang kilala niyang Arkhee Almeida na nanghihingi ng tulong sa iba. Kapag siya ang kaharap nito ay palagi itong seryoso at parang palaging may pinatutunayan.

"I can't help stupid people. Besides, you told me to stay out of your personal life."

"I take it back! Just help me please!" anito na parang nagmamakaawa.

"Why would I? Do you even love her?" and then there was a long pause. And that long silence inside the cockpit made Dessa realize something. In his hesitation to answer Kristoff's question, Dessa knew she can't entertain whatever her heart was feeling towards Arkhee anymore. Nawala na ang mga ngiti sa mukha ni Dessa. 

Umatras siya mula sa kinatatayuan at mabilis na pumasok sa loob ng lavatory. Ayaw na niyang marinig pa ang sagot ni Arkhee sa tanong ng kaibigan dahil alam na niya ang isasagot nito.

Napasandal siya sa pinto at napahawak sa kanyang dibdib. Kahit alam na niya ang sagot bakit nasasaktan ang puso niya? Bakit may kirot siyang nararamdaman kahit alam niyang iyon naman ang katotohanan? Bakit hindi niya mapigilan makaramdam ng kalungkutan sa nalaman? 

Hindi siya mahal ni Arkhee. Period. It shouldn't be a big deal. She should be happy because this was what she expected from him. Why would she expect him to love her when she even declared on herself to never like this man?

Then why...why can't she stop her eyes from letting these tears fall down on her cheeks?

"Stop crying, stupid. You need to move on. He doesn't love you and you don't love him too. Nagising ka rin sa katotohanan." Pagpapakalma niya sa sarili habang pinupunasan ng tissue ang kanyang mga pisngi.

Don't like him. Don't love him!

Matapos niyang makapagbanyo ay inayos ni Dessa ang sarili. Huminga siya ng malalim bago lumabas ng lavatory. Ang buong akala niya ay nasa loob pa rin ng cockpit si Arkhee ngunit nabigla siya nang makita itong nakaupo na sa couch na katapat ng sa kanya. 

Nag – iwas siya ng tingin at diretso na siyang umupo sa kaniyang puwesto. Hindi na siya mag – iisip pa ng malalim tungkol sa kanila ni Arkhee. She's going to act as normal as possible. She's going to stop herself with all her might to suppress all her thoughts about this man.

Kailangan ko nang magtino kung hindi masasaktan lang ako sa huli.

-----

Rio de Janeiro, Brazil.

The breath – taking, giant 'Cristo Redentor' is one of the most famous landmarks in Rio and all over Brazil. Napanganga si Dessa habang pinagmamasdan mula sa bintana ang napakalaking istatwa ni Hesu Kristo. Nakatayo ito sa itaas ng Corovado Mountain. It was one of the most gigantic and beautiful statues she had ever seen. 

She had travelled to places and to different countries because of her work but it's her first time to visit Brazil. Kaya naman manghang – mangha siya dahil sa internet niya lang ito nakikita. Napakaganda ng Brazil at alam niyang ang Rio ang isa sa may pinaka magagandang beaches din sa buong mundo. Ngunit para sa kanya, hindi niya pa rin ipagpapalit ang mga beaches sa sariling bansa.

"I hope you will like this place Dess..." narinig niyang nagsalita si Arkhee. Sa tinagal tagal ng binyahe nila, mukhang ngayon lang ito nagkalakas ng loob na kausapin ulit siya.

They didn't talk after she went back from the lavatory. She fell asleep after that and after a couple of hours, she woke up with the view of the Christ the Redeemer Statue out from the window.

"I hope so, too." Nilingon niya ito at pasimpleng nag bigay ng matipid na ngiti. "Thanks anyway."

Bahagyang nag – iba ang ekspresyon nito nang magtama ang kanilang mga paningin. Napaka amo ng pagmumukha ni Arkhee na para ba itong bata na tuwang – tuwa na pinansin niya ito. Mababakas sa mga mata nito ang kasiyahang nadarama.

"You don't have to be so happy, you know." Kibit balikat niyang sabi. She's trying so hard to act casually despite the fact that her heart could not stop from beating loudly inside her chest. She promised herself to never entertain these feelings anymore.

"I just felt relieved. I thought you're never gonna to talk to me again..." pakamot – kamot pa ito sa ulo.

Why is he so adorable? But delete...delete! You can't think of him that way anymore Dessalina!

"Hmmh...I'm still your 'girlfriend', per se. And I haven't actually thanked you for helping me out with Gio. So, don't worry..." kinindatan niya ito ngunit sa ginawa niyang iyon ay namula ang lalaki at mabilis na nag iwas ng tingin sa kaniya.

Napailing na lamang si Dessa sa nakitang reaksyon mula kay Arkhee. Nagsisimula na siyang makilala pa ng lubos ang binata at para sa kaniya ay hindi naman siguro masamang maging magkaibigan na lamang sila. 

Mukhang mas gusto na rin niya iyon upang hindi na maging komplikado pa ang nararamdaman niya. Hindi na nawala ang mga ngiti niya sa labi nang ibalik niya ang tuon sa view at humanga sa destinasyon ng kanyang weekend getaway. 

*****

A/N:

What else do you know about Brazil?

Salamat po sa pagboto at comments!

Love & Light,

BC

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top