Chapter 13
Dessa smiled while gazing back at Arkhee. Her heart was happy with what she heard from him and her face couldn't deny it anymore.
Before she can say anything, he continued expressing himself. "I did stupid things and I made you angry for so many times. I know it's hard for someone like you to like me. I'm not as smart as you and I don't save lives like you do. I'm just a nobody compared to you...but I'll do everything if that would mean that you'd give me a chance that you'll like me back too..."
Halos natutunaw ang puso ni Dessa sa mga narinig. Sa kabila ng pagiging isang napakayaman at successful businessman ay napaka mapagkumbaba nito at hindi man lang iniisip na ang sarili nitong mga nakamit sa buhay ay dapat rin namang ipagmalaki.
Hindi na siya magtataka pa kung mahulog na ng lubos ang loob niya sa lalaki at tuluyan na niyang mahalin ito. Kinakabahan man ay napagdesisyonan niyang magsabi na rin dito ng totoo.
"I like --" hindi na niya naituloy pa ang gusto niyang sabihin kay Arkhee dahil may kung sinong matangkad na lalaki ang pumagitna sa kanilang dalawa at bumati ng napakagiliw.
"Olá lovebirds! Mukhang seryoso kayo sa pinag – uusapan niyo! Is it a confession of love?" nilingon siya ni Ash na halatang nanunukso na naman. Sa palagay niya ay ipinanganak ang taong ito upang mang – asar.
"Maybe. Who knows..." kibit – balikat niyang sagot. Hindi niya papatulan ang pang – aasar nito. Kahit pa mukhang nabasa nito sa kanyang pagmumukha na may gusto siyang ipagtapat kay Arkhee.
"Por favor Ashhhhhh! She was about to say something!?!? You idiot! Go away!" naiinis na sigaw ni Arkhee sa kaibigan.
"Oh really? What are you about to say Doctor? Hmmm?" mapang – asar talaga itong si Ash.
"Me? Nothing in particular. I don't think it concerns you. Now, if you'll excuse me. I think you two have something to sort out." She mischievously smiled at Arkhee. Halata kasi sa ekspresyon nito ang inis dahil hindi niya naituloy ang gusto niyang sabihin para rito. Tumalikod siya sa mga ito sabay sambit ng bye sa salitang Portuguese. "Tchau!"
"Teka sandali Dess --" pahabol pang tawag sa kaniya ni Arkhee ngunit hindi na niya pinansin ito at dali – dali na siyang naglakad papunta sa hotel nila.
"Forgive me for disturbing your moment meu amor but we have to go to Kristoff." Narinig niya pang sinabi ni Ash. Hindi na lumingon si Dessa hanggang sa makarating siya sa hotel. Mabilis niyang tinungo ang elevator at kapag kuwan ay nakabalik na rin siya sa kanyang silid.
Halos manlupaypay siya ng sa wakas ay makaupo siya sa sofa. Nanghihina ang mga tuhod niya at parang ngayon lang rumehistro sa buong katawan niya ang mga nangyari sa kanila ni Arkhee Almeida. She teased him which led him to steal a kiss from her. He confessed for real and she almost did too! Ano bang pumasok sa utak niya at kamuntikan na siyang umamin sa totoo niyang nararamdaman para rito?
You almost made a mistake Dessalina!
She sighed in relief. Siguro nga hindi pa ito ang tamang panahon upang maipagtapat niya ang saloobin para kay Arkhee. Tadhana na ang gumawa ng paraan upang mapigilan siya na sabihin ang kung ano mang feelings na meron siya para rito.
-----
Kinagabihan, matapos nilang mataimtim na mag – dinner ni Arkhee ay niyaya siya nitong maglakad – lakad muna sa beach. Si Arkhee ang tipo ng lalaking hindi mahilig sa crowd at party.
Pumayag naman si Dessa kahit pakiramdam niya ay parang may isang malaking distansya sa kanilang dalawa. Hindi masyado itong umimik nang kumakain sila ng hapunan at mukhang naimpluwensyahan rin siya ng pagkailang nito dahil hindi rin siya makapagsimula ng conversation.
Huminga siya ng malalim. Nag – iipon siya ng lakas ng loob upang basagin ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa. Only the waves were making noises at that moment and the distant chatters from people who were also at the beach. Nakagat niya ang ibabang labi.
"Thank you...for bringing me to Rio." Aniya ngunit ang kanyang mga mata ay nakatuon sa buhangin sa kanyang mga paa. "Kahit parang kidnapping ang ginawa mo nung una. Pinapatawad na kita. I'm happy to spend my weekend here."
Napahinto sila sa paglalakad at nilingon niya ito nang hindi ito agad nakasagot sa sinabi niya. Walang ekspresyon ang mukha nito kahit side view lang ang nakikita niya. Nakaharap ito sa dagat at mukhang napakalayo ng iniisip.
"Me too. I'm happy to spend time with you." Mahina nitong sabi na parang may pag – aalangan pa.
"It doesn't sound like you're happy."
"No...I'm really happy. I...just don't know how to make you happier without being a jerk..." Bumuntong – hininga ito bago nagpatuloy. "I want to know you more. I want to know what you like and what you don't. I want to talk to you all the time because you're so smart and beautiful...kahit minsan you're mean and you tease me a lot. But I don't know how to do that without pushing myself too much on you. I don't want you to reject me like what you did with Gio. But he's an as$ho$e so he deserved it. I just want to become your real boyfriend..."
Palihim siyang napangiti. Ayaw niyang magpahalata rito na kinikilig na siya sa mga pinagsasabi nito. Tumikhim siya saka nagsalita ng pabiro. "Hmmm...Marami ka namang pera at gwapo ka rin naman. Hindi na rin masama kung papatulan kita. Kahit minsan masyado kang mabilis maasar."
"Ahuh...well, I didn't know that teasing is one of your assets. I should have asked Ash for counter measures."
"Right. He's a teasing master after all. I should become his disciple. I think he's matchless."
"Nah...I doubt that. If Ash is a master of mockery, then there's a grand master. Iisang tao lang ang hindi matalo – talo ni Ash pagdating sa pang – aasar."
"Really? And who would that be? Gusto kong magpaturo ng new tricks sa kaniya. Sarap mo kasing asarin."
"Huh! You'll never find her!"
"Her? So she's a girl? Mas lalo ko siyang gustong hanapin. Pahingi ng number niya?" Kunwari pa niyang inilabas ang cellphone niya at iwinagayway ito.
"I'm okay with you teasing me. Kahit everyday pa. Just don't tease any man other than me." Sa mga pagkakataong iyon ay naging seryoso na ang tono nito.
"Hmmm...I won't. I'm your girlfriend. I shouldn't flirt with other men and you can't flirt with other women too." Huli na upang bawiin niya pa ang kanyang sinabi. Napapikit siya nang wala sa oras at naikuyom niya ang mga palad.
"Deal. So...I'm your boyfriend? For real?" Binuksan niya ang mga mata at sinulyapan si Arkhee. Nakatitig ito sa kaniya. His eyes were asking for an answer. Kahit dumadagundong ang puso niya ay pinatatag niya ang sarili at matapang itong tiningnan sa mga mata.
"Y- yes. I guess? We can officially say we are in a relationship," ngumiti siya ng matamis at kinindatan pa ito.
"Yahoo! Thank you, Lord!" Itinaas nito ang dalawang kamay na para bang may napanalunan ito.
"Wow ha...halos lahat naman ata ng tao ay iniisip that we are in a relationship, tayo lang naman ang nakakaalam that it was fake. What's the difference now?"
"Well for starters, even if you haven't told me you like me too, I know that I have a chance. I'm just going to make you like me more so you can say it to me someday. And maybe...love me, too."
Hindi niya inakala na makukumbinse ng puso niya ang utak niya na pumasok sa ganitong sitwasyon. Hindi pa man niya nasasabi sa lalaki ang totoo niyang nararamdaman para rito ay alam niya sa sarili niya na nahulog na rin ang loob niya para kay Arkhee.
Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit hindi niya magawang aminin ito kahit sa sarili. Nasa denial stage pa siya, nahihirapan siyang tanggapin na ang inaayawan niya noong una dahil sa pagiging unpredictable ng taong ito ay siya na ngayon ang nagpapasaya sa kaniya.
Alam niyang namula ang kaniyang mukha sa sinambit nito. Hindi na kinakaya ng puso niya ang sobrang kilig na nararamdaman. "Let's see. I'll wait for it then."
"Ahhh..." Napakamot ito sa ulo na halatang may gustong sabihin ngunit nauunahan ng hiya.
"What is it Arkhee Almeida?"
"Ahmm...can I...for a start...can I at least hold your hand?" anito na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. She chuckled in amusement. She felt like they were teenagers having their first date and having a relationship for the first time.
It was a feeling she barely remember anymore. It took her a long time to get involved with another man after her last relationship a few years ago.
But I guess it's worth the wait if I ever end up spending my life with you.
Hindi na siya sumagot pa sa tanong nito bagkus ay siya na mismo ang unang humawak sa kamay ni Arkhee. Naramdaman niya ang kuryenteng dumaloy sa kaniyang buong katawan. Napahigpit tuloy siya ng hawak sa kamay nito. Bahagya niyang sinilip ang mukha nito at nabanaag ang ngiti sa mga labi ni Arkhee.
I like you very much Arkhee.
*****
A/N:
Hala...finally, Dessa did not deny her feelings...but the thing is, siya pa lang ang nakakaalam. Paano naman si Arkhee?
Thanks for the votes and comments!
Love & Light,
BC
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top