Chapter Seventeen

Song: obvious- Ariana Grande

Likable 

I went to work early the next day. Hindi ko na nireplyan pa ang huling mensahe ni Archer dahil para saan pa? 'Di ko rin naman alam ang dapat sabihin, e.

If he's going to tease me about it, I can just make up an excuse that I... slept on him and that I have no interest in replying to his last message anymore.

Nakakainis din kasi ang isang 'yun, e. Nakakagulat palagi ang mga sinasabi kaya hindi ko rin tuloy alam ang gagawin minsan! If I could only request him to give me a warning every time he'll say things like that, I definitely would!

Carmela's already waiting for me at the cafeteria when I arrived at the hospital. Maaga ang magiging lecture naming kasama si Lucas ngayon dahil may importante din ata siyang aasikasuhin.

Kita ko agad ang mapaglarong ngisi ni Carmela nang matanaw niya akong papalapit. Talagang mabilisan niyang nilunok ang kinakain niya para lang makulit agad ako.

"'Di ka tumawag sa akin kahapon! Sabi ko sa'yo tumawag ka, e!" sipat niya nang maupo ako. She pouted.

"Ano ba kasi ang dapat kong sabihin? It's not that interesting."

Tamad akong sumandal sa upuan ko at humalukipkip. Pinag-iisipan ko pa kung ano ang kakainin ko ngayon. I already had my coffee at home. Si Carmela naman kumakain ng sandwich ngayon.

"Anong hindi interesting ka diyan? Kwento mo nalang! Ano ba kasi ang nangyari?"

And because she's my best friend and I trust her so much, I ended up telling her what happened yesterday night. Ang gaga akala mo nakikinig sa isang case dahil tutok na tutok sa akin. I rolled my eyes when a teasing smile crept into her lips when I finished.

"He definitely likes you, Fel." Aniya.

I shake my head. "He just likes making fun of me."

"Making fun of you? He complimented you twice! And you told me na out of nowhere niyang sinasabi 'yon! He probably can't control his feelings so he just suddenly blurts it all out."

I scrunched my nose. Hirap parin akong paniwalaan iyang mga sinasabi niya. Sobrang imposible lang kasing tingnan, e. I really feel like he's not the type of guy to like someone so easily. At isa pa, sigurado din ako na 'di hamak na mas magaganda namana kaysa sa akin iyong mga nakakasama niya sa trabaho.

Kaya... bakit ako?

"Believe me, Fel. Malakas ang kutob ko sa mga ganyan." Carmela tried to convince me again about her unbelievable theory.

"If he likes me, Carmela, then so what? I mean..." natigilan ako dahil hindi ko talaga maisip ang posibilidad ng mga sinasabi ng kaibigan ko. "I mean... I don't get it. If he likes me, why don't he just tell me? Malakas nga ang loob niya na biglang mag-sabi ng kung ano-ano tapos 'di niya magawang umamin?"

Humalakhak siya at tinapik ang braso ko. Ngumuso ako.

"E, baka kasi nagpapakipot pa!"

"We're not teenagers anymore. 'Di na uso magpakipot ngayon. If you like someone, you tell them."

"O baka naman hinihintay niyang ma-realize mo?"

Ako naman ang natawa ngayon. "Ay, hindi naman ako na-inform na guessing game pala 'to? At kailangan ba huhulaan ko pa para lang makumpirma ko kung gusto niya nga talaga ako?"

"O baka naman nag-iipon pa ng lakas ng loob! Ikaw naman, e!"

Tingnan mo nga ang isang 'to! Lahat na ata ng pupwedeng ipalusot, sinabi na para lang mapatunayan na tama nga ang hinala niya.

"Hindi na niya kailangan nun! Ang lakas na nga niyang mang-asar na may gusto daw ako sakanya, e. As if!"

Carmela smirked. "Wala nga ba talaga?"

Sinamaan ko siya ng tingin. Kulit din nito oh!

"Kung may gusto man ako sakanya, umamin na sana ako."

"Wow! Brave girl naman pala! Sabagay, ang tapang mo nga namang umamin kay Lucas noon."

Ako naman ang napangisi sa sinabi nyang iyon. I remember those days. Though I confessed to Lucas through letter, malakas parin ang loob ko na i-approach siya kahit na alam na niyang may gusto ako sakanya.

Hindi rin ako natatakot na ipakita sa kanya ang nararamdaman ko dahil bakit ko ikakahiya 'yon? Normal lang naman 'yon.

"Gano'n talaga, Carms. Hindi ba't gano'n ka rin? Umaamin ka kaagad kapag gusto mo 'yung tao?"

"Oo naman!" proud niyang sagot. "Kaya nga magkaibigan tayo, e."

"E, bakit 'di ka umamin kay Alex?"

"'Di ko naman gusto 'yon! Triny kong gustohin pero hindi ko pala kaya."

I snorted. I can't believe her. She's really crazy but I love her for it.

"Ano 'yang feelings mo may premium at trial version? Baliw ka talaga!" natatawa tawa kong sinabi.

Pagkatapos naman noon ay bumili na ako ng pagkain. Hindi pa naging sapat kay Carmela iyong sandwich na kinakain niya kaya bumili rin siya ng kanin.

Hindi na bumalik pa ang usapan namin kay Archer. Napunta nalang ang usapan namin sa aming susunod na rotation. Nakakaisang buwan na kami sa pediatrics at isang buwan nalang ay tapos na kami dito at lilipat na ng ibang department.

As I was finishing preparing myself up for our shift for today, I suddenly remembered what Archer told me last night. He told me that I looked better with my hair down. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin habang nakababa ang buhok.

Nanatili akong nakatitig doon habang busangot ang mukha. Should I keep my hair down then? But why would I? Just because he told me I look better when my hair is down, doesn't mean I'll follow him!

I shudder at the thought and quickly put my hair up in a high ponytail. Inayos ko ang buhok ko. I fixed my wispy bangs. Si Carmela ang gumupit nito noong nag-stay siya sa amin. Ginusto ko rin naman dahil ganito ang mga bangs ng mga Koreana. Tapos Koreano pa ang tanong gusto ko kaya... baka naman.

Sobrang ikli pa nga nitong una kaya ilang mura din ang inabot ni Carmela sa akin nang magupit niya. The witch made me a laughing stock and she wasn't even sorry about it! Mabuti na nga lang at humaba na ito at hindi na kailanganang i-clip gaya ng palagi kong ginagawa.

Sama-sama kaming nag-tungo ng mga co-interns ko sa lecture room at naghintay na mag-simula na ito.

I suddenly wished that I can still work with Lucas even if we're not in the same department anymore. O 'di kaya, sana niya parin ang maghandle sa aming mga interns. After all, he's a great resident. A lot of attending physicians trust him.

I listen intently to Lucas as he discusses about pediatric emergency. At syempre, dahil nga may gusto ako sa nagdidiscuss, hindi ko maiwasang mawala sa focus nang dahil sa kakatitig sakanya.

I watch as his soft and pinkish lips moves as he speaks. His eyes are a bit chinky, too, which made him more Korean. Makinis rin siya at... mabango. Iyan ang napansin ko sa tuwing malapit siya sa akin.

I blushed just by remembering all the times we were near with each other.

Habang kagat ang dulo ng ballpen ko, bumaba naman ang tingin ko sa kamay niya. Sinundan ko iyon habang may itinuturo siya sa white board. I noticed that his hand veins were visible. A small smile crept into my lips because I realized that's one of the things that I like about him.

I like that his visible veins reach until his forearm. It makes him even more attractive. Hindi ko napansin na ngiting-ngiti na ako dito habang tinititigan siya. I just can't believe that a man like him exists in this world. I feel so lucky to be in the same era as him.

After my eyes scanned the veins on his hands, my eyes then lingered on the thing in between his legs. Namilog ang mga mata ko at agad nan amula ang pisngi nang marealize ko kung saan nagawi ang tingin ko. I quickly looked away.

Damn you, Fel! Kung saan-saan napupunta 'yang mata mo! Umayos ka nga!

I almost choked until it turned into heavy cough. I tapped my chest as I continue to cough. Naramdaman ko ang pagbaling nila ng tingin sa akin kaya mas lalo kong iniwas ang mukha sa kanila. I'm still blushing damn it!

"Are you okay?"

Agad akong natigilan nang marinig kong magtanong si Lucas. I cleared my throat as I slowly turn to look at him again. I tried my best to look at him straight in the eye and not anywhere else dahil delikado na.

"O-Of... course," I coughed. "Yeah. I'm okay."

I smiled so wide at him just so he would really believe that I'm okay. I even gave him a thumbs up so it would look believable.

Carmela leaned to me and gave me a worried look. She gently caressed my back.

"Are you okay?" she asks.

"Yeah... yeah..." I answered and went back to listening to Lucas' lecture and not think about anything else.

We had a question and answer portion answer after that and thank God because I still did pretty well. May mga mali mang nasagot, but it's part of the learning process. Mabuti nalang din at hindi obvious na medyo nagzo-zone off ako kanina kakaisip kay Lucas.

"I've got a case to work on now, Fel. I'll see you later. Bye!" Kumaway si Carmela sa akin pagkatapos ng lecture namin.

I waved at her back and went through with my patients. The ER isn't as chaotic like the previous days.

So far, wala pa naman akong na-eencounter na life threatening cases. Naging abala lang ako sa pag-check ng luma at mga panibago kong pasyente na nakaadmit dito.

Abala ako sa pag-tingin sa hawak kong chart nang mapadaan ako ng nursery. The sound of babies crying reminded me of the time I babysit my nephews.

Nakakamiss pala noong bata pa sila. I wish I could babysit Kuya Dom's child too when Serena gives birth. Wala atang pamangkin na hindi dumaan sa pagbe-babysit ko.

As I was walking, I heard my phone beeped for a message. I grabbed my phone inside my pocket to check who it was. 

At first I was expecting that it to be my colleagues asking me to go have lunch with them. But then a certain Archer Emmanuel Olivarez appeared on my screen.

I lazily opened my phone to check his message.

Archer Emmanuel Olivarez: aww seen

"Tss."

I sigh and turned off my phone again. I seriously don't need this right now. Ano naman 'di ba kung 'di nagreply? Required ba?

Lalakad na sana akong muli nang matigilan lang nang makita ko kung sino ang resident na nasa loob ng nursery.

My mouth parted when I saw Lucas carrying a new born child in his arms. Hinehele niya ang bata upang patigilin ito sa pag-iyak.

The scene instantly made me smile. May kung ano pa siyang binubulong dito kahit na alam niya namang 'di pa siya naririnig o naiintindihan noong bata.

Sandali ko tuloy nakalimutan ang dapat kong gawin dahil sa nakita ko. He's going to be a great father to his children. Sobrang swerte naman ng mapapangasawa niya.

Swerte ko pala... char.

Mas naamaze ako sakanya nang mapakalma niya ang bata. Dahan-dahan niyang binaba ito pabalik sa higaan niya. He then proceed to check on the newborn child.

Napabaling ako sa gilid ko nang makita kong may mag-asawa dito na sinisilip ang anak nila.

"There she is!" The wife pointed.

Ngiting-ngiti ang asawa nito at kumakaway pa sa may bintana.

"Aww! She's so cute! Look at those tiny hands..."

I smiled. I really appreciate this kind of moment because I can see how genuine the parents feel towards their child.

Pag-baling kong muli kay Lucas, nakita ko siyang may bitbit nang panibagong bata. The child's awake and Lucas is caressing its tiny cheeks lightly.

Napaangat naman siya ng tingin sa gawi namin at nagulat siya ng makita ako. I waved at him and smiled.

Oh shit, Fel! Try to act normal. 'Wag mo sanang ilaglag ang sarili mo na kanina ka pa dito.

He motioned me to come inside in which I immediately obliged.

Lucas smiled a bit and when I came nearer. Sinilip ko ang bata na hawak niya at mas lalong napangiti nang makita kong mulat ang mga mata nito.

"Hello, baby."

At some point, bigla akong napaangat ng tingin kay Lucas. Napasulyap din siya sa akin dahil sa kuryosidad. He raised a brow.

I pursed my lips and tore my eyes away from him as I was shaking my head so he won't see how hard I'm trying to hold my smile.

Pakiramdam ko kasi para sa kanya din iyong bati ko sa bata, e. My heart leaped because of that.

Hay nako, Felicity! Parang tanga!

Oh my gosh! I wonder how would it feel if I'll address Lucas as 'baby'. I'll probably die in peace if ever that happens.

"Kanina ka pa sa labas?" tanong niya.

"Ah, hindi. Kakadaan ko lang nung nakita mo ko."

Osige, Felicity, palusot pa!

Tiningnan ko nalang ulit iyong bata para 'di na maging mahalata pa na nag-sisinungaling ako. Obviously, kanina pa ako dito. Kung ano-ano na nga agad ang naisip ko, e.

I gasp when the baby burped. I smiled in awe.

"Aw! He burped!"

Lucas scoffs and continued to cradle the baby.

"You want to hold him?" Lucas offered.

"Sure!" I said excitedly and put the chart down on the table near us.

Ipinasa ni Lucas sa akin ang bata at maingat ko itong kinuha sa kanya. Hinele ko ang bata habang tiningnan itong nakatingin lang sa akin.

"Hello there, little one." I said cutely.

The baby continued to stare at me with his mouth open. Inaalu ko ang bata at kung ano-ano nang mukha ang ginagawa ko para mapangiti lang ito.

"I think he likes you." Ani Lucas nang makita niyang bahagyang napangiti ang bata.

"Really? Maybe I really am likable." biro ko.

"Well, you are."

When he whispered those words, my eyes immediately widened. Muntikan ko pang makalimutan na may hawak akong bata sa bilis ng pagbaling ng tingin ko sakanya.

Did he just...

"What?" I asked, pretending that I didn't hear a thing.

Hindi ako tiningnan ni Lucas at nanatili lang ang mga mata niya sa bata. Wala ring ano mang emosyon sa kanyang mukha kaya 'di ko rin alam kung sinasadya niya ba 'yon o baka guni-guni ko lang 'yon.

But I heard it clearly!

"Look, he's holding my finger."

Iyon ang naging dahilan upang mapabaling akong muli sa bata. I smirked. Yes, the child is indeed holding his finger but I'm pretty sure that he only said that so I will divert my attention into something else.

I bit my lower lip to stop myself from stifling a smile.

Tinitigan ko ang batang hawak ko at halos pasalamatan ko na ito sa isip ko.

Mabuti nalang pala hinawakan kita...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top