Chapter 39


The day of the baby shower came.

The event place were filled with blue and pink decorations. May tree doon kung saan hati ang kulay ng dahon sa pink or blue. Ang pink and blue leaves na 'yon ay inilagay ng mga bisita sa kung anong hula nila sa magiging gender ng baby sa sinapupunan ko.

Ayon sa event planner, ang cake na nanditong kulay puti ay may kulay sa loob. Kapag hinati namin ni Hunter, doon malalaman kung babae ba or lalaki ang magiging anak namin. And then may magpapaputok ng malaking balloon sa itaas namin kung saan sasabog doon ang confetti na may color representation ng magiging gender ng bata.

Maraming bisita ang pumunta. Since gabi ginanap, many employees were here, especially mga taga-accounting department. Maybe Hunter told them they should come. Tutal mahaba rin naman ang inilagi ko doon. Almost three years. Isa pa, sinabi ko rin naman kay Hunter na wala naman na akong pakialam sa naging issue ko noon sa company. I am also at fault for hiding it to them—and it's also not ethical na pumatol ako noon sa boss ko—sa kan'ya.

Hunter and I were wearing same colored clothes. I was wearing a beige halter dress na umabot sa paa ang haba. Hunter's wearing a beige dress shirt and black pants. Ang mga bisita naman ay hati sa pink at blue ang suot. Kapag tingin nila'y lalaki ang anak ko, blue ang suot nila. While the others were wearing pink since they wanted a girl for us.

"They wanted a girl," Hunter told me as we watched everyone in the place to drink and dance to the music that the DJ is playing. "Even Daisy wanted a girl."

I chuckled. "Tanya and Leonard thinks this is a boy," I said as I rubbed my tummy. "What's your vote?"

Nagkibit-balikat siya bago hinawakan ang tiyan kong malaking-malaki na. "I don't care about the gender. If he's a boy, I'll teach him how to be a strong boy that will protect the girl that he will like in the future. I will teach him everything I was never taught when I was younger—and I'll let him enjoy his youth."

I smiled. "And what if its a girl?"

He smiled back. "I'll give her the world—the whole universe. I will give everything that she will ask me . . . and I will not falter. I will make sure that she's the happiest girl in the world. I'll protect her with all my might. Nobody's going to hurt her while in my watch."

For some reasons, my eyes watered. I just feel so happy now that, from the sincerity in his eyes, I know that this kid inside me has finally landed a very good parent—something I've dreamed of when I was younger—when I didn't understand my parents, yet.

I just feel so at ease now that, knowing I won't be with this kid after I gave birth, I know that he or she won't feel that there's something lacking in his or her life.

Hindi niya mararamdamang wala ako dahil ibibigay ni Hunter ang lahat-lahat sa kan'ya.

Nagpaalam sandali si Hunter para puntahan ang dalawang kapatid na hindi niya inaasahang pupunta sa gender-reveal party namin. I told him to invite them and he did. Akala naman niya'y hindi pupunta ang mga ito kaya nagulat pa siya.

Habang mag-isa sa stage, lumapit sa akin si Mama at Papa. Mama's wearing a pink dress and Papa's wearing a blue dress shirt.

"Wow, you have different votes," I said, chuckling.

Nag-iwas ng tingin si Papa. Hindi pa rin kasi kami nakakapag-usap nang masinsinan simula nang umalis ako ng bahay. Though I've already moved on from it, and the lost money's back to him already, nagkakahiyaan na lang siguro kami.

"Kahit ano naman ay ayos lang, ang mahalaga'y ligtas kayong dalawa pagkatapos mong manganak," sabi ni Papa nang hindi nakatingin sa akin.

Tumawa ako kahit na nangingilid ang mga luha ko.

"Konti na lang, manganganak ka na. Makikita na namin ang apo na sigurado akong kamukhang-kamukha mo, Areeya," nakangiting sabi ni Mama.

Tumawa ako. "It would be better if this kid gets Hunter's genes. Walang pangit sa pamilya nila," I joked.

Ngumuso siya. "Wala rin namang pangit sa pamilya natin."

Tumawa ako bago niyakap si Mama. "Thank you, 'Ma, for taking care of me all throughout the whole pregnancy. Kahit na ang layo ng penthouse ni Hunter, palagi mo akong pinupuntahan para dalhin ang mga kailangan at cravings ko."

Tumawa si Mama bago hinagod ang likod ko. "Natural lang 'yon. Nanay mo ako, eh."

Nagtawanan kaming dalawa bago ako tumayo at lumapit kay Papa. "Pa, kumusta ka na? Okay na ba ang puso mo?"

Nagbuntonghininga si Papa bago ako niyakap. "Patawarin mo si Papa, anak, huh?" Nag-init muli ang sulok ng mga mata ko. "Patawarin mo si Papa kung sakali mang nagmamadali ako sa pag-asenso, dahilan para lalo tayong maghirap. Patawarin mo si Papa."

Pumatak ang mga luha ko sa balikat ng dress shirt niya bago ako kumalas sa yakap. "Okay na ako, Papa. Hindi pa man naibabalik ang pera sa inyo, okay na okay na ako. Wala nang problema sa akin 'yon. Ang importante, okay na po ang kalusugan ninyo."

Tumango-tango si Papa bago pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"Tutal, ang trabaho ko naman dati ay mag-invest sa scammers, ngayon, sa kompanya ni Hunter ko na in-invest ang mga perang bumalik sa akin. 'Yong iba, 'yong pera mo at iba pang nanggaling sa 'yo, nai-deposit ko na ulit sa account mo, anak. Bumili ka ulit ng sasakyan at mga bagay na nawala sa 'yo noon. Gawin mo ulit ang mga bagay na nakakapagpasaya sa 'yo. Hindi mo na kami kailangan pang isipin dahil alam ko na sa pagkakataong ito, nasa mabuting kamay na ang mga perang pinaghirapan ko—namin ng mama mo."

Hindi ako nakapagsalita hanggang sa tuluyan na silang umalis at naupo sa designated table para sa kanilang dalawa. I took my phone from the pouch and saw that the money in my account was so big. Nakita ko ang recently deposited money doon. Ito yung sinasabi ni Papa na ni-deposit niya.

Hindi ganito kalaki ang perang hiningi niya sa akin noon. It was more than what I remembered lending him. Hindi ko alam kung bakit ganito kalaki ang binigay ni Papa pero hindi ko na masyadong inisip pa 'yon. Alam kong may dahilan si Papa—maybe its to make himself less guilty of all the things he'd done.

I won't be questioning it anymore. I'll just let them do what makes them feel at ease. But, with this money, I can buy another condo unit in cash and a secondhand car!

But the things that came to my mind first was this baby's future. This is going to be a big help. I mean, alam kong maganda ang future niya kay Hunter but this money I have from Papa is big enough para ma-secure ang education ni baby for college.

The ceremony started. The MC created a game to make everyone engaged and entertained. He also called a few guests to give us messages before finally cutting the cake.

"What's your bet?!" malakas na sabi ng baklang MC sa mic.

The crowd shouted their bets.

"BOY!"

"GIRL!"

"Scream if you think it's a boy!!!"

And the crowd shouted. Even Hunter's brothers shouted. They are also both wearing blue long sleves. We laughed.

"And finally, scream if you think that it's a girl!!!"

More than half of the guests shouted, making it so obvious na babae ang gusto nila.

"Okay, mommy and daddy, let's go to the cake."

Tinuruan niya kami na i-cut ang cake na para bang bagong kasal kami na nasa reception. Nagkatinginan na lang kami ni Hunter at natawa, hindi pinapahalatang sobrang awkward nitong pinagagawa nila sa amin dahil malayong-malayo ito sa plano naming dalawa—sa plano ko.

"In the count of three, you're going to slice the cake to reveal the gender of the baby!"

Tumango kaming dalawa. Nagpalakpakan ang mga tao at tumayo, curious na curious sa kung anong kulay ng cake sa loob. Hinawakan ko ang saucer sa kaliwa at sa kanan naman ay ang kutsilyo. Hinawakan din ni Hunter ang kamay kong nakahawak sa huli, saka sabay naming itinapat 'yon sa cake.

"In one!" malakas na sabi ng MC, kasabay ang guest. "Two!"

For some reasons, kinakabahan din ako. Wala naman akong preferred gender, pero kumakabog ang dibdib ko.

"And three!"

And we sliced the cake twice to get a piece. Pagkakuha namin n'on, kulay pink ang chiffon na binabalutan ng puting icing.

"YEHEY!!!"

"YES! Give me my five thousand!"

"IT WAS SO OBVIOUS IF YOU LOOK AT HOW BLOOMING SHE IS!"

Nagtawanan kami ni Hunter kasabay ng pagsabog ng pink na confetti sa amin. I bet the photos and videos taken will show how happy and in love Hunter and I. From the photoshoots kaninang umaga, pinakita namin na in love kami sa isa't isa, up to this party. We didn't let them show that this was all for the show.

Para dito man lang, makita ng anak namin ni Hunter na masaya kami habang dala-dala ko siya sa sinapupunan ko. May maipapakita siya sa mga tao kapag kinwestiyon kung bakit wala ako sa piling nila ni Hunter.

"Why are you crying?" Hunter asked.

Nag-angat ako ng tingin. "Huh?"

"You're crying."

Nag-iwas ako ng tingin bago pinunasan ang mga luha. "This is nothing. Don't mind me."

Tumango si Hunter bago ako niyakap. "She'll be well-taken care of, don't worry."

Yumakap ako pabalik sa kan'ya.

___

It's past 10 p.m. nang makauwi kami sa penthouse, dala ang mga regalong nakuha para sa baby. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang kaming dumeretso sa k'warto kung saan pinagtulungan naming ayusin noon para sa bata.

Nang makapasok doon, binuksan ko ang ilaw. Sumilaw doon ang mga gamit na karamihan ay puti dahil hindi namin alam ang magiging gender ng baby noong binili namin ang mga gamit. There are some unisex colors like green, yellow, red, and purple. Iniwasan talaga naming bumili ng blue at pink dahil wala pa kaming idea kung ano bang magiging gender niya. Ngayon, may mga dala kaming gamit na blue at pink galing sa mga bisita kanina sa baby shower.

"So, the baby's a girl." Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya. "Do you have a name in mind?"

Ngumiti siya at umiling bago pinaandar ang hanging toys sa crib. Tumunog ang lullaby dito kasabay ng pag-ikot.

"I want you to name her. Para kapag tinanong niya ako kung sinong nakaisip ng pangalan niya, ikaw ang isasagot ko." He smiled at me. "At this point, I don't care about other things. I'm just so excited for her to come into my life."

His eyes watered. I've never seen him so happy before. He's so happy and excited for her. I want to hug him . . . and kiss him.

He's always with me but I keep on missing him.

"Ava."

Kumunot ang noo niya. "Hmm?"

"Ava Harriette Santiago. That's her name."

He gulped a few times before smiling. "That's a beautiful name."

I chuckled. "Do you like it?"

"I love it. Thank you, Aree."

Hindi na ako nakapagsalita pa. Tinitigan ko lang siya . . . kung paano siya sumaya, ma-excite . . . magbuntonghininga dahil hindi na siya makapaghintay pa hanggang sa dumating si Ava sa kan'ya.

My tears fell as I walked to him. Napatigil siya't napatitig sa akin nang huminto ako sa harap niya. Kita ko kung gaano siya nalito sa ginagawa ko.

"Aree? Any problem?"

Umiling ako bago ipinatong ang palad sa dibdib niya at tumingkad saka siya hinalikan. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko dahil pakiramdam ko . . . ang dami kong pinagsisisihan sa buhay dahil sa mga desisyon ko.

I love him.

I love Hunter.

And I think, for the past few months that I've been living with him, I learned to love him more than I did before.

As I tried to move my lips, he held my hands that's on his chest . . . and broke the kiss. He took a step backward before looking away.

"Matutulog na ako. You should rest, too. Good night, Areeya."

After that, he left me all alone in Ava's room.

I cried more when I realized that he finally let go of me completely.

Pero bakit ako nasasaktan nang ganito? Hindi ba't ito naman ang gusto ko—ang makalaya sa kan'ya at sa responsibilidad na naghihintay sa akin kung sakaling mag-settle ako sa pamilyang bubuuin naming dalawa?

Bakit ako nagkakaganito ngayong . . . ginagawa niya lang naman ang gusto ko?

___

Last chapter + epilogue . . . ;)


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top