Chapter 16

Tulad ng ng ine-expect ko, yung pangako niyang one week lang siyang mawawala, umabot ng two weeks . . . hanggang sa nag-one month na mahigit, wala pa rin siya dito.
Queenie sighed. "Nakakapagod magtrabaho kapag walang poging boss na nag-iikot para sitahin ang kalat daw natin."
Napanguso ako pero hindi na kumibo. Sa totoo lang, lahat dito nabo-boring-an magtrabaho kasi walang sumisita sa kanila everyday. Walang thrill, kumbaga. As long as it's better for me, hindi ko maiwasang maisip . . . ano na kayang mga nangyari sa amin ni Hunter sa loob ng company niya in the middle of this whole agreement we signed up on? Tutal . . . ayon naman sa contract, p'wede kaming mag-sex during working hours basta hindi mapapabayaan ang trabaho.
Napadiin ang bawat pagtipa ko sa keyboard nang ma-realize kung ano-ano ang mga ini-imagine ko. Fuck, Areeya! Napaka-horny mo! Gan'yan ba kapag more than a month nang walang sex?! Nakatiis ka nga ng ilang buwan noong hindi mo pa nakikilala si Hunter, eh. Tapos ngayon, tigang na tigang ka!
"Galit na galit?" natatawang sabi ni Queenie.
Napatigil ako sa pagtipa bago sumandal sa swivel chair at nagbuga ng malalim na buntonghininga.
"I just have a lot of thoughts in my mind. It's making me feel frustrated."
Tumawa si baklang Frank. "Kulang lang sa sex 'yan."
Umirap ako sa kan'ya. "Magulat ka sa Monday, pumasok na naman akong may territorial marks," natatawang sabi ko bago itinuloy ang paggawa ng weekly report.
Tumawa silang dalawa ni Queenie bago nagsalita ang huli. "OMG ka, girl! May fuck buddy ka na ba?!"
Tumawa ako bago umiling. "Wala, tanga!"
Muling umirap si Queenie. "Girl! Sumama ka sa amin mamaya, magpa-party kami! May ipapakilala ako sa 'yo. Friend namin siya noong college and umuwi siya from Spain kaya magpa-party kami mamaya. Isasama kita! Ipapakilala kita sa kan'ya. Feeling ko magma-match kayo."
Tumawa ako bago umiling. "Ayaw ko munang mag-party. Every weekend na lang akong umiinom kasama ang best friends ko. I just want to rest for now sa alak."
Ngumuso si Queenie. "Sige na! Ita-try lang naman natin! Ipapakilala lang kita at makikipag-usap ka sa kan'ya. You don't have to drink too much."
Tumikhim si Frank bago lumingon sa akin. "Pagbigyan mo na. Kasama naman ako, girl. Minsan ka lang ayain nitong mahal na reyna natin, oh!"
Tumawa ako bago tumango. "Sige na nga! Basta hindi ako magpapakalasing." Lumingon ako kay Dian na kanina ko pa nararamdamang inoobserbahan kami. "Ikaw, Dian? Kasama ka?"
Nanlaki pa ang mga mata niya nang tawagin ko ang pangalan niya. "Huh? Hindi. May pupuntahan pa ako mamaya, eh."
Tumango ako bago itinuloy na ang pagtatrabaho sa umaga.
***
Nang matapos ang trabaho sa buong araw, nagpaalam ako sa kanilang uuwi muna para mag-ayos at magbihis. I will only wear a simple dress and light makeup. I won't be there to enjoy. Pinagbigyan ko lang si Queenie at Frank dahil medyo nabo-bore din ako.
At wala pa rin akong balita kailan ang uwi ng fuck buddy kong nag-e-enjoy ngayon sa America. Almost two months na siya ro'n. Fuck him for making me have an agreement with him tapos ganito lang pala!
Fuck you, Hunter Santiago!!!
Matapos kong makapag-ayos at makapagbihis, sumakay na ako ng elevator at pumunta sa underground parking lot para kuhanin ang sasakyan ko. Nag-drive ako papunta sa bar na sinabi ni Queenie. Nagsabi na rin ako sa kanila na on the way na ako kaya naman any time ay asahan nilang darating ako ro'n.
Medyo na-stuck pa ako sa traffic sa EDSA for ten minutes kaya naman na-late pa ako nang konti. Pagka-park ko ng sasakyan sa parking lot ng bar, lumabas na ako ng sasakyan. Mabilis naman akong nanlamig at napahakbang paatras nang makita kung sino yung lalaking may malalaking hakbang papalapit sa akin.
"H-Hunter—"
Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko, hinawakan niya kaagad ang likod ng ulo ko saka siniil ng malalim na halik sa labi. Wala sa oras tuloy na napapasok ulit kaming dalawa sa driver's seat nang hindi inaalis ang mga halik sa labi.
Ilang segundo lang, nang mabawi ko na ang lakas na nawala sa akin matapos niya akong siilin ng halik sa labi, kumalas ako ro'n saka bahagya siyang inilayo sa akin.
"Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba hindi ka pa makakauwi?"
Nagbuntonghininga siya bago ako pinaupo nang maayos sa shotgun's seat saka niya muling ini-start ang engine ng sasakyan ko gamit ang susi na mabilis niyang nakuha sa kamay ko kanina.
"I closed the deal yesterday and immediately booked a flight back here. Nagmadali rin akong pumunta rito after hearing in my company that you are about to meet someone now." His serious gaze pierced through me, making me slightly nervous. "We're going to really talk about this, Areeya."
He started driving my car. Sa daan na tinungo niya, alam ko na kaagad kung saan kami papunta. Of course, sa penthouse niya!
"Wala naman siguro akong nilabag sa terms and conditions. May ipapakilala lang sa akin si Queenie na friend niya. I don't even plan on befriending him too, pinagbibigyan ko lang si Queenie dahil minsan lang 'yon mag-aya," paliwanag ko habang nakatingin sa daan.
Kita sa peripheral vision ko ang paghigpit ng hawak niya sa steering wheel. "I don't care about the whole purpose of you, meeting another man outside. I don't like the idea of other people getting to know something about you." He looked at me. "Gusto ko, ako lang."
Napalunok ako't napaiwas ng tingin sa kabang naramdaman. "Fuck buddy-wise, ikaw lang naman talaga, Hunter."
He scoffed. "Don't talk back for now, I'm still pissed. I might not be able to control myself and punish you right here and there." He sighed. "I still want you feel the most comfortable doing that."
I slightly smiled. Of course, alam niyang hindi ko gusto ang sex sa sasakyan. I won't do it with him. Nakaisa na nga siya noong s-in-ex niya ako sa office niya. Table at couch lang 'yon! Car sex is not really my thing.
Nang makarating kami sa building, ni-park niya lang kaagad ang sasakyan ko sa parking lot saka kami mabilis na sumakay ng elevator patungo sa penthouse niya. Ilang sandali lang din, nakarating kami ro'n.
Oras na makapasok kami sa loob, kinuha niya sa kamay ko ang bag saka tinapon 'yon sa couch bago ako siniil ng halik. Ibinalot ko kaagad ang mga braso sa batok niya habang ang mga kamay naman niya ay pilit na tinatanggal ang damit na suot ko.
It was really quick that I didn't even realize that he's now making me lay on his bed without even breaking the kiss! Damn, kabisadong-kabisado niya talaga ang mga hakbang na dapat tahakin papunta sa kwarto niya nang hindi na nagmumulat pa ng mga mata!
He didn't waste any time! He immediately breaks inside me after removing every fabric on our skin. I can really feel how much he missed fucking me. Feeling ko, warm up pa lang ito. I can also feel that there's something wild and big coming for the next days—hindi ngayon dahil ramdam na ramdam ko rin ang pagod sa kan'ya—sa trabaho at sa byahe.
Hindi na ako nakapagsabi pa kay Queenie na hindi na ako matutuloy dahil mahigpit ang yakap sa akin ng boss namin sa napakalaking higaan nito.
Ipinahinga ko na rin ang sarili at yumakap pabalik sa kan'ya. Nakatulog kaming pareho makalipas ang mahaba-habang pagsi-sex sa gabing ito.
***
Kinabukasan, nagising ako nang maramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Mabilis akong napakunot-noo dahil do'n bago bumangon.
"Good morning," he said.
Umirap ako. "Para saan yung halik sa ulo? Jowa 'yarn?" I chuckled.
Tumawa rin siya bago bumangon na rin. "So, it's okay for me to kiss you anywhere aside from your temple? 'Yon lang ang kinuwestiyon mo sa dami ng ginagawa natin tuwing magkasama tayo, eh."
I scoffed. "I mean, that gesture felt so romantic, hindi bagay sa atin, okay?" I chuckled before leaving the bed. "We're not romantically involved with each other."
Ngumuso siya bago tumayo na rin. Pareho kami ngayong walang kahit na anong damit na suot. Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko dahil tumambad na naman sa paningin ko—ngayong umaga!—ang malaki niyang alaga!
Argh, Areeya . . .
"Wear this for now. Hindi pa dumarating ang secretary ko. Nagpabili ulit ako ng damit mo," he said while handing me one of his boxers and white long sleeve.
Napanguso ako bago tinanggap 'yon. "Bakit ba kasi palagi mong sinisira ang mga damit na suot ko whenever we do it? Napapagastos ka pa tuloy."
He chuckled before wearing a boxer and a white V-neck shirt. "I just love seeing you wear my clothes."
Umirap ako sa kan'ya bago tinapos ang pagbibihis. "Kuhanin ko lang muna ang bag ko sa labas. My phone must've been bombarded with messages, given that I didn't come last night."
"You did, though. To me." He smirked.
I rolled my eyes. "I said, come. COME! Napakalibog mo talaga."
Humagalpak siya ng tawa dahil do'n. Tinalikuran ko na siya para kuhanin ang bag sa labas nang humawak siya sa palapulsuhan ko para pigilan ako. Humarap ako sa kan'ya nang nakakunot-noo. Nananatili pa rin ang hawak niya sa palapulsuhan ko.
"I have something for you."
Marahan niya akong dinala papunta sa drawer niya. May kinuha siya ro'n na box. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ng brand na nakalagay do'n ay Tiffany & Co.
"A-Ano 'yan?" tanong ko matapos alisin ang braso sa palad niya.
Nang binuksan niya ang malapad na box, tumambad sa paningin ko ang isang pares na yellow gold na hikaw. Hindi ko mai-explain nang mabuti ang design pero para itong mahaba namay knot sa bandang itaas. Maganda ito—sobrang ganda. At alam kong sobrang mahal!
"I decided to get you something because I couldn't keep my promise that I'll be only away for a week. It's a shame that I wasn't able to get to see and touch you for almost two months. It was hell there." He chuckled.
Kinuha niya ang isang hikaw at balak nang ilagay sa tainga ko nang humakbang ako palayo sa kan'ya. Confusion was immediately drawn in his face.
"You never listened to me."
"What?" he asked with creased forehead.
"I told you not to give me anything. It's part of the deal na walang mangyayaring gift giving dito, Hunter," iritang sabi ko. "Ayaw kong dumating yung punto na isusumbat mo sa akin 'yan kapag natapos na ang agreement natin na 'to!"
He sighed, chuckling a little. "We agreed about it if we have something to celebrate—"
"And we have nothing to celebrate!" I cut him off.
He sighed, his shoulders are now down. "But I have something to apologize for."
I scoffed. "If you want to apologize, say sorry and explain. Hindi mo ako makukuha sa pagbibigay mo ng gan'yan."
Bahagya siyang naging seryoso dahil do'n. "I have another reason why, too."
Napakunot-noo ako. "Ano?"
"I missed your birthday."
Natahimik ako nang dahil do'n. My birthday was three days ago. He greeted me and sent me a bouquet of flowers at work pero hindi na inilagay ang pangalan niya para hindi na magduda pa ang mga katrabaho ko. That's already enough for me. I never asked him for anything on my birthday, kaya 'yong maalala niya at bigyan ako ng bulaklak, okay na ako ro'n.
"The flowers I gave you that day was not enough for me to celebrate it. I wasn't even there to give it to you personally. This is the only way I can satisfy myself and be at peace. Tanggapin mo na. Besides, you deserve this."
I sighed. "Ayoko lang namang magkaroon ka ng dahilan para masumbatan ako kapag natapos na tayo."
Lalong sumeryoso ang mukha niya. "Hindi tayo matatapos, Areeya. Hindi na. Not after being away from you for that long . . . hindi na."
Wow . . . Hunter . . . just now, you sounded so in love with me . . . or am I just delusional?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top