Chapter 09

Sobrang sakit ng pagitan ng mga hita ko. Ramdam ko rin ang pangangalay ng magkabilang legs kaya naman hirap na hirap ako sa pagpunta sa bathroom niya maging sa pagligo. Even when I'm dressing myself, it fucking hurts!
Damn, this is the aftermath of letting him prove how great he was in bed!
Hindi ko pinahalata sa kan'ya na sobrang proven and tested na ang kagalingan niyang 'yon. I acted naturally in front of him after I left his room.
"Kumain ka na muna," he said. "Dali na, lalamig pa 'to."
Napabuntonghininga na lang ako bago marahang naglakad papalapit sa kan'ya sa dining area, dala ang bag ko kung saan nandoon na rin ang sira-sira ko nang mga damit. Naupo ako sa bakanteng upuan sa harap niya saka nagsandok ng pagkain.
"You looked great. Kasya ba sa 'yo ang underwear? Kamay ko lang ang basis ko ng measurement kaya hindi ako sure," deretsong sabi niya.
Nag-init ang pisngi ko. "Oo, saktong-sakto. Perfectly fit po, sir." I rolled my eyes.
Ngumisi siya. "I know right. Your bust size is 36 cup A."
Muling nag-init ang pisngi ko. "Oo na, tama ka na. Can we eat peacefully now?"
Tinawanan na lang niya ako bago siya nagsimula rin na kumain. Tahimik kaming dalawa. Paminsan-minsan, nararamdaman kong tumitingin siya sa akin pero hindi ko na pinapansin. Nagpapanggap na lang din akong walang napapansin dahil gusto ko nang umuwi at matulog buong araw.
Nang matapos ako, inayos ko na ang sarili.
"Hindi ko huhugasan ang mga pinagkainan dahil ikaw lang naman ang nagpumilit na kumain ako rito." Nagsimula na siyang tumawa bago uminom. "Anyway, thanks for the food. It was great. Tell your chef that I enjoyed it," I said.
Of course. Sa yaman niyang 'yan, natural na masarap lahat ang pagkain dahil may chef siya!
He chuckled. "Yup, he'll know. Thanks."
Tumayo na ako at binitbit ang bag. "Aalis na ako, sir. Bye."
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kan'ya palayo nang mabilis siyang naglakad palampas sa akin para harangan ako.
"I'll drive you."
I sighed in frustration, rolling my eyes. "Hindi na sabi, it's broad daylight! Maraming makakakita sa atin, mahiya ka nga!"
Muli siyang humalakhak bago naglakad palayo. "Stay there. Ihahatid kita."
Sa huli, hinayaan ko na lang din siya. I'm too exhausted to fight with him. Bahala na siya, tutal, last naman na 'to. I can finally have my fucking peace! Nakabayad na ako!
Ilang sandali lang, bumalik na siya dala ang car keys. Ngayon ko lang din napansin na ganito pala ang itsura niya kapag nakapambahay lang. He still looked expensive as hell. White V-neck shirt at black shorts lang pero nanunuot ang pagiging CEO sa pagmumukha dahil sa pagiging intimidating at g'wapo.
Kainis!
"Let's go."
Nauna na siyang lumabas. Tahimik lang akong nakasunod sa kan'ya. Hanggang sa nakasakay na kami ng elevator, wala pa rin nagsasalita sa amin. Bumalik na naman sa alaala ko kung paano muntik na kaming mag-sex dito the first time.
My god, Aree. Napaka-wild!
Napalingon ako sa kan'ya when I heard him clear his throat. Inangatan ko siya ng kaliwang kilay.
"What?" I asked.
Muli siyang tumawa bago nag-iwas ng tingin. "I just remembered something, medyo natuyo lalamunan ko."
Nag-init ang pisngi ko dahil do'n. I know what he meant! He also remembered that night! Napalunok na lang ako bago lumabas ng elevator nang bumukas ito. Sumunod ako sa kan'ya na magpunta sa sports car niyang kulang na lang ay kuminang sa sobrang kintab.
Millionaires and their ways of flexing their money.
Nang makasakay na kami at nagsimula na siyang mag-drive paalis, ipinikit ko ang mga mata saka isinandal ang ulo sa bintana.
"May I ask you something?"
"Ano?" sagot ko nang hindi binabago ang posisyon.
"Why don't you have a boyfriend?"
Napamulat ako ng mga mata kasabay ng pagkunot-noo bago lumingon sa kan'ya. Ngumuso siya saka nagkibit-balikat.
"I mean, you seemed very well-experienced in bed. I bet you were well-taken care of as you did it with them. Why don't you have one now?"
Hindi pa rin ako sumasagot. Nakakunot-noo pa rin ako dahil hindi ko gets bakit curious siya sa lovelife ko???
"I mean, you're not really ugly. You've got a face that can easily makes a man notice you."
Umirap ako bago ibinalik ang posisyon sa kanina, nakapikit habang nakasandal ang ulo sa bintana.
"I have been single for about two years or more now. Bakit curious ka?" I chuckled. "After my last boyfriend, puro fuck buddies and one-night stands lang ang ginagawa ko to satisfy my needs," I answered.
"Ohh, may I know why? Bakit hindi ka na nag-boyfriend ulit?"
Napanguso ako kasabay ng marahang pagmulat ng mga mata dahil hindi ko na rin maalala kung bakit. It's not that I loved the last man so much. There's another reason, I know.
"Bakit nga ba?" tanong ko pa sa sarili.
Tumawa siya. "Was he your first love? Your first boyfriend or? Did he cheat on you?"
I sighed in disbelief as I rolled my eyes. Oo nga pala.
"Well, yes. He cheated on me despite bedding me almost every night. Hindi ko naman siya minahal nang sobra. I've learned how to love a person properly, okay? I know when to stop kaya kahit na gaano ko pa minahal ang mga naging ex ko noon, palagi naman akong nakaka-move on kaagad dahil alam ko kung paano tumigil."
Tumango-tango siya. "So you stopped dating men because?"
I smiled slightly. "Because I don't want to date anymore. Kailangan pa ba ng maraming dahilan?" natatawang sabi ko. "Kung katawan lang naman ang magiging dahilan ng mga lalaki para manatili sa buhay ko, 'wag na lang kaming maging mag-boyfriend. Magkita na lang kami tuwing gusto namin ng sex. That's easier. No emotional attachments na madalas humahadlang sa mga plano sa buhay. Walang ibang obligasyon kundi ang bawat gabi na paliligayahin ang isa't isa."
"Okay, now I get it," he said. "May point ka naman. Akala ko, hindi ka pa nakaka-move on sa last ex mo."
I rolled my eyes, laughing. "Kadiri, ha? Hindi lalaki ang magiging dahilan para magbago pananaw ko sa buhay, please lang."
Tumawa siya.
"I also thought that you were like some other girls I've met na bitter sa last boyfriend kaya grabe ang galit sa kalalakihan."
Muli akong tumawa, napapamura sa kababuyang lumalabas sa bibig niya.
"Hindi ako corny, sir. Please, don't associate me with light-hearted women."
He looked at me. "Still calling me sir kahit tayong dalawa lang?"
Umirap ako. "Duh, boss pa rin kita kahit nasa kama pa tayo."
He smiled a little. "I don't want to be a boss all the time. I want to be a friend sometimes, and a son, a student . . ."
Hindi ko na gaanong naintindihan ang mga sumunod na sinabi niya dahil bunusina ang truck mula sa kabilang lane.
"What I mean is, this might be the end of the night stands we've shared but aside from being your boss, I can still be a friend. Tutal, nakapagkwento ka na rin."
Tumawa ako. "I don't make friends with just anyone. At yung mga nalaman mo, wala pa 'yon sa mga dapat mong malaman bago maging kaibigan ko." Hindi siya sumagot. "Isa pa, I don't want a one-sided friend. If I'd be a friend to someone, gusto kong may alam din ako sa kan'ya."
Mahina siyang tumawa. "Despite that harsh mouth of yours, you still have a kind heart."
I chuckled. "Of course. Pero sorry, ayaw kitang maging kaibigan."
Lalo siyang tumawa. "Why, though?"
I sighed. "You're way too out of my league to be my friend. Hindi ako nakikipag-friend sa millionaires."
Sumulyap siya sa akin. "I thought you're friends with that attorney?"
Ahh. "Ohh, Leonard? Naging friends muna kami. Hindi niya sinabing multimillionaire ang pamilya niya. Our friendship is already deep enough to end it. Tinanggap ko na lang din."
Tumango-tango siya. "Okay, then. If that's your decision, I will respect you."
"Thanks."
Marami pa siyang inusisa sa buhay ko na wala namang issue sa aking sabihin. Medyo mahaba rin ang byahe tapos traffic pa kaya naman hinayaan ko na lang para kahit papaano, bumilis ang oras.
After more than an hour, nakarating na kami sa harap ng condominium building. Tinanggal ko na ang seatbelt habang nagsasalita.
"Thank you so much for being kind enough to drive me here. This is the last time that you'll be doing it for me, lalo na't galing pa ako sa penthouse mo. 'Yon na ang huli, tutal, tapos naman na ang lahat ng ugnayan natin bukod sa boss kita." Ngumiti ako sa kan'ya. "I'm honored to have sex with you twice, my CEO."
Sumilay ang pilyong ngiti niya. "What do you mean?"
Ngumisi ako bago inilapit sa kan'ya ang mukha. "I'm just bluffing. Magaling ka talaga sa kama sa simula pa lang, bukod sa malaki 'yan," I said, pointing at his crotch. He gulped, looking at my moving lips as I talked. "But last night is the end, and I'm drawing the line."
I claimed his lips as I closed my eyes. He held the back of my head as he kissed me back, pulling me closer. After a few seconds, I moved away, panting. I smiled at him.
"Drive safely, sir. See you in the office by Monday."
Pagkatapos n'on, lumabas na ako ng sasakyan niya at naglakad papasok sa loob ng building. Hindi ko na siya nilingon pa kaya hindi ko tuloy alam kung nakaalis na ba siya.
Pagkasakay ko ng elevator, pinindot ko kaagad ang floor number saka ito sumara. Habang nasa loob, hindi ko maiwasang humikab.
Sobrang antok pa ako at sobrang sakit ng katawan ko. I really, really need to take this whole day as a rest. Balak ko sanang mag-grocery ngayon pero bukas na lang. Hindi ko kaya gumalaw-galaw.
Nang bumukas ang elevator sa floor ng unit ko, lumabas na ako. Naglakad ako papunta sa unit ko saka binuksan ang pinto gamit ang susi. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Leo na nasa living room, nakakalat ang readings sa center table.
He has the key to my condo too, just like I have a key to his. Sinarado ko ang pinto saka naglakad papalapit sa kan'ya.
"Nandito ka pala! Hindi ka nagsabi!"
Kumunot-noo siya bago tumsyo saka ako sinalubong. "Kanina pa ako nandito. I sent you a message pero hindi ka nag-reply. Where did you go? Bakit ang aga?"
Napalunok ako bago nag-iwas ng tingin. "Hindi pa ako nakapag-check ng phone. At hindi rin ako umuwi."
Ibinaba ko ang bag sa couch. Naglakad ako papunta sa kusina. Tahimik naman siyang sumunod.
"Saan ka natulog? Sa parents mo?"
Lumingon ako sa kan'ya. "Why would I go back to that hell just to sleep?" I chuckled, before opening my fridge. Kinuha ko ng fresh milk saka nagsalin sa baso. "I spent the night at my boss' penthouse. We fucked."
He took a deep breath. I can hear his frustration. "Is he the same person you had sex before?!" he said, almost shouting. I nodded while drinking the milk. "Akala ko ba one-night thing lang 'yon?! Why did you do it again with him?! Sabi ko sa 'yo, tigilan mo na siya! Hindi ba, tama ako? He only wanted you under his sheets again!"
Matapos marinig ang mga sermon niya, ibinaba ko na ang basong pinag-inuman saka humarap sa kan'ya.
"I know. May atraso ako, okay? This is my way of paying him. And don't worry, I already drew the line. That will be the last time that it's going to happen between us. Last na 'yon, nilinaw ko na sa kan'ya."
Tinalikuran ko na siya at naglakad papasok sa k'warto ko. Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga kasabay ng pagsunod niya sa akin.
"Areeya, please, just listen to me. Mag-resign ka na do'n. Sa amin ka na magtrabaho. I can assure you that this thing between you and that asshole will not end here! I know how men thinks whenever they see you. I know that once sex happened with you and them, they would want it to happen again—"
Humarap ako sa kan'ya, dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita. "How many men I had one-night stands with got to bed me again? Ngayon lang." Tumawa ako. "Don't worry about me, I can definitely handle myself. I am Areeya Cervantes, Leo. Hindi ako nagpapakontrol sa lalaki. Kung ayaw ko, ayaw ko. No one can force me to do it with them again—"
"Pero ginawa mo ulit sa kan'ya ngayon kahit sinasabi mo sa akin noon na one-night stand lang 'yon . . . na hindi na mauulit 'yon," he cut me off.
I smiled a little. "I wanted that night with him, too. You can ask Tanya about it." He sighed, looking away. "Papayag lang ako sa gusto ko at hindi sa gusto ng ibang tao para sa akin. You know me, Leo. I am the pilot of my life. No one gets to takeoff or land without my permission."
He sighed in defeat before he looked back at me. "What if you fell in love?"
Napatulala ako sa sinabi niya bago himagalpak ng tawa. "Excuse me?! Leo, hindi mo na ba ako kilala? It takes more than two nights of sex to make me fall in love with someone!"
Muli siyang nagbuntonghininga bago hinawakan ang magkabilang braso ko. Patuloy lang ako sa pagtawa.
"You can't blame me. This is the first time you broke your principle. You don't do two-nights with a guy. It's either one-night, fuck buds, or none at all. Love always starts easily but ends the hardest. It changes you slowly until you realize that you're doing the complete opposite of what you've always done in your life before."
After I listened to what he said, I stopped laughing. I tapped his shoulder with a smile on my lips.
"Do not glorify love that much, Leo. That one's going to hurt you so bad if you looked at it so highly, like that. I know how to love and I definitely know when and how to stop, too. If that ever happens, do not worry, still. Kaya ko ang sarili ko."
Hindi siya sumagot. Nakatitig pa rin siya sa akin, nag-aalala. Ngumiti ulit ako.
"I've fallen in love with different men before and I successfully stopped loving them at the exact moment I knew that I needed to. This one's not going to be different at all. Gano'n lang din ang gagawin ko. In the end, I will still succeed because that is how I lived."
Binuksan ko ang closet para maghanap ng pamalit na damit na komportable bago itunuloy ang sasabihin pa.
"I've lived in a household where one thinks that staying together despite falling out of love will heal them--make them fall in love once again--not knowing they are already harming other people by forcing it to happen. I've learned from that."
Nang makakuha na ng shirt at shorts, humarap ulit ako sa kan'ya
"I am not staying in a situation where I know I'll be hurt or might hurt another person. Hindi ko uulitin ang pagkakamaling ginawa ng mga magulang ko sa akin."
After I said that, lumabas ako ng k'warto para magbihis sa bathroom.
At sa buong maghapong 'yon, kumain lang ako at hinayaang matulog ni Leo dahil alam niyang pagod ako. Kinagabihan, wala na siya nang magising ako pero may naka-prepare nang dinner.
If he wasn't my best friend, he might be the next person I'll fall in love with. But due to the line I drew between us, I cannot.
And this was better than any other relationships I've ever had.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top