WAKAS
WAKAS
Maraming salamat sa pag abot dito.
Pinapakinggan ko pala ang "I'll Never Go" ni Erik Santos habang sinusulat ito. Try niyo, baka mas mafeel ninyo. :)
Enjoy and goodbye.
------------------------------
"Are you really sure?" tanong ulit ni Avvi habang tinutulungan niya akong magtupi ng mga damit na dadalhin ko papuntang Singapore. I smiled at her before nodding. Buo na ang desisyon ko at hindi na ako uurong. I will have my time and space.
Clyde invited me to a summit in Singapore. After the conference, I will stay there to do my well, soul searching. Tama si August sa lahat ng sinabi niya. Kailangan ko munang buohin muli ang sarili kong nasira noon.
"I need to do this Avvi." Sagot ko. Ngumiwi lang siya habang nakatingin pa rin sa mga damit ko.
"What about baby Noah?"
"I will bring him with me of course. Sasama rin sina Mama at Daddy sa akin para magbakasyon." Paliwanag ko. She just sighed.
"Does Greg know?" she asked again. I sat on the bed before shaking my head. Hindi ko pa nasasabi kay Greg ang plano kong pag alis. Alam kong hindi siya papayag sa aggawin ko lalo pa't isasama ko si Noah sa Singapore. But it is for the better. I know it is.
Avvi kept silent upon hearing my answer. Alam kong may gusto pa siyang sabihin pero mas pinili na lamang niyang manahimik. Hanggang sa sinundo siya ni Ethan ay hindi na niya binuksan ang tungkol kay Greg.
I went to my Mom and Dad at the garden right after Avvi left. Kasama nila si Noah at naglalaro roon. My son just kept on crawling at the mat and ignoring his grandparents. Kinuha ni Noah ang isang rubber ship bago iyon sinubo sa bibig niya.
"Baby that's bad." Bawal ni Mommy dito. Hinila niya ang laruan mula sa bibig ni Noah.
"Pap." Aniya. Napahinto ako sa paglapit sa kanila noong marinig ko iyon. Humampas hampas ang kamay ni Noah sa ere bago ngumiti sa mga magulang ko.
"Pap. Pap." Paulit ulit niyang sabi. My Dad looked at me before smiling. Tumango siya na para bang naiintindihan niya ang naiisip ko.
Pap huh Noah? Are you looking for your Papa?
Lumapit ako sa mga magulang ko at kinuha si Noah mula sa mat. Kinarga ko ito at niyakap ng mahigpit. Noah moved on my arms and held my cheeks. Tumulo ng bahagya ang laway niya at agad ko iyong pinunasan.
"Pap." Kunot noo niyang sabi. I looked at my mom helplessly before looking at my son again.
"He went somewhere okay. Pupuntahan ka niya mamaya okay baby?" I said. Ngumiti si Noah na para bang naiintindihan ako.
Ibinaba ko na ulit siya sa mat at agad naman siyang nilaro ulit ni Daddy. My Mom went to me and touched my arm. I smiled at her and she hugged me tight.
"Allara," nilingon niya si Noah na nasa bisig na ni Daddy. "Noah's looking for Greg."
I just nodded. Ipinaliwanag na ni Mommy sa akin kung paano siya tinulungan ni Greg noong kinidnap siya ni Celeste. She's now in a rehabilitation center, undergoing therapy and counseling. Pagkatapos noon ay ililipat na siya sa kulungan, where she will spend her life living in a cell.
Kahit narinig ko na mismo sa bibig ng sariling ina ko ang paliwanag ni Greg, hindi ko pa rin iyon matanggap. Hindi pa rin ako handang tanggapin. Maybe August is right. I really need time.
Masyado yatang napalalim ang iniisip ko at hindi ko agad namalayan na sumisigaw na si Noah. Nagwala siya sa bisig ni Daddy habang nakatingin sa pintuan.
"Pap! Pap!" excited na sabi ng anak ko. Greg smiled widely before going to our son. Kinarga niya agad si Noah at itinaas sa ere. Noah laughed so hard, wiggling his arms as his father lifted him up.
"Hello big guy." Masayang sabi ni Greg dito. Inilapit ni Noah ang mukha niya sa pisngi ni Greg at nilamutak iyon.
"Pap." Tumatawang sabi ni Noah habang pumapalakpak pa. I breathe hard before I went to them.
"Kanina ka pa niya hinahanap." Paliwanag ko. Ngumiti si Greg at hinalikan ang pisngi ni Noah. My son smiled before looking at me. He extended his arm at sa akin naman nagpapakarga. Agad ko siyang kinuha mula kay Greg. Lumapit naman si Mommy at inabot ang bata. Tahimik na pumasok ang mga magulang ko sa loob, leaving me with Greg.
"C-can we talk?" lakas loob kong sabi. Kumunot naman ang noo ni Greg bago tumango. Umupo kami sa mat ni Noah. Pinaglaruan ko ang wedding ring namin habang hinahanap ko ang mga sasabihin ko.
"Lana, I'm really sorry." Aniya, nakatingin sa kamay kong suot ang singsing niya. Ngumiti lamang ako bago huminga ng malalim.
"I know Greg." masuyo kong sabi. I looked up at the sky before sighing. I know how sorry he is. I know that he is hurting too. Alam kong nagsisisi na siya pero hindi ko pa rin talaga kayang buksan ulit ang puso ko. Masyado pang presko ang sugat, masyado pang masakit ang lahat.
I am not yet ready to forgive. And to forget.
Inalis ko ang singsing ko. I heard him curse under his breath when he saw what I did.
"Allara please---"
"I'm leaving for Singapore tomorrow. Isasama ko si Noah sa akin." mahinahon kong sabi. Napatayo si Greg sa sobrang gulat.
"What the fuck?! Lana hindi pwede!" sigaw niya. Tumayo na rin ako at tiningnan siya.
"Greg please."
HInawakan niya ang magkabila kong braso. "You're leaving me?" nanginginig niyang sabi. I took his hands off of me. Inilagay ko roon ang singsing ko bago ko siya nginitian.
"It's for the best Greg---"
"And you're taking Noah with you?" may hinanakit na niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko. Humapdi na ang lalamunan ko sa pagpipigil ng iyak.
"We need to do this Greg. If is stay here, with you, nothing will happen. Ang sakit sakit pa rin kasi Greg. Gustong gusto na kitang patawarin, gusto ko na kalimutan lahat, pero hindi ko pa rin kaya. It still hurts." Naiiyak ko ng sabi. Hindi ko na napigilan ang luha na tumulo mula sa akin.
"Damn." Bulong niya. Yumuko siya at tinakpan ang mukha. Pero hindi noon naitago ang luha na nahulog mula sa mata niya. Napaupo siya sa damuhan. He tucked his head between his knees before rocking back and forth.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan niya. I touched his knee and he stopped moving. Pero hindi niya itinaas ang paningin niya. He kept his head hidden.
"Greg, look at me." I said. Doon lamang niya ako tiningnan. His eyes are blood shot, his cheeks wet from tears. Mabilis siyang nag iwas ng paningin sa akin.
"Mahal kita Allara. Goddamn it, but I fucking love you." Aniya. Paos na ang boses niya mula sa pag iyak. I just smiled at him. Nakakuyom ang palad niya sa singsing na ibinigay ko.
"Alam ko. Kaya nga nagawa mo iyong mga nagawa mo noon hindi ba? Dahil mahal mo ako?" I said. I touched his hand. Naiintindihan ko na Greg. Pero hindi ko na pwedeng madaliin ang lahat. Hindi pa tayo handang dalawa.
"I'm thankful that you kept my mom alive. Thank you for protecting me. Thank you for loving me. But please, please, give me time Greg. I need this. We both need this." Anas ko. He brushed his tears. This is killing me. The pain is killing me. Alam kong ganoon rin siya. Siguro nga ay mas masakit sa parte niya dahil sinisisi niya ang mga maling desisyon niya.
I've realized that it is normal to make mistakes. There are mistakes that we can laugh at, and then there are mistakes that can shatter a soul. There is a thin line between those two kinds of mistakes, at iyon ang dapat nating malaman lahat. Dahil ang pagkakamali, kapag nagawa na iyan hindi mo na maibabalik.
"Gusto kong buohin ulit iyong sarili kong nasira noong niloko mo ako. And I want to do it on my own. And I want you to do it too. I know you broke yourself too when you chose to be with Celeste Greg. Pareho na tayong sira. Kapag ipinilit natin ngayon ang relasyon natin, wala ng matitira. Kaya mas magandang lumayo muna ako sayo hindi ba?" I said. my hand touched his right cheek. Pinunasan ko ang luha niya mula roon bago ngumiti.
"Hindi pa kita kayang patawarin. Hindi ko pa kayang pagkatiwalaan ka o ang mahalin ka ng buong buo. Hindi ko pa kayang kalimutan ang lahat. Greg you have to know that this problem won't go away just because you are sorry and I have forgiven you. Maraming nasira Greg. Our trust, our love, our self worth. We have to fix ourselves before we can fix this marriage."
Natawa siya ng pagak. "I really hate it when you are right." aniya. Napangiti na lamang ako.
Tumayo na siya at pinagpagan ang pantalon niya. Iniabot niya ang kamay niya sa akin at inalalayan akong tumayo. Noong makatayo ako ay agad niya akong niyakap ng mahigpit bago humagulgol. He touched my hair and hugged me tightly.
"I love you. I am so in love with you." Bulong niya. Sinagot ko ang yakap niya bago tumango.
Hinatid niya kami sa airport kinabukasan. Naunang pumasok sina Mommy kasama si Noah at naiwan kaming dalawa sa labas. Ilang beses pa siyang suminghot para pigilan ang luha niya habang natatawa na lamang dahil hindi naman niya iyon nagagawa.
"Mas masakit pala na nakikita kitang umaalis." Aniya. Tumawa lamang ako. Kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.
Greg made me realized something. Love is not perfect. It is not a storybook or a TV drama where everything will be perfect at the end. It doesn't come easy. It is filled with pains and obstacles along the way.
Hindi ibig sabihin na aalis ako ay iiwan ko na siya. Aalis ako dahil babalikan ko siya kapag buo na ako at handa na siya. Hindi ko ipipilit ang kami dahil alam kong masisira lang iyon. Marupok pa ang relasyon namin. Madali iyong matitibag dahil puno pa ako ng pagdududa at lunod pa siya sa pagsisisi.
And I know Greg will still wait for me to come back. Why? Simple lang. He loves me. He will wait until the day I will come back.
I will come back being a stronger Allara Naomi Festines. I will trust him, believe in him, and love him more than ever. At sa puntong iyon, hindi na ako bibitiw pa ulit. I will let go now so that in the future, I will have the strength to hold on.
Inilagay niya sa kamay ko ang singsing ko bago ngumiti.
"When you come back, I want you to wear that again. And when you come back, I will promise you that I will be here, waiting for you. Choosing you. Fighting for you." Hinawakan niya ang aking pisngi at tinitigan ako. "I choose you Lana. I will always choose you. Over and over and over. Without a pause. Without a doubt. I will keep on choosing you. I will keep on waiting for you." Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.
"You taught me how to love. I love you with all my heart. Words can never express how much I love you. You made it easy to love." Umiiyak na niyang sabi. I heard our flight number being announced. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
Dahan dahan niya akong binitiwan. I know how hard it is for him. Mabilis siyang tumalikod at pinunasan ang luha bago siya humarap sa akin.
And right there and then I knew, that this man, this lover boy loves me so much that he is willing to let me go to fix my broken self.
Totoo nga. The true measure of love is when you love without measure.
Lumapit ako sa kanya at kinabig ko ang batok niya. His lips landed on mine and he immediately wrapped his hand on my waist. Noong bumitaw ako ay umiiyak na rin ako.
"I will be back." I said. Another tear dropped from his eye before he smiled.
"And I will wait for you." Pangako niya. Humiwalay na ako sa kanya at naglakad palayo. Binuksan ko ang kamay ko at tiningnan ang singsing ko.
Ipinapangako kong aayusin ko ang lahat ng nasira sa sarili ko. Aayusin ko ang tiwala ko, ang pagmamahal ko sa kanya. Para sa pagbabalik ko, maayos na namin ang relasyon naming dalawa.
Yes, I will be back. At sa pagbababalik ko, suot ko na muli ang singsing niya.
I will be back lover boy.
=WAKAS=
--------------------------------------
And now it has officially ended. Tapos na po ang buong serye ng banda. Maraming maraming salamat sa suporta. Maraming salamat sa matyagang paghihintay. I know that Lana and Greg's story is open ended. Kayo na ang bahalang magtuloy sa imahinasyon ninyo.
I hope you learned many things throughout the series. Sana marami akong napasaya gamit ang kwento ng AEGGIS. I hope you have enjoyed reading.
It is such an honor to have you Penders. I love you all so much.
- Ace
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top