EPILOGUE

Tiffany's Pov

Kanina pa ako nandito sa Heartly Triangle.

Kanina pa rin ako umiiyak. Bakit ko nga ba tinanggap ang offer sa akin ng kambal ko?

Yakap-yakap ko ang regalo niya sa akin kahapon.

I Love You

Napapangiti ako dahil tuwing yayakapin ko ang bear ay naririnig ko ang boses ni Clark.

10:45 PM na at siya nalang ang hinihintay ko bago ako umalis dito at babalik na ako sa France.

Naiwan ko rin naman ang career ko don. Wala rin naman akong mapapala dito dahil hindi ako ang mahal niya.

Yes, he's with me for 4 days and with that, I already fall inlove with him because of his sweet gestures.

" Baby... "

Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at nakita ko siyang naglalakad sa kinaroroonan ko.

Agad akong tumayo at mabilis siyang niyakap.

" Hey! What's your problem? Shhh. Don't cry. "

Hinagod niya yung likod ko kaya mas lalo akong napa-iyak.

Magagawa niya pa rin kaya sa akin 'to 'pag nalaman niya ang totoo?

Nilayo niya ako ng konti sa mukha niya at tinitigan ako.

" Tell me, what's your problem? "

Niyakap ko muna siya ng mahigpit bago nagsalita.

" Huwag mo siyang kamumuhian 'pag nalaman mo ang totoo, Clarky. "

Tumango lang siya sa akin na nagsasabing ituloy ko ang sasabihin ko.

" I'm not Stephany--- "

" I know... "

Lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatingin sa malayo.

" Ahm... I just want it to be clear. Okay. Always remember that I love you, Clarky. Goodbye. "

Dahan-dahan akong naglakad habang nakahawak ako sa bibig ko upang walang makarinig ng hikbi ko.

Yakap-yakap ko rin ang bear na regalo niya at paulit-ulit kong naririnig ang boses niya.

Sasakay na sana ako ng kotse ko nang may humigit sa kamay ko.

" Hey--- "

Nagulat ako dahil bigla akong niyakap ng mahigpit ni Clark. Nabitawan ko pa ang susi ng kotse ko dahil sa matinding gulat.

" Hindi mo man lang ba pakikinggan ang side ko? "

May nakita akong luha sa mata niya kaya napa-iyak na rin ako.

" I know that you're Tiffany? Why? Dahil hindi Clarky ang tawag niya sa akin kundi babyboy. She's not fluent in English like you. Alam na alam ang Heartly Triangle but I guess pangalawang beses ka palang nakakapunta dito. Ayaw na ayaw niya sa fishball. And hindi niya niyayakap si Nanay Tina. Favorite niya ang ice cream samantalang ikaw allergic. Ube ang favorite niyang flavor pero stawberry ang sinabi mo sa akin. And you know, she doesn't know how to drive that's why I became confused. Hindi siya marunong mag-luto but you, ikaw pa ang nag-presintang mag-luto ng pancake. Hindi siya nagsusuot ng over-size na T-shirt dahil hindi siya katulad mo na boyish. Yung nunal niyong dalawa. Hindi siya takot sa horror gaya mo. And lastly... hindi siya nag-try na mag-effort sa mga occasions na dumadating sa aming dalawa. "

Mas lalo akong napa-iyak sa sinabi niya. So, all this time? Alam niyang ako si Tiffany at hindi si Stephany?

" Bakit hindi mo sa akin sinabi na alam mo---- "

" Because, I want to hear it from you, Tiffany. And now, I already know. "

Bigla niya akong hinalikan sa labi ko kaya pinikit ko ang mga mata ko at dinama ang labi niya sa labi ko.

Humiwalay ako at kinuha niya sa akin ang bear na niregalo niya sa akin.

" Try to hugged that bear........ "

" Alam ko na. Nag-a I love you-- "

".....tightly. "

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Mahigpit na yakap?

Kinuha ko sa kanya ang bear at dahan-dahan 'yong niyakap ng mahigpit.

Bigla akong napayakap kay Clark dahil sa sinabi ng bear.

" I love you...... Tiffany Assuncion. Would you be my girlfriend for real? "

~~~

Now: Ni Yao De Ai (try niyong pakinggan dahil ito ang pinapakinggan ko nang gawin ko itong update. )

Queen_RainIvee

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top