XXXX

Chapter 40.

Seven years later...

HABANG pinagmamasdan ko ang paligid ay na-realize ko na ang bilis pala ng panahon. Sa loob ng pitong taon na lumipas, napakaraming nangyari.

"Tita biatch, hindi na naman po kayo nakikinig sa akin. Tita ko po ba talaga kayo?"

I took a deep breath saka inalis sa isipan ko ang mga nangyari. Narito kami sa park, kasama ko ang anak ng bestfriend kong si Cherrypink.

"Alam mo, baby biatch, ganito talaga ang magaganda. Madalas matulala."

Ngumuso siya. "Hindi ka naman po maganda e."

Aba talaga naman ang batang 'to! Pagkatapos kong tulungan ang nanay niya sa pagpapalaki sa kaniya

Actually, matinding patience ang ginawa ko habang nagpapalaki kami kay Arisse Chandria. Para na rin kaming magulang niya, isa pa, hindi ko alam kung saan ba talaga nagmana ang batang 'yan. Nakakaloka dahil kakaiba ang ugali niya.

"Halika na, uuwi na tayo." sabi ko.

Humawak siya sa kamay ko. Walking distance lamang ang park na ito mula sa building kung saan kami nakatira. Mula nang ipanganak si Arisse ay doon na rin ako tumira sa condo unit ni Drake na ibinigay na niya kay Cherrypink. Syempre, wala naman kasing asawa si biatch so I really need to stay with them lalo na at may Arisse Chandria na. Hindi ko naman hahayaang nalang basta ang bestfriend ko lalo na at alam kong ako lang ang aasahan niya.

"Tita biatch, pupunta po ba si Tito Sperm?" tanong niya habang naglalakad kami.

Nakakatuwa naman na dalawang taon niya lang nakasama si Kenshin pero close na close na agad sila. Parang mas close pa nga sila kesa sa amin. Well, narito pa naman noon si Kenshin noong ipinanganak siya.

Two years ago nang bumalik si Kenshin dito sa Pilipinas galing sa Japan. Naalala ko pa ang huling pag-uusap namin noon bago siya umalis, six years ago.

Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko habang nakatingin sa maleta ni Kenshin.

"Baba, huwag ka nang umiyak. Paano ako aalis niyan?"

Pinunasan ko ang luha ko. "Bakit kasi... Bakit kasi kailangan mo pang umalis? Okay naman tayo 'di ba? Masaya na tayo. Mahal natin ang isa't isa. Ano pa bang kulang?"

"Nag-usap na tayo 'di ba? Masaya nga tayo, mahal natin ang isa't isa pero may kulang. May kulang pa dito sa bahagi ng puso ko na kailangan kong hanapin. Hindi ko gustong umalis pero para sa atin din 'to, Frey. Gusto kong maging ganap na lalaki para sa 'yo. Iyong walang mabigat dito sa dibdib ko tungkol sa Mama ko at lalo na ang psychological  problems ko. Gusto kong ayusin lahat..."

"Pwede namang magkasama tayo na haharapin 'yan 'di ba? Pwede naman na tulungan kita?"

Umiling siya. "Frey, gusto kong hanapin ang sarili ko. Sino ba talaga ako, ano ba talaga ako, bakit may dual personality ako, bakit... ang daming 'bakit' sa isip ko at gusto kong hanapin iyong mag-isa dahil ako lang naman ang makakatulong sa sarili ko."

Lalo akong naiyak. Sobrang attached ko na kay Kenshin na tipong halos palagi kaming magkasama. Ilang beses na nga kaming nagchukchakchenes e at ngayon, aalis siya.

"Hindi ko alam kung ilang taon akong mawawala pero gusto kong ipangako sa 'yo na sa pababalik ko, maayos na ako. Maayos na ang buong pagkatao ko at pwedeng pwede mo na akong ipagmalaki sa kahit kanino."

"Kenshin naman... kahit naman ngayon, kaya kitang ipagmalaki."

"Alam ko, baba. Cheer up. Gust ko ring gamitin ang pagkakataon na ito dahil ngayong nanganak na si Cherrypink, alam mong ikaw lang ang makakatulong sa kaniya. Lalo na at itinakwil na rin siya ng mga magulang niya, mas kailangan ka niya, Gusto kong maging busy ka habang wala ako. Gawin mo ang mga bagay na gusto mo at nagpapasaya sa iyo nang wala ako. I want you to be genuinely happy, baba. May tamang panahon tayo."

Yumakap ako sa kanya nang mahigpit. "Nakakainis ka..."

"Huwag ka nang umiyak. Gusto ko, habang wala ako, hindi ka iiyak."

"Paano ako hindi iiyak e ayaw mo rin ng communication. Tama ba 'yon? Can we call each other kahit minsan lang?"

He cupped my face and smiled at me. "Frey, I have a lot of things in my mind at kapag nasa malayo ako tapos narinig ko ang boses mo sa tawag, baka umuwi ako bigla ng Pilipinas. Baka hindi ko magawa ang mga bagay na dapat kong gawin. I want to focus to my self at sana maintindihan mo 'yon."

"Hindi ka mambababae dun?"

Tumawa siya. "Pupunta ako sa Japan hindi para maghanap ng babae. sarili ko ang hahanapin ko, baba."

"Promise?"

Tumango siya. "Promise."

"Ipangako mo sa akin na pagbalik mo, pakakasalan mo na ako."

Ngumiti siya. "Let's see."

Ngumuso ako. "Tingnan mo, hindi ka pa sure. Ewan ko sa 'yo, Kenshin. Akala mo ba ang dali dali sa akin na magpaalam sa 'yo? Iisipin ko pa lang na hindi na kita makakasama or makakausap, para na akong mababaliw. Paano pa kapag talagang wala ka na rito?"

"Frey, baba, mahal mo ako 'di ba? Mahal din kita. Sapat na 'yon para panghawakan mo at mapanatag ang isip mo kahit wala ako dito."

Pinahid kong muli ang luha ko. "Hindi mo rin talaga isasama si Tito Ken?"

Umilimg siya. "Gusto kong mag-isang harapin lahat 'to."

"Mag-iingat ka do'n." Sabi ko.

Maya maya pa ay lumapit na sa amin si Drake.

"Bro, you need to go inside." Sabi ni Drake.

This is it. Aalis na talaga siya.

"Baba, magtiwala tayo sa pagmamahal ng isa't isa. Be a good girl. I'll be back. I promise."

"Mag ingat ka do'n. Please? Mahal kita, Kenshin. Palagi mong tatandaan na nandito lang ako. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal."

He kissed my lips.

"Tama na 'yan. Lmao."

"Epal ka talaga, Drake!"

Tumawa sila. Habang hila ang maleta niya ay kumaway siya sa amin.

I will make myself busy. Gusto kong maging payapa ang isip ni Kenshin. Mahirap man para sa akin, kakayanin ko para sa kaniya.

Dahil alam ko, kami ang para sa isa't isa.

Huminga ako nang malalim. Four years na nawala si Kenshin dito sa Pilipinas. Sa buong apat na taon na iyon, inabala ko ang sarili ko. Bahay at trabaho lang ako. Mas nagfocus ako sa modeling. Marami akong naging projects lalo na at ni-recommend din ako ni Empress sa mga kakilala niya sa fashion world. Isa rin kasi siyang model pero mas daring siya kumpara sa akin.

Bukod doon, tinulungan ko si biatch na alagaan si Arisse Chandria. Naalala ko pa noong hindi marunong magkabit ng pampers si biatch, umiyak siya kaya tinulungan ko siya pero hindi rin ako marunong kaya pareho nalang kaming umiyak.

Good old days.

Iyon 'yung mga panahon na suportado ko si biatch. Ako lang kasi ang maaasahan niya bukod kay Drake. Good thing, he took the responsibility. Tumayo siyang parang tunay na ama kay baby biatch. Samantalang ako, ang super tita na nariyan palagi sa tabi nila.

I hate her family. Sa totoo lang, hindi ko alam na may mga magulang pala na kayang itakwil ang anak nila dahil lang buntis ito at walang maipakilalang ama si biatch. Ayaw kasing ipaalam ni biatch na si Palermo ang ama. Ayaw niyang makarating iyon sa Duke na walang balls na 'yon.

Awang awa ako noon kay biatch na literal na walang natira sa kaniya. Na-blocked lahat ng cards niya, kinuha rin sa kaniya ang condo at sasakyan niya. Itinakwil siya nang ganon ganon nalang.

Noong manganak si biatch, sinagot ko ang hospital bills. Inaako nga ni Drake pero hindi naman kasi obligasyon ni Drake iyon. Isa pa, ako ang bestfriend at  lahat ng pwede kong maitulong, gagawin ko.

All my school life, naging outcast ako sa school. Tahimik lang kasi ako noon. Hindi pa ganito kakapal ang mukha ko. Hanggang makilala ko si Cherrypink. She's been my bestfriend for so many years at malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil kinaibigan niya ang loner na tulad ko kahit sikat pa siya noon sa school.

Nakarating na kami sa unit. Pagpasok namin ay wala pang tao. Wala pa si biatch. Nagta-trabaho kasi siya sa Hongstar Hotel na pag-aari ni Drake. Nakakatuwa nga kasi nang bumalik si Kenshin two years ago, inalok din niya ng trabaho sa Hashtag bar si biatch para may maitulong naman daw siya. Isang taon din siyang nagtrabaho ro'n.

I am really proud for my bestfriend. Kinaya niya ang lahat. Hindi siya naging maarte kahit kung tutuusin, she was born with silven spoon in her mouth. Wala siyang experience sa pagtatrabaho pero kinaya niya para sa anak niya.

"Tita biatch, I want penchay po."

I rolled my eyes. Ewan ko ba sa batang 'to dahil kung anu ano ang natutunan niya kay Kenshin.

"Okay, baby biatch. Magpapa-deliver tayo sa Mcdo." Sabi ko saka nagpa-deliver via phone application.

Hinayaan ko munang maglaro si baby biatch ng doll house niya sa carpet.

Tuwing wala akong work, ako ang nag-aalaga kay baby biatch. Madalas naman kasi one to two hours lang ang work ko a day for photoshoot. Pinakamatagal na ang five hours. Madalas naman na nasa school si baby biatch every weekdays. Kapag weekend, lalo na at sabado, may trabaho pa rin si biatch.

Kahit halos gusto na naming sagutin lahat ng gastusin, ayaw ni biatch. Iyong tuition ni Arisse sa school, si Empress ang sumasagot. Itong condo, galing kay Drake. Iyong bills, ako na ang sumasagot at si Kenshin naman, sa monthly groceries. Pero nagagalit na rin sa amin si biatch. Kaya nga raw siya nagtatrabaho para sa kanila ni baby biatch. And ayon nga, madalas na siya ang bumibili ng groceries at bayad sa service ni baby biatch monthly and kapag may kailangang projects and all si baby biatch, siya na.

Nakakatuwa rin na hindi lamg ako ang willing tumulong kay biatch. Kaya nga masama siyang malasing kasi wala soyang tigil sa pagpapasalamat sa amin at nahihiya na raw siya.

Ganoon naman talaga dapat e. Kung sinong nangangailangan, iyon ang dapat tulungan lalo na't para na ring pamilya ang turingan namin.

Bumukas ang pinto. Akala ko ay si biatch na dahil hanggang hapon lamg naman siya sa work.

"Tito Sperm!"

Hay, ang puso ko kumakabog na naman. Kahit ilang taon pa siyang nawala, walang nagbago sa nararamdaman ko. Iyon at iyon pa rin.

Dumiretso siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

"Bakit sa pisngi lang?!" Reklamo ko.

"Baba, andyan si baby sperm. Masama 'yon."

Ngumuso ako. Favorite na niya si baby biatch.

"Tito Sperm, tuturuan mo po ba ulit ako ng mga words?" Tanong ni baby biatch.

"Oo naman, baby sperm. Binilihan kita ng mga books. Dapat ma-memorize mo 'to lahat para maging pinagpala ka rin tulad ko."

Hay naku, nagbobolahan na naman sila. Madalas na turuan ni Kensh si baby biatch. Kulang nalang, maging private tutor siya.

Pinagmasdan ko lang silang dalawa.

Nakakatuwang isipin na ang daming pagbabago kay Kensh. Akala niya noo  iyong bad side talaga iyong toong siya pero upon looking out for his self, iyong good side pala. Masama lang talaga siyang magalit at hindi siya inosente. Masyado lang talaga siyang matalino.

Ikinwento niya sa amin ang mga nangyari sa Japan. Nakilala niya ang grandparents niya, na magulang ng Mama niya. Doon pala siya tumira sa loob ng apat na taon dahil gusto raw bumawi ng grandparents niya sa kaniya. Ang dami raw alaala ng Mama niya do'n at masaya siya dahil kahit alaala nalang, parang nakilala na rin niya ang Mama niya.

Nagconsult din siya sa psychologist doon. Tinulungan daw siya. Inalam daw niya kung bakit ba siya nagkaroon ng parang dual personality at doon niya nalaman na nabuo niya ang isang personality niya because of his love to his father. Sa kagustuhan niyang maging perpektong anak para sa ama niya.

Ang dami niyang kwento at proud ako sa kaniya.

"Tito Sperm, bakit mo po ba nililigawan si Tita biatch? E hindi naman po siya maganda e. Mas maganda pa po ang Tita Melons ko."

Sinamaan ko ng tingin si baby biatch. Palibhasa palagi ko siyang ino-okray, ayan, number one hater din siya sa amin ni Kensh. Palagi niyang sinasabi na hindi kami bagay.

Kami naman na talaga ni Kenshin. Pero sabi niya gusto niyang ligawan pa rin ako para maranasan daw namin ang normal na relasyon. My gosh, dalawang taon na niya akong nililigawan kahit kami naman na talaga. Ewan ko ba d'yan.

Hinihintay ko na nga lang na pakasalan niya ako e.

Si shingshanhshung nga pala, nagbalik. Nakipagkaibigan siya sa akin dahil gusto daw niyang makabawi sa ginawa niya noon sa akin. He's happily married na. Good thing natauhan na siya ay hindi siya nagpakalulong sa pagkagusto sa akin. Nakulong kasi siya noon pero pagkatapos ng isang taon ay pinagpyansa na siya. At doon, nakilala niya ang babaeng pinakasalan niya.

Itong si Kenshin, kahit kasal na si shingshanhshung, pinagseselosan pa din niya.

Katwiran niya, kahit naman daw mga kasal na nagagawa pa ring magloko. Napakagaling talaga.

"Kakaiba ang Tita biatch mo, baby sperm. Siya lang ang nakapagpatibok ng puso ko."

Enebe! Gusto kong mapatili sa kilig.

"Kensh naman e, parang sira!"

Ngumuso si baby biatch. "Kinikilig na naman po si Tita biatch. Para na naman po siyang baliw."

"Ikaw talagang bata ka, pagkatapos kitang palakihin?!"

"Hindi naman po ikaw ang nagpalaki sa akin e. Iyong gatas ko po na ininom mula noong baby pa ako. Saka iyong mga pagkain na kinain ko po saka gulay!"

Nasapo ko ang noo ko. Pilosopong bata. Hindi na nga ganoong kapilosopo si Kensh pero may pumalit naman.

Tumayo ako nang may mag-doorbell.

Binuksan ko amg pinto. Mcdo delivery na pala. Kinuha ko ang in-order ko saka binayaran.

"Here's your french fries, baby biatch."

"Yehey, penchay!" Tuwang tuwa siya.

Napakababaw ng kaligayan ng batang 'to. Sorry nalang kay Duke dahil itong batang 'to ang sinayang niya. Gago pa rin siya.

"Wow, chikababes ang kakainin mo, Tita biatch?" Tanong ni baby biatch nang buksan ko ang 1 pc chicken na in-order ko para sa akin.

"Ikaw talaga, dami mong alam ha. Chicken 'yan, okay?"

Hindi ko pa man nakakagat ang chicken ko ay inunahan na ako ni Kensh.

"Sarap ng chikababes."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Isa ka pa. Ikaw talaga ang salarin kung bakit kakaiba ang mga words ni baby biatch e."

"Mahal mo naman."

Enebe! "Kensh talaga, para namang tanga!"

Tinawanan lang ako ng dalawa. Napakagaling dahil kinain na ni Kensh ang pagkain ko habang si baby biatch enjoy na enjoy sa fries.

Napailing nalang ako. Nakakatuwa tuloy isipin na soon, kami naman ni Kensh ang magkaka-anak. I can't wait for that moment.

Siguradong magiging mabuti din kaming mga magulang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top