XXXIII
Chapter 33.
BALIK sa normal ang lahat. Okay na kami ni Kenshin at sobra sobra ang saya ko dahil sa mga nalaman ko.
Tulad nalang ng palagi niyang pagtawag sa akin ng baba. Hindi ko inisip na may meaning pala iyon. Akalain mong endearment pala 'yon. Enebe, keleg eke e! Halos hindi tuloy ako makatulog kagabi dahil ang saya saya ng puso ko. Pakiramdam ko naliwanagan ang lahat. Pakiramdam ko amg tanga ko rin na isipin na hanggang pag asa nalang na mahalin din ako ni Kensh.
May mga pagkakataon kasi talaga na magmamahal tayo ng lalaking wala tayong kaaiguraduhan kung mamahalin tayo pabalik. Swerte ko nalang talaga siguro na our feelings are mutual. Mahal ko siya at ngayon, mahal na niya ako.
Ikinwento ko ang lahat ng tungkol kay Daryl kay Kenshin. Sa una, may tampo siya pero tulad nga ng sabi niya, iintindihin niya ang mga desisyong ginawa ko---na ngayo'y alam kong mali pala.
"Biatch, tulala ka na? Kanina pa ako nagsasalita dito. Nakailang tunog na rin ang phone mo. Hindi ko lang sure kung si Kenshin ang tumatawag or si Daryl or both?"
Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang maalala kong ka-kwentuhan ko nga pala si biatch mula kanina pa. Syempre inilalabas ko ang feels at kilig ko with matching paghampas pa pero syempre hindi malakas kasi buntis siya.
"Oh, wait!"
I grabbed my phone. Ten missed calls. Okay? Two missed calls from Kenshin and eight missed calls from Daryl. Gosh, what is happening?!
Agad kong tinawagan muna si Kenshin. Uh, huh! Natuto na ang lola niyo! Priorities first! Though, matindi pa rin ang oag aalala ko kay Daryl, sabi nga ni biatch, choose my own hapoiness and not other's happiness. E, si Kensh ang happiness ko!
"Baba."
Eeee! Kinikilig akoh tirik mata. Ano ba! Dati naiinis pa ako sa word na baba, ngayon hindi na e. Alam ko na ang true meaning.
"Kensh, ano ba! Parang sira 'to."
Tumawa si Kensh sa kabilang linya. Ang gwapo ng tawa, kainis. Hawakan ko pwet niya mamaya kapag nagkita kami. Dito ko siya patutulugin. No malice, okay? Patutulugin lang, walang ibang balak.
"Saan ka? Busy muna ako ngayon, baba. Si Dad kasi nakipagsuntukan."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?!"
Sa loob loob ko, sino kayang nakasuntukan ni Dady Ken? Kasi matagal ko na rin siyang gustong suntukin. Nilalait niya kasi ako e! Joke lang, peace!
"Nagsuntukan sila ni Tito Kit kasi bored sila e. Pagbabatiin muna namin sila nina Drake."
Nasapo ko ang noo ko. Pambihira! Kapag bored, nagsusuntukan nalang? Iba rin ang trip nila. I wonder kung anong klaseng teenagers sina Daddy Ken.
"Sige, Kensh, pero you want to sleep here ba tonight? You know, hmmm, may bago akong nighties. Bumili ako kanina." May paghagikhik pa ako. Landi ko ba?
"Talaga ba, baba? Sige, titingnan ko kung maganda iyong nighties mo. Pero kapag hindi ko nagustuhan, pupunitin ko habang suot mo ha?"
I bit my lower lip. I don't know if he's being innocent or nilalandi niya ako! Gosh, lakas makalandi e!
"Sige Kensh, sana hindi mo magustuhan. Hihi."
"Okay, baba. I'll hang up. Tatawagan kita mamaya kapag pauwi na kami ni Drake sa unit niyo."
"Alright. Bye, Kensh!"
"Mahal kita, Frey."
Jusko! Titirik tirik ang mata ko sa kilig. Punyeta ni Kenshin talaga! Kailan ko ba huling naramdaman ang ganitong kilig sa ibang lalaki? Naloloka ako!
"Eeee! Mahal din naman kita, Kensh! Pakurot sa banana mamaya ah?"
"Frey naman, ang bastos mo naman e. Magagalit si Dad."
I rolled my eyes. "Fine! Okay, I'll hang up na! Bye!"
Naputol ang tawag at jusme ang dibdib ko ang lakas ng kabog. Kilig na kilig talaga ako, grabe! Ganito ba ang feeling kapag mahal ka ng mahal mo? Ang heaven!
"Nakakadiri ka naman, biatch. Hindi ka man lang nahiya na kaharap mo ako habang nakikipaglandian ka sa phone kay Kenshin. My gosh, kawawa ang anak ko. Nasa tiyan ko pa, nasusubaybayan na agad niya ang kalandian mo."
Nakalimutan ko, andito pala si biatch sa harap ko. Pagdating kay Kensh, naba-blanko isip ko e.
"Grabe ka naman biatch, I'm sure super bait na bata ang magiging anak mo. So huwag mo akong i-judge! Minsan lang ako kiligin at sumaya ng ganito."
"Ewan ko sa 'yo, biatch. Sana nga maging masaya na kayo ni Kenshin. Sana alam mo na ang dapat mong gawin kay Daryl."
"Alam ko na naman, biatch. Unang una, wala namang idea si shingshangshung na alam ko ang kalagayan niya. Pangalawa, hindi rin naman ako nakipag-committment sa kaniya. At pangatlo, I just stayed at his side para lamg suportahan siya dahil alam kong mabigat sa dibdib niya iyong katotohanang may sakit siya. Hindi lang basta basta sakit kundi malubhang sakit.
"Buti nalang talaga sinampal kita. I'm so proud of myself."
Inirapan ko siya. "Gusto mo pa talagang nananakit ka e! Feeling ko talaga, pinaglilihian mo lang talaga ako."
"How I wish, ikaw ang pinaglilihian ko. Huwag sana siyang lumaking bitchesa."
"Duh, anh swerte kaya ng anak mo kapag ako talaga ang pinaglihian mo."
"Oo nalang, biatch. So, may lakad ka ba today?" Tanong niya.
Oo nga pala, may missed calls din si shingshangshung!
"I forgot. Tatawagan ko din pala siya."
I dialled his number. Nag-aalala naman ako dahil walong missed calls 'yon!
"Hello po, si sir Daryl po namumutla ang nagsusuka. Pinatawagan ka po niya sa akin pero hindi po kayo sumasagot."
Gosh! Napatayo ako saka nanlalaki ang matang tumingin kay biatch na nakatingin lang din sa akin.
"Alright, I'll be there!" Sabi ko saka ibinaba ang tawag. Mabilis akong tumayo.
"Anong nangyari?"
"Namumutla daw at nagsusuka si Daryl. Gosh, what happened to him. Kailangan ko siyang puntahan, biatch."
"Sige biatch, tandaan mo, huwag mong pairalin ang pagpi-feeling superhero mo. Okay na kayo ni Kenshin so wala na dapat na maging issue. You should tell to Kenshin that you're going to Daryl."
Tumango ako. "Sige, biatch. Magpapalit lang ako ng damit sa taas. Then I have to go. Take care here. Call me kapag may kailangan ka." Sabi ko saka mabilis na umakyat sa kwarto ko.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kung kanina, dahil sa kilig at tuwa ang pagkabog ng tuwa ko, ngayon ay dahil sa pag-aalala na.
☶
"CYBEL, hindi ka na dapat nag-abalang pumunta dito. Baka busy ka, baka may work ka, baka..." natigilan siya sa pagsasalita nang mapaubo siya ng bahagya.
Ang putla putla niya. He looked like he's going to faint anytime. Naaawa ako sa kaniya.
"I'm not busy. Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong ginagawa today. Saka tingnan mo nga 'yang sarili mo."
"I told you, kulang lang ako sa tulog saka hindi ako kumain mula kagabi."
I know he's lying.
"Ang kulit kulit mo kasi! I told you, alagaan mo naman ang sarili mo." Sabi ko. I don't want to show him pity. Ayokong isipin niya na baka alam ko na ang kalagayan niya.
He chuckles. Nagagawa pa rin niyang ngumiti despite of his sickness.
"Sorry, okay? I'm fine. Umuwi ka na, Cybel."
Umiling ako. "I'll cook, then pwede kainin mo?"
"I will. Basta ikaw ang nagluto, kakainin ko, Cybel." Nakangiting sabi niya.
Napaka-genuine ng ngiti niya. He's too kind for me, seriously.
Tumayo na ako para ipagluto siya pero nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang braso ko. Pagtingin ko sa kaniya ay gumulantang sa akin ang parang nanlalambot na katawan.
"Nahihilo ako, Cybel. Para akong mahihimatay..."
Agad akong umupo sa gilid ng kama. Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya. "Nakakainis ka! Nakakainis! You should take care of yourself!"
Gusto kong maiyak pero tinatagan ko ang sarili ko dahil ayokong isipin ni Daryl na naaawa lang ako sa kaniya kaya ako narito sa tabi niya.
"Tatawag na akong doctor. Kailangang madala ka sa hospital!" Sabi ko. I tried to be calm pero gulong gulo na ang isip ko.
"No! No... please..."
Iyong dibdib ko, ang lakaa ng kabog.
"Daryl, please."
"Please din, Cybel. I don't need a doctor. Just... just stay here for a while."
Wala na, bumigay na ako. Hindi ko alam kung bakit pinipigilan niya akong tunawag ng doctor. He should be careful! Alam niyang malubha ang sakit niya at iyong mga ganitong nangyayari sa kaniya, dapat na malaman ng doctor. Paano nalang kung lalong makasama sa kaniya? Alam naman ni Daryl na malubha ang sakit niya. I need to take him to hospital.
"But you need to go to hospital. We need to know why are you acting like that!" Kahit alam ko naman talaga ang totoo.
"I'm fine. Wala 'to. Don't worry, okay? Just stay here."
Ano bang ibig sabihin niya sa manatili muna ako dito? Anong magagawa ng pag-stay ko dito? At least, kahit iyong doctor nalang ang paountahin ko rito.
"Okay, I'll stay here. You should sleep. Baka kulang ka sa pahinga." Sabi ko.
I won't tell him na tatawag ako ng doctor para pumunta rito. Alam kong pipigilan niya lang ako.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Thank you, Cybel."
Ngumiti ako pero deep inside nag aalala ako ng sobra sobra.
I looked at his face. He closed his eyes. Siguradong masama ang pakiramdam niya. Ayaw niya lang ipahalata.
Tumunog ang phone ko. It's Kenshin.
"Kensh."
Nakalimutan kong sabihin na pupuntahan ko si Daryl. I should tell him.
"Baba, saan ka? Narito kami sa unit. Umalis ka daw sabi ni Cherrypink. Ikaw daw ang tanungin ko kung nasaan ka."
"Kensh, ano kasi, narito ako kina Daryl. Ano kasi..."
"Sige, Frey. Iinom lang kami ni Drake dito sa unit. Mag-ingat ka diyan."
Nakaramdam tuloy ako ng guilt.
"Hindi ka ba galit, Kensh? Sorry kung hindi ko agad nasabi---"
"Mahal kita at may tiwala ako sa 'yo, Frey. Kahit naman nandiyan ka sa tabi niya ngayon, alam kong ako ang nasa puso mo. 'Yon ang panghahawakan ko."
Damn him. Lalo niya akong binibigyan ng dahila para mas mahalin siya ng sobra. I never thought na hahantong kami ni Kenshin s aganitong klaseng conversation.
"Thank you, Kensh."
"Ano lang, baba..."
"What?"
"Ano..."
Kumunot ang noo ko. Ano bang gustong sabihin ni Kensh? Para pa siyang nauutal na ewan.
"What is it, Kensh?"
"Damn..."
Eee! Ang hot magmura, kainis!
"Ano nga kasi 'yon, Kensh?"
"May tiwala talaga ako sa 'yo, baba pero hindi ko masasabing may tiwala ako sa shingaling na 'yan. No touch, no kiss, no hug, no holding hands---"
Bigla akong napabitaw sa kamay ni Daryl. Buti nalang at hindi siya nagising. Nakakaloka 'tong si Kensh. Parang nangunguryente ang sinasabi e.
"Frey."
"Yes, Kensh."
"Lahat 'yon bawal. Ayaw kitang higpitan pero parang gano'n na rin ginagawa ko pero ayoko lang magselos ng walang basehan. Nagiging tigre ako kapag nagseselos, Frey."
I bit my lowet lip. Sherep kaya niya kapag wild siya.
"Don't worry, Kensh! Wala kang dapat ipag-alala. Just enjoy drinking with Drake, okay?"
"Sige, baba. Tatawagan kita after one minute."
"What?"
Ang possessive ng one minute! Gosh! Dami ko talagang nadi-discover na kakaiba kay Kensh. Lalo tuloy akong mas nai-inlove.
"One hour pala. Gusto ko lang i-check ka kada oras. Seloso ako, baba."
"Kensh naman! Kurutin ko yalaga 'yang---" naalala kong andito lang si Daryl.
Heto na naman ako, naba-blanko kalag si Kenshin na ang kausap ko.
"Frey naman, bawal ang bastos."
Ang goodboy naman ng mahal ko. Ayeee! I don't know kung ano ang meron sa amin ni Kensh dahil wala pa rin naman kaming label pero parang kami na rin namam. Hindi palang namin nagpag-uusapan kung ano na ba talaga.
"Okay, mamaya na kita babastusin, hihi." Ang landi ko talaga kainis!
"Sige, Frey. Sa kama mo lang ako pwedeng bastusin. Babastusin din kita."
Kyaaaa! Kilig ang pearly shells ko! Nakakaloka. Feeling ko naaakit ako sa mga words niya e.
"I'll hang up na. Okay, Kensh? Will call you later. Bye!"
"Sige, baba."
Naputol na ang tawag. Ang sarap sa pakiramdam na ganito. Iyong alam niyo 'yung pareho kayo ng nararamdaman ng taong mahal mo tapos hindi niyo kailangang pigilan ang mga sarili niyo. Ang sarap lang at ang saya sa puso. Wala akong gustong gawin kundi kausapin siya habang kaharap siya under the stars. Ugh, ang sweet. Ang dami kong gustong gawin kasama si Kenshin.
Ito na yata talaga ang lovelife na matagal kong hinahangad. Si Kenshin na nga ang nawawalamg icing sa cupcake ko. Siya na talaga.
"Frey..."
Nanlaki ang mga mata ko dahil gising pala si Daryl. Narinig kaya niya ang pag-uusap namin ni Kenshin? Nakakahiya! Ang landi ko pa naman.
"Ah, Daryl... may masakit ba?"
Tumango siya. "Nanghihina ako. Frey... hindi ko yata kayang mag-isa dito sa mansyon." Sabi niya. "Sina Mama... sina Papa, busy sa companies..."
What does it mean?
"Don't worry, magiging maayos din ang pakiramdam mo. Kaunting pahinga lang. Saka mamaya, ipagluluto kita bago ako umuwi. And I will try to buy you medicines."
Umiling siya. "Frey... stay here. Stay here for the rest of the night. Please."
Sa isang iglap, nawala ang ngiti sa labi ko. Bakit biglang ganito ang ina-akto ni Daryl?
"Daryl---"
"Ngayon lang ako hihiling sa 'yo, Cybel..."
I was speechless. Hindi ko alam ang isasagot ko. Ngayon lang siya naging ganito sa akin. Kanina lang ayaw oa niyang naaabala ako pero ngayon, ganyan ang sinasabi niya.
And I need to go home. I need to go to Kenshin. I chose him...
"Cybel, para aking magsusuka. Ang sakit ng dibdib ko..."
"Tatawag nalang ako ng doctor---"
"No!"
Nagulat ako sa pagsigaw niya. "Daryl..."
"Please..."
Napalunok ako. This time, hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Hindi ko siya gustong tanggihan pero hindi ko rin siya mapagbibigyan.
Choose your happiness...
Napapasaya ako ni Daryl but he's not my happiness. Hindi na ako magkakamali sa bawat desisying gagawin ko. Hindi na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top