XXXII
Chapter 32.
HINDI ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Desidido na ako sa desisyon ko pero ang makutang ganoon si Kenshin, parang hindi ko na kakayanin pang saktan siya.
He's the man I love. Kahit pa ilang beses akong nasaktan nang dahil sa kaniya, ayoko pa ring makita siyang nasasaktan nang dahil sa akin. His words means a lot to me. Sobrang apektado ako sa mga sinabi niya kagabi.
Tinawagan ako ni Daryl na nakalabas na siya ng hospital. He told me not to go there dahil susunduin daw siya ng family niya. That's what he said. Gusto ko rin namang magkaroon sila ng moment ng family niya. Sa araw araw na pagpunta ko ro'n para bantayan siya, hindi na siya ulit dinalaw man lang ng family niya.
Dumako ang tingin ko sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok ro'n. Natatakot pa rin ako na si Kenshin iyon. Ayokong pumupunta siya dito sa unit ni biatch para magmakaawa sa akin.
I honestly can't bear to see him like that.
Tumayo ako saka nagbukas ng pinto. Cherrypink is standing outside and she looks so serious.
"Biatch, pwede ba tayong mag usap?"
Huminga ako nang malalim saka tumango.
Naunang bumaba si biatch. Hindi ko alam kung anong pag-uusapan namin pero base sa itsura niya, siguradong tungkol iyon kay Kenshin.
Napansin niya kaya ang pamamaga ng mga mata ko? Sa lahat ng tao, si biatch ang nakakaalam ng totoong nararamdaman ko para kay Kenshin.
Bumaba ako sa salas. Nakaupo si biatch sa sofa at halatang hinihintay ako. Umupo ako sa single sofa sa katabi ng mahabang sofa na inuupuan niya.
"What do you want to talk about?"
Kakaiba ang tingin niya sa akin. I know her since birth. We're freaking best of friends. Kilala na namin ang isa't isa. Isa pa, we can't lie to each other.
"What's going on? Si Kenshin, iyong ganap mo, anong meron? Hindi ko maintindihan ang nangyayari, biatch."
Napalunok ako. How can I lie to her about Daryl's condition?
"Biatch..."
"You love him. Mahal mo si Kenshin. Hindi nga mahal lang. Gusto mo pa nga siyang mapangasawa and you even swear that he will be the man you will marry. Anong nangyari? Bakit sa isang ihip ng hangin, nagbago lahat? Huwag na huwag mong sasabihin na hindi mo na siya mahal because that will be your biggest lie."
Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko. I know for a fact na marami kaming kalokohan ni Cherrypink but when it comes to serious conversation, seryoso talaga siya. This will be a heart to heart talk. Kapag siya ang kausap mo, walang paligoy ligoy. Isang tanong, isang sagot. That's the kind of friendship we have.
"Biatch..."
"Drop it, Frey. I don't know what's going on you. Kapag nagkakaganito ka, pakiramdam ko wala akong kwentang kaibigan. Paano kung may pinagdadaanan ka pala? Hindi ko alam. I always think about my pregnancy tapos hindi ko man lang naiisip kung okay ka lang when in fact, you're always there to check me if I'm okay, if my baby is fine. Tell me, what's really going on with you?"
She's calling me by my name. She's serious.
"It's just..."
"I won't judge you. You know that."
Nakagat ko ang ibabang labi ko. My tears started to fall. Ang bigat kasi sa pakiramdam tapos 'yong pakiramdam na may guts kang mag-open sa ibang tao to lessen the pain.
"Biatch, si Daryl..."
"What happened? Anong kinalaman niya kay Kenshin? Alam mo bang gulong gulo ako. Si Drake, nagpapakalasing dahil ayaw niyang nakikitang nasasaktan si Kenshin. Si Kenshin naman palagi ring lasing dahil ayaw mo na daw sa kaniya. Noong makausap ko si Drake. He told me what you did to Kenshin. Wala akong ideya kung bakit nagkaganoon."
I took a deep breath and looked at her eyes. "May cancer si Daryl. He's dying and I feel like he's my responsibility. I want to stay by his side kasi siya 'yong taong palaging nasa tabi ko kapag kailangan ko siya. He's the guy who never ask something for return. This is my decision. Daryl didn't know na alam ko ang kalagayan niya..."
"So that's why you lied to Kenshin? Sinabi mo sa kaniyang hindi mo na siya mahal para maputol na ang ugnayan niyo so you can stay at Daryl's side?"
Tumango ako pero hindi ko inaasahan ang ginawa ni biatch.
She slapped me... hard.
Dumagundong ang dibdib ko. Sobrang lakas ng kabig niyon. This is the first time na sinaktan ako ni biatch. I never expect her to do that to me.
I looked at her eyes. Kinapa ko ang mahapding pisngi ko. But to my surprise, I saw her eyes filled with tears.
"Hindi ako hihingi ng tawad sa ginawa ko pero Frey... I did that para magising ka sa katotohanan."
"Biatch..."
She wiped her tears pero sunod sunod pa rin ang pagtulo niyon.
"I'm begging you, Frey. Do not, as in never do the same mistake that Duke did to me. Utang na loob, alam ko ang pakiramdam. Alam ko..."
In instant, nag-flashback sa isip ko iyong time na galit na galit ako kay Duke dahil sa ginawa niya kay biatch.
"Alam mo at alam nating lahat, Frey! Empress found out na kaya ako iniwan ni Duke ay dahil may sakit ang childhood friend nila na 'yon! But that can't change my decision for shutting him out of my life! Nagsinungaling siya dahil gusto niyang manatili sa tabi ng babaeng 'yon! It's his fucking decision at kahit pa bumalik siya, hinding hindi ko ipapaalam sa kaniya na alam ko ang totoong dahilan nang pag-iwan niya sa akin. Nagsinungaling siya, Frey! And we are keeping this as a secret to Kenshin and Drake!"
Nanginginig ang labi ko. I can't stop my tears from falling. Pakiramdam ko dahil sa ginawa ko, muli kong binuksan iyong sugat na sanhi ni Duke kay Cherrypink.
Nalaman namin ang totoong dahilan kay Empress. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero nakiusap siya na huwag ipaalam kina Drake at Kenshin ang bagay na iyon. Amd when the times comes na ipaliwanag ni Duke ang tungkol sa ginawa niya, we will act like we know nothing.
"Biatch..."
"Habang maaga pa, agapan mo na, Frey. Please? Alam ko ang nararamdaman ni Kenshin. Kapag nalaman niya ang dahilan... parang... parang guguho 'yong mundo niya na mapapatanong nalang siya na paano kung siya nalang 'yong nagkasakit para nanatili ka sa tabi niya? That's the exact thing I asked to myself when I found out about Duke. Ang bigat sa dibdib, Frey. Sobra! Na para bang gusto ko na siyang sugurin sa US at sabihin sa kaniya na mamamatay na rin ako so he should stay with me instead!"
I hugged her. I can't let her cry like that. Ang makita si biatch na sobrang nasasaktan, doble para sa akin dahil alam ko ang sitwasyon niya.
"Biatch, sorry. Please tama na... huwag ka na umiyak oh... huwag mo na alalahanin ang gago na 'yon. Please..." I hugged her tighter.
"Nasa huli ang pagsisisi, Frey. So please, save it. Save him for drowning in pain. Tulad nang nararamdaman ko. I'm trying to be stronger for my baby. Pero si Kenshin? Wala siyang dahilan para magpakatatag. Wala..."
Bumitaw siya sa pagkakayakap ko.
"I love you, Frey. You're my only family that stayed with me no matter what. Itinakwil ako ng buong pamilya ko pero nanatili ka sa tabi ko. And I'm thankful for that. I'm doing this dahil gusto kong maging masaya ka. I don't want you to live like that. I don't want you to be blinded by the things that he did for you. Yes, nariyan siya palagi para sa 'yo without asking for any return pero pwede namang gabayan mo siya or manatili ka sa tabi niya without hurting Kenshin."
I cried. I don't know what to say. Tagos na tagos sa puso ko ang mga sinasabi ni biatch.
"Stay with him, yes. But don't stop yourself from being happy. Sa ginagawa mo, alam mo bang pare pareho kayong masasaktan? Si Kenshin, na inakala na hindi mo na talaga siya mahal, si Daryl, kapag nalaman niyang ginawa mo iyon para sa kaniya at ikaw, ikaw ang mas magsa-suffer, Frey. And I don't want you to be in pain."
She's my bestfriend. Hindi lang basta kaibigan kundi pamilya ang turingan naming dalawa. I never thought na kausapin siya about sa pinagdadaanan ko samantalang siya pa pala ang makakapagpalinaw nang lahat sa akin.
Yes, she's right.
"Sa ginagawa mo? Alam mo bang hindi lang nasasaktan si Kenshin. Para mo na rin siyang pinatay. I know that because that's what I feel."
"Sorry..."
"No, you don't have to apologize, biatch. Kailangan mo lang ng kaunting alog sa utak that's why I slapped you. You just need a realization na hindi lahat ng bagay na akala mong tama ay tama. Iyong akala mo na mas maiging piliin 'yong mas mahina dahil may sakit siya, mali iyon biatch. Choose what makes you happy, not the things for other's happiness."
Umiyak lang ako. I realized all the things that I did. Hindi ko inisip na para ko na ring pinapatay si Kenshin sa mga sinabi ko sa kanya at pinamukha. I felt sorry about that. Iniiyakan ko gabi gabi ang mga bagay na sinabi ko sa kaniya na hindi ko intensyong sabihin.
"You're not a superhero, biatch. You can't just protect those people who are weak."
Tumango lamang ako bilang pagsang-ayon dahil hindi ko pa rin mapigilan ang paghagulhol ko. I hate myself for hurting Kenshin. I hate myself for hitting his limit.
"Even the strongest person has a breaking point. Kung iniisip mo na mas malakas naman si Kenshin dahil wala siyang sakit kaya siya iyong hindi mo pipiliin, mali iyon. He's physically strong but for sure, he's emotionally dying."
"Kenshin..." I mouthed while I'm crying in front of Cherrypink. "I hurt him... sinaktan ko siya ng sobra. I don't know what to say. Hindi ko alam koung may ihaharap pa ba akong mukha sa kaniya..."
"Mahal ka niya, biatch. Mahal ka ni Kenshin kaya kahit gaano mo pa siya nasaktan, he will accept you with open arms. Alam mo kung paano ko 'yan nasabi? Because that's the same thing I will do kung babalik si Duke ngayon at mas pipiliin ako."
I stared tat her eyes. "Sorry talaga biatch. I never intended to let you feel the pain again. Hangga't maaari ayokong maisip mo na naman iyong ginawa ng gago na 'yon sa 'yo but here I am, doing the same mistake that he did. Galit na galit ako sa kaniya pero pareho alng pala kami."
"Hindi pa huli ang lahat, biatch. Go, find him and tell him how much you love him. I'm sure, his pain will disappear in instant."
I hugged her again. "Thank you, biatch. Thank you for making me realize na ang tanga tanga ko para magdesisyon ng gano'n. Thank you."
"Para saan pa at kaibigan mo ako?" She smiled with tears in her eyes. "Kaibigan ko rin si Kenshin at ayokong isa sa mga kaibigan ko, maranasan din ang sakit na naramdaman ko dahil kay Duke. Tama nang ako nalang."
Umiling ako. "No! We're here for you, okay? Hinding hindi ka namin iiwan tulad ng ginawa ng gago na 'yon."
"I know. Sige na! Puntahan mo na si Kenshin."
I smiled at her and nodded. Mabilis kong hinablot ang susi ng kotse ko at ang phone ko. Wala na akong pakialam kung anong ayos ko. All I want to do is to find him and hug him tight.
Paglabas ko ng unit ay sumakay agad ako sa elevator pababa sa basement parking. I clicked my car's alarm saka sumakay.
I drove out of the parking. Wala akong ibang nasa isip kundi ang mukha ni Kenshin na umiiyak at nasasaktan. I want to wipe his tears. I want to see his smile again. I want him to be the playful Kenshin again. Kahit pa palagi niya akong binabara. I don't care!
Tinawagan ko agad si Drake.
"What."
"Where's Kenshin?"
"After hurting him, you'll ask me whe---"
"Just tell me and shut up!"
"Fine. Hashtag bar VIP room 5. Lmao."
Ibinaba ko nag tawag saka pinaharurot ang takbo ng kotse ko. I don't want to waste even a second.
Maya maya pa ay nakarating din ako sa Hashtag Bar. Mabilis akong bumaba ng kotse ko. Pumasok agad ako sa loob. Dumiretso ako sa VIP rooms and I saw his father outside the room 5.
"Ito ba ang rason kung bakit nagkakaganoon si sperm? Sumagot ka, Drake!"
I looked at Drake. He's looking at Kenshin's father.
"It's not my story to tell, Tito. And besides, sila lang ang makaka-solve ng problema nila."
"That's a no no! Hindi ako makakapayag. Kung itong babae na ito nga ang dahilan, hindi ko siya hahayaang makalapit---"
Diretso akong lumapit sa pinto. I'm holding the door knob but his father speak again.
"Tatawag ako ng pulis kung ipagpipilitan mong lumapit sa anak ko!" Bulyaw niya sa akin.
"Then call them. I'm willing to surrender myself after talking to him." I said and opened the door.
"Whoa. That's the Frey I know." Narinig kong sabi ni Drake bago ko isinara ang pinto.
I locked the door para hindi ako maistorbo ng tatay ni Kenshin. I know how much he hates me for his son.
Naabutan ko si Kenshin na nakahiga sa mahabang couch. There's a lot of bottles of beer on the floor. Mukhang lasing na lasing siya.
Lumapit ako sa couch. His eyes are close. Is he sleeping?
I felt my tears falling while looking at his face. May mga galos, may pasa... this is the first time I saw him like this.
Hinaplos ko ang mukha niya. "Kenshin... "
Ang lakas ng kabig ng dibdib ko. No doubt, I love him so much. My heart only beats for him.
"Mahal naman kita e. Mahal na mahal kita pero nagsinungaling ako... i thought that's the best decision I could do pero mali ako. Nasaktan kita..."
I bit my lip to stop myself from trembling.
"Hindi ko alam kung huli na ba ako. Hindi ko alam kung kinamumuhian mo na ba ako. Hindi ko alam kung gaabo kalaking epekto abg dinulot sa 'yo ng mga kasinungalingan ko..."
Hindi ko na napigilang mapahagulhol. I don't want to wake him up pero hindi ko na kayang pigilan. Ang bigat bigat sa pakiramdam.
"Alam mo ba... kahit hindi mo ako mahal noon, hindi ko kailanman naisip na itigil na ang pagmamahal ko sa 'yo. Alam mo kung bakit? Kasi ikaw 'yong laman ng puso ko e. Naisipan ko mang mag-give up, hindi kailanman nabawasan 'yung pagmamahal ko sa 'yo."
Nagpatuloy ako sa paghaplos sa mukha niya.
"Iyong... iyong dual personality mo? Ano ba 'yon? Akala mo ba talagang hindi kita matatanggap nang dahil lang doon? Nakalimutan mo na ba noong sabihin ko sa 'yo na mahal kita kung ano ka? I love you for who you are and what you are. Huwag mo naman iyong kakalimutan. Kahit pa multi personality ang mayroon ka, hinding hindi kita ikakahiya sa pamilya ko o kahit pa sa ibang tao. Hindi naman... hindi naman totoo iyong sinabi ko na nakakahiya ka dahil doon..."
Naninikip na ang dibdib ko sa sobrang pag-iyak. Pero alam kong pagkatapos kong mailabas ang masasakit na bagay na 'to, gagaan din ang pakiramdam ko.
"Hindi ba... hindi ba nga I will stay with you. Sorry ha? Kasi nagkamali ako sa desisyong ginawa ko na akala ko tama..."
I kissed his lips. Wala akong pakialam kung magising siya.
"I love you, Kenshin. Mahal na mahal kita. Iyon ang totoo."
Nagulat ako nang biglang magmulat ang mga mata niya. He looked at ny eyes intently.
"That's a crime." aniya.
Kumunot ang noo ko. Iyong tatay niya ipapapulis ako. Talaga bang krimen na ang lapitan siya?
"You kissed me without permission."
Napatingin ako sa mga mata niya. He smiled at sa isang iglap ay kumabog na parang tambol ang dibdib ko.
His smile...
"Baba."
Lalo akong naiyak. Hindi ko alam kung magagalit pa ba ako dahil sa pagtawag niya ng ganoon sa akin pero mas naiiyak ako kasi hindi siya galit. Sa tingin ko ay hindi pa huli ang lahat.
"Kahit, kahit palagi mo akong inaasar na mahaba ang baba ko... kahit... basta mahal kita. Mahal talaga kita." I cried again.
He wiped my tears. Nanatili siyang nakahiga habang nakatingin sa akin.
"Sino bang may sabi sa 'yo na mahaba ang baba mo?"
"I-Ikaw. Hindi ba, palagi mo akong inaasar. Kaya nga tinatawag mo akong baba e." Para akong bata.
Para bang walang nangyaring masakit sa pagitan namin. He's smiling at me. He's back to Kenshin that I know.
"Paano mo nasabi?"
Sumimangot ako. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulang ipaliwanag ang tungkol kay Daryl.
"Baba ang tawag mo sa akin palagi. Lagi mo nalang napapansin ang baba ko."
"Sa tingin mo, bakit baba ang tawag ko sa 'yo?"
"Kasi mahaba ang baba ko? Pero hindi naman e." I pouted my lips. Nagagawa ko pang umakto ng ganito habang puno ng luha ang mga mata ko.
"Frey."
"Ano?"
He smiled again. He caressed my face. Hinayaan ko lang siya.
"There's a place in Bicol, they called their favorite love one, ba."
I frowned. "What do you mean?"
"Sa tagalog, ba ang endearment nila para sa espesyal na tao para sa kanila."
"Tapos..."
"Frey, ang slow naman. Kaya baba ang tawag ko sa 'yo, because you're my favorite love one. Sa halip na ba lang, ginawa ko lang baba para hindi obvious. Akala ko, ako lang ang slow. Pati pala ikaw."
Bumangon siya saka mabilis na nahila ako paupo sa couch. Niyakap niya ako ng mahigpit.
"My baba."
Ang puso ko... sa pagkakataong ito, nahulog na naman sa kaniya. Pero hindi, paulit ulit akong nahuhulog sa lakaking ito dahil siya ang laman ng puso ko.
"Iyon pala 'yun..." nasambit ko nalang.
"Handa akong makinig sa explanation mo kung bakit mo nagawa ang bagay na 'yon. Hindi pa huli ang lahat, Frey. Kanina ko pa pinapakinggan lahat ng sinabi mo mula nang pumasok ka dito sa kwartong ito. Narinig ko lahat. Ngayon pa ba na sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa 'yo? Nasaktan mo ako pero ngayon, parang bulang nawala lahat iyon kasi narito ka na. Narito ka na ulit sa akin." Mas humigpit ang yakap niya.
Nagpanggap lang ba siyang tulog kanina? Pero maigi na 'yon. At least he knows what I really feel for him.
Pero, that baba thingy...
Saglit akong kumalas sa pagkakayakap niya. "Ibig sabihin ba iyong pagtawag sa akin ni Drake na maja, may kakaiba ring ibig sabihin?" Tanong ko out of nowhere.
"Hindi, Frey. Talagang intensyon niyang asarin kang mahaba ang baba mo. Huwag mo nang i-expect na may ibang dahilan 'yun." Tumawa siya.
He's alive again.
Sumimangot ako na parang naiinis. I kissed his lips to stop him from laughing.
"Tama nang pinakilig mo ako. Huwag ka na ulit mang asar!"
He grins. "Frey..."
"Ano?"
"Buntis ka na ba?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"
Is this the right moment to ask me that thing?
"Sabi kasi ni Drake kapag nagmeet na ang egg cell at sperm cell, makakabuo na ng baby. Pero sabagay, ako si sperm. Hindi ko pa naman name-meet si egg cell kaya baka hindi ka pa buntis."
Nasapo ko ang noo ko. Yes, he's back again. He's really back at being innocent---being in his other side.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top