TWENTY-TWO

“Bro, punta tayo mamaya. May gusto yatang ipakita sa atin si Daphne.” Narinig kong saad ng isang lalaking lumampas sa amin.

“Bakit daw tayo pupunta ro’n? May nakita na naman ba siyang ginagawa ni Justine?” isa pang lalaki. Nakatingin lang ako sa kanila. Hindi naman sa tsismosa ako, masyado lang talagang malakas ang boses nila.

“Napapansin kasi ni Daphne na lagi nalang daw pumupunta si Justine roon. May natipuhan yatang pukpok.” Nangunot ang noo ko.

Tumigil sila saglit para maka tawid sa kalsada. May kasabayan rin silang mga babaeng ka batch lang namin na may sariling mundo rin.

“Pukpok? Si Daphne na ‘yon! Halos virgin pa nga tingnan eh! Impossible ‘yan pare. Hindi pumapatol si Justine sa ganiyan.” umakbay pa ang isang lalaki sa nagsabi no'n at ang isa naman ay inayos ang strap ng bag niya.

“Kaya nga pupunta tayo doon diba? Manlilibre nga siya kapag di daw totoo.” sagot ng lalaking inakbayan niya. Hindi ko rin naman kasi maaninag ang mga mukha nila dahil nakatalikod sila sa akin.

Lumayo na ang mga boses nila dahil naglakad sila sa ibang kalye. Si Dalcy naman ay busy sa kakalaro sa cellphone niya. Naririnig ko pa ang tunog dahil sa lakas.

“Attack the lord!”

“You have slain an enemy!”

“An ally has slain lord!”

“Amputa! Ang bobo naman!” Reklamo niya at mukha ng sasabog kakapindot sa  cellphone. Nakasimangot na siya at salubong na ang kanyang mga kilay sa inis.

Ewan ko ba kung bakit sinasabi nilang pang tanggal stress ang online games na 'yan. Tingnan mo nga ang isang 'to, parang any minute ay mapuputol na ang ugat.

Lumingon lang ako pabalik nang dumating si Lolo kaya ay nagpaalam na ako kay Dalcy ngunit tango lang ang sinagot niya at nagmumura na roon. Napailing nalang ako at pumasok sa loob ng tricycle ni Lolo.

Pagkapasok ko palang ay nagtanong na si Lolo sa'kin. “Apo, bakit parang magkamukha ang kasama mo noong araw at si Zaiden? Magkapatid ba ‘yon?” tanong ni Lolo na nagpakaba ng lubos sa akin. Hindi bulag si Lolo para hindi niya malaman agad na magkamukha sila pero hinahayaan ko lang kahit na alam kong may ideya na sila.

Napaubo ako kunwari dahil na stunned ako ng ilang minuto. “Ah.. Lo, di ko po alam eh. Hindi ko naman tinanong.” Pagdadahilan ko at napakagat na lang ng labi dahil sa kaba. Please, Lo. Ayoko ng pag usapan pa.

“Ang tagal niyo ng magkaibigan ni Zaiden, hindi mo lang ba tinanong?” Pumikit nalang ako upang mag isip kung ano ang isasagot. Kailangan kong huwag magpahalata. Hindi pa pwede.

Umiling lang ako at umiwas ng tingin. Masyado na talaga akong sinungaling. Hindi ko pala sinabi kina Lolo ang koneksyon ni Zaiden sa kambal. Kahit anong tago ko rin naman, malalaman rin naman nila at wala na rin akong malulusutan sa susunod.

“Mukhang desente naman ang kaibigan mo. Hindi ba iyon nanligaw sayo?”tanong niya ulit habang nasa daan ang mata niya. Humigpit ang kapit ko sa strap ng bag ko at nag isip.

Manliligaw? Si Zaiden? Impossible.

“Impossible iyan, Lo. Wala siyang gusto sa akin.” Binibisita niya nga lang ako sa bahay dahil sa kambal eh. Walang malisya naman iyon dahil pamangkin naman niya ang mga anak ko.

Bumabyahe na kami pero hindi pa rin tumigil sa kakatanong si Lolo tungkol kay Zaiden. Nagtatawag rin siya ng maisasakay na pasahero.

“Hindi naman siguro iyon bibita sa bahay para lang makipaglaro sa mga anak mo. Akala ko nga ay uuwi na siya kanina pero gusto ka niya munang makita.” Saad pa ni Lolo at pinipilit niya talaga na meron kahit wala. Kung alam mo lang, lo.

Tumigil muna ang tricycle nang may pumara. May sinabi ang babae na hindi ko marinig dahil sa ingay ng engine pero mukhang hindi yata pinasakay ni Lolo dahil baka sa ibang route iyon.

"Lo, wala talaga," sagot ko. "Sobrang mabait lang talaga si Zaiden, pero hindi naman niya ako gusto."

"Pero hindi naman masama kung magkaroon ka ng kaibigan na katulad niya, lalo na't may mga anak ka na. Maganda rin na mayroon kang suporta."

I nodded, not knowing what else to say. I knew Lolo was right, but it was complicated. I didn't want to give him false hope, nor did I want to lie to him. But for now, I decided to just keep quiet.

After a while, Lolo changed the topic and started to tell me about his day. I was relieved. I wasn't ready to talk about Zaiden yet, not even with Lolo. I knew I had to sort out my feelings first.

"Siya nga pala apo," he said, interrupting my thoughts. "Nakita mo ba yung balita kanina? Yung tungkol sa bagong mall na itatayo dito sa atin?"

"Hindi, lo," I answered, grateful for the change in conversation. "Anong balita doon?"

Lolo proceeded to tell me about the new mall, and for the rest of the ride, we talked about that and other things. It was a welcome distraction, and for a moment, I forgot about Zaiden and the complicated situation I was in.

Pagdating agad namin ay tatalon-talon ang kambal na pumunta sa akin. Niyakap ko silang dalawa habang hinahalikan ako ni Cole sa pisngi. Hinalikan ko rin ito sa pisngi at leeg na kinahagikhik naman ng baby boy ko.

"Hello, my pretty and handsome babies,” Sabi ko sa kambal habang hinihimas ko ang kanilang mga ulo. "How's your day?”

"We play, mommy!" Sagot ni Cole, ang kanyang mga mata ay kumikislap sa excitement. "We even draw with Tito!”

"Wow, talaga? Gusto kong makita ang mga drawing ninyo mamaya," sabi ko, pinipigilan ang aking pagtawa sa kanilang excitement.

Napansin ko ang titig ni Lolo sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin. Sa halip, tinuon ko ang aking atensyon sa aking mga anak.

"Ano pa ang ginawa ninyo?" Tanong ko sa kanila.

"Basa po wibro,”  sagot ni Cole, mas bulol si Cole sa tagalog pero marunong naman sila. Hindi katulad ni Calia na straight na magsalita ng tagalog at English. Mabilis lang rin siyang matoto.

Sumilip ako kung saan sila galing at may mga pambatang books ngang nakalapag sa sahig. Napangiti ako."Mukhang nag-enjoy kayo, ah. Sige, mamaya magkukwento kayo sa akin tungkol sa mga ginawa ninyo, ha? Pero ngayon, kailangan na nating kumain. Gutom na ba kayo?"

Tumango ang dalawa. Hinawakan ko ang kamay ni Cole habang nakakapit naman si Calia sa uniform ko. Nakasunod lang siya hanggang sa loob ng kusina. Naghahanda na rin pala si Serina ng mga plato sa mesa.

Hinahanap rin ng aking mata si Zaiden pero wala siya. Umuwi na ba siya?

“Serina,” Saad ko rito habang nagsasalin siya ng tubig sa baso. Tumakbo ang dalawang bata sa mesa at tumingin sa mga pagkaing nakahain. “Nasaan si Zaiden?”

“Lumabas muna yata ate. May tumawag kasi sa phone niya kanina pero kanina pa iyon, di ko alam kung bakit wala pa siya hanggang ngayon.” Sagot niya agad.

Inilagay ko na ang kambal sa kanilang mga upuan, inayos ang kanilang mga plato at kutsara bago ko narinig ang pagtunog ng aking cellphone. Agad akong tumingin rito at nabasa ang pangalan ni Zairon na lumabas sa screen.

Dahil dito, dali-dali akong tumayo at lumabas ng bahay. Ayaw kong marinig niya ang ingay sa loob - ang mga halakhak at sigawan ng kambal, dahil baka magtanong siya. Ayoko na munang nagsinungaling ngayon dahil dumadagdag na ito sa konsensiya ko.

“Good evening baby, kumain ka na?” Bungad niya. Hindi pa rin talaga ako sanay na ganito siya sa’kin. Sweet siya pero hindi ako sanay na may taong ganito sa akin.

“Hindi pa, papakain pa lang. Ikaw?” Tumingin-tingin pa ako sa paligid ko at sinasala ang bawat sulok at anino na maaaring pagtaguan. Baka kasi bigla na lang may susulpot at magtataka kung sino ang kausap ko sa telepono.

“Hindi ako makakain,” aniya.

Nag alala agad ako. “May sakit ka ba? Bakit hindi ka makakain?”

“Kasalanan mo ‘to eh.” Paninisi niya na nagpasalubong ng kilay ko.

“Wala naman akong ginawa sayo ah.” Depensa ko at inaalala pa ang kanina. May ginawa ba ako? Is he still upset?

“Hinalikan mo kasi ako, ayan tuloy hindi na mawala sa isip ko. Plus, kanina pa ako nananabik na masolo ka, Laurene.”Nagpanguso ako at pinipigilang ngumiti.

“Manahimik ka doc, ang landi mo talaga.” Natatawa kong sambit.

“Ganun? Nasa labas ako ng bahay mo, Laurene. Ipapakita ko sayo ang totoong landi.” Nawala ang ngiti ko nang marinig iyon.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig mula ulo hanggang paa sa sinabi niya. Hindi dahil sa mismong mga salita niya, kundi dahil sa hindi ko inaasahang marinig ang huli niyang sinabi. Hindi agad ako makasagot, parang biglang natuyo ang lalamunan ko.

“S-seryoso ka?” Tanong ko at agad akong lumabas ng gate. I have to make sure.

“Ang ano? Ang landi? Syemp–”

“Zairon, seryosong nandito ka sa labas?”

Natahimik siya sa kabilang linya na mas lalo lamang nagpakaba sa akin. “I'm just kidding, baby. I know you won't like it.” Bawi niya.

I took a deep breath, trying to calm the pounding of my heart. "Zairon, that's not something to joke about. It's confusing and—"

He chuckled on the other end, interrupting me. "Relax, Laurene. I'm just messing with you. I'm not really outside."

I let out a sigh of relief. Napapikit pa ako. "You scared me there. Don't joke about things like that."

"Sorry, sorry," he said, still amused. "I just wanted to hear your reaction. Anyway, I'll let you go so you can enjoy dinner with your family. Take care, Laurene."

The call ended, leaving me standing outside, but I was about to step inside when a shadow caught me off guard. Inaninag ko ang anino sa gilid at nakita ko ang pamilyar na postura ng isang lalaki.


“Z-zaiden?” Hindi sigurado kong tawag.

Napalingon siya sa akin at doon ko lang napansin na may kausap pala siya sa cellphone niya. Nakatago kasi siya sa isang madilim na parte ng lugar, kaya hindi ko agad siya napansin. Biglang kumabog ang aking dibdib. Lalo akong kinabahan dahil hindi ko pa nasasabi sa kanya na nagkikita kami ni Zairon.

“Hey, I never noticed you,” He said while approaching me. Unti-unti kong naaninag ang mukha niya dahil sa ilaw na nagmumula sa malayo. Sa bawat detalye ng kanyang mukha na aking nakikita, lalo akong napatitig. Hindi ako sanay sa itsura niya ngayon. Ang dating kilala kong mukha ay iba na.

Napansin niya ang paraan ng pagtingin ko. “I think you have a lot to ask me, Laurenestine.” He added. Kumurap ako at sinilid ang phone ko sa aking bulsa.

Kinamot ko nalang ang braso ko dahil sa pagkapahiya at yumuko. “Sorry, hindi pa kasi tayo nagkausap simula nang bumisita ka rito. I.. I didn't expect that you changed a.. lot now,”Nahihiya kong sabi.

“Yeah, something happened but don't worry about it. By the way,” He changed the topic at doon na rin umangat ang tingin ko. Mataas si Zaiden, same height sila ni Zairon at aangat talaga ang mukha ko para makita ng husto ang mukha niya. Sa totoo lang, nasanay na ako sa presensiya ni Zaiden pero dahil magkamukha sila, hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagpapalitan nila.

“Anong oras matatapos ang klase mo bukas?” He asked and slid his phone inside his pocket.

“Uh, tanghali. Bakit?”

“Can we.. go out?” Nag dadalawang isip niyang tanong. Nagulat ako at halata talaga iyon sa mukha ko. Napaubo siya at kinamot ang kaniyang ulo. “I mean.. with the twins. Of course,”

I blinked in surprised. "Go out? Like... a day out?"

He nodded, a hint of nervousness in his eyes. "Yeah, like a day out. I thought it might be nice for the twins. And for us, too. We haven't really had a chance to catch up."

I felt a wave of relief wash over me at his clarification. "Oh, sure. I think the twins would love that. Mayroon ka bang particular na lugar na nais mong puntahan?"

"Naisip ko lang na baka gusto mong magpahinga ng konti," sagot niya, ngumiti sa akin. "Baka gusto mong maglibot-libot. Maganda rin na makita ng mga bata ang ibang lugar."

Tumango ako, "That sounds like a great idea, Zaiden. I'm sure the twins would love to go out and see new places. And I could definitely use a break."

His smile widened, and for a moment, I was reminded of the old Zaiden - the one I used to know. The one who I admired but it was all in the past and I only see Zaiden who helped me, us to survive.
 
"Okay," I finally agreed, giving him a small smile. "Let's do it. But we have to be careful, okay? The twins are still quite fragile."

He grinned, relief evident in his eyes. "Of course. I promise we'll take good care of them."

"Great," I said, trying to sound more enthusiastic than I felt. "Sa hotel ka ba matutulog ngayon? Why don't we have dinner first before you go out?”

He nodded. "Sure, no problem.”

Naglakad na kami papasok at nandoon na pala lahat sa kusina. Si Zaiden ang nagpapakain kay Cole habang solo ng kumain si Calia. Cole really fond of Zaiden at para talaga silang mag ama. I even notice how Zaiden is comfortable with Cole. I smiled observing him but some scenery started to flow in my mind.

Nakikita kong si Zairon ang nasa pwesto ngayon ni Zaiden kasama ang kambal. Nawala ang ngiti sa mukha ko at nararamdaman ako ng konsensiya.

I'm sorry, Zairon. I'm still a coward for not telling our children to you but I don't want to regret it in the end. Even if I have feelings for you, it doesn't change the fact that I'm afraid that you will take my children away from me. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa inyong magkapatid kaya ay tutuklasan ko iyon ng ako lang. I don't know how to start but maybe being with you will answer my questions.

—--

Maaga pa lang ay gising na ako. Ako na ang nag-alaga at nagligo sa mga anak ko bago ako pumasok sa klase ko. Hindi rin mawala ang ngiti ko habang ginagawa ko ito. Excited na excited kasi kami na ipasyal ang mga bata mamaya. Pero parang bula, bigla na lang nawala ang ngiti ko nang maalala ko si Zairon. Bigla na namang nagduda ang konsensiya ko.

Habang tumatagal, mas gusto ko na lang sabihin sa kanya ang totoo. Gusto kong ilabas ang lahat ng tinatago ko. Pero dahil sa takot at kawalan ng lakas ng loob, hindi ko masabi-sabi. Ang hirap kasi, pabago-bago ako ng desisyon. Isang minuto, handa na akong sabihin ang lahat, pero sa susunod na minuto, bigla akong nag-aatubili.

Bago pa man ako makapasok sa room ay bigla akong tinulak ng hindi ko alam kung sino. Dahil dito, napahakbang ako ng ilang beses at halos mawalan ng balanse. Nabigla ako dahil sa biglang pagdami ng mga estudyante sa paligid.

Pinilit kong isiksik ang sarili ko sa pagitan ng mga estudyante at nagkakandarapa na halos makapasok lang ngunit napatigil rin nang masilayan ang nangyayari sa loob.

I saw a woman slapped Jazz at mukhang dalawang beses na iyon dahil namumula ang magkabilang pisngi niya.

“Ang landi mo! You whore who wanted to steal my boyfriend!”

Even when Jazz slapped two times, her face didn't have any expression. Parang wala lang sa kaniya at ito ang unang beses na wala man lang emosyon ang mukha niya.

“Hoy babaeng mukhang si Balmond, sino ka para tawagin si Jazz ng whore? She's not a whore! Ang ganda ng amega ko at papatol lang sa boyfriend mo?!” Gigil na sigaw ni Dalcy. Masyadong matinis ang boses niya kaya napapikit nalang ako dahil baka mabingi ako.

“A whore protecting a whore, magkaibigan nga kayo!” Bwelta niya pa at akmang sasampalin na naman si Jazz pero agad akong lumakad palapit sa kanila at inunahan ko na ito at ang palad ko na ang sumampal sa pisngi ng babae. I remember her, she's Daphne, girlfriend of Justine.

Gulat itong napatingin sa pwesto ko. May mga kasama rin siyang mga alipores niya at akma na sana rin akong hihilahin ang buhok kaya lang ay una kong nahila ang tenga ng isa pang babae.

“Ouch! Don't touch me, you nerd!”

Wearing eyeglasses still calling them a nerd? Para silang highschool!

"Who do you think you are to slap her?” Mariin kong tanong at tinulak ang babae kaya muntik na siyang matumba kung hindi lang siya nasalo ng dalawa pa.

“I remember you!” We turn our gaze to the woman with her. Naalala ko rin siya--siya ang babaeng hinila ko ang buhok sa party. Himalukipkip lang ako at ngumisi.

“Hi, long time no see. Kumusta ang anit mo?” Nanunuya kong tanong na kinapula ng mga buong mukha niya sa galit.

“Ano ba ang problema mo?!” Sigaw ng babae sa akin at dinuro pa ako.

“Wala. Ikaw ba, may problema ka?” Balik ko sa kanya.

“Laurenestine right?” Daphne asked me. I just raised my eyebrow.Ngumisi siya at nilapitan pa ako. “Anong pakiramdam na halikan ang isang gwapong Professor?” Mahina lang iyon pero bumundol ang kaba sa dibdib ko. “Oops, that's not a Professor, right?  At ang nakakatawa pa ay instructor mo pa ngayon ang nilandi mo noon. Parehas lang kayo ng mga kaibigan mo, malandi.” Madiin niyang saad at bigla niya akong tinulak ng malakas. Natumba ako at nadamay ang mga upuan.

Nabangga pa ang noo ko sa isa sa mga upuan bago ako natumba sa sahig. Napakabigat ng pakiramdam ko habang nakahiga sa sahig. Ang sakit ng noo ko at mukhang may sugat dahil sa pakiramdam kong dumudugo ito.

“Oh my god! Laurene!” Dinaluhan agad ako ni Dalcy at bago pa ako bumangon ay narinig ko nalang ang sigaw ng mga estudyante dahil si Jazz ay nilulundagan na si Daphne at natumba pa sila sahig. Ilang beses niyang sinampal ang babae at hinihila ang buhok.

“Tàngina mong babae ka! Hindi porke at sa bar ako nagtatrabaho ay malandi na! Ang boyfriend mo ang sunod ba sunod sa akin at hindi ko na problema kung mas maganda pa ako sayo!” Sigaw niya sa babae at walang tigil niya itong sinampal sampal.

Bigla na lamang humawi ang mga nagkukumpulan na babae nang pumasok si Alvey, kasunod si Zairon. Hinila ni Alvey si Jazz palayo sa babae at agad siyang inilayo. Bago pa ako makatayo, may kamay na ang humawak sa aking likod at bigla na lamang akong binuhat ni Zairon. Si Zairon ay instructor namin kaya iba ang reaksiyon ng mga estudyante, lalo na at kitang-kita ang pag-aalala sa mukha niya.

He carefully carried me away from the chaotic scene. May pag alala at inis ang reaksiyon niya ngayon pero wala man lang siyang sinabi. I could even feel the stares and whispers of the students as we left the room.

"Baby, are you okay?" His voice was laced with worry as he gently set me down on a bed inside the clinic. Wala ang nurse kaya siya na mismo ang kumuha ng ng gamit para magamot ang noo ko.

"I'm... I'm fine," I managed to say, still feeling a bit disoriented. "It's just my head, and I think there's a cut."

He examined my forehead and his eyes narrowing with displeasure. "This is unacceptable. Kailangan nating pumunta sa hospital, baka nabagok ang ulo mo.” Pag alaala niyang sambit na kinailing ko lang.

“I'm okay.. there's no need for that. Natamaan lang ako sa upuan pero cut lang talaga siya, promise.” At marahan na hinaplos ang pisngi niya dahil mukha na siyang papaiyak.

“Hoy, huwag ka ngang umiyak!” natatawa kong saway dahil para siyang batang inagawan lang ng candy. Hindi ko talaga ma imagine na ganito siya kapag kami lang dahil halos hindi nga siya pumapansin sa iba. Tapos minsan nagiging cold ang titig niya.

"Okay, okay," He said with his voice shaking a bit. He took a deep breath, trying to compose himself. "Pero promise mo sa akin, kung may nararamdaman kang kakaiba, sabihan mo ako agad, okay?"

I nodded, smiling at him. "Promise.  Don't worry too much."

His face softened, and he gently brushed my hair back from my face. "Hindi ko mapigilan ang mag-alala, Laurene. You're more important than my life," he said softly.

I felt my heart flutter at his words. Despite the pain in my head.  "Thank you, Zairon," I said, reaching out to squeeze his hand.

He smiled at me, a genuine, heartfelt smile that made my heart beat faster. "I'm just glad you're okay."

Just then, the door to the clinic opened, and my friends rushed in. "Laurene! Are you okay?" Dalcy asked, nag alala ang mga mata niya habang papunta sa akin. Si Jazz naman ay namumula ang mukha at parang nahihiya rin siya dahil siguro sa nangyari kanina. Nakasunod lang siya sa likod ni Dalcy.

"I'm fine, guys," I reassured them. "Dr. Gavilan is here with me.”

They both looked at Zairon "Thank you doc," Dalcy said, giving him a small smile.

Jazz nodded, her gaze softening as she looked at Zairon. “Thank you po talaga Dr. Gray eyes!”

Zairon just shrugged while gaze never leaving mine. "I'm just doing what anyone would do," he said, but his hand was still holding mine, his thumb gently rubbing circles on my skin.

Sabay na bumaba ang tingin nila sa kamay naming dalawa at doon ko lang na realize ang sitwasyon namin. Agad kong hinila ang kamay ko. Nagkatinginan silang dalawa dahil sa natuklasan.

“Oh, my!” Sabay takip ng bibig ni Dalcy, na para bang nakakita ng isang malaking sorpresa. Agad akong napatayo, hindi alam kung ano ang gagawin.

“G-girls! Hindi.. Mali ang nakikita niyo, wala kaming–” Sinubukan kong ipaliwanag, pero bago pa man ako makapagsalita, umiling lang si Jazz at napahalukipkip.

"Laurene.. Laurene.. huwag ka ng magsinungaling, obvious naman din kasi!" Sabi ni Jazz, na para bang alam na alam niya ang lahat.

Nagulat ako sa sinabi ni Jazz. "Anong obvious? Wala talagang nangyayari sa amin ni Zairon!" Ipinrotesta ko, habang ramdam ko ang init na gumuguhit sa aking mga pisngi.

“O em, to the highest level! Bakit first name bases ‘to? Hindi mo siya tinawag na Doc!” Agad na tili ni Dalcy.

Mas lalong namula ang aking mukha sa hiya, at lalong nadagdagan pa ito nang bigla akong inakbayan ni Zairon. Nanlalaki ang mata nilang dalawa.

“We met years ago and I hope you can keep this as a secret.” ngiting sabi ni Zairon.  Ngangang tumango ang dalawa na parang na hypnotismo sa kaniya.

"Okay, okay, we promise not to tell anyone,” Dalcy finally said with her eyes still wide with shock. Jazz nodded in agreement, her mouth hanging open in surprise.

“Good. I trust you both,” Zairon said while his arm still wrapped around me. I could feel my face burning with embarrassment, but I didn't push him away. His presence was comforting, and in a strange way, it felt right.

“Pero, Laurene, bakit hindi mo kami sinabihan?” Dalcy asked, her voice filled with hurt. “Akala ko ba friends tayo?”

“Sorry, Dalcy, Jazz,” I said, looking at them both. “It’s just... complicated. I didn’t know how to tell you.”

“Complicated? How?” Jazz asked, crossing her arms over her chest.

“Because Zairon is our instructor. And we... We have a past together. It’s just... complicated,” I repeated, feeling a lump form in my throat.

Dalcy and Jazz exchanged a look, then turned back to me. “Okay, we understand,” Dalcy said, her voice soft. “We won’t push you if you’re not ready to talk about it.”

“Thank you, guys,” I said, feeling a weight lift off my shoulders. “I really appreciate it.”

Nagpaalam na sa amin si Zairon dahil pinatawag yata siya sa Dean at kasama dapat kami kaso si Zairon na raw ang bahala. Ako naman ay hindi mapakali dahil sa paraan ng tingin nila. Para kasing hindi pa rin sila makapaniwala sa nakita.

Bumuntong hininga ako at nagsalita. “I'm sorry for hiding this, baka kasi.. layuan niyo ako.”

“What? Bakit ka naman namin lalayuan? At saka, Doctor Gray Eyes is just a temporary instructor here. Hindi naman siguro kayo lumabag sa rules ‘di ba? At saka, magkakilala pala kayo na hindi mo sinabi agad!” Ani Dalcy.

Napayuko ako. “I'm really sorry at saka, Zairon and I are not officially in a relationship yet. He's courting me right now.” I said, flustered.

“Woah, courting? Hindi halata sa mukha ni Doc gray eyes na may patience pala siya sa babae.” Saad ni Jazz.

“Bakit naman? Normal naman ang ligaw ngayon.” si Dalcy na mismo ang sumagot.

Ngumisi lang si Jazz. “Ang tipo ni Doc gray eyes ay parang mang aangkin bigla at feel ko nga halimaw ‘yan sa kama!”

“Hmm, feel ko romantic siya na lalaki. Di ba kapag cold sa ibang tao, sweet kapag kasama mahal nilang babae? Iyan pa naman ang pinakaromantic na lalaki. Iyong ikaw lang ang priority? Kyaaah!” Kinikilig pang Sabi ni Dalcy.

Pinipigilan ko lang ang pagngiti ko. Dumuro si Jazz sa akin. “Ay, nagblush ang ating magandang Laurenestine oh!”

Tinutukso na nila ako kaya hindi ko mapigilang itabon ang kamay ko sa aking mukha. “Tumigil nga kayo!" Saway ko habang namumula.

"Pero maiba tayo girl, bakit ba sinugod ka ni Daphne? Hindi ba at waiter ka lang sa kilalang bar?" Biglang tanong ni Dalcy. Napatigil si Jazz sa sinabi niya. Pati ako, hindi makapaniwala sa tanong ni Dalcy, kaya't nakatingin lang rin ako sa kanya.

"Eh, kasi one time pinasuot kami ng mahapit na dress tapos hindi ko napansin si Justine. Akala niya ay prostitute ako doon kaya ayon, halos gabi-gabi na siyang pumupunta. Wala naman akong gusto sa lalaking 'yon kahit pa friend sila ni Doc Gray eyes!" Sagot ni Jazz, na para bang wala siyang pakialam sa mga sinasabi niya.

"Kung si Alvey, meron ba?" Bigla kong tanong.

Nanlaki ang mata ni Jazz at bigla nalang namula ang kanyang pisngi. "H-h-hoy, bakit nasali siya?" Sagot niya.

Tinukso siya ni Dalcy, na nagpapangiti sa akin. Para namang timang si Jazz na kinukurot ang kanyang pisngi. Natigil lang ang lahat nang tumunog ang aking phone.

Kinuha ko ito sa bulsa ng aking uniporme at napatigil ako nang mabasa ang mensahe ni Zaiden.

Zaiden sent you a message:

Hi, Pupuntahan kita sa school niyo mamaya. See you.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top