TWENTY-SIX
"I'm sorry, Laurene. The timing was too off. I didn't know," Zaiden quickly apologized, regret lacing his words. He looked at me with an expression of deep remorse.
Huminto ako sa paghikbi at tiningnan siya. "Zaiden.." I managed to whisper.
He wipes away my tears. "I have to confess something. Alam kong hindi siya konektado sa nangyayari sayo pero ramdam ko kasing ngayon lang tayo nagkausap ng ganito," Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at hinintay lang siyang magsalita ulit.
"I'm sorry for not realizing that it was you who I met that time when you were in your first year. I mean, hindi sa hindi kita kilala noon, hindi ko lang kasi matandaan agad na ikaw pala iyong babaeng nailigtas ko sa isang grupo. I didn't even manage to look at you because I'm in a hurry." He confessed.
"You remembered?" Ngumiti siya at tumango.
I still remember the time he protected me. Even though I'm not petite in the past, may nagtangka pa ring gumalaw sa akin. There were five guys trying to assault me, and Zaiden happened to pass by. He saved me. Not only did he save me physically, but he also saved me emotionally, making me admire him. That incident even triggered a change in me - I started taking care of my health, especially after being diagnosed with PCOS. Naging conscious na ako sa mga kinakain ko hanggang ngayon.
"But when I saw you at the bachelor party, I honestly didn't recognize you. I was used to seeing you with glasses and I remember you being chubbier back then. And do you know that your chubby cheeks were the reason I always stared at you?" He added a soft smile.
My eyes widened in surprise and I quickly looked away, feeling a blush creeping up my cheeks. Hindi ako kinilig, nahihiya ako dahil always pa naman akong mag isa. I didn't know he noticed me that way.
"You're staring at me? I.. I didn't know." I stammered.
Naging Professor ko lang rin kasi Zaiden pagkatungtong ko ng Third year kaya siguro hindi niya rin ako matandaan. Akala ko nga nakalimot na talaga siya dahil hindi niya man lang ako kinamusta. Parang wala lang ganun. Hindi niya pa talaga ako nakilala agad.
Marahan lang siyang ngumiti. "And yeah, because of that.. I'm starting to develop forbidden feelings for my student." Pag amin niya na nagpagulat sa akin. Hindi ko agad maproseso ang sinabi niya. Zaiden fell in love with me? But he didn't care about me at all in the past.
"Z-zaiden?" Nagugulat kong tawag.
Lumungkot ang mata niya. "Why would I hide anyway, right? Yes, Laurene.. I fell in love with you but I fell in love with the old Laurenestine," He said softly.
"Don't get me wrong, nagustuhan pa rin kita kahit ngayon pero mas hindi na pwede dahil alam kong may nagmamay ari na sayo. Ayokong makihati, Laurene. Lalo na at sa kapatid ko pa." Dagdag niya pa. Hindi ko alam kong bakit hindi akong naging comfortable sa pag amin niya.
Tumingin siya sa daan at doon lang lumikot ang mga mata niya. Umayos lang rin ako ng upo at tiningnan kung saan siya nakatingin. "Simula nang nagbago ka at lagi kang umaaligid kapag nandoon ako, hindi talaga ako nandidiri o ano pero kailangan ko lang pigilan ang nararamdaman ko. Hindi naman kasi tayo pwede at sa totoo lang, I felt disappointed because I'm a coward. Hindi ako kasing tapang ni Zairon para ipaglaban ka. Duwag ako Laurene kaya hinayaan kong mahulog ka sa kapatid ko. My twin deserves to be happy because of the experience he had with us," He paused for a while at may kinuha siyang tissue at binigay sa akin. Pinahid ko rin ang luha at sipon ko.
"I let him pursue you because I love my twin, Laurene. Akala ko ay pinaglalaruan ka lang niya noon at hindi talaga siya nahulog sayo pero nalaman kong.. na in love nga ang kapatid ko sayo, katulad kung paano rin ako nahulog sayo noon." sincero niyang sambit na mas lalong bumibigat sa puso ko. Hindi ako sumagot dahil na speechless ako. Bakit niya ito sinasabi sa akin?
"I know you're confused. Hindi kita pinatulan kahit alam kong may gusto ka sa akin noong first year mo pa sa college dahil teacher mo ako. I can't express my feelings for you at that time because we were not compatible. Hindi ka magiging masaya sa akin." he explained further.
I sighed. Bakit ba habang sinasabi niya lahat ay naalala ko na naman pinagagagawa ko? I confessed to him after that incident pero through email lang 'yon. I don't even know kung nabasa nga niya. But I'm confused, why is he confessing to me now?
"Zaiden.. why are you saying this?" Tanong ko. Hindi ko alam kung saan papatunguhan ang mga sinasabi niya. He's confessing at imbis na gumaan ang loob ko, bumibigat lalo.
"Because I want to tell you that, whatever happens to both of you. I'm still here, trying to help you. Alam kong naging masama ako dahil pinatago ko ang anak mo sa kaniya pero.. hindi pa rin kasi iyon ang tamang panahon para ipaalam mo lalo na at may deal pa sila ni Lolo. I don't know if that still works now." He answered.
Napaiwas ako ng tingin. That deal, that fucking deal na halos nagkatotoo na. Siguro nga nagkatotoo na talaga pero sa loob-loob ko, sana hindi nagsinungaling sa akin si Zairon. Sana, tama lahat sinabi niya kanina dahil mas magiging komplikado ang lahat.
"Whatever you discovered about him is not his intention, Laurene. Let him fix whatever mess he did but please talk to him again. He's still my twin, alam kong hindi siya makakagawa ng ganoon kung meron man," he urged.
Tumingin siya sa harap at parang may inaalala siya. "Did you know that this is the first time I've seen his eyes soften? Because no matter when, no matter how many times he's been hurt, he never shows emotion, but earlier... it's the first time I saw him on the verge of tears. He really loves you, and I hope you can give him a chance." Sinsero niyang dagdag.
"Akala ko.. hindi mo siya pinapahalagahan." I said, expressing my confusion. The way he keeps mentioning his twin, hindi naman ito ang klaseng Zaiden na walang pakialam kay Zairon.
Tumingin siya sa akin. "What do you mean?" He asked, his brows furrowed in confusion.
"We talked about you. He told me that he didn't feel like you cared for him and he didn't get you. Parang nagsisisi pa siyang magpanggap na ikaw."
He took a deep breath and put his palm on the steering wheel. "It's not like I didn't care about him- we care about him, Laurene. My mom disagreed to let Zairon take over the hospital because she wanted our older brother to handle it pero alam naman namin kung bakit gusto ni Lolo na maging heir siya dahil iyon ang gusto ni Lola. Lola's favorite grandchild is Zairon when she was still alive and Lolo thought that Zairon was suitable for it.. he is, actually-but my mom doesn't want Zairon to handle it she wanted Zairon to fulfill his dream not by only obeying the Don. My mom is not an expressive person, kung hindi mo siya nakilala ng lubos, ma misunderstood mo mga ginagawa niya," He paused, staring blankly at the road ahead. It was clear that there was so much more going on beneath the surface than I had realized.
"Dad is a straightforward person. If he doesn't like the person, he really doesn't like it and Zairon? Namana niya ang ugali ng mga magulang namin. We tried our best to communicate with him but he always avoided us. He misunderstood what our parents wanted for him and I understood it. And we also misunderstood him all the time. That's why right now, I want to communicate with him but I don't know- naging komplikado." Dagdag niya pang paliwanag.
"Zaiden.." I started, unsure of what to say. I was still trying to wrap my head around all the information he had just revealed to me.
I don't know what to do anymore. I'm so confused pero kahit nalaman ko 'to, hindi pa rin nawawala ang bigat sa puso ko.
Napabuntong-hininga ako. I know Zaiden wanted me to talk to him again pero masyadong masakit ang nalaman ko. Hindi ko pa kayang harapin siya sa ngayon at pag usapan. Hindi ko rin alam kung ano pa ang iisipin ko. Nagsimula na akong magtiwala ulit pero nawala na naman.
"I don't think I can forgive him for now."
Naramdaman kong tumingin siya sa akin pero ang mata ko ay nakatulala lang sa kawalan. Tánging kuliglig lang ang naririnig ko sa paligid at mga sasakyang dumadaan.
"May anak siya sa ibang babae, Zaiden kaya ganoon kami mag away kanina. Hindi ko alam kung makakaya ko pang maniwala sa kaniya." Pag-amin ko, ang bawat salita ay tila mga tinik na tumutusok sa puso ko. Kapag naalala ko na naman ang nangyari, nasasaktan na naman ako.
Kitang-kita kong nagulat siya. Parang hindi niya rin inaasahan ang sinabi ko. "Are.. you sure na sa kaniya ang bata?"
"I don't know," sabay iling ko. "Hindi niya naman dineny kaya mas lalo lamang akong nagalit. He said that he will test the child for a DNA sample. Malaki na ang bata, Zaiden. Bakit ngayon lang niya naisipan iyon?"
Napahawak siya sa kaniyang baba at nag isip. "May posibilidad na ngayon lang rin niya alam, Laurenestine. Just wait for him to confirm it. Don't worry, I will try to investigate the child's mother. Alam ko namang hindi na ako kakausapin ng kapatid ko kaya gagawa nalang ako ng paraan. But, do you think konektado ito sa deal ni Lolo?"
"Yes, iyon rin ang naiisip ko. Akala ko nga ay alam mo kaya pinapunta mo ako roon." Sagot ko.
"No, hindi ko rin naman inaasahan. I didn't know. Sa lahat kasi ng apo ni Lolo, si Zairon lang ang close niya. Halos hindi nga namin alam kung ano ang nangyayari sa bahay nila. Nababalita lang kapag nagtatanong si Dad kay Lolo. Wait, do you know the name of the child's mother?"
Mabilis kong naalala ang tinawag ni Zairon sa babae. Kahit ako, hindi ko pwedeng kalimutan ang pangalan ng babaeng iyon.
"Zairon called her Eunice."
Napatahimik siya. "Is that Zairon's ex-girlfriend?" Tumango ako.
"Hm, I heard that she's already married but.. I didn't know she had a child. I will talk to the Don's butler to confirm something. Okay?" Tumango lang ulit ako at tipid na ngumiti. Bakit sa butler ng Don siya magtatanong? I just shrugged it off. Baka ayaw niyang ipaalam rin sa Don.
"Thank you, Zaiden. I owe you a lot."
Pero hindi pa rin ako mapanatag. Paano kung anak niya talaga iyon? Even Zairon didn't marry her, there's a possibility that he's still the father because of their past relationship- pero sinabi ni Zairon sa akin na walang nangyari sa kanila.
Sana Zairon, wala.
He placed his hand on my shoulder. "But before that.. Can I ask you a question?"
"Ano 'yon?" Sabay tingin ko sa puwesto niya.
"Mahal mo ba ang kambal ko?"
Nagulat ako sa kanyang tanong. Tinitigan ko lang siya at binuksan ko ang aking bibig upang magsalita, ngunit walang salitang lumabas. Alam ko ang sagot pero natatakot akong aminin ito-kahit nga sa sarili ko.
"Zaiden..." I started. I looked away from him, my gaze falling on the car window. The city lights passing by were a blur, mirroring the chaos in my heart.
He waited patiently for my answer, his hand still resting on my shoulder. I could feel his gaze on me--steady and comforting. But it did nothing to calm the storm inside me.
I took a deep breath and gathered my thoughts. "Mahal ko siya, Zaiden," I finally admitted but my voice is shaky. "Pero nasasaktan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko."
I could see the sympathy in his eyes. He gave my shoulder a reassuring squeeze. "I understand, Laurene. It's okay to be confused and hurt. It's okay to not know what to do. But remember, whatever decision you make, I'll support you."
His words are comforting but it didn't ease the pain in my heart. But I was grateful for his understanding and support. For now, that was enough.
"Thank you, Zaiden," I said softly, managing a small smile. "I really appreciate it."
Sinuklian niya rin ako ng ngiti. "Anytime, Laurene. I'm always here for you."
He looked away and I saw a flash of pain in his eyes. It was quick, but I caught it. His usually kind eyes looked sad, like he was trying to hide something.
His jaw was tight, like he was trying to keep his feelings under control. His smile, which was usually so natural seemed forced. His hands which were normally steady were clenched on the steering wheel.
Hindi ko maiwasang malungkot sa kaniya. Hindi ko rin alam kung saan siya nalulungkot. Sa kambal niya ba o sa akin?
---
"Ang cute ng mga pamangkin ko! Hello, cute babies, ako tita niyo!" Napangiti ako sa nakangiting mukha ni ate Nave. Ngayon lang rin siya dumating kasama ang mga magulang namin. Ngayon rin kasi kami naliligo dahil sa birthday ni Lola.
Naghanda rin kami ng mga pagkain na dadalhin namin sa beach. Nawili naman sila kakalaro sa mga bata lalo na ang anak ni Ate Amary. Since weekend rin naman ngayon, gusto rin nila na bumisita kami sa bahay sa Manila ngayon kahit sa lunes na kami umuwi. Sumakay kami ng Van at si Papa ang nagmaneho.
Ilang minuto ang byahe namin hanggang sa makarating na kami. Sumalubong sa aking mukha ang hampas ng hangin at simoy ng dagat. Dinala na nila ang mga gamit sa cottage na nirenta namin at ang mga bata ay dumiretso na sa pakikipaglaro sa buhangin. Sunod ng sunod naman si Serina sa mga kambal.
"Tita, tita!" Ate Amary's little one tugged at my shirt, her tiny face lit up with excitement. "Can we build a sandcastle?"
"Of course, sweetie!" I replied, ruffling her hair affectionately. "Let's go!"
The sun was shining brightly on the busy beach. There were people everywhere, enjoying their weekend. The smell of the salty sea air touched my face, and the sound of the waves hitting the shore was like music to my ears.
We spent the afternoon making sandcastles, playing in the water, and running after each other. The day was full of laughter, fun, and a lot of sunscreen.
When it was time for lunch, we all gathered around the picnic table that Papa set up.
"Wow, Papa, kaka miss ng ganitong ulam!" Ate Nave exclaimed, her eyes wide with delight.
"Syempre, lalo na Papa mo ang nagluto 'nak." agad na sabi ni Mama.
Bumalik na naman ulit ang mga bata na maglaro roon habang kami ay nakatingin lang rin sa kanila. Nasa cottage lang ako at tumitingin sa magandang view.
"Ang saya-saya ng mga bata, 'no?" sabi ni Mama, tinitignan ang mga bata na naglalaro sa tabing dagat.
Tumango lang ako at ngumiti. Hindi ko pa rin matanggal sa isip ko ang mga nangyari. Hindi ko pa rin alam kung paano ko haharapin si Zairon.
Napansin yata ni ate Nave ang kalungkutan ko dahil lumapit siya sa akin. "Laurene," sabi niya, "okay ka lang ba?"
Tumingin ako sa kanya at pilit na ngumiti. "Opo, ate. Nag-e-enjoy ako sa beach."
Ngumiti siya at hinaplos ang aking likod. "Good. Enjoyin mo lang ang araw na 'to, ha? Wag mong isipin muna ang mga problema."
Tumango ako at sinundan ang kanya mga mata na nakatingin sa mga bata. "Salamat, ate."
Ngumiti siya at tumayo. "Samahan ko muna sila. Baka malunod 'yung mga bata sa sobrang kakulitan."
Tumawa ako at sinabing, "Sige ate, maliligo na rin ako ngayon."
Pagkatapos naming magsaya roon dumiretso na kami sa Manila since isang oras lang naman ang byahe papunta roon. Ayaw nga ni Lola pero wala na siyang choice dahil napakakulit ni ate Nave. Wala rin kasi si ate Amary dahil sa trabaho niya.
Gabi na rin nang makarating kami sa Manila. Tulog na tulog ang mga bata sa byahe palang at sila Mama naman ay nagpahinga na rin habang ako ay nasa sala pa at nanonood ng TV pero hindi man lang ako makafocus. Dala-dala ko rin ang phone ko at may hinihintay na tawag.
Biglang nag notify ang phone ko. Pag open ko pa lang ay ngumiti ako nang nagreply si Jorih.
Jorih sent you a message
Gagaaaa! I hate you, Laurene! Bakit ngayon ka lang nagparamdam?! Ganon? Nagparamdam ka lang kapag nasa Manila ka?! I hate you! 😤
From: Me
Sorry, masyado rin kasi akong busy pero nag cha-chat naman kami ni Sheriah. Sinabi niya rin kasi na nasa bar daw siya na pagmamay ari mo.
Jorih sent you a message
Oo! Dito kami nagtatambay! Pwede ka pa bang pumunta rito? Hindi ba at malapit lang ang bar sa bahay niyo?
From Me:
20 minutes byahe siguro.
Jorih sent you a message
Okay, sunduin kita diyan! Hindi ko muna sasabihin sa kanila na pupunta ka haha!
Napangiti ako at tiningnan ang orasan. 8 pm pa naman, uuwi nalang ako mamaya ng 12 am. Nagpaalam muna ako kay ate Nave dahil gising pa rin naman siya.
"Tumawag ka, Laurene. Make sure na mahahatid ka ng walang kulang!" Agad na paalala ni Ate habang nagbibihis ako. Hinubad ko rin ang eyeglasses ko at nag contact lenses lang pagkatapos ay nagsuot lang ako ng white crop top at fitted pants then boots na may heels. Lipstick lang rin ang inilagay ko at kunting blush on.
"Woah, hindi ko alam na marunong ka na palang mag ayos! Noon nga, halos puro maluluwag sinusuot mo!" komento ni ate nang makita ang suot ko.
Tumawa ako at nag-ayos ng huling hikaw. "Syempre, sa YouTube 'to lahat. Ako pa ba!" Biro kong sagot pero totoo naman talaga.
"Hindi ka na baby sister namin, dalaga ka na talaga." sabi ni ate habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Napangiti ako at lumapit sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit. "Dalagang ina ba?" Natawa kaming dalawa. "Pero baby sister pa rin ako, ha? Kahit anong mangyari."
Tumawa siya at hinaplos ang aking likod. "Oo naman. Baby sister ka pa rin namin. Ingat ka, ha? At tawagan mo kami agad kapag may nangyari."
Tumango ako at nagpaalam na rin sa kanya. Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang kotse na nag-aantay sa akin. Napangiti ako nang makita ko si Jorih na nagda-drive.
"Wow, Laurene! Ang ganda mo! Hindi kita halos makilala! Tatlong taon ba naman hindi nagpakita! Kailangan mo na ring palitan profile picture mo!" sabi niya habang tinitingnan ako.
Tumawa ako at pumasok sa kotse. "Salamat, Jorih. Hindi ko pa nabuksan eh. Next time nalang. Tara na, excited na akong makita sila."
Ngumiti siya at nagmaneho papunta sa bar. Pagdating namin doon, nagulat ang mga kaibigan ko nang makita ako. Lalo na si Sheriah, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Laurene! Miss na miss kita!" sabi niya habang hinahalikan ang pisngi ko.
Napangiti ako at niyakap siya pabalik. "Miss na miss rin kita, Sheriah."
"Wow! Laurenestine? Is that you?" Tumingin ako sa kilalang boses at nakita si Tristan. Napangiti ako sa kaniya, mas lalo siyang gumwapo ngayon. Medyo mapayat siya noon pero ngayon ay nagka muscle na rin. May akbay rin siyang babaeng ngayon ko lang rin nakilala.
"Hi, Tristan. Kumusta?" Sinalubong niya ako at niyakap. Ngumiti rin ang babaeng kasama niya sa akin.
"Mabuti nalang talaga at pumunta ako. Na curious kasi ako sa sinabi ni Jorih na may surprise raw siya. Na surprise nga ako! Akalain mo nga naman, halos mag aapat na taon ka ng hindi nagpakita sa amin."
Napakamot nalang ako ng batok. Giniya nila akong umupo sa bakanteng upuan.
"Nasa Pampanga ako at doon na rin ako nag aral. Nag stop kasi ako ng isang taon kaya ngayon, fourth year palang ako."
"Ah, kaya pala. Pero okay lang 'yan! Ang importante, nag-aaral ka pa rin. And look at you! You've grown into such a beautiful lady!" aniya at ngumiti ng malawak.
Napangiti ako at nagpasalamat. "Thank you, Tristan. You look great, too. And who's this lovely lady?" tanong ko, tinuro ang babaeng kasama niya.
He smiled and pulled the girl closer to him. "This is my girlfriend, Leila. Leila, this is Laurene, a very good friend of mine."
"Nice to meet you, Laurene. I've heard a lot about you," Leila said, extending her hand for a handshake. She had a warm smile on her face that made me feel comfortable instantly.
"Nice to meet you too, Leila," I said, shaking her hand. "I hope Tristan has been behaving himself."
Natawa kaming lahat at nagsimula ng nagkwentuhan at magbiruan hanggang sa nagsimula na ring pumasok ang nakakaindak na musika sa loob ng bar.
"Come on, Laurene! Let's dance!" Sheriah pulled me towards the dance floor. I laughed and let her pull me into the crowd.
We danced like there was no tomorrow, our bodies moving in sync with the music. I closed my eyes and let the rhythm take over. Nakainom na rin ako pero hindi naman agad ako nahilo. Nag-sasayaw lang kami roon hanggang sa napansin ko ang babaeng sumasayaw ng ilang metro sa akin. Kumurap pa ako dahil baka namamalikmata lang ako, pero hindi ako nagkamali, kilala ko ang babae. Siya ang ina ng anak ni Zairon.
Kumirot na naman ang puso ko kapag naaalala ang pangyayaring iyon, pero wala na rin naman akong magagawa.
Bigla na lang akong nabunggo ng kung sino, kaya napalapit ako sa babae, pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagsasayaw. Marami ang nagreklamo dahil pasuray-suray na ang lalaking dumaan papunta sa amin. Nabigla na lang ako nang may humila sa braso ko at naramdaman ko ang kanyang bisig. Hindi agad ako nakakilos nang biglaang dumilim. Tumili ang mga babae dahil sa biglaang pagkadilim ng paligid.
Mahigpit ang pagkakahawak sa akin kaya hindi agad ako makakawala. Sino ba ito? Pilit kong nilalabanan pero masyado itong malakas. Nagsimula nang uminit ang paligid dahil nawalan ng kuryente. Nagsisigaw na rin si Jorih na huwag magpanic dahil aasikasuhin nila ang nangyaring pagkawala ng kuryente, pero hindi ko iyon pinapansin dahil naiinis na ako sa lalaking yakap ako.
Nanigas na lang ako nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Masyadong madilim kaya hindi ko alam kung sino ito. Nanindig ang balahibo ko dahil hinaplos niya ang baywang ko. Crop top lang ang suot ko kaya ramdam na ramdam ko ang magaspang at mainit niyang palad na dumadapo sa balat ko. Gusto kong itulak siya pero hindi ko alam kung bakit napakapamilyar ng mga haplos niya na halos ayaw ko na siyang bitawan at gusto ko na lang na yakapin niya ako ng ganito.
Mga reklamo at ibang boses lang ang naririnig namin sa paligid pero hindi man lang ito nagsasalita at naramdaman ko na lang na bumaba ang kamay niya at dumiretso sa aking pang upuan. Pinalapit niya ang katawan ko sa kanya at doon ko na naamoy ang kanyang pabango. Hindi na ako nakagalaw pa nang bigla niyang hawakan ang pisngi ko at nararamdaman ko na lang ang paglapat ng malambot na bagay sa aking labi.
Naglapat lang ang mga labi namin pero hindi ko alam kung bakit unti-unti akong naghihina. Unti-unti kong nami-miss ang lalaking nasa isipan ko pa rin hanggang ngayon. Pero mas nangingibabaw ang sakit pa sa puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top