THIRTY - THREE
Tapos na rin ang program sa gabi-isang malaking foam party na inorganisa ng University pagkatapos ng intrams. Hindi kami nagtagal sa loob ng gymnasium dahil ang iba sa amin ay nagpasyang uminom sa isang sulok. Nakakatawa nga dahil sa sobrang saya ng party, may ilan na talagang naglasing.
The laughter and screams were in sync with the music that reached outside the gymnasium. Even though we were outside, we could still feel the energy and joy coming from inside.
Ang dalawa na kahit medyo lasing na ay patuloy pa rin sa kakulitan nila. Nagtatawanan sila habang naglalakad palabas at minsan pa nga'y nadadapa dahil sa kalasingan nila. Nakasunod lang rin ako sa kanila at sanay na rin ako na ganito sila.
"Nandito na Lolo mo, girl! Hello, Tay, sa bahay niyo kami matutulog ngayon hehe!" Sinapok siya ni Jazz.
"Buang ka, kapal mukha beh?" Nakabusangot lang si Dalcy pero sabay naman silang sumakay sa Tricycle ni Lolo. Napailing nalang ako.
"Ano? Totoo naman ah!" depensa niya pa.
Nagsasagutan na sila habang nasa byahe kami. Pinabayaan ko nalang sila kasi tatahimik rin naman sila mamaya.
"Anong oras na girl? May bukas pang tindahan malapit sa inyo?" tanong ni Jazz sa akin.
"Mukhang wala na. Daan nalang tayo sa convenience store. Ano bang bibilhin niyo?"
"Syempre, mga snacks habang nakikinig kami sayo. Ngayon lang tayo nakagawa ng ganito kaya lubusin na natin!" Sagot niya.
"May load pa ako sa Netflix, nood rin tayo!" Sabat pa ni Dalcy.
"Mas mabuti! Walang tulugan ito!" Natawa nalang ako sa pagiging hyper nila. Dumaan nga kami agad sa convenience store pero sinabihan ko nalang si Lolo na mauna na dahil pwede naman naming lakarin pagkatapos. Gabi na rin kasi masyado tapos masyadong ng matanda si Lolo. Ayaw nga niya noong una pero dahil sa pangungumbinsi ng dalawa, napapayag.
Kahit sa loob ay puro tawa nalang nagawa namin roon. Hindi sila talaga nauubusan ng kwento.
"Hindi mo ba napapansin iyong ex ni Justine kanina? Wasted na wasted! Ako pa binangga, alam niya namang papatol talaga ako!" Ani Jazz.
"Hahaha! Natatawa ako kanina kasi napahiya talaga siya ng todo. Akalain mo naman na nag confessed si Justine sayo tapos nandoon si Alvey. Yieee! Bakod naman agad sayo!" Namumula si Jazz habang namimili ng chips.
"Ano ka ba! Syempre, maganda ako! Kaya normal lang sa aking pag agawan!" naglakad kami sa ibang section nang may mabangga si Jazz.
"Ay! hala, sorry kuya!" Hindi man lang natinag ang lalaki. Nakatalikod pa rin siya habang nakatingin sa chocolate sa harap niya. Naka black jacket siya at naka hoodie pero alam namin na lalaki siya dahil sa tindig niya palang.
Sinilip ito ni Dalcy at nanlalaki ang mata. Bumulong agad siya sa amin. "Girls, ang taas ng ilong! Gwapo toh! Baka ito na forever ko!" Binatukan siya ni Jazz.
"Makati beh? What if kidnapper iyan? Aber?"
"Syempre, magpapakidnap! Kung ganito naman kidnapper, okay lang." Sagot niya. Napatingin ulit kami sa lalaki nang gumalaw na siya at dumiretso sa exit.
"Ay, umalis na. Sino kaya iyon? Pero alam mo pamilyar iyong side face niya. Nakalimutan ko lang kung kanino." Dagdag pa ni Dalcy.
Lumingon ako ulit kung saan iyon lumabas at nagulat nalang ako nang tumingin ito sa akin. Pero hindi iyon ang napansin ko, may kahawig siya! Agad itong umiwas ng tingin at saka tumalikod.
"Kahawig? Sinong kahawig niya?" Bulong ko sa sarili ko.
"Beh, tara na. May napili ka na ba?"tanong ni Jazz.
"Ah, oo. Tara." Isiniwalang bahala ko nalang iyon dahil baka kahawig lang talaga siguro at hindi big deal.
Paglabas namin sa convenience store ay naglakad na lang kami papunta sa bahay.
Tahimik na ang kalsada at malamig. Ang mga ilaw ng kalye ay ang tanging nagbibigay liwanag sa daan namin.
Ngunit, sa kabila ng tahimikan ay ramdam ko ang isang presensya na tila sinusundan kami. Hindi ko alam kung dahil ba sa imagination ko lang o baka dahil sa kaba ko pero hindi ko maiwasang lumingon-lingon.
Hindi ko alam kung bakit hindi man lang na-realize nina Jazz at Dalcy. Siguro dahil sa kalasingan nila o baka hindi lang sila sensitibo tulad ko. Pero ako, ramdam ko talaga na may nagmamatyag sa amin.
Nawala lang iyon nang makapasok kami sa bahay. Agad akong tumungo sa kwarto ng mga anak ko at sumunod naman ang dalawa sa akin sa loob.
Nakangiti si Jazz habang tinuturo si Calia. "Itong isa, oh! Manang-mana sa daddy!"
Mahina lang iyon dahil natutulog na ang dalawa sa maliit nilang kama. Pinagmamasdan ko ang anak na babae na mahimbing rin natutulog, hawak niya pa ang libro na paborito niya kaya lumapit ako at kinuha iyon. Ngunit bigla akong natigilan nang makita ko ang pamilyar na bracelet na suot niya.
Bakit suot niya 'to? Tinago ko na 'to ah?
Nagtaka sina Jazz at Dalcy nang bigla akong tumayo. Hindi ko sila pinansin at diretso akong lumakad patungo sa aking drawer. Alam kong nagtataka sila pero may kailangan lang akong kumpirmahin.
Binuksan ko ang drawer at hinanap ang bracelet na tinago ko doon noong isang araw pa. Nagulat ako nang makita ko ito sa loob, hindi nabago ang itsura, hindi rin nawala.
Bumaba ako ng hagdan at diretso sa room ni Serina. Kumatok ako sa pintuan, "Serina?" tawag ko. "May kailangan akong ipakita sa iyo."
Mabilis niyang binuksan ang pintuan, "Ate?" bungad niya na nagtataka. Nakita ko ang kanyang mukha na parang nagtatanong kung bakit ako nandito sa oras na ito.
"Serina, ikaw ba bumili ng bracelet na 'to?" Pinakita ko sa kaniya ang bracelet na kinuha ko galing sa drawer.
Tiningnan niya iyon at kumunot ang noo. "Hindi po. Hindi po ba bigay po iyan ni kuya Zaiden?"
"Bigay niya?" Balik kong tanong.
"Opo, kinausap niya ho kanina si Calia sa labas pero nagtataka lang ho ako kasi hindi siya naka kotse."
Gusto ko sanang ikumpirma ang nalaman ko pero masyado ng gabi at baka distorbo na ako kay Zaiden kaya bukas ko nalang rin siya kakausapin.
Bumalik ulit ako sa kwarto ng kambal at pinalabas ang dalawa. Sa kwarto ko nalang kami matutulog at mag kwekwentuhan. Maingay pa naman 'tong dalawa at baka magising ang kambal.
"Really?!" Binato ni Jazz ang unan kay Dalcy.
"Tàngina mo talaga Dal, ang ingay mo!" Binato rin siya ng unan ni Dalcy at ayon na nga nagbabatuhan na sila pero agad ko silang pinatahimik.
"Girls, gabi na." Saway ko sa kanila. Umupo naman sila ng maayos at bumalik sa pwesto nila kanina.
"May kambal pala talaga si Doc tapos dahil baliw ka pala noon, aakitin mo sana kaya lang ay si Doc gray eyes ang nadale mo! Hahaha!" Natawa rin ako sa sinabi ni Dalcy.
"Hindi ko naman alam na may kambal sila kasi si Zaiden parati ang nakikita ko sa mga family pictures nila. Tapos nalaman ko nalang na sa lolo pala siya nakatira at ibang apelyedo gamit niya."
"So, kung ganoon.. si Zaiden rin nagsabi na may deal pala sila ng lolo niya? Kaya natakot ka tapos tinaguan mo siya ng anak?" Tumango lang ako. "Hmm.. feel ko may gusto iyang Zaiden na 'yan sayo kaya tinulungan ka niya." dagdag niya.
Hindi ako sumagot agad dahil ngayon ko lang rin napansin. Nag confessed naman siya sa akin pero hindi lang rin talaga inaasahan na ganoon ang mangyayari.
"Pero girl, paano mo iyan masasabi sa kaniya? Kung hindi mo pa alam kung totoo ba talaga ang deal-deal na 'yan? I take mo ba ang risk at sabihin sa kaniya?" si Dalcy naman ang nagtanong.
"Pinag isipan ko rin naman 'to ng maigi. Nararamdaman ko naman na mas sobra pa sa sincere ang nararamdaman niya sa akin tapos deserve rin naman niyang malaman kahit na hindi pa ako sure kung totoo ba iyon o hindi. I promise to myself that I will trust him no matter what happens. Boyfriend ko na siya at may karapatan siyang malaman na may mga anak kami."
"Ay! Go ako diyan! Para happy family na kayo! So, kailan mo sasabihin?" tanong ni Dalcy.
"Kapag babalik na siya rito sa Pampanga. Masigurado naman akong babalik siya kahit na busy pa siya ngayon at saka hindi pa naman sure na papalit agad si Sir sa kaniya sa pagtuturo." Sagot ko agad at umayos na rin ng higa.
Nagkatinginan silang dalawa. "Iyon na nga, girl.. may announcement na," malungkot na sabi ni Jazz at kinuha ang unan at niyakap niya.
Agad akong napaupo. "Anong announcement?"
Bumuntong hininga siya. "Sinabi sa akin ng dean na babalik na sa pagtuturo si Sir at kusang umatras raw si Doc gray eyes dahil magiging busy na raw siya at hindi na raw masigurado na babalik siya sa Pampanga."
"A-ano?" Hindi makapaniwala kong sagot.
"Girl, kalmahan mo lang," Dalcy said, reaching out to comfort me. "Baka may ibang paraan pa."
"Pero kailan 'to?" I asked, turning to Jazz. "Kailan niya sinabi?"
"Kanina," Jazz replied. "Pero sa chat lang. Alam mo naman na presidente ako ng magulo nating classroom kaya sa akin muna sinabi."
Bumigat ang dibdib ko. Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Hindi nga lang niya magawang tumawag sa akin ng dalawang araw.
Hindi na kami muling nagkwentuhan ulit. Nawalan na ako ng gana na parang bigla nalang nawala ang energy ko kanina. Nakatulog lang rin silang dalawa dahil sa pagod, habang ako ay hindi agad makatulog. Kung hindi ko lang talaga pinilit ang sarili ko ay baka hanggang ngayon ay gising pa rin ako.
Nagising lang ako dahil sa mga kagikhikan sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang dalawa pero wala na sila sa kwarto. Nauna siguro silang nagising sa akin.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko ang dalawa na masayang naglalaro sa kambal. Pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko be ang bracelet na suot ni Calia. Nagtataka ako kung saan niya ito nakuha. Maaga pa, kaya naisip kong tatawagan ko na lang si Zaiden at itanong sa kanya.
Bumalik ako sa kwarto at kinuha ang aking phone. Naalala kong na-off pala ito kagabi, kaya binuksan ko muna. Nang mabuksan ang phone ko, hindi ko pa nga natatawagan si Zaiden ay may tumawag agad. Sumilay ang ngiti sa aking labi nang makita ko ang pangalan ng tumatawag. Pero nagkunwari akong bad mood dahil gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya.
"Ano?" Matigas na boses kong bungad.
"Baby, I'm sorry kung ngayon lang ako nakatawag. There's an emergency yesterday. Sinugod sa hospital si Lolo kaya kailangan kong asikasuhin." nawala ang pagkukunwari ko at napalitan ng pag alala.
"Is he okay? Ano bang nangyayari?"
"He's stable now," Zairon replied. "Had a bit of a scare with his heart, but the doctors said he's going to be fine. He's just going to need to take it easy for a while."
"Naku, buti na lang okay na siya," I said, relief washing over me. "Kailangan niya talagang magpahinga."
"Oo, sinabihan ko na rin siya na huwag masyadong magpagod," he replied. "I'm not worried because he has a good doctor. For now, I'm still busy handling the Solstice."
"Ikaw na ang humawak?" Sa pagkakaalam ko kasi ay hindi pa siya pinahawak kahit siya ang tagapagmana dahil nandoon pa lolo niya.
He sighed. "Yes baby. I'm sorry for not telling you sooner. By the way, I'm in Pampanga right now. I want to see you so badly. Let's date?"
Nawala na tuloy ang iniisip ko kanina at baka ito na rin ang time na sasabihin ko sa kaniya ang totoo. "Sige, may sasabihin rin ako sayo, Zairon." Tiningnan ko ang kambal na lumabas ng bahay kasama ang dalawang babae.
"Iyon ba ang sasabihin mo dapat sa akin?"
"Oo, gusto kong sabihin ito sayo sa personal."
"Okay baby. I will send the location of our meeting place later. May gusto rin akong sabihin sayo mamaya. I love you."
"I know na meron. May hindi ka sinasabi rin sa akin. I love you too. Sige na, pahinga ka muna." Pagbaba ko palang ng tawag ay hindi ko inaasahan na makita ang lalaking nakita ko pa kagabi. He's still wearing the same clothes and he's outside the house- staring at Calia.
Kinabahan ako agad at lumabas ng bahay. I rushed towards Calia and Cole na kinataka ng dalawang babae.
"Girl? Okay ka lang?" I hugged my twins tighter and looked at the man's location but he was nowhere to be found.
"P-pwede bang huwag kayong lumayo? Sa labas lang kayo ng bahay pero huwag sa kalsada." Saad ko sa dalawa. Nagtataka naman sila pero hindi na sila nagtanong pa ulit. Kinuha naman nila sa akin ang dalawa at doon nalang rin malapit sa bahay.
I took a deep breath and went to the location where I had seen the man earlier. I searched for him, but he had vanished. Who was he? Why was he watching Calia? And more importantly, why did I feel like I knew him, even though I was certain that I didn't?
____
Nagbihis ako ng isang black dress na backless, isang simpleng damit pero elegante ang dating. Pinaresan ko ito ng nude heels na nagdadagdag ng kahit kaunting taas sa aking height at nagbibigay ng mas feminine na dating sa outfit ko.
Naglagay ako ng light makeup, pinili kong manatiling natural ang aking itsura. Konting blush on, mascara, at nude na lipstick lang ang sapat na. Nag-decide din akong i-curl ang buhok ko para magdagdag ng volume at style sa aking overall look.
Tumingin ako sa orasan at nakita kong 6 pm na. Oras na para umalis. Tinawag ko si lolo at humiling na ihatid niya ako sa location. Umuwi ang dalawang babae kaninang tanghali dahil may aasikasuhin pa raw sila kaya pinabantay ko muna ang dalawa kay Serina.
Pagkapasok ko sa restaurant, agad kong nakita si Zairon na hawak ang isang bouquet ng pulang mga rosas. Nakatayo lang siya roon, parang naghihintay habang may kausap na waiter.
"Hello.. Good evening Doc." Bati ko sa kanya, na may kasamang ngiti. Lumingon siya sa akin at agad bumaba ang kanyang tingin sa aking suot.
Tumaas ang kanyang kilay. "Are you trying to make me hard while we're on a date, Miss?" Biro niyang tanong.
Natawa ako sa komento niya. "Loko! Hindi ko na kasalanan na ganiyan ka." Sagot ko. Alam kong nagbibiro lang siya, at natutuwa ako na ganito kami ka-komportable sa isa't isa.
Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa labi. "My baby is so fucking hot tonight," bulong niya sa tenga ko at binigay sa akin ang dala niyang bulaklak. Kinuha niya ang kamay ko at inikot niya pa ako kaya natawa na lamang ako.
"Thank you pero bakit may mura pa?" Hinawakan niya ang baywang ko at inurong ang upuan upang makaupo ako.
"Para sagad. I should have set our date in a private room.. hmm, maybe next time." Umupo na rin siya sa harapan ko habang ako ay hindi mapigilang napatawa sa mga pinagsasabi niya. Ngumiti siya sa akin hinawakan ang kamay ko.
"Let's eat first?" Tumango lang rin ako. He called the waiter and we chose some recipes from the menu.
After we ordered our food, Zairon looked at me with a serious expression. "Baby, I have something important to tell you," he said, squeezing my hand gently.
"What is it?" I asked.
He took a deep breath and said, "I'm going to be leaving Pampanga for a while. There's an important project at the Solstice that I need to handle personally and I will be going to Australia for it."
My heart sank. This was the very thing I had been dreading. "For how long?" I asked.
He shrugged. "I don't know, baby. It could be a few months...maybe longer. Walang hahawak kaya kailangan ko ring panindigan ang pagiging bagong CEO ng hospital. I will be back after I finish it."
"Kaya ba umatras ka agad sa pagtuturo sa University?"
He looked at me. "Yes. I already told the dean about it."
The orders arrived but I can't even touch my food. Nawalan ako ng gana sa hindi ko alam na dahilan. "Zairon, may tanong lang ako," Binaba ko ang hawak kong tinidor.
"Hmm? What is it?"
"Is handling the Solstice really your dream?" I asked. He stops eating and drinks the water before answering.
"Grandma wanted me to handle it but mom wanted my oldest brother to become the successor instead of me because they didn't trust me, Laurene. Kung hindi dahil sa akin, hindi siguro mawawala ang isang taong dahilan kung bakit humiwalay ako sa mga magulang ko." I paused for a moment and stared at him.
"What are you talking about?" I nervously asked.
Nakita ko ang kanyang pag-aalinlangan. Tila nagdadalawang isip at nahihirapan na sagutin ang tanong ko.
"No, it's okay if you don't want to talk about it with me. It's your personal issue. Ayokong manghimasok kung ayaw mo talaga. I understand naman." Agad kong binawi ang aking tanong, It's as if I wanted to erase his worries. I also started to eat and to bring back the normal atmosphere in our conversation.
"Laurene.. I committed a crime that even I can't forgive myself." Mahina lang ang kanyang boses, pero malinaw na malinaw sa aking pandinig. Nahulog ang kutsarang hawak ko at umingay iyon sa plato dahil babasagin. Parang na-shock ako sa kanyang sinabi at hindi makapaniwala.
Kita niya ang pagkagulat sa aking mukha. Kumurap ako at inayos ang aking upo at magpanggap na lamang na hindi ako naapektuhan sa sinabi niya.
"Don't make a joke, Zairon. It's not funny." I gulped the food. Hindi ko pa pala nilunok dahil sa sobrang gulat ko. What does he mean about it?
"He's very important to us at sa lahat ng mga apo ni Grandpa, siya talaga ang paborito kahit sa pamilya ko. But he died because of me. I.. I didn't save him, Laurene.." nabasag ang boses niya kaya agad kong hinawakan ang kamay niya.
Zaiden told me that their mom wanted Zairon to pursue his dream. Ito ba ang naiitindihan ni Zairon sa ginagawa ng ina niya? hindi ko sigurado kung kailangan ko pa bang sabihin iyon. He's blaming himself and he thought that his family blamed him too.
"I don't know what really happened but I know you didn't do it on purpose," I said even though I don't know if I can ease the pain he felt right now.
Huminga siya ng malalim at nginitian ako. "Thank you baby and I'm sorry for ruining our date. I'm just getting emotional because for many years, hindi ko inaasahan na babalik siya. I thought he was dead." malumanay niyang tugon.
"He's alive?" Hindi makapaniwala kong tanong.
"Yes, Grandpa told me that some of his people saw him here in the Philippines. At first I didn't believe him but I saw his photos, Laurene. He's alive, that's why right now, I'm still searching for him."aniya
"A-alam ba ito ng pamilya mo? I mean, kung importante nga siya sa pamilya mo, dapat di ba malalaman rin nila?"
"I did not talk to them about him for now. Sigurong mas kailangan ko munang isigurado ang lahat. And I have to handle the Solstice because grandpa can't handle it now. He's already in his 80's, mas mabuting magpahinga na rin siya kaysa mamroblema sa mga nangyayari."
"Kaya ba hindi ka nagpakita sa akin ng tatlong taon? Hinahanap mo pa rin siya?"
He paused and put the utensils on the table. "Partly but.. I went to England for some reason."
"You're in England? Sabi ni Zaiden.. ano-" Hindi ko na natapos dahil narealize kong nabanggit ko pala siya. Ayokong mas lalong maging pangit ang atmosphere namin.
"That he will be teaching in Cambridge in England. Yes, he was but because of an accident, he forcely resigned." He added.
"Bakit nag resign siya? Bakit nasa England pa rin siya noong mga ilang buwan?" Hindi siya agad sumagot at tinitigan lang ako. Umiwas ako ng tingin. "I'm sorry, nagkakausap kasi kami pero hindi naman niya sinabi eh."
"He's involved in a car accident and the woman was in a coma for a year." Napatutop ako sa aking bibig. Kaya ba ayaw niyang sabihin sa akin?
"He got depressed because that was the first time that he was involved in an accident. Masyado siyang maingat pero iyong time na iyon, hindi niya alam ang gagawin niya. Our parents can't even talk to him properly on the phone kaya sumunod ako roon. Even though I'm mad at that time, I'm still trying to help him," he paused for a moment. "I switched places with him and I was the one who was imprisoned until the woman woke up. Pinauwi siya sa Pilipinas noong time na iyon pero bumalik rin siya nang malaman niyang ako ang nakulong roon. He was sent back to the Philippines at that time, but he returned. He tried to talk to the woman's parents, and even Grandpa helped. I was released only when the woman woke up and everything was cleared up."
I was speechless. The man in front of me was carrying such a heavy burden. I was trying to digest everything he just told me. "Zairon..." I began, my voice barely above a whisper. "I had no idea..."
My heart ached for what he confessed to me. I didn't know that he experienced this.
He gave me a sad smile. "I know. I didn't want you to know, Laurene. I didn't want you to see this side of me."
"But why?" I asked, my heart aching for him. "Why did you feel the need to hide this from me?"
"Because I was afraid," he admitted. "I was afraid that you would look at me differently. Gusto ko nalang sanang itago ito sayo pero ayokong magalit ka."
I smiled. "Hindi ako magagalit. I will listen to you kahit ano pa 'yan. I'm here."I said firmly, gripping his hand tightly.
He looked at me with his eyes filled with relief. "Thank you baby," he said, his voice choking with emotion. "Thank you for understanding."
"Because I'm your girlfriend. I should be the one who understands you the most." I answered. He kissed my palm longer and looked at me with his soft eyes.
"Thank you baby.. hindi talaga ako nagkamaling mahalin ang babaeng tulad mo. Worth it ang pang aagaw ko sayo." Tinampal ko siya sa kamay.
"Baliw.." natatawa kong saad pero agad rin naman akong nagseryoso dahil mukhang hindi pa rin siya mapanatag. "So, kahit ngayon ba ay hindi mo pa rin nahahanap ang taong 'yon?"
"Hindi pa pero pinapahanap ko na siya. I'm still searching for him in England for months pagkatapos ay umuwi ako dahil sa Solstice. I'm in Australia for almost two years dahil nandoon ang main business ni Lolo. When I got here in the Philippines, pinahanap agad kita tapos timing pang nahospital instructor niyo kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon. Do you know how I miss you in those three years? Sabik na sabik akong makita ka, Laurene."
"But what If may ka relasyon na ako sa panahong iyon? How would be so sure na babalik ako?" Nakita ko kung paano siya ngumiti na parang may tinatago siyang hindi ko alam kung ano.
"Well, I have my ways. Sinabihan na kita hindi ba? Kung meron man magtatangka, I can make them leave you. Ayokong may umaaligid na kahit sino sayo."
I laughed at his audacity, but there was a warmth spreading through my chest. "You're really possessive, aren't you?" I teased.
He chuckled softly. Napanatag naman ako dahil bumalik ang ganitong side niya. "Only when it comes to you, baby," he replied with his husky voice.
I shook my head. "You're impossible."
"But you love me anyway, don't you?" He asked at ngumisi pa.
I rolled my eyes, but I couldn't hide the smile that tugged at my lips. "Yes, I do. Despite your craziness, I do." I admitted, my cheeks flushing slightly under his intense gaze.
He laughed with his eyes crinkling at the corners. "That's all I need to hear."
Tumayo siya at inayos ang kanyang suot bago lumapit sa akin. Inabot niya ang kanyang kamay sa akin, na agad kong tinanggap.
"Let's go? I should send you home tonight. It's late already," He checked his watch before facing me with his serious expression. "Much as I want to stay with you, I have an early flight tomorrow. But if you tell me to stay, I will cancel it all." He declared, tucking a loose strand of hair that had fallen across my face.
Umiling ako at inayos ang necktie niya dahil nakunot iyon. "No, we can still see each other pa naman. Just make sure that you will call me kapag may time ka."
Tinitigan niya ako saglit at tinaas ang baba ko upang magkatinginan kami. I placed my hand to his chest when he leaned closer to kiss me for just a minute. Pumikit lang ako at hinintay na kumalas siya.
"Hindi pa nga ako umalis, namiss na agad kita. Next time, I will bring you anywhere with me. That way, I can see your beautiful face every minute," Mahinahon niyang sabi at saka pinatakan niya ako ulit ng dampi sa labi.
Ngumiti ako sa kanya at tinapik ang kanyang dibdib. "Hindi mo kailangan mag-alala. Hindi naman ako mawawala. At saka, hindi mo kailangan magdala ng picture ko. Magsuot ka na lang ng relo na may picture ko, para kahit saan ka man mapunta, lagi mo akong kasama." Pagbibiro ko.
Tumawa siya at hinawakan ang aking kamay. "That's a good idea. I will do it."
"Loko, Joke lang!" Sumandal ako sa kanya at hinawakan ang kanyang braso. "Tara na, babyahe ka pa naman papuntang Manila ngayon. Anong oras na rin."
Bumaba na kami at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kaniyang kotse. "By the way, you have your Ojt next month?" he asked when he finally get inside the car.
"Oo, hindi ko pa alam kung saang hospital ako ipapasabak." sagot ko habang kinakabit ang seat belt.
"Is it possible that you can work at Solstice?" He asked.
"What? No way." Agad kong sagot at bumaling sa kaniya.
"Why? Ayaw mo bang makita ako araw-araw?" He even frowned like he didn't like what I answered just now.
"It's not like that," Paano ko ba sasabihin sa kaniya? Paano kung makita ako ng lolo niya roon? Tapos ipapahiya ako dahil nga student pa ako tapos hindi kami kasing yaman ng mga naging girlfriend niya noon.
"M-malayo, Zairon. Ayokong iwan grandparents ko." Pagdadahilan ko nalang.
"Is that really the reason, Laurene or you just don't want to be with me?" Mas lalo siyang nadismaya.
"Syempre gusto ko p-pero kasi hospital niyo iyon. Ba-baka ano, baka magpakita ang parents mo sa akin or di kaya lolo mo. Ba-baka hindi nila ako magugustuhan."
Hindi siya sumagot agad. "Wala rin naman silang magagawa kung ikaw ang girlfriend ko. I have the right to decide who I'm going to be with."
I smiled at him but my smile faded again when I glanced at the person looking at us now. Nasa harapan siya at nakatayo lang sa isang poste malapit sa kalsada. Suot niya ang isang mask kaya hindi ko makita ang kanyang buong mukha. Pero alam kong siya yun, yung taong sumusunod sa akin.
Napaisip ako, bakit kaya siya sumusunod sa akin? Ano ang gusto niya? Sa kabila ng kaba ko, pinilit kong maging kalma. Hindi ko pa alam ang kanyang intensyon, kaya dapat akong maging handa sa anumang mangyari.
"Baby?"
Lumingon akong lutang kay Zairon. "Bakit?"
"Sinong tinitingnan mo?" Sabay baling niya sa pwesto ng lalaki kanina pero wala na ang lalaki roon. Kinilabutan na ako, bakit ba lagi kong nakikita ang lalaking iyon? At palaging kapareho ang suot niyang jacket noong gabi pa.
"Is something wrong?" Umiling lang ako.
"Wala naman. May naalala lang ako," at inayos ang upo ko at pasimpleng tiningnan ang lokasyon ng lalaki pero wala na nga siya roon.
"I forgot, hindi ba at may sasabihin kang importante sa akin?" Bigla kong naalala ang dapat kong sabihin sa kanya. Napasapo ako sa noo. Oo nga pala, kailangan kong sabihin sa kaniya tungkol sa mga anak namin, pero nagdadalawang-isip na ako. Bakit ba kasi nalaman ko iyon? Pero sa kabilang banda, ayoko rin namang itago ito sa kaniya ng matagal.
"Zairon.. pwede bang dumaan muna tayo sa bahay?" Tanong ko sa kanya at naghihintay ng approval niya.
Tiningnan niya lang ako na parang binabasa kung seryoso ba ako o hindi. "Seryoso ako, gusto kong pumunta ka muna sa bahay...may ipapakita lang ako." Dagdag ko.
Tumango lang siya sa sinabi ko. "May surprise ang baby ko sa akin?" Tanong niya, na may kasamang ngiti. Kinatango ko lang. Kinakabahan ako pero pinipilit kong hindi ito ipahalata.
Napalingon kami sa bintana ng kotse nang may biglang kumatok. Binuksan iyon ni Zairon, at hindi ko kilala ang lalaki na nasa labas pero mukhang kilala naman siya ni Zairon.
"Sir. Your grandpa wanted to see you early before your flight. He asked me if you could see him as soon as possible." Sabi ng lalaki.
Napabuntong-hininga ako. Mukhang hindi maganda ang timing. Nasa isip ko rin na baka maiba ang sitwasyon kapag nalaman niya agad ang tungkol sa mga anak namin dahil may pupuntahan pa siya at baka magiging distraction lang ito sa kanya.
Hinawakan ko ang braso ni Zairon at ngumiti. "I guess my surprise will be postponed muna. Sa pagbalik mo nalang."
Malungkot niya akong tiningnan. "I can just talk to grandpa kung importante nga 'yan."
Umiling ako. "It's okay. Ayoko namang maging hadlang sa responsibility mo sa pamilya mo. Baka magalit pa sa akin ang lolo mo. Gusto ko sanang ipakita ko sayo kapag wala ka ng ibang gagawin pero sa ngayon, unahin mo muna sila."
Tumingin siya sa akin na may halong panghihinayang at pasasalamat sa kanyang mga mata. "Thank you baby," aniya, hawak ang aking kamay. "Gagawin ko ang lahat para maaga akong makabalik. Gusto kong malaman kung ano man ang sorpresa mo."
"Sige. Mag-iingat ka ha? Tawagan mo ako agad pagdating mo doon."
Tumango siya at hinagkan ako sa noo. "Mamimiss kita. I'll call you as soon as I land."
Hindi na niya ako naihatid at sumakay na siya sa ibang sasakyan kasama ang mga tauhan ng kanyang lolo. Kahit na hindi na siya naghatid, mayroon pa rin namang ibang naghatid sa akin. Ngunit hindi na ako nagpahatid mismo sa bahay, sa kanto na lang. Kahit na natatakot akong susundan pa rin ako ng lalaking iyon, pinatatag ko na lang ang sarili ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top