THIRTY - FIVE
"A-are you sure, Doc? I mean, I'm still a trainee. I don't have experience with this kind of patient," Saad ko, nag-aalala na baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Lalo na sa lolo ni Zairon!
Ano ba ang nangyayari?!
"Don't worry. I believe in you. I know you can do this. And besides, there will be a senior nurse who will guide you," aniya na mas lalong nagpakaba sa akin.
Hindi na ako mapakali nang umalis na lamang si Doctor. Naiwan ako roon, nag-iisa at nalilito. Parang gusto ko na lang tumalon sa bintana kaysa sa harapin ang sitwasyong ito. Hindi ko ito inaasahan!
"H-hi.. Um, hello po.. Don. I'm your nurse for today," Kinakabahan kong sabi. Parang may malaking bato na bumabagsak sa aking dibdib dahil sa kaba. Nasaan na ba ang senior nurse dito? Bakit ako lang?!
Tiningnan niya lang ako ng blanko na parang wala siyang interes sa kung ano man ang sasabihin ko. Kinuha niya ang newspaper na nasa tabi niya at nagpatuloy na magbasa. Napakagat ako ng labi. Anong gagawin ko ngayon? Sa pagkakaalam ko, hindi talaga mabait ang Don. It feels like there's a big wall standing between us, and I don't know how to break it down.
"Another nurse, huh?" he grumbled, his tone not exactly welcoming. "Well, do your job properly. I don't want any mistakes."
Napahinga ako ng maluwag nang hindi siya nagreklamo o nagdabog. Subalit, ramdam ko pa rin ang tensyon sa pagitan namin. Sana ay totoo ang sinabi ni Dr. Evarisco na may senior nurse na mag-a-guide sa akin.
"H-huwag po kayo mag-aalala, Don. I'll do my best to assist you," tugon ko at nagpapasalamat sa pagtanggap niya sa kabila ng kanyang mataray na aura.
He just nodded and returned to his newspaper, seemingly uninterested. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ito pero tiyak na gagawin ko ang lahat para maging maayos ang pagkakasundo namin. Ayoko namang ganito lang kami palagi. Lalo na at pamilya siya ni Zairon, kailangan ko ring makuha ang loob nila pero hindi ko inaasahan na magkikita kami sa ganitong sitwasyon.
I took a deep breath and approached him with a friendly smile. "Don, if there's anything you need or if you're uncomfortable, feel free to let me know. I'm here to help and make your recovery as smooth as possible."
Nag-angat siya ng kilay na parang hindi siya sanay sa ganitong pakikipag-usap. "Just do your job, Nurse. No need for unnecessary chit-chat," he grumbled again.
I swallowed hard, feeling my palms getting sweaty. "Of course, Don. I'll just prepare your medication," I said. Kahit kinakaban na ako, hindi ko nalang iyon pinapahalata.
This was going to be harder than I thought. I was just a trainee, not even a full-fledged nurse yet. I didn't have the experience or the confidence to handle such a difficult patient, especially not someone related to Zairon.
Hindi ko alam kung paano siya lalapitan o kung anong approach ang gagana sa kanya. Ang kanyang malamig na kilos ay tila nagpapahiwatig na hindi siya madaling lapitan.
Sa kabila ng kanyang mataray na imahe, sinikap kong gawin ang lahat ng makakaya ko para maging mabuti sa kanya. But then I remembered what the doctor said. There would be a senior nurse to guide me. I just had to trust in myself and do my best.
Suddenly, the door opened and a senior nurse walked in. "Hello, I'm Nurse Marlin. I'll be guiding you today," she said with a warm smile.
I felt my heart lighten. Finally, some help.
I nodded at the Nurse, grateful for her presence. She was a petite woman with a kind face and a comforting aura. "Thank you, Nurse Marlin. I really appreciate your help," I said.
She gave me an encouraging smile. "No problem at all. We're a team here. Now, let's get to work."
She guided me through the process. She showed me how to properly administer the medicine and how to check his vitals.
"Don, we're going to give you your medication now," I said, approaching him with the medication tray. He glanced at me, then at Nurse Marlin, before nodding in acknowledgment.
While I was administering the medication, Nurse Marlin explained to Don what each medication was for. She was patient and thorough, making sure Don understood his treatment plan. I admired her professionalism and hoped to be as competent as her one day.
Once we were done, she turned to me. "You did well. Remember, it's okay to ask questions and ask for help. We're all here to learn and grow," she said with her gentle voice.
I nodded."Thank you. I'll keep that in mind."
I followed the routines outlined by the senior nurse who eventually arrived to guide me and made sure to attend to Don's needs with diligence.
Sa bawat pagkakataon na nagtatanong ako kung kailangan niya ng tulong o kung may kakaibang nararamdaman siya, sagot niya ay madalas na minimalist. There were times when he'd just nod or shake his head without uttering a word.
The doctor told me na ako muna ang magiging assist niya at sasabihin lang nila kung kailan ang huli kong pag assist. Mas lalo tuloy akong namomroblema. Sila Dalcy naman ay pag assist lang ng mga mild cases like injuries.
Sana may pumalit man lang sa akin rito.
Tiningnan ko ang oras at tanggali na pala kaya ay lumabas na muna ako para sana kukuha ng pagkain niya pero hindi pumayag ang cook roon. Iba raw ang kinakain ng Don kaya bumalik na lang rin ako.
Nabigla na lamang ako nang makita ang mga pagkain sa loob ng kwarto niya pero hindi niya man lang ginalaw. Lumapit ako roon at tiningnan ang mga pagkain at mukhang pinaghandaan rin talaga ito kaya ay pinagsilbihan ko rin siya at papakainin kaso hindi niya ako pinapansin!
“D-don? It's your lunch break na po.” Paalala ko sa kaniya.
Tumango lang siya at hindi niya pa rin tinitigilan ang pagbabasa ng dyaryo. "I'm not hungry," sagot niya na ikinagulat ko.
"B-but Don, you need to eat to recover faster," aalalay kong sabi.
"Later," he muttered, not even sparing me a glance.
Napahawak ako sa noo ko, feeling the tension headache starting to build. This was going to be a long day.
"Pero please promise me na kakain ka later, okay?" sabi ko, hoping na susundin niya ang payo ko.
He just grunted in response, which I took as a yes. Lalabas na dapat ako nang magsalita siya. “Nurse, pick that.”
Bumaling ako sa kung saan siya nakatingin. May naiibang lagayan ng pagkain roon. Kinuha ko ito at tiningnan bago tumingin sa Don.
“Ito ho ba kakainin niyo?” Mahinahon kong tanong.
He just shook his head. “No, you eat that.”
Napakurap ako at tinuro pa ang sarili ko. “Po? Akin po ito?”
Hindi na siya sumagot at nagbasa pa rin ng dyaryo. Sinilip ko pa kung ano ang binabasa niya pero mabilis akong napatayo dahil agad siyang tumingin sa akin. Mag lolo nga sila, hindi mo malalaman kung ano ang susunod nilang gagawin.
I decided to leave him be for a while, hoping na baka mas gaganahan siyang kumain kung mag-isa siya ay syempre, dinala ko rin ang pagkain na binigay niya.
Sa Cafeteria ako kumain at hindi ko inaasahan na napakarami ng pagkain. Mukhang hindi sa Cafeteria galing dahil namumukhaan ko ang iba. Napangiti ako dahil akala ko ay ganoon lang ang Don.
I also decided to use this time to review his medical records and familiarize myself more with his condition. I wanted to be prepared for anything that might happen.
I also made a mental note to ask the senior nurse for any tips on how to handle difficult patients like Don. I was determined to do my job well, and I knew that I had to learn how to handle all kinds of patients, even the grumpy ones like him.
After a while, I returned to his room to check on him. "Don, how are you feeling? Do you need anything?" tanong ko, hoping na mas cooperative siya ngayon.
He looked up from his newspaper and shook his head. "I'm fine," he said, his voice gruff.
I nodded and gave him a reassuring smile. "Okay, If you need anything, just call me. I'll be just outside," sabi ko, before stepping out of his room.
I knew that this was going to be a challenging assignment, but I was ready to face it head on. And who knows, baka maging close kami ni Don in the end? It's a long shot, but it's a possibility I'm willing to work for. After all, I have to make him like me dahil ayokong maging iba ang pagtingin nila sa akin kahit na hindi naman kami kasing yaman nila pero hindi ko naman pababayaan si Zairon.
Pagkatapos ng ilang minuto ay pinatawag ako ng Don kaya mabilis akong pumasok at lumapit sa kaniya. “May gusto ho ba kayong ipapagawa o may kailangan?”
Nakatitig lang ako habang nakikita ko siyang unti-unting ibinababa ang dyaryo niya. Sa wakas, matapos ang ilang sandali ng katahimikan, tiningnan niya ako. Hindi ko alam kung matatakot ako o makikilabot sa paraan ng pagtingin niya sa akin.
Biglang nawala ang ngiti sa aking labi nang marinig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. “Gusto kong hiwalayan mo ang apo ko, Laurenestine Valencia. Hindi ikaw ang babae para sa kaniya. You're just a pest in our life!”
Napalunok ako sa biglaan at sakit ng sinabi niya. Hindi ko inaasahang maririnig ko iyon. Tila bigla akong nawalan ng lakas at naramdaman ko ang mga tuhod ko na nanginginig.
I thought that he didn't know me? Then now.. I can't even think properly.
Pinilit kong pigilan ang aking mga luha na dumaloy at pinanindigan ko ang aking sarili. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata. "Alam kong hindi ako kasing yaman ninyo, Don. Hindi ako mayaman, hindi ako kilala, at hindi ako may-ari ng malalaking negosyo tulad ninyo," sagot ko, pinipigilan ang sarili na hindi umiyak. "Pero hindi naman po yaman ang sukatan ng pagmamahal. Mahal ko po si Zairon at alam kong mahal din niya ako."
Akala ko ay coincidence lang na nagkita kami sa lugar na ito, pero nang sinabi niya ito, bigla kong narealize lahat. Kilala na niya pala talaga ako. Ito ba ang magiging first day ko? Ang saklap naman pala.
Tumawa siya pero hindi ito masaya. Hindi ito ang tawa ng isang taong masaya, kundi tawa ng isang taong nagpapahiwatig ng pananakot. "Mahal mo? Pero hindi mo nga sinabi sa kaniya na may anak kayo?”
Napakurap ako sa sinabi niya. Parang biglang huminto ang mundo ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. “Pa-paano niyo nalaman ‘yan?”
“Mayaman ako at kaya kong malaman lahat. Kaya kong magbayad ng mga tao para malaman ang mga sikreto mo at kaya ko ring ilagay sa mahirap na sitwasyon ang mga magulang mo, Miss Valencia," sagot niya habang nakangiting nakatingin sa akin. "Ngayon, isa lang ang gusto kong gawin mo–ibigay mo sa akin ang mga apo ko.”
Napayuko ako. Ito na ang kinatatakutan kong mangyari at mangyayari na nga. I can't imagine how hard na mawala sa piling ko ang mga anak ko. Hindi ko kaya iyon.
“Pero kung ayaw mo, may isang option pa lang naman,” sabi niya. Napatingin ako sa kaniya pabalik. Kahit na ang bigat na ng loob ko, hinintay ko pa rin ang sasabihin niya.
“Hiwalayan mo lang ang apo ko ay hindi ko na kayo gagambalain pa. Makaka graduate ka, hindi madadamay ang magulang mo at bibigyan ko pa kayo ng negosyo," He smiled wickedly. "Ang gusto ko lang ay hiwalayan mo siya kung ayaw mong kunin ko ang mga anak mo at hindi mo na sila makikita pa kahit maging matanda ka na.” banta niya.
Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Parang biglang bumuhos ang malakas na ulan sa aking mga mata. Pero agad ko iyong pinunasan. Akala ko ay sa telebisyon ko lang ‘to makikita, yung tipong pinapapili ka sa pagitan ng dalawang mahirap na sitwasyon. Kung pagbabasehan sa status ng buhay ko ay wala akong laban, pero matagal na akong nakapagpasya, sasabihin ko rin naman kay Zairon ‘to.
“If you plan to tell this to Zairon, minadali mo lang ang gusto ko, Miss Valencia.” dagdag niya habang nakatitig sa akin na parang alam na niya ang tumatakbo sa isip ko.
"Anong ibig niyong sabihin?" Nangangatal kong tanong.
Ngumisi lang siya, isang ngiti na hindi ko na gustong makita pa. "If he found out that you hide your children from him, sigurado ka bang hindi niya kukunin ang mga anak mo sayo? We have a deal already, Miss Valencia at hanggang sa buhay pa ako, hindi ko iyon babawiin. I will let any woman seduce him until he gives up at ang solusyon lang no’n ay magka anak siya at ibigay sa akin. Give up and choose only one, Miss."
Umiling ako ng umiling, parang hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. "Hindi.. hindi ako papayag.." naiiyak kong sagot.
"Then, it’s final.. hiwalayan mo si–"
"Hindi ko siya hihiwalayan, hindi ko ibibigay ang mga anak ko sayo at sasabihin ko sa kaniya ang totoo!" Sigaw ko na nagpawala sa mga ngiti niya. Hindi niya siguro inaasahan na sisigawan ko siya at kahit alam kong dapat siya ang kinatatakutan dahil sa impluwensiya niya ay wala na akong pakialam kung kasali naman ang mga taong mahalaga sa akin.
Lumunok ako ng ilang beses at matalim ko siyang tiningnan. "I will believe him because I love your grandson, Don. I love him at naniniwala akong hindi niya iyon magagawa sa akin. Mahal niya ako at iyon ang totoo!" Sigaw ko at wala na akong pakialam kung ano ang magiging opinion niya sa ugali ko.
Aalis na dapat ako nang biglang hinarang ako ng dalawang lalaki. Bago pa man ako makareact, bigla silang lumapit at hinawakan ako. May pinasimhot sila sa akin na parang pampatulog. Agad akong nahilo at nanghina na parang biglang nawala ang lakas ang katawan ko at isang kamay ang sumalo sa akin bago ako tuluyang mahulog.
Isang tapik sa pisngi ang nagpamulat sa akin. Agad akong napabalikwas at tiningnan ang paligid. Kung saan ako nakaupo kanina, nandito pa rin ako. Nasa labas pa rin ako ng room ng Don.
Naalala ko pang dito ako umupo pagkatapos kong ma check ang Don kanina after ng lunch ko.
“Out mo na, Laurenestine. Ako na ang bahala sa Don.” sabi ng isang boses. Agad akong napatayo nang makilala ang boses ni Nurse Marlin.
“Sorry ho talaga at nakatulog ako.” Paumanhin ko sa senior nurse. Ngumiti lang siya sa akin, isang ngiti na puno ng pang-unawa.
Tumalikod na siya at pumasok sa kwarto ng Don. “Okay lang, sige na at isisirado ko na ito.”
Pagkasirado palang ng pintuan ay hindi ko mapigilan ang aking sarili na alalahanin ang nangyari. Napaisip ako, parang totoo ang panaginip ko kanina pero hindi ko na rin matandaan ang ibang detalye.
Hindi ko alam pero nakahinga ako ng maluwag. Marahil ay panaginip lang iyon, bunga ng mga iniisip ko recently. Masyado lang akong over thinking kaya kahit ano-ano ang panaginip ko.
Bumalik na rin muna ako ng kwarto namin. At hindi pala kami pareho ng time ng out at in. Naikamot ko nalang ang buhok ko nang maalala kong hindi pala ako nakakain. Nakalimutan ko na magdala ng pagkain galing sa Cafeteria kaya lumabas ulit ako ng kwarto at tumungo ulit roon.
Pero hindi agad ako makalapit ng maigi sa Cafeteria nang makita ko ang babaeng kasamang sumundo sa amin noong galing kami sa Samar Island. Nakikipag-usap siya sa isang lalaki na hindi ko kilala. Parang kilala niya ang lalaki at parang may mahalagang pinag-uusapan sila.
“Don’t tell him. Ako na ang magsasabi.” sabi ng babae sa lalaki na mukhang suspicious dahil sa suot niya.
“Pero ma'am, matagal na ‘tong gustong malaman ng Don. Sinabi niya sa akin na ako mismo ang magbabalita sa kaniya.” Sagot naman nito.
Anong ibabalita naman nila sa Don? Lalo akong na-curious kaya't mas pinabilis ko ang aking lakad para malapitan sila, pero bigla akong napatalon nang may humawak sa balikat ko.
“Hi, sinong sinisilip mo diyan?” Ngiting tanong ni Dr. Lawrence, ang isa sa mga doktor dito sa ospital.
“Ah.. eh.. ano, kasi–” natatawa siyang napatingin sa akin dahil sa kinakabang kong mukha. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napanguso nalang ako na parang nahihiya.
“You're eavesdropping, I see.” ta-tango niyang sambit na kinailing ko ng agresibo.
“Hoy, hindi ah! Narinig ko lang kaya Doc!” Pagdadahilan ko at sabay wave pa ng kamay sa mukha niya. Parang gusto kong itago ang kaba at hiya ko sa lupa!
“Hmm, okay.. Oh, wala na pala sila.” Sabay silip niya sa likod ko. Sumilip rin ako at bumuntong hininga. Mabuti nalang talaga wala na sila para makakuha na ako ng pagkain. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-isip, ano kaya iyong sasabihin nila kay Don?
Bumaling ulit ako kay Doc at ngumiti ng may pag-alinlangan. "Si-sige Doc, papasok muna ako magta-take out ng foods hehe." Sabi ko na medyo awkward.
"Mind if I join you? Kukuha lang rin ako."
Pumayag nalang rin ako at sabay kaming pumunta sa counter. Nagpipili lang ako roon ng ita-take out ko. Dahil nga nasa taas pa ang menu, hindi ko na pinapansin ang staff sa harap ko. Hindi rin ako tumingin sa kaniya kahit ramdam kong titig na titig ito sa akin. Bakit kaya feel ko pamilyar ang titig na nararamdaman ko ngayon?
“Here's your order, ma'am.” Agad akong tumingin rito nang magsalita ito at nagulat nang makita ang pamilyar na ngisi sa labi niya.
“Z-zairon?”
Ngumiti lang siya sa akin at pinatong pa ang panga niya sa kaniyang dalawang palad at parang nagpapa cute. “Hi my baby, I did the order for you or do you want to choose me instead?”
Namumula kong binaling ang paligid at nakatingin na pala ang mga babaeng nakasunod lang sa akin. Sinurprise niya nga ako at naging staff na siya ng sariling cafeteria ng hospital niya.
“Ang gwapo ng staff.. girlfriend niya kaya ang babaeng ‘yan?” rinig kong sabi ng nasa likod ko.
“Mukha nga pero masyadong inosente naman ang girlfriend niya.” Gusto ko nalang tumawa sa komento ng isa. Inosente pala talaga tingin nila sa akin?
Pinatong ni Zairon lahat ng mga naka paper na mga pagkain sa harap ko. “Pinabalot ko na mga pagkain. Just share it with your friends.”
“Ang dami yata..” komento ko nang makita ang ilang mga paper bags.
“Don't worry baby, doon ako kakain. I'm not eating yet. Bagong dating lang kasi ako.” Sagot naman niya habang hinuhubad ang suot niyang apron at ginulo ng bahagya ang buhok niya para maging messy.
“Bakit ka nasa Cafeteria? Bakit naging staff ang may ari ng hospital?” Biro ko sa kaniya. Tiningnan ko lang siya ng maigi at ang ginagawa niya sa loob.
“My aunt is the one who handles the cafeteria. Bumisita lang ako at nang makita kita kanina, nagkunwari akong staff para surpresahin ka.”
“Na surprise nga ako, akala ko talaga naging staff ka na.” Natawa lang siya at inabot niya ang kamay ko para halikan.
“I really miss you baby. Parang araw-araw akong magkakasakit kapag hindi ko nakita picture mo sa Australia. Tapos ayaw mo pang may video call tayo.” he pouted.
“Ayoko, nahihiya ako.” Sagot ko.
“Nahihiya? Sa akin?” taas kilay niyang tanong.
“Hindi na ba pwedeng mahiya?”
“Ang unusual naman. Wala ka ngang hiya-hiya kapag umuun–” tinakpan ko ang bibig niya dahil may mga tao pa namang nakarinig sa amin.
“Huwag ka ng magsalita. Alis na nga ako!” Namumula kong sabi. Kinuha niya ang kamay ko at tinapat iyon sa pisngi niya.
“Wait for me there. Magpapaalam na muna ako.” Kinuha ko na rin ang kamay ko at tumango nalang. Feel ko maraming mata ang nakatingin sa amin ngayon.
“Auntie, my girlfriend is here! Aalis na ako!” Rinig kong sabi niya. Sumilip naman ang babaeng nasa counter at tumingin sa akin at ngumiti.
“Okay Doc. Paki kumusta ako sa lolo mo mamaya.” Aniya.
“I will,” Lumabas na rin siya kinuha ang mga nakabalot na mga pagkain sabay rin na lumapit si Dr. Lawrence sa akin pero hindi na siya nakapagsalita nang humarap sa kaniya si Zairon.
“D-doc? Anong ginagawa niyo rito?” Nabiglang tanong niya at palipat- lipat ng tingin sa aming dalawa. Nakatingin pa siya sa bitbit ni Zairon. Bigla akong nahiya dahil siya ang pinabitbit ko. May ari pa naman siya ng hospital tapos pinabitbit ko lang.
Tumingin si Zairon kay Dr. Lawrence, at parang nag-iba ang kanyang aura. Mula sa masayahin at malambing, biglang naging seryoso at malamig ang kanyang tingin.
"Dr. Lawrence," malamig niyang bati, hindi na niya tinatanggal ang tingin sa kanya. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito?"
Nagulat si Dr. Lawrence sa biglaang pagbabago ng tono ni Zairon. "Ah, eh, kumuha rin ako ng pagkain, nagkasabay kasi kami ni Laurenestine. Magkakilala kayo?” sagot niya, tila naguguluhan.
Ngumuso si Zairon at hinawi niya ang tingin mula kay Dr. Lawrence patungo sa akin. "Baby, tayo na," sabi niya, hawak ang mga bitbit naming pagkain.
Napakamot ako sa ulo, hindi alam kung ano ang gagawin. "Ah, sige Doc, balik na muna ako sa kwarto," sabi ko, sinundan ko si Zairon palabas ng cafeteria.
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging malamig kay Dr. Lawrence. Baka may problema sila? O baka may nangyari na hindi ko alam?
Naglakad lang kami nang walang kibuan. Sinisilip ko rin siya pero hindi talaga siya nagsasalita. Kumapit ako sa braso niya at rinig kong bumuntong hininga lang siya.
“Galit ka ba?” Tanong ko agad.
Umiling lang siya at huminto upang tingnan ako. “I'm not sure but I'm not comfortable if you're talking to someone else other than me.” he frowned.
“Iyon lang rason mo kung bakit ganoon ka kay Dr. Lawrence?” Pagkaklaro ko.
“Oo, may iba pa ba?”
Natawa nalang ako. Akala ko pa naman ay ano, iyon pala. “Akala ko pa naman may away kayo. Bigla ka kasing lumamig.” Tugon ko. Naglakad ulit kami.
“I don't know him personally. I just don't like someone so close to you. Lalo na at tumatawa pa siya habang nag uusap kayo. Tsk!” Singhal niya pa sa huli.
Nakita niya pala kaming nag uusap pero kung nandoon nga siya, nakita niya ba ang babae kaninang may kausap? Pero hindi naman kasi masyadong kita kung pagbabasehan sa posisyon namin dahil nasa may gilid lang sila habang ako ay papasok palang ng canteen.
“Baka clown ako sa paningin niya kaya tumawa siya,” Pagbibiro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
"Anong clown? Ang ganda-ganda mo nga. Tumawa siya kasi kinikilig siya sayo. Ako nga nabaliw!" Seryoso niyang sambit.
Ewan ko ba kung kikiligin ako sa mga banat niya o mas natatawa dahil napakaseryoso niyang nang sabihin iyon.
“Iba ka naman. Feel ko nga bet niya si Dalcy ‘eh.” Ako na ang nagbukas ng pintuan at sabay sumalubong ang mukha ni Dalcy. Nagulat tuloy ako kasi may facial mask pa siya sa mukha niya.
“Hoy, babaita! Saan ka nagsus– Hi, Doc!” Naputol ang sasabihin niya nang masilip si Zairon sa likod ko at nakita niya pang may bitbit itong pagkain.
“Ay, thank you. Akin na ‘to lahat?” Kinuha niya ang mga pagkaing ibang bitbit ni Zairon at sinilip pa.
“Sa atin iyan lahat, huwag kang ano diyan.” Pagkokorek ni Jazz. “Hi doc! Dumating ka po pala!” sabay wave ni Jazz kay Zairon. Pumasok na rin ako at hinila si Zairon sa couch upang makaupo siya.
“Yeah, how's your stay here?” Hindi man lang ngumiti si Zairon kapag nagtatanong. Ewan ko ba rito kapag ibang kausap, halos ayaw ngumiti pero kapag kami lang, ilang beses ko ng nakita.
Tatayo na dapat ako para tulungan sila pero hinila ako pabalik ni Zairon at pinulupot ang kamay niya sa baywang ko. Pinatong niya rin ang panga niya sa balikat ko.
“Okay na okay doc! Mas comfortable pa ako rito kaysa sa tinirhan ko sa Pampanga!” Sagot ni Dalcy at saka kumagat ng manok.
“Ikaw, comfortable ka ba rito?” Mahinang bulong niya sa akin. Pinaglalaruan niya ang kamay ko at doon lang rin ako nakatingin.
“Oo naman, lalo na at nandito ang dalawa.” Sagot ko.
“Hmm, akala ko hindi ka comfortable dito dahil anytime pa naman bukas ang condo ko.” Nahulaan ko na sasabihin niya, gusto niya talagang magkasama na kami pero hindi pa pwede.
Tumunog ang ringtone ng phone ko. Nasa loob ito ng bag ko na pinatong ko lang sa couch. Hinayaan niya akong tumayo para kunin ang phone ko. Pagkakita ko palang sa caller ID ay nagtaka na ako. Bakit kaya tumatawag si Mama?
“Hello, ma?”
“A-anak.. s-si Calia..” narinig ko ang hikbi ni Mama sa kabilang linya. Bumugso ang kaba sa dibdib ko.
“Ano? A-anong si Calia? Anong nangyari ma?” Hindi ko na inaalala kung sino ang mga kasama ko sa kwarto dahil sobrang kinakabahan na ako na parang wala na akong pakialam kung sino ang makarinig pa sa akin.
“Ma, ano ngang nangyari kay Calia?!” Naiinis kong singhal. Mas lalo akong na frustrated dahil hindi na sumasagot si Mama at puro hikbi lang.
“S-si Calia.. si Calia nawawala, anak..”
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw at nakapagsalita agad. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko dahil mas lalo lamang akong magagalit.
“K-kailan siya nawala?” Sabay lunok ko ng laway.
“Kagabi p–”
“Kagabi pa?! Tapos ngayon lang kayo tumawag?! Ma, naman ih!” Sabay dabog ko ng paa at napaupo nalang sa sahig. Rumagasa ng sunod-sunod ang luha ko.
Naramdaman kong may presensiya sa likod ko pero hindi ko na ‘to pinansin dahil nag alala na ako at para na akong sasabog dahil sa kaba.
“Uuwi ako ngayon, M-ma.. hindi pwedeng mawala si Calia, hindi pwedeng mawala ang anak ko.” hikbi kong dagdag.
“A-anak? Anong anak, Laurene?” Nanlalaki ang mata kong napatayo agad. Ang nararamdaman kong presensiya ay galing kay Zairon at alam kong narinig niya ang sinabi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top