ELEVEN

Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan. Wala rin akong ganang makipag usap ngayon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng guilty kanina. Anong kahibangan ang pumasok sa utak ko para halikan si Professor? At ang nakakataka pa ay hinayaan niya lang ako. Hindi ko naman talaga 'yon gagawin pero masyadong makulit si Zairon. Wala nga akong gusto sa kaniya, masyado pang delulu.

So, ano 'yong nararamdaman ko kapag magkasama kami? Nagugustuhan ko naman ang mga haplos niya at halik pero dahil siguro akala ko siya si Professor Zaiden. Pero nang halikan ko naman si Professor kanina ay hindi ko maramdaman ang excitement. Ano ba 'tong nararamdaman ko, hindi ko na alam.

"I'm sorry if my brother is stubborn sometimes. Alam kong nakukulitan ka sa kaniya at kahit hindi ko alam kung ano pinag uusapan niyo ay may hinala na ako kung bakit nagawa mo 'yon kanina." Simula ni Professor Zaiden habang nakatingin lang sa daan.

"I'm sorry, Prof. Mukhang dumagdag lang ako sa problema. Hindi rin kasi ako nag iisip minsan." sincero kong paumanhin.

Ngumiti siya ng matipid. "It's okay. I won't mind."

Nangunot ang noo ko. Why is he not affected at all? Noon nga kahit picture lang niya ay naiirita na siya sa akin pero ngayon ay parang wala lang kahit hinalikan ko siya. Epekto ba 'to ng paghihiwalay nila ng fiancé niya?

"Prof?"

"Hm?"

"Um, bakit yata mukhang hindi ka affected?" Nagtataka kong tanong.

Tumaas ang kilay niya, marahil ay nagtataka rin sa tanong ko. "I mean, you seem okay now. Hindi ba at naghiwalay kayo ng fiancé mo? Paano na 'yan, mukhang in love ka pa naman sa kaniya."

He chuckled softly. "I'm not inlove with anyone, Laurenestine even to her."

"Huh?"

Hindi ko agad ma gets ang sinabi niya. Anong gusto niyang sabihin?

"You're not? But you are eager to marry her back then. Palagi nga kayong nagda-date eh."

He seems amused. "Am I? I didn't notice it. I thought dates are normal to couples since I'm the man. Binibigay ko lang ang gusto niya kahit na minsan ay napilitan lang ako."

"Wait, arrange marriage ba kayo? uso pa pala 'yan ngayon?" Curiosity lang talaga ang nararamdaman ko at wala akong ibang nararamdaman pa bukod roon.

"Hmm. Not really, sinalo ko lang ang dapat na sa kapatid ko." Sumulyap siya sa akin nang gumala ang mata ko sa kawalan.

"S-sinong kapatid?"

"Zairon," naglapat ang labi ko. Hindi ko alam kung bakit parang naginhawaan ako sa narinig.

"Siya talaga dapat ang ikakasal at hindi ako ang kaso ay masyado siyang mapili sa babae at ayaw rin naman mapahiya si Lolo lalo na at matalik niyang kaibigan ang lolo ni Shannon. So, he requested that I marry her even though I really don't want to in the first place."

I tilted my head, I'm very curious about them. "Why? She's a beauty. Kung lalaki ako ay baka ma inlove ako sa kaniya agad. Ilang buwan di ba kayong nag da-date?"

"Yes, but I won't force my heart to feel inlove with her. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko siya kayang mahalin."

Tumango-tango pa ako. Akala ko talaga ay may nararamdaman siya kay Shannon. Masyado kasi siyang hard to get noon.

"But I noticed something to you," bumaling ako sa kaniya. "You're different now. Akala ko nga ay may sasabihin ka nang marinig na wala na kami. I just remembered that recently you told me that you will do anything to break out my engagement."

Kusang umiwas ang tingin ko. Tila baha na nagreplay ang mga sinasabi at ginagawa ko sa kaniya at ngayon ko lang na realize, TANGINA, NAKAKAHIYA!

I flustered, hindi ko magawang tingnan si Professor. Ngayon ko lang narealize na masyado akong baliw sa kaniya noon. Napatigil ako, noon? Paanong noon?

Kinapa ko ang sarili kong nararamdaman. Why didn't I feel anything about it? Bakit parang wala lang sa akin ngayon? I have had a crush on him for two years and now, hindi ko magawang sumaya.

Napabuntung-hininga ako at napasapo sa mukha. This is not me. Naging epekto ba 'to ng nangyayari recently? Masyado ba 'yong naging big deal sa buong pagkatao ko? Sino ba namang sasaya di ba? Imbis na siya ang aakitin ko, ibang tao pala ang naakit ko at nagbigay ko pa sa kaniya ang first ko. Hindi lang iyon, naulit pa.

Pero aminin ko, nagugustuhan ko naman ang nangyari sa amin. Masyado akong malibog, malamang nagugustuhan ko talaga.

"We're here." Anunsiyo niya. Tumigil ang kotse sa harap ng apartment ko. Ngumiti ako kay Prof.

"Thank you sa paghatid, Prof. Hindi ko talaga inaasahan na ihahatid mo ako. First time yata 'tong mangyari."

"Welcome Laurenestine. By the way, I like seeing you without eye glasses. I like your almond eyes." Ngiti niyang komento.

Nahiya ako at the same time ay sumaya. "Thank you, Prof. Ikaw pa yata ang unang nag compliment sa mata ko maliban sa pamilya ko." Natatawa kong saad.

"Really? Kahit si Zairon ay hindi ka sinabihan niyan? Masyado pa naman 'yong observer kahit sa maliit na bagay."

Nawala ang ngiti ko pero agad ko ring pinalitan ng tipid na ngiti. Hindi ko rin naalala na nag comment siya sa physical appearance ko. Ang kaniya lang ay mga maanghang na salita. Puro fûck nalalaman eh. Wala naman iyon pakialam yata kung sino ang ifu-fûck ng lalaking 'yon.

"Ah, bahala na siya sa buhay niya. Hindi ko rin naman kailangan ang compliment niya." Tumawa lang siya ng mahina at saka ay lumabas upang pagbuksan ako ng pintuan. Hays, ang gentleman niya talaga kaya siguro nabaliw ako sa kaniya.

Pagkalabas ko ay huminto muna ako at saka ay hinintay na bumalik si Prof sa kotse niya. Binuksan niya ang bintana at nginitian ako.

"I hope you decide to go to my class, Ms. Valencia." Nag alinlangan akong sumagot at ayoko ring sabihin sa kaniya na lilipat ako dahil baka marami pang tanong na ayoko ring sagutin.

Tumango na siya at ngumiti sa akin at saka pinaandar ang kaniyang kotse. Pagpasok ko palang sa loob ay agad akong humilata sa higaan.

Ilang araw pa rin akong hindi pumapasok sa klase. Hinihintay ko nalang na matapos ang semester at kukunin ko na ang mga requirements para sa pag transfer ko. When my oldest ate know about it, hindi talaga niya nagustuhan at nalaman niya pa ang sitwasyon. I felt guilty for doing it, I'm being selfish pero mas nakakabuti na siguro kaysa ganoon parin ang sitwasyon namin. And I decided not to include myself in them.

"Luh, anong trip 'yan?" Nginuya ko muna ang kinakain ko saka nilunok bago ko sinagot si ate Amary.

"Ha? Ang ano?" Nagtataka kong tanong.

"Bakit sinawsaw mo ang saging sa ketsup?" Nangingiwi niyang tanong.

Tiningnan ko rin ang kinakain ko. "Eh, ano naman? Masarap naman ah." Depensa ko.

Tiningnan niya ako ng may pagdududa. "Sure ka bang ininom mo pills mo? Dumalaw na ba period mo ngayong buwan?"

Nahulog ang saging na kinakain ko dahil sa realization. Nawala sa isip ko ang bagay na 'yon at kahit sa normal na nangyayari sa katawan ko ay hindi ko napapansin.

"D-delay yata ako Ate," Hindi ko sure na sagot. "Pero irregular naman period ko kaya baka next month pa."

She raised an eyebrow. "Laurene, you need to take a pregnancy test. Baka kaya ka nagugutom ngayon at may mga cravings ka."

"Ate, impossible. Alam niyo naman kapag may Pms ako ay nag ca-crave talaga ako ng kahit ano."

Pumunta siya sa lamesa at nagtimpla ng gatas ng pamangkin ko. Sunod ng sunod naman si Baby Thea sa kaniya at inaabot ang bottle kay ate.

"Pero ang weird naman yata ng cravings mo. At hindi lang ngayon ko napansin ang kinakain mo 'ah, pati sa pang amoy mo. Naiirita ka sa amoy ng sabon at downy kaya ayaw mong maglaba," Pinamewangan niya ako. "Bumili ka ng PT at itest mo. Huwag kang pasisiguro Laurene. Nursing student ka dapat alam mo ang mga symptoms ng ganiyan. Although pms has the same symptoms with pregnancy, much better kung mag try ka." Mahabang lecture ni Ate. Napakamot nalang ako ng ulo at niligpit ang pinagkainan ko.

"Bibili ako mamaya, ate. Pupunta rin naman ako sa mall dahil mag go-grocery ako."
Ang masiglang awra ni ate ay biglang nawala. "Paano kung positive, anong gagawin mo?"Seryoso lamang niya akong tinitigan.

"I don't know.." Tumayo ako at nilagay ang ginamit kong pinggan sa sink. "Hindi pa naman siguro at saka baka delay lang."

Kahit kalmado ko lang sinasagot ang tanong ni ate ay bumundol sa kaba ang dibdib ko. Hindi ko kayang alagaan ang bata kung mabubuntis ako, mas mabuti na lang sigurong ipalaglag ko nalang kahit na alam kong mali dahil hindi ko kayang mabuntis na siya ang ama.

"Kung may plano kang ipalaglag ang pinagbubuntis mo kung positive, Laurene, mas mabuti pang sabihan mo nalang ang nakabuntis sa'yo. Mayaman naman sila at matutulugan ka niya."

"Paano kung ayaw niya?" Sabay tingin ko kay ate. "Ate, public figure ang pamilya nila at kapag nalaman na nakabuntis ang isa sa membro ng pamilya nila, alam kong mangaganib rin ako. Lalo ng ang Don. Alam mo naman history ng Don di ba? Marami na siyang pinatay at napaka strict niya."

"Rumours lang naman 'yon. Naniniwala ka naman."

"Kahit na.. ayokong dumagdag pa sa mga kahibangan ko sa buhay. Hindi ko naman kasi alam na apo sila ng Don kaya ang tapang kong gumawa ng ikakasira nila."

Kumuha ako ng malinis na tuwalya at pinunasan ko ang aking kamay. Biglang pumasok ang alala namin ni Zairon rito sa apartment. I shake my head to erase it. Bakit ko ba naalala ang lalaking 'yon?

"Magdasal ka na na negative 'yan kung ganun."

Nagbihis na rin ako para pumunta ng Mall. Marami akong bibilhin ngayon at may gusto rin akong kainin. Gusto kong kumain ng chocolate, maraming chocolate pero hindi naman marami ang pera ko kaya ilang chocolate lang rin ang kinuha ko. Nagdadalawang isip pa ako dahil kung magdagdag ako, di na ako nakauwi pa.

"Your favorite is chocolate?"

May kamay ang kumuha ng isang box ng toblerone at nilagay sa cart ko. Nabigla ako at tiningnan ang lalaki sa harap ko.

"P-prof?"

Ngumiti siya sa akin. "Hi, Laurenestine. Favorite ko rin ang chocolate. Pwedeng dito ko nalang rin ilagay ang groceries ko? Don't worry, ako magbabayad pati sa'yo."

"Ah, hala.. huwag na po." Nahihiya kong sagot at tiningnan siyang kumukuha na naman ng ibang brand ng chocolate.

"I insist. Dahil mahilig karin rito, libre na kita. Huwag ka ng umangal pa."

Hindi na ako sumagot nang pruwesto na siya sa hawakanan ng cart upang itulak. "I'll push it, dito kalang sa gilid ko." Ngiti niyang sabi.

Tahimik kaming naglakad sa loob ng grocery store, at hindi ko alam kung paano ko haharapin ang sitwasyon. Naiilang ako sa kanya, at tila ba mas pinipili kong manatiling tahimik na lamang.

"So, how have you been, Laurenestine?" tanong niya habang tinatapos ang pag-ikot sa grocery.

"Uh, okay lang naman, Prof. Medyo busy lang sa ibang bagay," sagot ko, tinitingnan ang kanyang iniipit na grocery list. "Kayo po? How's everything?"

"Same old, same old. School work, research, and the occasional grocery shopping," tugon niya, nakangiti. "Pero mas gusto ko itong part na 'to, kapag nakakakain ng masasarap na pagkain."

Nag-angat ako ng kilay. "You like grocery shopping?"

He chuckled. "Well, not the shopping itself, but the result of it-having good food at home."

Parang nag-iba yata ang aura niya mula nang malaman ko ang nangyari. Hindi naman siya mukhang apektado pero parang mas naging comfortable na siyang kausapin ako.

"Prof, about pala sa paglip-," simula ko, ngunit biglang naputol ang sasabihin ko nang biglang may dumating na kakilala niyang naglalakad sa kabilang aisle.

"Zairon! What a surprise," bati ni Professor Zaiden sa kanyang kapatid. May kasama itong babae at may karga pa itong bata. Lumingon sila sa amin at unang dumapo ang aking tingin sa bata. Kaano-ano niya ang bata? Bakit, hawig sila pati sa mata?

"Tss, I just need some snacks. Don't mind us," sabay tingin kay Prof na tila ba may halong pangungutya. Sumulyap siya sa akin pero bumalik rin naman ang tingin kay Prof. "Oh, are you dating?" Walang preno niyang tanong. Napasinghal ako ng palihim.

"No, we bumped into each other, hindi naman masyadong marami ang bibilhin ko kaya inisa ko nalang sa cart ni Laurenestine. Ikaw, bakit dala mo mag iina mo?" nangingiti niyang tanong.

Nanlalaki ang mata ko. Mag ina? May asawa na siya?

"Not your concern. Sinabayan ko lang sila rito." Balewala niyang sambit habang ang bata at nilalaro ang hibla ng buhok niya. Ang babae naman na kasama niya ay hindi man lang kami binati at umalis man lang. Ganoon ba gusto niyang babae, bastos? Nag uusap pa sila ni Prof pero umalis siya ng walang paalam.

"Bagay pala kayo."

Matalim kong binalingan ng tingin si Zairon nang sabihin niya iyon ngunit parang wala lang sa kaniya.

"Talaga? Salamat." Nangunot ang noo ko sa sagot ni Professor Zaiden. Ngumingiti lang siya ngayon na parang nanunuya.

"Tss, gusto mo naman? She's too young for you. Ayaw mo ng mas bata di ba?"

"Sinabi ko ba 'yon? Parang wala naman akong matandaan." Kumuha si Professor Zaiden ng ilang chips at nilagay sa cart.

"Ulyanin ka na kasi. Mga sign na 'yan na matanda ka na." Kahit sinasabi niya iyon ang wala paring reaksiyon ang mukha niya. Parang sanay na sila mag usap ng ganito.

"We're just the same age, Zairon. Huwag kang feeling mas bata sa akin."

Bumalik ang babae kanina at kinuha ang bata kay Zairon. "Thank you, doc. Nandoon na asawa ko."

Tumaas ang kilay ko. Natatawa si Professor Zaiden pero hindi ko maiintindihan kung bakit feel ko ako ang tinatawanan niya.

"Yeah, take care.. buddy." Sabay gulo ng buhok ng bata. Hindi niya iyon anak? Bakit same color sila ng mata?

"Aalis na ako, Zai. Ikaw na bahala sa mga groceries ko. Make sure to drop it by my condo."

Bumitaw na siya sa cart ko at nakita ko nalang si Zairon na katabi ko na.

"Anong nangyayari?" Nagtataka na ako sa mga pangyayari. Ano na naman trip ng kambal na 'to?

"What?" Suplado niyang tanong nang nakatitig lang ako sa kaniya.

"Bakit ikaw na naging kasama ko?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "Don't bother asking me." Sabay talikod at naglakad dala ang cart ko.

"Hoy, cart ko 'yan!" Habol ko sa kaniya.

"Stop shouting. You're too noisy." Naiirita niyang tugon.

"Baliw ka ba? Bakit ba ikaw kasama ko?"

"Alangan naman Iwan ko ang pinamili ng kapatid ko? Huwag kang mag alala, ako magbabayad pati sa'yo."

"Hindi ba sabi mo may bibilhin ka lang? Bakit ikaw na nagtutulak ng cart ko ngayon?"

"Tsk, daming tanong. Manahimik ka nalang." Tangina? Bakit siya pa ang nagsusuplado? Dapat ako ang magagalit di ba?

What the hell is wrong with these twins? Hindi ko mahulaan ang mga pinag iisip nila. Wala na si Professor Zaiden, hindi ko na siya nakita kaya ay kaming dalawa nalang ni Zairon nag nandito. Nasa likod lang niya ako at sumusunod.

"Teka lang, Zairon. Bakit nga ba kailangan mo akong samahan?" Tanong ko nang hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari.

"Tss, hindi mo ba narinig? Ako inatasan niyang magbayad sa pinamili niya. May binili rin ako. Tamad na akong kumuha ng cart kaya sa'yo nalang gagamitin ko."sagot niya na tila walang pakialam.

"Bakit di na lang niya sinabi sa'kin?" Kulang na lang ay makatunog ako ng malakas na bugso ng hininga sa inis.

"Bakit kailangan niya pang sabihing sa'yo? Ako ang kapatid kaya manahimik ka na diyan!"

"Bakit galit na galit ka diyan? Malamang magtatanong ako, hindi ko naman alam gan'yan pala kayo mag isip dalawa."

"Galit? Sinong galit? Wala akong pakialam sa mga affair-affair mo, Laurene! Wala akong pakialam sa inyong dalawa!" Ay Hala, anong nangyayari sa lalaking 'to? Bakit iba naman sinagot niya?

"Pinagsasabi mo diyan? Anong affair? Baliw ka na ba?" Inis kong sabi. Hanggang sa counter ay para kaming tangang nag sasagutan dalawa. Nakatingin lang sa amin ang mga customer dahil anytime ay ibabato ko na sa kaniya ang mga de lata. Dapat ako ang magalit pero siya pa ang galit? Baliw.

Pagtungo namin sa parking area, lalo akong napagod sa usapan namin ni Zairon. Tahimik nalang akong sumunod sa kaniya dahil hindi niya naman ako pinabitbit. Pinaiba niya ang akin at sa kanila pero siya parin ang nagbitbit.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinarap, at sinamaan ng tingin."Ba't ka nakangiti? Ano bang iniisip mo?" singhal niya.

"Hala, hindi naman ako nakangiti," sagot ko habang iniiwas ang tingin.

"Kinilig ka na siguro dahil sinabayan ka ng crush mo. Ano? Masaya ba siyang kasama ha?!"

"Eh, ano naman sa'yo? Gusto ko naman talaga siya!" Bulyaw ko rin sa kaniya.

Natahimik siya at tumalikod nalang bigla. Kinuha niya ang groceries ko at nilagay sa harap ko.

"Umalis ka na." Kahit mahina iyon ay alam kong naiinis pa rin siya. Tumalikod siya ulit at sumakay sa kaniyang kotse at iniwan niya lang ako doon.

Umirap nalang ako sa hangin at sinimulang bitbitin ang groceries at saka dumiretso sa kalapit na botika ngunit bigla na lamang akong nahilo ulit. Ilang beses na akong nahihilo ngayong araw at mas malala ito ngayon. Nabitawan ko ang bitbit ko kaya nagkalat iyon sa semento.

Humawak ako sa pader dahil parang matutumba na ako anytime and when my eyes darted in my thighs, I saw blood dripping.

"Oh my god, she's bleeding!"

Hindi ko kayang tiningnan kung sino ang sumigaw dahil naging blanko ang utak ko. Bakit dumudugo ako, buntis ba ako?

Isang kamay ang humawak sa dalawa kong braso at pinatayo ako at saka inangat niya ako kaya napahawak ako sa kaniyang dibdib. Naging pamilyar sa akin ang amoy ng damit nito ngunit hindi ko magawang tingnan ang mukha ng nagdala sa akin dahil pumipikit na ang mata ko.

-----

"You're six weeks pregnant, Ma'am." Ani ng doctor. "at masyadong high risk ang pagbubuntis mo. Based on my findings, I find symptoms of having a Polycystic ovary syndrome. May dating check up ka ba before? Have you ever gained weight?"

Hindi ako makasagot agad. Parang masyadong mabilis ang sinabi ng doctor at hindi ko naiproseso ang naririnig ko. Pagkagising ko ay nalaman kong buntis pala ako at malapit pa akong makunan.

"I did, doc. Last year po. Mataba ako noon at nag advice ang doctor ko na kailangan kong mag diet."

"Kaya naman pala. PCOS might have contributed to the difficulty of conception and the high-risk nature of your pregnancy," paliwanag ng doktor.

Napatingin ako sa ultrasound monitor, may halong takot at kaba. Anim na linggo palang pero mukhang mahirap ang pagbubuntis ko. Hindi ko lubos maisip kung paano ito nangyari.

"I'm afraid we need to monitor you closely throughout your pregnancy due to the high risk. We'll also manage the symptoms of PCOS to ensure a healthy pregnancy," dagdag pa ng doktor.

"Do I need to worry about losing the baby?" ang tanong ko, habang nanginginig ang boses.

"There's an increased risk, but with proper care and monitoring, we'll do our best to ensure a positive outcome. Regular check-ups, a specific diet, and lifestyle adjustments will be essential," sabi ng doktor.

Napapikit ako at nagmumula ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ito ang inaasahan ko sa buhay. Nakakatakot. Bakit ba naisip kong ipalaglag kung mabubuntis man ako kung alam ko naman na bihira lang mabuntis ang may ganitong sakit?

The doctor continued, "May I ask if you've been taking any medication, especially contraceptive pills?"

Napakunot noo ako sa tanong ng doktor. "Yes, doc, I've been taking pills regularly before I found out about the pregnancy. Will that affect it?"

"The use of contraceptive pills should not impact your pregnancy adversely. However, it's crucial to inform your healthcare provider about any medication you've been taking. We'll need to adjust your prenatal care accordingly," sagot ng doktor na may kasamang assurance.

Hindi pa rin mapakali ang kaba sa puso ko. Ang liit pa ng tummy ko, pero ang bigat ng dinadala ko na. Iniisip ko ang mga hirap at sakripisyo na kailangan kong gawin.

Tulala lang akong naglalakad papasok ng apartment. Nakita ko pa si ate Amary na may kausap sa cellphone niya bago bumaling sa akin.

"Hoy, ginabi ka na. Anong nangyayari sa'yo babae ka?! Kanina pa ako contact ng contact sa'yo! Akala ko kinidnap ka ng ng isa sa kambal!'

Hindi ako sumagot at umupo lamang sa couch. Nakatulala parin.

"Alam mo bang nandito ang Professor mo? Hinatid niya ang pinamili mo rito. Pero wala naman siyang sinabi dahil mukhang bother ang mukha niya. Ang gwapo naman pala ng maestro mo, kaya pala nabaliw ka roon!"

Wala akong sagot kaya nilapitan niya ako at hinawakan ang noo ko. "Anong nangyayari sayo? Wala ka namang lagnat, bakit parang may bitbit kang probema?"

Hindi ko kayang sabihin kay ate na may PCOS ako dahil ako lang naman ang nagpacheck up noon. Hindi na kasi ako dinadatnan ng ilang buwan at masyado akong conscious sa nangyayari sa katawan ko kaya nagpacheck up ako ng hindi nila alam.

Pero kailangan rin naman nilang malaman ang nangyayari sa akin dahil hindi ko kayang harapin ito ng mag Isa lalo na at masyadong sensitive ang pagbubuntis ko.

"Ate, may sasabihin sana ako," mahina kong sabi.

Nagseryoso bigla ang mukha ni ate at umupo sa gilid ko. Nangilid ang luha ko at napakagat na lang ng labi.

Sa tingin ko ay may hinala na si ate sa nangyayari sa akin kaya ganito siya tumingin. Seryoso at hinahanda ang sarili sa sasabihin ko.

"Ate, may PCOS ako at nalaman ko 'to last year pa."

"Ano? Bakit hindi mo sinabi sa amin?"

"Kasi akala ko ay solusyon ang pagdadiet para mawala ang sakit sa matris ko pero nandito parin.. at-" lumunok ako at yumuko. "Nalaman ko pang buntis ako ate... may posibilidad pa na makunan ako kung hindi ako mag iingat."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top