wine

(unedited)


Kabanata 16

wine


"Anong ginagawa mo rito?!" mataas ang tinig na utas ko. Hindi ko inaasahang nandito siya. Kaya nga ako pumunta sa CR para iwasan siya ngunit heto siya ngayon sa harapan ko...

Wala na akong kawala.


"I'm waiting for you.." utas niya na nagpatigil sa akin. 

"H-huh?" Naguguluhang utas ko. Mali lang ba ako ng dinig?


"B-bakit mo naman ako hinihintay?" nagtatakang utas ko sa kanya at akmang uunahan na siya sa paglalakad ngunit agad niya akong pinigilan sa braso. Napatiim-bagang ako at piniglas ang braso ko ng makaramdaman ng kakaibang sensasyon sa pagkakadikit ng balat namin.


"About what you saw earlier--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad umiling.

"We don't need to talk about that, please," matigas ang tinig na utas ko at humakbang na ngunit bigla niya akong sinandal sa malamig na dingding sa tabi ng pintuan ng comfort room. 

"We need to talk about it." may diin ring utas nya pabalik. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinigilan ang sariling magtaas ng tinig sa kanya. Gusto kong sigawan siya pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa bawat lalim ng kanyang tingin.


"You don't have to tell me, I understand," utas ko at tinikom nang mariin ang aking bibig.


Frustrated niyang hinagod ang kanyang buhok. "Jakirah." tawag niya sa akin na tila ba gusto niya akong mapasunod sa kanya. Puno iyon ng tigas at awtoridad.

"Baka hinahanap na nila tayo," pag iwas ko at kumalas sa pagkaka-trap niya sa akin. Narinig ko ang sumusukong buntong-hininga niya.

That's right, brother. I'm as hard-headed as you are.

Deretso ang lakad ko pabalik sa studio room. Agad akong sinalubong nina Kate habang kwento ng kwento ng nakakatawang childhood memories nina Nadine at Cade. Naaliw ako sandali sa mga kwento nila kaya't nakalimutan ko ang lahat. Pinipilit ko na lang di pansinin ang mga pares ng matang nakatitig sa akin.


"Tara sa rooftop!" aya ni Cade at itinaas ang dala-dalang wine.

Kaya pala siya nawala ay dahil kumuha ng wine. Sa likod niya si Tristan na may hawak ding ibang foreign brand ng wine. 

"May class pa tayo bukas diba," nakangusong utas ni Kasey, nag aalangang inikot ang tingin sa bawat isa sa amin.


"It's okay, Kasey, di tayo papakalasing masyado. And it's wine lang naman," nakangiting utas ni  Kate sa kanya.

"Oo nga! Dali na, girls!" nakangising pag anyaya ni Cade. Wala kaming nagawa kundi umakyat na sa rooftop nina Cade. Napayakap ako sa aking sarili ng humangin nang malakas. Ang sarap ng malamig na hangin na humahagod sa aking balat.


"It's cold in here!" ani Kate at tulad ko ay niyakap din ang kanyang sarili. Napaiwas ako ng aking tingin ng hubarin ni Tristan ang gray niyang jacket at iyakap sa katawan ni Kate. Sweet.


"Nilalamig ka?" Napaigtad ako ng marinig ang malamig na tinig na iyon. Napaangat ako ng tingin kay Niccolo na di ko napansing nasa tabi ko na pala.

"Ah...sakto lang," utas ko at tipid na ngumiti.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko rin siyang ngumiti pabalik. "Here, drink this," utas nito at nilahad sa akin ang beer-in-can na hawak niya na pala.

"Para mainitan ka," dagdag pa niya.

Natawa ko at umiling iling. Natawa rin siya at umupo sa malapit na upuang naroon. 

Nag angat ako ng tingin nang maramdaman kong may kanina pa nagmamasid sa akin. Nagtama ang tingin namin ni Red. Nasa kabilang side siya ng rooftop at tahimik na umiinom ng beer-in-can habang deretso ang tingin sa akin.

Kumabog ang dibdib ko kaya't napaupo na rin ako sa tabi ni Niccolo.

"He's mad," bulong ni Niccolo na kinagulat ko. Halos masamid ako sa bulong niyang iyon pero nagkunwari akong wala akong narinig. Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko ang nakakanginig tuhod niyang ngisi. 

"S-sino?" tanong ko kahit alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.

"He's watching us kanina pa and anytime soon I'll be dead in here," nakangisi pa ring utas niya na kinainit ng pisngi ko.

"W-wala lang 'yun.." gusto kong batukan ang sarili ko dahil parang I sounded so defensive of something kahit wala naman talaga. Napabuga ako ng hangin sa inaasal ko. Hindi ko na rin alam nangyayari sa akin!


Natawa siya nang marahan at uminom sa kanyang beer-in-can. Napaangat ako ng tingin ng may iabot sa aking basong may lamang wine si Nadine.

"Let's have a toast, everyone!" masayang utas nito at itinaas ang kanyang baso.

Napangiti ako at nakipag-toast sa lahat. 

"For Kate's birthday!" utas ni Tristan. Napahagikgik ang mga girls at niloko-loko pa si Kate na namumula na sa hiya. Hindi na ako nakisali sa kanila at umupo na muli sa tabi ni Niccolo.

Napangiwi ako ng malasahan ang wine. Mapait ito pero nalalasahan ko rin ang tamis nito sa dulo. I think I can bear this taste though.

Ilang oras din kaming nagsaya roon at ilang oras ko ring iniwas ang mga tingin ni Red. Damn. Buti na lang at naaaliw ako sa kakulitan nina Cade at Nadine at maging kay Niccolo sa tabi ko. Napabuga ako ng hangin at napasandal sa upuan ko.

Medyo nahihilo na rin ako.

"I think we should go home guys..." inaantok na utas ni Kasey sa tabi ni Niccolo. Halos nakayukyok na siya sa may table at hirap ng imulat ang kanyang mata. Bukod kasi sa wine ay tumikim din siya ng beer.

"Damn it," iritadong bulong ni  Niccolo. Napaawang ang bibig ko ng makita ang pagtiim bagang habang pinapanood si Kasey. First time ko siyang nakita sa ganoong ekspresyon.

"You should take her home Niccolo," utas ni Nadine na namumungay na rin ang mga mata habang umiinom pa rin ng wine.

Lalong nagdilim ang ekspresyon ng mukha natin. "Why me?" inis na utas niya. Parang ngayon ko lang talaga siya nakitang mainis nang ganyan.

Sabay sabay kaming napatingin kay Kasey ng mag angat ito ng tingin kay Niccolo.

"N-No need. D-don't bother him, Naddie...I-I can--" utas ni Kasey pero agad siyang pinutol ni Niccolo.

"You can? Stupid," bulong ni Niccolo at tumayo na. "Tara na." malamig ang tinig na utas niya.

Narinig ko ang mala-demonyong tawa ni Cade pero di ko na lang siya pinansin. Nahirapan si Niccolo na alalayan si Kasey dahil nahihilo na talaga ito kaya wala siyang nagawa kundi kargahin si Kasey.

"Ikaw, Jaki? Di ka pa ba uuwi?" tanong sa akin ni Kate.

"I'm thinking to go home na actually," ani ko at ngumiti sa kanya.

Napatingin kami kay Red ng bigla itong tumayo. "Uuwi na rin ako," ani Red.

"What?! Are you serious dude?" alma agad ni Cade ng marinig ang sinabi ni Red.

"I want to go home, Cade. You can drink with Tristan," anito nang di sila tinitignan. Sa akin lang nakatingin ang kulay-tsokolate niyang mga mata. Nag iwas ako ng tingin.

"Then, sabay ka na kay Red," ani Kate na agad sinang ayunan ni Tris at Naddie habang si Cade ay umaalma pa rin sa maagang pag uwi ni Red.

"Next time na lang uli bro," ani Red kay Cade na ngumisi at pumayag na rin sa huli.

"Ingat," anito. Kahit ayaw ko mang sumabay kay Red ay wala akong magagawa. Ayoko namang magpahatid pa ako kay Tristan o Cade dahil nakikita ko na nagkakasayahan pa sila roon. At saka for sure, ihahatid nila yung ibang girls.


 Nang makalabas na kami ng bahay nina Cade ay agad pinatunog ni Red ang dala niyang black jaguar car. "Hop in," malamig ang tinig na utas niya.

"Magta-taxi na lang ako--" 

"Hop in." may mas diing ulit niya. Napabuntong-hininga na lang ako at wala ng nagawa kundi sumakay sa kotse niya. Mas okay na ring makisakay ako, hindi na ako mahihirapang maghanap ng taxi. 

Tahimik niyang pinaandar ang kanyang sasakyan habang ako ay tahimik lang din na nakasandal sa shotgun seat at nakatunghay sa bintana. Sana mabilis lang ang biyahe. Sana huwag niya akong kausapin.


"You like Niccolo?" Nagitla ako ng bigla niyang basagin ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang nag iigting niyang panga habang deretso ang tingin sa daan.

Damn it.

"It's none of your business," mataray na utas ko. Nakita ko kung paano humigpit ang hawak niya sa manibela. Nnahihirapan ako lumunok at kinakabahan ako pero hindi ko iyon ipapakita sa kanya. Damn it. As if I will ever let him see through me!

"It's irritating." malalim ang tinig na utas niya na kinaikot ng mata ko.

"Yeah you're irritating," di ko na ring napigilang utas ko.

"The thing you saw earlier---"

"Stop it, Red. You don't have to explain it to me, shit!" iritadong sigaw ko sa sobrang inis. Nangingilid ang luha sa gilid ng mga mata ko. Naiiyak na ako sa sobrang inis na nararamdaman! Damn him!  Damn him for being jerk! Just damn him!


"It isn't what you are thinking, the heck!" mataas na rin ang tinig na utas niya.

"Fuck that!" utas ko at kinuyom ang kamay.

Narinig ko ang frustrated niyang buntong hininga.

"Ano yun? Anong it isn't what I'm thinking? Aksidente na naghalikan kayo tas bigla kayong nahubaran pareho? Ano? Gaguhan?" hindi ko na napigilan ang talas ng bibig ko sa sobrang inis. Nag iinit ang bumbunan ko sa mga walang kwenta niyang excuse.

Naiinis ko siyang tinignan ng biglaan niyang itigil ang kanyang sasakyan. Muntik pa akong mauntog sa dashboard kung hindi lang ako nakahawak.

"Shit, Jakirah! I was trying to forget you!" malakas ang tinig na utas niya. Hindi ako nakahuma lalo na ng makita ang pamumula ng mga mata niya.

"I'm trying to forget you! But it's hard! I'm trying but I still want you! Fuck." he blurted out. Nanghihina siyang napasandal sa driver's seat.

"Take that back." mahina ang tinig na utas ko. No, it can't be.


"I won't." matalas ang tinig na utas niya sa akin.

"Don't feed me with your lies. Kung totoo yan, bakit di ka pumasok ng classes---"

"Hinanap ko kung sino ang nagkalat ng pictures natin. And I punished him. I cleared the issue kaya ako wala buong araw," pagod ang tinig na utas niya.


Muli akong nagulat sa sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Mabilis ang kalabog ng dibdib ko dahil sa mga isiniwalat niya sa akin. Nahihirapan akong iproseso lahat-lahat..


"I'm sorry," mahinang utas niya kaya napatingin akong muli sa kanya. Malamlam ang kulay-tskolate nitong mga mata habang nakatitig sa akin.

"I caused you so much trouble," dagdag nito. Napapiksi ako ng subukan niyang haplusin ang kanang pisngi ko.

Bigo niyang ibinaba ang kanyang kamay.

"I am really trying to repel this feelings, you know," nahihirapang utas niya.


"I'm trying my best to divert this stupid feelings to any girl but I...I just can't" paos na utas niya at lumabi.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Damn. This is all wrong...


"I still can't help but to feel jealous..." Napasinghap ako ng bigla niyang angkinin ang nakaawang kong labi. Hinayaan kong makawala ang isang butil ng luha sa aking mata. I feel relieved. Why am I feeling relief?


He gently kissed me. Nalasahan ko ang beer ng halikan niya ako. Tila ako nalalasing ng unti-unti niyang ibahin ang ritmo ng paghalik niya. Dahan-dahang bumigat ang talukap ng aking mga mata at napapikit na.


"I never appreciate wines, but now I love the taste of it.." bulong niya sa tapat ng labi ko na naghatid ng pag iinit sa aking pisngi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top