stolen

(unedited)

//

Kabanata 12

Stolen


"Okay ka lang?" Natigilan ako ng marinig ang malalim na tinig ni Niccolo mula sa tabi ko. Nag-angat  ako ng tingin sa kany at pilit na ngumiti.

"Hmm," sagot ko at tumango nang kaunti. Binaba ko ang aking tingin sa pagkaing kanina ko pa minu-murder. I admit, simula ng malaman ko ang relationship ko sa mga Villamor, para akong nawala bigla. Hindi ko na alam kung saan ako patungo. Napabuntong-hininga ako.

"Himala! Di kayo nag-aaway ngayon?" utas ni Nadine at nagsalit-salit ang tingin niya sa amin ni Red na blangko lang ang ekspresyon mula pa kanina.

"Wala ako sa mood," sabay naming utas ni Red. Nagsalubong ang tingin namin ni Red pero di ko iyon natagalan at nag-baba ng tingin.

Humalakhak si Cade. "She passed out when she learned---" naputol ang pambubuking sa amin ni Cade ng batuhin siya ni Red ng paper cup.

"Shut your mouth, Cade." inis na utas ni Red. Gusto kong sumang ayon sa sinabi niya ngunit wala akong lakas na magsalita. 

"Jaki, this Saturday ha?" nakangiting utas sa akin ni Kate kaya't nagtataka ko siyang tinignan.

"Red will fetch you, right Red?" matamis ang ngiting iginawad nito sa nakabusangot na si Red.

"Whatever," utas nito. 

Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.

Mula nang malaman ko na magkapatid kami, wala na akong guts na makipag away kay Red. It's really strange.

Natapos ang araw nang hindi kami nagkibuan ni Red. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin pero wala akong lakas na masalubong ang titig niya. Not now.


Ngunit mali yata ako. 

Balak ko sanang ilagay na sa locker ko ang mga librong dala ko ng mapatigil ako sa paglalakad ng makita ang seryosong si Red na nakasandal sa dingding, katabi ng pinto ng locker room. Napalinga-linga ako sa paligid. Walang tao sa buong hallway dahil kanina pa tapos ang klase at nagpaiwan lang talaga ako para makapagbasa sa library. Mukhang wala na akong choice kundi tumuloy sa locker room. Kapag iniwasan ko siya ay mahahalata niyang may nag iba talaga sa gawi ko.

Pinagpatuloy ko ang aing paglalakad. Nakakabaliw ang nakabibinging katahimikan. Tanging ang paglakad ko lang ang ingay na naririnig namin. Sa buong durasyon ng paglalakad ko ay hindi niya inalis ang titig sa mukha ko.

"Why did you leave?" Nanlamig ang kamay ko at bumilis ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang talim sa tinig niya. Ayoko siyang tignan pabalik. Natatakot ako.

Lumunok ako. Nakatigil lang ako sa harap ng pinto ng locker room, hindi nag abalang tignan siya.

"I-I think it wasn't necessary to wake you up--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapatalon ako sa gulat ng hawakan niya ang braso ko.

Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa nag-aapoy niyang mga mata. He is mad. WHY?


"It is!" mataas ang tinig na utas niya. Nakaramdam ako ng inis. Bakit niya ako kailangang sigawan? 

"Hindi! We're just classmates---!" mataas na rin ang tinig na utas ko ngunit pinutol niya iyon ng maramdaman ko ang malambot niyang labi sa labi ko.

Ha?

Nanlaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw sa sobrang gulat. A-anong ginagawa niya?


Mapangahas. Iyon ang ginagawa niya. Nag umpisang mag init ang gilid ng mata ko at pilit nanlaban. This isn't right!

"S-stop..." nanghihinang bulong ko. Di ko alam kung bakit nangangatog ako ngayon dahil sa ginawa niya. He just stole my first kiss. He...he kissed me.

Pinagdikit niya ang mga noo namin at hinaplos niya ang pisngi ko.

"I heard you, Jakirah...you said you won't leave me.." mahinang utas niya sa tapat ng labi ko. 


Natigilan ako at nanlamig ang buong katawan ko. Why is he suddenly acting like this?! We can't be! We should be enemies...enemies are more acceptable...not this.


Tinulak ko siya palayo nang sa waka ay makahugot ako ng lakas.

"Okay ka lang? You really thought I told you that? Diba aso't pusa nga tayo? Bakit ko naman sasabihin sayo 'yan?" sigaw ko kahit na nanginginig na ako. Shit. Ano ba tong nangyayari?

"You're really stupid.." bulong niya at nag iwas ng tingin. Nagtataka ko siyang tinignan.

"That was your first kiss, right?" utas niya pagkakuwan na naghatid ng pamumula sa aking pisngi.

Naiirita ko siyang tinignan. "Pwede ba? Stop this shit, Red. Di nakakatuwa." seryosong utas ko at tuloy tuloy na pumasok sa locker room. Napasandal ako sa pinto ng masarado ko iyon.

Why? Why is this all happening to me?


//

Hindi ako nakatulog dahil di ko maiwasang mag-isip nang mag-isip. Mali iyon. Mali iyong halik na iyon. Dapat hindi nangyari iyon. Ano bang pumasok sa kukote ng hinayupak na iyon at hinalikan ako? Masyado ba niya akong trip para umabot sa ganoon?!


Wala sa sariling nakatitig ako ngayon sa repleksyon ko sa salamin. Bumaba ang tingin sa mamula-mula kong labi. Hindi mawala sa isip ko kung paano niya ako hinalikan. Kung gaano kalambot ang labi niya. Kung gaano ka...


"You look so blooming today, Jaki! In love ka 'no?" Nanigas ako sa paglalakad at agad na napatigil nang iyon agad ang isinigaw ni Cade pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom. Nag init ang pisngi ko at hinanap siya ng aking paningin para bigyan ng isang death glare ngunit iba ang nahagip ng tingin ko.

Those familiar, intense brown eyes...

Umagang umaga!


Nainis ako ng ngisihan niya ako. Nag iwas na lang ako ng tingin at dumiretso sa upuan ko. Hindi na ako nag abala pang tignan ang maingay na si Cade at ang mga disturbing na titig ni Red.

"Oo nga. You're so blooming today, Jaki," puri rin sa akin ni Kasey. Nginitian ko na lang siya. Bakit masyado nila akong pinapansin ngayong araw?! Ugh!


Mabuti nilang ay dumating na ang professor namin para ngayon araw. Nakahinga ako nang maluwag.


"Is there something happened, Jaki? You really looked different today," nakangising bulong sa akin ni Nadine at mahina pa akong siniko.

Gulat na tinignan ko siya. "W-Wala naman..." patuloy na deny ko. Wala naman talagang nangyari na kailangan nilang malaman!

Binigyan niya ako ng nanunudyong tingin ngunit di ko na lang iyon pinansin para di na lumawig ang usapan.


Buong akala ko ay magkakaroon na ako ng maluwalhating klase ngunit ilang sandali lang ay may naramdaman akong bumato sa likod ng ulo ko. Naiinis na nilingon ko si Red. Sinenyasan niya ako na kuhain yung papel na binato niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero sinunod ko naman siya. Nilingon ko pa si Mrs. Eto kung mapapansin niya ako.Dahan dahan kong binuklat ang papel. Mabuti na lang ay nakikinig sina Kate at Kasey kaya di ako napansin. 


Come with me. 

- R.


Gusto kong matawa sa penmanship niya pero pinigilan ko ang aking sarili. Napakunot noo ako ng mabasa ang nakasulat sa maliit na papel. Come with me?

Nagsulat ako sa ibaba ng sulat niya.


Fuck off.


Pinadausdos ko ang papel sa ibaba ng upuan ko. Naramdaman kong kinuha na iyon dahil narinig ko ang paggalaw.

Napangisi ako habang ini-imagine ang itsura niya ngayon. Sayang di ko makita! Lihim akong natawa.


Buong akala ko ay nasupalpal ko na siya ngunit nagulat ako ng  may nagsiksik ng papel sa gilid ko. Napabuntong hininga ako at kinuha iyon at binuklat.


if you won't, I'll still make you come with me


Kumalabog ang dibdib ko at binulsa na lang ang papel. Hindi ko alam kung bakit siya ganoon. Nakakainis. Nakakainis kasi ako lang ang may alam na bawal 'to.


Natapos ang klase nang wala man lang akong nasagap na matinong lesson. Masyadong in-occupy ni Rred ang utak ko kahit hindi dapat.


Akmang sasabay na ako sa paglabas nina Kate ng may humila sa kamay ko. Gulat akong napalingon kay Red, maging sina Kate.

"What, Red?" nakataas ang isang kilay na tanong ni Nadine.

"She'll accompany me," utas nito at walang sabi-sabing hinila ako palabas. Nagpumiglas ako dahil ang daming estudyante ang nakatingin sa amin. Especially mga babae na tinatapunan ako ng matatalim na tingin.

"Ano ba!" iritang utas ko dahil pinag bubulungan na kami sa hallway.

Nag init ang pisngi ko sa sobrang inis at pagkapahiya.

"Don't mind them," matigas ang tinig na utas niya sa akin. Madaling sabihin pero mahirap gawin! Tila na ako bubulagta rito sa talas ng tingin ng mga babae rito.

"Saan ba kasi tayo pupunta?" inis pa ring utas ko. Nakawala na kami sa mga maiinit na mga mata dahil nandito na kami ngayon sa kotse niya.

"Somewhere." utas nito. Inirapan ko na lang siya. Wala na akong magagawa dahil nandito na ako.


Nanahimik na lang ako buong durasyon ng biyahe. Tumigil ang sasakyan at sumilip ako sa may bintana.

Nagtataka ko siyang nilingon.

"Don't look at me like that." masungit na utas niya at nauna ng umibis ng kanyang sasakyan. Iningusan ko siya at bumaba na rin.

"Why are we here, Red? Seriously? We skipped class to went here?" utas ko at minuwestra ang matayog na mall sa harapan namin.

Inirapan niya ako. "I'll buy something." anunsiyo niya.


Pinagtaasan ko siya ng kilay. "And ano connect noon sa akin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.


Muli niyang inikot ang kanyang mga mata. Aba! Mas maganda pa siya umirap sa akin ha!


"You'll be my yaya, ano pa ba?" mayabang na utas niya at nginisihan ako.


Nag init ang bumbunan ko sa sinabi niya. "Forget it!" iritang sigaw ko at maglalakad na sana palayo sa kanya ng pigilan niya ko sa takang paglalakad.

Piniglas ko ang brasong hawak niya ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.


Nagbuga siya ng hangin.


"I-I just want to be with you...that's all," hindi makatinging utas niya na nagpaawang sa aking labi.


What the heck? 





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top