someone
(unedited)
Kabanata 13
someone
Nagbuga siya ng hangin.
"I-I just want to be with you...that's all," hindi makatinging utas niya na nagpaawang sa aking labi.
What the heck?
"You are crazy," utas ko at umiling-iling.
"Tara na," ani ko at nauna na sa paglalakad. Hindi ko alam kung ano ang trio niya pero sige, kung ano ang gusto niya ay sasakyan ko na lang. Alam ko namang pinati-trip-an niya na lang ako.
Tulad ng inaasahan ay maraming tao ang gumagala ngayon sa mall. Actually, medyo malayo-layo ang mall na ito sa Villa Academy na ikinahinga ko nang maluwag dahil ayokong may makakit sa amin ni Red na magkasama ngayon. Malay ko ba na baka di na ako sikatan ng araw bukas dahil minurder na ako ng mga babaeng patay na patay sa kanya. Napairap ako sa kawalan. Ayaw ko ring magkaroon n gissue at kumalat ito sa buong school, tiyak na ang normal na buhay estudyante ko ay hinding-hindi ko na makukuhang muli.
Ilang saglit lang ay naramdaman ko na siya sa tabi ko. Hindi na ako nag-abala pang mag-angat sa kanya ng tingin dahil nararamdaman ko ang pagsulyap niya.
"May bibilhin ka ba?" tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang paligid. Gusto kong itirik ang mga mata ko sa mga babaeng kilig na kilig na napapatingin sa kasama ko. What's so good in him, huh??
"Help me to pick a suit," utas nito at bigla na lang akong hinihila papunta sa isang clothing stall.
Tumitingin-tingin ako sa paligid. Nasa men's area kami kung saan nasaan ang mga suits. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi habang nakikita ang mga presyo ng mga suits. Nalulula lang naman ako.
Hinayaan ko siyang makapili bago ako tanungin. Nakailang beses pa siyang nagpabalik-balik sa fitting room para i-try yung mga napili niya at every time na lumalabas siya mula sa fitting room at tinatawag ako para tignan ang hitsura niya, I can't help but to get awed! His beyond perfect! Kahit anong suit ang isuot niya ay bagay na bagay sa kanya.
Habang nasa fitting room siya at nagsusukat ay nag-decide ako na maglakad-lakad muna at tumingin sa mga naka-display na suits duon. Napatigil ako sa paglalakad ng may mahagip ang tingin ko. It is a black-studded suit. Kumikinang ang mga pino nitong diamonds na nasa suit. Naglakad ako palapit doon at dahan-dahang pinakiramdaman ang malambot na tela.
"Jakirah?" Napaangat ako ng tingin sa kalalabas lang na si Red. Nakataas ang isang kilay niya habang deretsong nakatingin sa akin.
"I think...this will suits you," mahinang utas ko at saka muling pinagmasdan ang magandang suit.
Naglakad siya palapit sa akin. Agad kong naramdaman ang malakas niyang appeal. Nag iwas ako ng tingin. Bakit ko ba sinuggest sa kanya to? Napailing iling na lang ako.
Ramdam ko ang ngisi niya ng sa wakas ay nasa kamay na niya yung diamond studded suit. Bumuga ako ng hangin ng tuluyan na siyang makapasok ng fitting room.
Come to think of it, I think kaya lang kami nag ditch ng classes ay tinatamad siya at gusto niyang magpasama na bumili ng suit. What a jerk.
"What do you think?" Marahas akong napaangat ng tingin ng marinig muli ang tinig niya. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang nang kaunti ang aking labi.
I am speechless. He looks like a god. Indeed.
"Isara mo bibig mo, baka mapasukan ng langaw," malawak ang ngising utas niya sa akin. Agad nag init ang pisngi ko lalo na ng makarinig ako ng mga pigil na tawanan sa paligid. Doon ko lang napansin na kanina pa pala kami pinapanood ng mga staffs! What the heck!
Binato ko siya ng masamang tingin na lalo niyang kinangisi.
"I'll take this, miss," address niya sa may malapit na staff na naroroon. Agad tumango yung staff at muli ng bumalik sa loob ng fitting room ang bagyong Pula.
Nagulat akong lumapit sa akin ang babaeng staff na kinausap saglit kanina ni Red.
"Boyfriend nyo po ba yung pogi, ma'am?" kinikilig pang usisa nito sa akin. Napangiwi ako sa loob-loob ko at saka umiling sa kanya.
"H-hindi po!" tanggi ko. Hindi maalis ang kinikilig na ngiti sa kanyang labi, kulang na lang ay mapunit yung labi niya kakangiti!
"Eh talaga? Bakit parang ang sweet nyo kasi?" utas niya na tila ako pa may kasalanan kung sweet kami.
At sweet? What the hell! Saang part naman kami naging sweet ng mahangin na yon?!
"Punch this miss, please," sabay kaming napatalon sa gulat ng babaeng inuusisa ako ng marinig namin ang malalim na boses ni Red. Napaangat ako ng tingin sa gwapo niyang mukha.
Agad namang umalis sa tabi ko yung staff at sinunod ang utos ni Red. "What?" iritang utas ko ng hindi niya ako tantanan ng tingin nang makaalis na yung staff.
"What did the two of you talking about earlier?" tanong niya na kinairap ko na lang.
"Wala." utas ko at tumayo na mula sa lounge chair na pinag upuan ko habang hinihintay siya. "Saan pa ba tayo pupunta? I think we should head back to the school," ani ko.
Nang matapos na niyang bayaran yung suit gamit ang kanyang gold credit card ay lumabas na rin kami sa wakas ng stall na iyon.
"Do you have a gown to wear in Kate's party?" tanong niya sa akin kapagkuwan.
Actually wala pa talaga akong gown pero magagawan ko naman siguro iyon ng paraan.
"Oo meron na," utas ko. Di ako assuming pero feeling ko lang baka bilhan niya kasi ako. Arogante at mayabang kasi ang isang ito. Napailing iling na lang ako.
Ngumuso siya at tumango. "Okay."
Buong akala ko ay babalik na kami sa school dahil nakalabas na kami ng mall pero nagulat ako ng lumiko siya sa ibang direksyon instead na pumunta kami sa direksyon ng parking lot.
"Hey! Saan ka?" nagtatakakang utas ko sa kanya.
"Sinabi ko na bang babalik tayo?" painosenteng balik-tanong niya sa akin. Kinunutan ko siya ng noo pero di niya lang iyon pinansin at hinila na ako.
"Whatever. You owe me one for this day, Villamor, okay?" matigas ang tinig na utas ko habang hinahayaan siyang kaladkarin ako sa kung saan mang lupalop niya ako ng mundo dadalhin.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Tahimik ang park na nasa gilid o bandaling likod lang ng mall. Matatayog ang mga puno na nasa paligid atmay mga lampposts sa gilid ng pathwalk.
May mga benches din sa tabi. Nakita ko ang iilang mga tao na naglalakad-lakad at nakaupo lang sa benches. Kumpara sa may mall ay mas maganda ang atmosphere rito dahil malamig ang hampas ng hangin.
"Balik na tayo..." ungot ko uli sa kanya dahil ayoko na bigla ng atmosphere rito. Napansin ko kasi na halos lahat ng nandito sa park na ito ay couples. I just find it really, really awkward.
Sinimangutan niya ako. "Ang KJ mo talaga, Reyes. Ngayon na nga lang ako makakasagap ng fresh air dahil nasu-suffocate na ako sa lahat," utas nito at nagpatuloy sa paglalakad. Napabuntong hininga ako at bumuntot na lang sa likod niya.
Hinayaan ko ang nakabibinging katahimikan sa pagitan namin. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pamamagitan ng mga naglalag-lagang mga dahon.
Pero makalipas ang ilang minutong katahimikan ay di ko mapigilang magtanong sa kanya. I can't help myself but to wonder about this thing since I've been seeing couples all around us.
I cleared my throat before looking at him.
"Red, did you ever fall in love?" tanong ko sa kanya. Nakita ko kung paano dahan-dahang bumagal ang paglalakad niya...hanggang sa tumigil na talaga siya. Tumigil na rin muna ako sa paglalakad habang nakatingala akong nakatingin sa kanya.
Hindi makapaniwala ang ekspresyon ng kanyang mukha at nakaawang nang kaunti ang kanyang labi.
Ilang segundo lang kaming nasa ganoong posisyon at nagtititigan hanggang sa nag iwas siya ng tingin.
"Hindi ko alam." mahina ang tinig na utas niya.
Mabagal akong tumango-tango at nag iwas na rin ng tingin sa kanya. Hindi niya alam? Ibig sabihin may babae siyang nakilala noon pero hindi niya alam kung nahulog ba talaga ang loob nya roon?
Hahakbang na sana akong muli ng mapatigil ako sa sunod niyang sinabi.
"No, I know...I just...I just do not want to admit it," bulong nito na naging dahilan upang agad ko siyang lingunin.
ha?
Tinignan niya ako pabalik. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko ng magtama ang tingin namin. His dark eyes are so beautifully made.
"I loved her...and I still." titig na titig sa aking utas niya. Napaawang ang labi ko dahil sa intensidad ng kanyang tingin. I can't find any right words.
Matagal na katahimikan ang sumunod. Walang kumukurap sa aming dalawa. Damn. Hindi ko alam kung bakit nakikipagtagisan din ako sa kanya. Ang alam ko lang, this moment feels magical somehow.
"But she can't remember...me," paos ang tinig na utas niya. Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa itim niyang mga mata.
"She can't remember me," muling ulit niya na tila pinaiintindi niya iyon sa kanyang sarili.
Someone cannot remember him? How come?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top