promise

(unedited)

-

Kabanata 31

promise


Nag-stay kami roon sa Palawan ng tatlo pang araw. Nag ikot kami sa Palawan at kung anu-ano ang tinry naming activities. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay palipat-lipat kami ng mga beaches at tourist attractions sa Palawan. I can say na these three days were some of my best days with him.


Natapos na rin ang exams kaya't nakahinga na ako nang maluwag. Medyo lumuwag na rin ang schedule kaya't nakatutulong na ulit ako sa Coffee Bean. Tuwing after class ay duon kami dumi-diretso ni Red.


Kasalukuyan ako ngayong nakatutok sa aming professor na nasa harapan. Nagtaka ako nang bigla itong tumigil sa pagsasalita at napatingin sa may bandang pintuan kaya't sinundan ko rin iyon ng tingin.


"Mrs. Villamor!" gulat na utas ni professor. Bakas ang gulat sa mukha nito. Noong una ay naguluhan ako sa nangyayari ngunit nang dahan-dahan nang naglakad papasok si Mrs. Villamor na eleganteng elegante sa kanyang postura ay natigilan ako. Halos lahat ay nagulat nang makita siya pero ako ang pinaka nagitla sa nangyari.


Strikta ang mukha ni Mrs. Villamor.  Kitang kita ko ang matangos na ilong niya na kahawig ng kay Red. Halatang-halata ang kayamanang nagsusumigaw sa kanya.


This is Red's mom?


"Mrs. Villamor! I didn't know you're here in the Philippines..." medyo kabadong utas ng professor namin. Ngumiti lang si Mrs. Villamor.


"Kararating ko lang. I just want to check my son...and the academy itself," mataray na utas nito. Ramdam ko ang awtoridad niya sa buong apat na sulok ng classroom. Napalunok ako habang iginagala niya ang tingin sa paligid.


"Mom..." narinig kong utas ni Red. Tumayo si Red mula sa kinauupuan ngunit sinenyasan siya ng kanyang ina na manatili lang doon.


Napaigtad ako nang tumigil ang kanyang mga mata sa akin. May kakaibang kaba ang namayani sa aking dibdib.


"You...I want to talk to you," matigas ang tinig na utas niya habang diretso ang tingin sa akin.


"Mom!" Narinig ko ang inis sa boses ni Red. "I'll come with you," matigas din ang tinig na baling niya sa akin. Wala akong nagawa kundi tumayo na rin mula sa kinauupuan ko.


"Follow me," ani Mrs. Villamor at lumabas na ng room.


Nakarinig ako ng bulungan sa paligid ngunit di ko na lang iyon pinagtuunan ng pansin. Nagsalubong ang tingin namin ni Red ngunit nginitian niya lang ako. Kinuha niya ang kamay ko kahit na nanlalamig na ako.


"Don't worry about her..." mahinang utas niya sa akin kaya medyo kumalma ako.


"You can go now, Mr. Villamor and...Ms. Reyes," aligagang utas sa amin ng aming professor. Di siya binalingan ni Red at hinila lang ako palabas doon.


Kahit kinakabahan ay nakatutulong ang mainit na kamay ni Red na nakahugpong ngayon sa kamay ko. I somehow feel safe.


Naririnig ko sa kahabaan ng hallway ang lagatok ng heels ni Mrs. Villamor. She's intimidating. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda...


Nakarating kami sa conference room kung saan nagmi-meeting ang mga professors and admin. Ngayon lang ako nakapasok dito dahil hindi naman pwedeng pumasok ang mga estudyante rito. 


"Sit down." utos niya sa akin.


"Ma! Bakit ba kayo nandito?" rinig ko ang irita sa boses ni Red. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.


Umupo muna si Mrs. Villamor sa may head chair bago nag-angat ng tingin sa amin.


"I just want to talk to your girl, Red. What is your problem?" mahinahong utas niya na mas lalong naghatid sa akin ng kaba.


Tinignan ko si Red na nagtiim bagang. Mukhang maging sa ina niya ay iritado siya. I wonder kung okay ba sila.


"Miss. Sit down," baling nito sa akin kaya't napaigtad ako sa gulat. Nalipat muli ang tingin ko sa kanya at marahang tumango.


"Damn. Jakirah, don't." utas ni Red kaya't napatigil ako sa akmang paghakbang.


"Red, stay outside. This is a girl talk." utas ni Mrs. Villamor at pinaghugpong ang dalawang kamay.


Napahugot ako nang malalim na hininga ng pagtaasan ako ng kilay ni Red. Mukhang hindi susunod si Red hangga't hindi ko siya pinaaalis.

"R-Red, sige na..." mahinang utas ko sa kanya kaya nalipat sa akin ang tingin niya. Lumambot ang tingin niya at hinaplos ang kamay ko.


"Are you sure?" nag aalangang utas niya. Kahit gusto kong sabihin na wag niya akong iwan dito ay di ko magawa. I somehow need to face his mother. I know I'll face her...but I never think this soon.


Dahan-dahan akong tumango at pinisil muna ang kanya niya bago niya iyon tuluyang bitawan.


"Fine..." mukhang napipilitang utas niya at hinalikan muna ang gilid ng sentido ko bago tuluyang lumabas ng conference room.


Humugot muna ako nang malalim na hininga bago naglakad palapit sa mga upuan at umupo. Malayo ako kay Mrs. Villamor pero nararamdaman ko pa rin ang kasupladahan niya hanggang rito.


"My son maybe so in love with you, you can make him follow you..." basag nito sa nakabibinging katahimikan. Itinikom ko muna ang aking bibig at tinignan siya.


She cleared her throat and looked directly at me.


"How much do you want?" Nagitla ako sa klase ng tinig na ginamit niya maging sa mismong laman nito.


Hindi ko maigalaw ang bibig ko sa sobrang pagkabigla. How dare she!


"Do I have to repeat myself?" she snapped. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib ng taliman niya ako ng tingin.


Just like what I've expected, a multi-millionaire like her won't accept me as her son's girlfriend. Ever.


Mapait akong ngumiti at kahit nanginginig ang tinig ay pinilit magsalita.


"H-Hindi ho ako ganyan..." ani ko at pinilit na huwag maiyak sa harapan niya. She just insulted me. She just insulted my whole being.


Tumawa ito na puno naman ng sarcasm. "Of course! You think my offer won't be enough because once Red become your husband, you'll have every treasure we have! You scum bitch---" Hindi ko na natagalan ang mga patalim na binabato niya sa akin at pinutol na siya sa pagsasalita,


"Kung tinawag nyo lang ako para insultuhin ang pagkatao ko, might as well, stop right here. Wala akong pakialam sa kayamanan nyo...mahal ko ho si Red.." matigas ang tinig na utas ko.


Natigilan ito at nagtaas ng isang kilay. "estúpido. Sabi na nga ba at mali ang napili ng anak ko..." utas nito na tila wala ako ngayon sa harapan niya.


Muli niya akong tinignan at ngumiti nang saksakan ng peke. "If so...If you really insist that you love my son, then let him go." nakangising hamon niya sa akin.


Natigilan ako at hindi nakahuma ng ilang segundo.


Umiling-iling ito nang makita ang reaksyon ko. "Another pathetic human being." bulalas nito at tumayo na.


"Red deserves more, miss. And my advice is the sooner you let him go, the lesser the pain. You will never have him. He will soon meets his fiancee." deretsang utas niya at walang lingong-likod na umalis at iniwan akong natigilan doon.


What? Red has a fiancee?



"Jakirah..." Kung hindi ko pa narinig ang pamilyar na tinig na Red ay hindi pa ko mapapakurap at makagagalaw roon. Umupo siya sa tabi ko at hinawi ang mga nakatakas na buhok at inipit iyon sa aking tainga.


"What did she tell you?" nag aalalang utas niya.


Why?  Why are you so concerned about it? Is it because you don't want me to know that you have a fiancee? Huh?


Nakatulala lang akong nakatingin sa kulay-tsokolate niyang mga mata. Biglang bumigat ang dibdib ko. I suddenly want to hug him so tight, so that he can't let me go.


"Hey..." aniya ngunit ang tangi ko lang ginawa ay umiling.


"W-wala naman. She just told me..to..to take care of you," pagsisinungaling ko at sinubsob na ang aking mukha sa kanyang matipunong dibdib. Agad kong naamoy ang kanyang natural na bango. Pakiramdam ko ay okay na uli ako...


Bakit ang bilis kuhain ng lahat? Sinulit lang ang tatlong araw na magkasama kami tapos biglang darating yung hahadlang sa amin...


"Red..?" mahinang utas ko. Naramdaman ko ang pagyakap din niya sa akin pabalik. Kinagat ko ang aking ibabang labi.


"Hmm?" utas niya at inamoy ang buhok ko.


Huminga ako nang malalim at pinikit ang mga mata. Kuntento na sa kung ano ang posisyon namin ngayon. Sana ganito na lang kami palagi...


Rinig na rinig ko ang kalmadong pagtibok ng kanyang puso. Sabay nang sa akin.


"Promise me something..." ani ko.


"Ano yun?" tanong niya at akmang ilalayo ako sa kanya ngunit mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya.


"Jakirah..." mahina ang tinig na utas niya ngunit di ako nagpatinag.


"Just promise me." pag udyok ko sa kanya.


"Tell me first what is it.." utas niya at bumuntong hininga.


"No, promise me, please..." nagsusumamong utas ko sa kanya. 


Nanahimik siya nang ilang segundo kaya di ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngunit sumagot din kaagad siya.


"Okay...I promise..." bulong niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.


Kinagat ko ang ibabang labi at hinalikan ang dibdib niya, sa tapat ng may puso, kahit na may suot siyang uniform.


Naramdaman ko ang pag igtad niya dahil sa ginawa ko ngunit di ko na lang iyon pinansin.


"Thank you..." paos ang tinig na utas ko at pumikit.


"Damn it..." bulong din niya at ilang beses hinalikan ang buhok ko.


"Don't make any stupid stuff..." aniya.


Dinikit ko ang pisngi ko sa dibdib niya. How long will this last?



Iniisip ko pa lang na magkakahiwalay kami ay nabibiyak na kaagad ang puso ko...


"I love you." bulong niya sa tapat ng tainga ko bago ko naramdaman ang marahang dampi niya roon.


I love you too...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top