marka
(unedited)
-
Kabanata 23
marka
"Is Red courting you?" Halos mabilaukan ako ng marinig ang deretsang tanong na iyon ni Nadine. Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria dahil break time. Hindi sumabay sa amin ang The Curse dahil busy sila sa puspusang practice. Malapit na kasi ang Intramurals at magpe-perform sila sa mismong gabi ng Intrams. Hindi iyon basta-basta performance lang dahil maraming estudyante ang nag request na gawin itong pa-band concert. Kaya't talagang puspusan ang paghahanda nila para sa gabing iyon.
Tila ako natuklaw ng ahas dahil sa tanong sa akin ni Nadine. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot.
Nanunudyo naman ang tingin at ngiti nina Kasey at Kate.
"O-Oo?" ani ko at nag init ang pisngi.
Humagalpak ng tawa si Nadine at uminom sa kanyang iced tea. Gusto ko na lang magpakain ngayon sa lupa!
"Why do you feel so embarrassed about it?" natatawa na ring utas ni Kate at pinagpatuloy ang naantalang pagkain dahil sa pagsalang sa akin ni Nadine sa hot seat.
"E-ewan..." ani ko at napabuga ng hangin.
"You should treasure him, Jaki...I remember when he loved that girl once..." utas sa akin ni Nadine kaya nalipat ang buong atensyon ko sa kanya.
"Iyon ba yung first love nya?" curious na tanong ko sa kanya.
Tumango ito at ngumiti. "He can't forget her, you know..." anito at tumingin sa kawalan.
Mukhang sobrang minahal ni Red ang babaeng iyon. I wonder who she is...
"But don't think about her. Nakalimutan naman na niya si Red." ani Nadine at umiling-iling.
Tumango ako at nagpatuloy na lang sa pagkain habang lumilipad pa rin ang aking isip tungkol sa babaeng tinutukoy nina Niccolo at Nadine. Dalawang tao na na malapit kay Red ang nagsasabi sa akin ng tungkol sa first love ni Red na siyang nakalimot sa kanya. I don't get it...why did she forget about him?
Lumipas ang mga araw at mas naging busy kami dahil patapos na ang semester. Malapit na ang final exams at puspusan ang review namin. Sumabay pa ang darating na intrams dahil bukod sa academics na iniisip namin ay dumagdag pa ang mga clubs at extra-curricular activities.
Sa klase na lang kami nagkikita ni Red. Minsan pa ay magkaiba kami ng pinagtutuunan ng pansin dahil busy nga siya sa kanilang practice sa banda habang ako nama ay busy sa sinalihan kong club. At dahil nga scholar din ako ay tumutulong ako sa mga paperworks ng administration.
Nananakit na ang mga mata ko habang nakatutok sa computer dito sa admin office. Wala akong kasama ngayon dahil nagkaroon ng biglaang meeting ang mga professor dahil nga sa nalalapit na intrams. Napabuga ako ng hangin at pabagsak na sinandal ang aking likod sa may upuan.
Magda-dalawang oras na akong nagta-type ng kung anu-ano rito. Sumasakit at pumipintig na ang ulo ko.
Pinikit ko muna saglit ang aking mga mata para makakuha ng kaunting pahinga. Narinig ko ang pag-ingit ng pinto sa admin's office kaya alam kong mayroong pumasok. Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka professor lang na may nakalimutan or something.
"You're tired." Napaigtad ako nang marinig ang malalim na tinig na iyon. Marahas kong naidilat ang aking mga mata at agad dumeretso sa lalaking nakasandal sa malapit na table. Nag init ang pisngi ko ng masalubong ang kulay tsokolate niyang mga mata. Kumislap iyon ng magtama ang aming tingin.
"Tapos na practice nyo?" tanong ko sa kanya at umupo nang tuwid.
Medyo magulo ang kanyang buhok, halatang paulit-ulit nang pinasadahan ng kanyang mga daliri. Kitang kita ko rin ang namumungay niyang mga mata at ang pawis sa kanyang noo.
"I told you not to come running here right?" mahinang utas ko sa kanya at nag iwas ng tingin. Damn. Nagkunwari akong inaasikaso ang gawin ko sa harap ng computer kahit na ang totoo ay nasa kanya lahat ang buo kong atensyon.
"I can't wait to see you.." mahina ring utas niya. Napahigpit ang kapit ko sa mouse.
Hindi ko alam kung ano ang meron kami. Mutual Understanding? Magulong Usapan? Shit! Hindi ko alam..
"M-magpahinga ka na. You also look tired," ani ko sa kanya.
Pinilit kong huwag ipakita sa kanya na apektado ako sa paggalaw niya. Naglakad siya palapit sa akin kaya halos mahigit ko ang aking hininga. Habang patagal nang patagal ay mas lumalakas ang nararamdaman ko para sa kanya. It's very dangerous.
"You look so tired tapos tumutulong ka pa rito. I already told you not to do this...I will tell them that you are not a scholar here anymore...I'll pay for your tuition---"
"Red." nagbabantang utas ko sa kanya para putulin ang paulit-ulit niyang inuungot sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kanya at nakita ko kung paano bumusangot ang mukha niya.
"I just don't want you to get tired.." pagri-reason out niya sa akin.
Napailing iling ako.
"Kaya ko ang sarili ko. You don't have to do that," ani ko at muling binalik ang tingin sa may computer screen.
"If you would just allow me..." Nanigas ako sa kinauupuan ng mag bend siya sa akin. Niyakap niya ako mula sa likuran habang ang kanyang mukha ay nasa aking balikat. Nanindig ang mga balahibo ko nang isubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
"I'll just give you everything. You won't do anything.." bulong niya sa tapat ng leeg ko.
Mariin akong napapikit sa ginagawa niya. Ramdam na ramdam ko ang pagbalot sa akin ng kuryente nang magdikit ang balat namin. Unti-unti akong nanghihina...
"Red...m-may CCTV.." nahihirapang utas ko at pilit nilalayo ang ulo niya sa leeg ko.
"Damn that CCTV." nakangising bulong niya sa akin.
"Damn..I miss you so much," tila nahihilong utas niya. Napakagat labi ako ng halikan niya ang pisngi ko.
"M-may ginagawa ako," ani ko at pilit siyang pinapaalis ngunit mas hinihigpitan nya ang hawak sa akin. Nag init ang pisngi ko nang maramdaman ko na inamoy niya ang leeg at buhok ko.
"You smell like a fresh goddamn flower I've seen in our garden." natawa ito nang marahan sa sinabi niya.
"You'll watch me, right?" Natigilan ako ng magtanong siya bigla.
"You'll watch me sa concert, right?" utas niyang muli.
Dahan-dahan akong tumango sa kanya at nakita ko ang kanyang pag ngisi.
"You should behave...kahit nasa stage ako, I'll be watching you," aniya at marahan akong dinampian ng halik sa leeg. Halos mahulog ako sa upuan dahil sa sensasyong pinaramdam niya sa akin. Buti na lang ay napakapit ako sa mouse. Damn, Villamor!
"Hi! Good afternoon---" Nanigas ako sa kinauupuan ng biglang bumukas ang pinto ng admin office at iniluwa ang isang estudyante. Sa hinuha ko ay fourth year college na ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kami ni Red at agad nag sorry.
Tinulak ko agad si Red palayo habang ang kawawang estudyante ay hindi magkandaugaga sa gagawin.
"Yeah you should leave," bagot na utas ni Red ng sabihin ng babaeng aalis na lang siya. Agad kong binato ng matalim na tingin ang gwapong mukha niya na nakatitig sa akin.
"What?" painosenteng utas niya sa akin habang ngising ngisi.
"Ewan ko sayo. Mamaya isipin n'on may ginagawa tayong masama rito sa admin's office!" sikmat ko sa kanya at umirap.
Narinig ko ang malakas niyang halakhak. Kitang-kita ko ang pagka-aliw at amusement sa kanyang mukha.
"So what? At least they would know I marked you mine..." nakangising utas niya sa akin at pinagtaasan pa ako ng isang kilay.
Nag init ang mukha ko at binato siya ng ballpen.
"Anong pinagsasabi mo? Doon ka nga!" iritang utas ko para pagtakpan ang pag iinit ng mukha.
"Sayang, I can't do that now but I did leave a mark..." tuwang tuwang utas niya sa akin bago sumipol at kindatan ako. Halos mahulog ang puso ko sa ginawa niyang iyon.
"I'll fetch you later. See you," utas niya at mabilisan akong ninakawan ng halik sa labi. Halos ilang segundo lang akong nakamata roon bago ko na-realize na nakalabas na pala siya.
Argh! Villamor!
//
"Thank you, Miss Reyes ha. You're really a big help in the office!" magiliw na utas ni Ma'am Sylvia nang makabalik mula sa meeting. Ngumiti lang ako habang abala sa pagliligpit ng aking gamit. Alas-singko na rin ng hapon.
"Sige ho, ma'am. Una na ko." ani ko.
Tumango lamang ito at ngumiti. Palabas na sana ako ng admin office ng tawagin ako ni Mr. Wattson. "Bukas uli, Ms. Reyes. Kailangan ng help sa pag-arrange ng files eh," anito sa akin at nginitian ako. Tumango ako. "Sige po.."
"Ano yan?" Nagtatakang tanong niya sa akin at may itinuro sa bandang leeg ko.
Agad ko iyong kinapa. "Yung ano po?" nagtataka na ring utas ko.
"Nilamok ka ba rito or something? Namumula eh." ani Mr. Wattson. Medyo malabo na rin kasi ang mata niya, nasa table niya ang kanyang salamin.
"A-ah..s-sige po. Check ko na lang po," ani ko at mabilisan nang nagpaalam sa kanila bago tumakbo papunta sa pinakamalapit na washroom. Agad kong sinipat ang sariling leeg sa salamin at agad sumabog sa kahihiyan ang mukha ko ng makita ang ginawa ni Red.
"What the heck!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top