doughnuts
(unedited)
-
Kabanata 24
doughnuts
Umaga palang ng Intrams ay nandito na kaming lahat nina Kate. Busy kami sa kanya-kanyang clubs, pagtulong sa pag-establish ng bawat booths at pagdikit ng mga designs sa booth. Kumakalat din ang halimuyak ng mga food stalls, maging ang ganda ng stage sa gitna ay hindi papalagpas. Busy ang Student Council sa ginagawang mga banderitas para sa Intrams. Magulo at maingay na ang lahat, excited para sa kaabang abang na event na ito.
"Manunood ba kayo ng basketball game?" tanong sa akin ni Kasey na kararating lang. Katatapos lang daw nila sa Theater Club.
"Maglalaro sina Cade, right?" usisa pa nito at tinignan sina Kate at Nadine. Si Kate ang tumango habang may ka-text sa kanyang cellphone--- si Tristan for sure.
"Sabi ni Tan, mga ala-una raw?" anito at nag angat ng tingin sa amin.
"Tara nood tayo! Malapit na mag-one." ani Nadine.
Agad kaming sumang ayon kaya't mabilis na kaming pumunta sa malawak na court ng V.A. Sa labas palang ay kitang-kita ko na ang mga maiingay na students.
"Sino kalaban?" usisa ko habang naghahanap kami ng vacant seats. Dapat pala ay mas nauna kami.
"Tan covered our seats. Let's go," ani Kate at sinundan namin siya. Agad naming nakita ang kumakaway na naka-jersey na si Tristan. Agad kaming pumunta roon sa may baba, kasama namin ang mga gamit nila na nasa bleachers.
"Good luck!" matamis ang ngiting iginawad ni Kate kay Tristan at matunog itong hinalikan sa pisngi.
Napaigtad ako ng mag vibrate ang aking phone sa bulsa ng aking suot na palda.
From Red
Skirt, huh...
Nag init ang pisngi ko at hinanap siya ng aking mata. Nakita ko siya sa may kabilang gilid ng court, nakasandal sa isang post ng court. Kitang kita ko mula rito ang ngisi niyang nakakapanindig balahibo.
To Red
SHUT UP!
Denim skirt ang suot ko ngayon. Binili kasi ako ni tita nuong weekend ng skirt, at naisip ko na agandang isuot iyon ngayong araw dahil Intrams. Feel ko lang mag suot nang ganito dahil sanay rin ako sa mga pantalon lang.
Itatago ko na sana ang phone ko dahil alam kong bubwisitin na lang ako ni Red ng muli itong mag vibrate.
"Jaki, upo na tayo.." yaya sa akin ni Kasey kaya't ngumiti ako at sumunod na lang sa kanya sa pag upo.
Muli kong binasa ang text message ni Red.
From Red
Just make sure, your undies won't peek...
Gusto kong sumabog na tila bulkan ng mabasa ang walang hiyang reply niya. Literal na ang init ang buong mukha ko at gusto ko na lang iyong takpan.
"Are you okay, Jaki? Namumula ka..." untag sa akin ni Kasey ng mapansin ang pamumula ng aking mukha.
"O-okay lang.." ani ko kahit na obvious naman na hindi. Napabuga ako ng hangin at pinatay na lang ang phone ko. Ayoko sanang masalubong ang tingin niya ang kaso ay pag angat ko ng tingin ay nagsalubong agad ang mata namin. Lumabi siya at ngumisi na parang timang kaya lalong nag init ang pisngi ko. Darn this guy!
Hindi ko pa sila nakikita na maglaro ng basketball dahil every time na inaanyayahan ako nina Kate ay inaalibi ko ang pagtulong sa cafe ni tita. Totoo naman iyon..somehow pero ang totoo talaga ay ayokong mapanood si Red. Iba na ngayon.
"Ang tagal naman mag-start!" reklamo ni Naddie habang may hinahanap sa court.
"Sino nga uli kalaban?" tanong ni Kate kay Tristan na nandito pa rin.
"Faulker Domino University" ani Tristan. Magtatanong pa sana ako kung sinu-sino ang mga iyon ng mag-jog na ito pabalik sa kabilang side ng court kung nasaan ang coach nila. Mukhang mag s start na ang game.
Nagulat ako ng biglang umingay ang buong basketball court ng V.A. Akala ko ay kung ano na ang nangyayari ngunit nang makita ko ang pagpasok ng mga lalaking naka-jersey na sa tingin ko ay galing Faulker Domino University ay natahimik na lang ako. Naka-red jersey ang kalabang school habang sa V.A. naman ay black.
Nag umpisa na ang game, maging ang pagtaas ng mga banner. Gusto kong umirap dahil hindi magkamayaw ang mga kababaihan sa pag cheer sa mga Adonis na naglalaban ngayon. They are all loud.
"Red! Go Red!"
"Niccolo! I love you!"
"Cade! Baby Cade!"
"Tristan! Go Tristan!"
Napangiwi ako sa mga cheer nila. Inalis ko ang tingin ko sa The Curse at tinignan ang taga-ibang school na kalaban nia ngayon. Matatangkad din ang mga ito at matitipuno ang katawan. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang isang basketball player.
Teka, ano nga uli ang pangalan noon?
Unang nakapuntos ang kalabang team. Nakaupo lang ako habang nagiging intense na ang labanan. Magaling sila pareho ngunit mas magaling mag shoot sina Red. Laging nakaka-shoot si Red at Niccolo habang sina Tristan at iba pang kasali sa team ay mahigpit sa defense at steal. Ang kabilang team naman ay kulang sa defense at mas marami ang shooter kaya't napakaganda ng laban.
Yung lalaking pamilyar sa mata ko na galing sa kalabang team ay magaling mag-three points. Tila manok na manok lang sa kanya iyon gamit lang ang isang kamay.
Hindi ko maiwasang mapapalakpak. Ilang segundo na lang at magtatapos na ang laban. Lamang ang kalabang team ng dalawang puntos at nasa kabilang team ang bola.
Buong akala ko ay hindi na mananalo ang V.A. team ngunit na-steal ni Cade ang bola at agad pinasa kay Red. Agad naghiyawan ang mga tao sa loob ng court lalo na ng paubos na ang oras at dahan dahan pang itinapon ni Red sa ere ang bola.
Shoot!
Three points!
Nakita ko kung paano siya napatingin sa akin at ngumisi. Yabang!
Ang daming estudyanteng dumumog sa team. Napailing-iling na lang ako habang pinapanood silang lamunin ng mga babae.
"Let's go, puntahan natin sila," ani Kate at tumayo na. Ayoko sanang puntahan sila dahil ayokong makipagsiksikan sa mga babaeng atat na mahawakan sina Red. What the heck am I thinking?
"Jakirah?" Napaigtad ako ng may pamilyar na tinig na tumawag sa akin. Naglalakad na kami papunta kina Red ng tawagin ako ng lalaking iyon.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya habang pilit kong hinahanap ang pangalan niya sa utak ko. I still can't remember!
"Ah..s-sorry..I forgot again your name," nahihiyang utas ko sa kanya.
Lumawak ang ngiti niya sa akin. "Chaser." utas niya kaya't napangiti ako.
"Oh yeah! Chaser...I'm so sorry," ani ko sa kanya kahit hiyang hiya talaga ko dahil dalawang beses ko nang nakakalimutan ang pangalan niya.
Natawa siya nang marahan sa akin at umiling. "It's okay, Jakirah don't worry," anito.
"Taga- Villa Academy ka pala?" aniya makalipas ang ilang sandali. Tumango ako.
"Hindi ko rin in-expect na makikita kita rito...I thought graduated ka na or something.." utas ko sa kanya na kinangiti niya.
"Do I look old that much?" kunwari'y nalungkot sa aking utas niya.
Ngumiti ako. He's funny.
"Can you accompany me? I want to have a trip in your campus..." utas niya sa akin pagkakuwan.
Agad kong inalala sina Kate ngunit nang makita ko na busy pa rin sila roon at marami pang tao na nakapaligid sa The Curse ay pumayag na ako. He seems good though.
"Sure." ani ko na kinatalon niya sa sobrang tuwa.
Lumabas na kami ng maingay na court. Napahinga ako nang malalim nang makalanghap ng sariwang hangin pagkalabas namin. Masaya siya kasama dahil madaldal siyang lalaki. Napakarami niyang kwento at tila hindi siya mauubusan. Nalaman ko na gusto niya talaga na maging certified basketball player ngunit dahil mayroon silang chains of business ay hindi niya na maituloy ang totoo niyang pangarap. Alam niya naman na kailangan niya talagang maging businessman tulad ng kanyang ama ngunit nalulungkot din ako para sa kanya dahil hindi niya magagawa ang siyang pangarap niya talaga.
"I think mas maganda rito sa school nyo.." aniya sa akin ng papunta na kami sa cafeteria. Natapos na naming ikutin lahat, halos hindi ko na napansin ang oras at pagod dahil sa mga kwento niya.
"Bakit naman?" usisa ko sa kanya habang pinagmamasdan ang mga estudynateng palalakad lakad. Maggagabi na rin at mag uumpisa na ng concert nila Red. Nakita ko sa di kalayuan na inaayos na ang stage. Nakahilera pa rin ang mga food stalls ngunit unti-unti nang tinatanggal ang mga booths.
"Kasi dito ka nag-aaral," utas niya sa akin na kinahagalpak ko ng tawa.
"Nice joke, Chaser," ani ko at umiling iling pa. Tumawa rin siya habang papasok na kami sa cafeteria.
"Though it is not a joke," nakangiting pahayag niya.
Hindi ko na lang iyon pinansin at tinanong siya kung bibili ba siya ng pagkain.
"Ikaw? Feeling hungry?" balik niya sa akin ng tanong.
Napanguso ako. Pinakiramdaman ko ang tiyan ko at sinasabi nitong nagugutom na nga ako. Tumango ako sa kanya.
"Yeah...I'll buy something," ani ko at tumingin sa mga pagkain.
"What do you want?" tanong niyang muli sa akin.
"Doughnuts na lang...ikaw?" tanong kong muli sa kanya.
Bumaling siya sa aleng tindera na naroon at binili lahat ang box ng doughnuts. Gusto kong matawa sa ginawa niya.
"Here." utas niya at binigay sa akin ang box ng doughnuts.
"Sa akin 'to?" natatawang utas ko sa kanya.
"Yeah. That's my gift because you accompany me," nakangiting utas niya at kinindatan pa ako.
"Sus! Wala iyon," ani ko at ibabalik sana sa kamay niya ang box ngunit pinapilitan niya. Natatawa ako dahil ang kulit-kulit niya.
"Fine." ani ko at nagpasalamat.
"Welcome," matamis na utas niya at nginitian ako.
"Jaki!" Napaigtad ako ng marinig ang malakas na tinig na tumawag sa akin. Napalingon ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita sina Kate, Nadine, Cade, Tristan at Red.
Bumilis ang kabog ng aking dibdib ng masalubong ang blangkong tingin ni Red.
"Kanina ka pa namin hinahanap...may ka-date ka lang pala," tudyo sa akin ni Cade na agad binatukan ni Nadine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top