lost
(unedited) i tried my best not to cry....
-
Kabanata 35
lost
Hindi tumigil si Red. Hindi niya ako tinatantanan. Kahit na ano pang gawin kong tulak sa kanya palayo ay hindi niya pinakikinggan. Pinipilit niya akong pigilan na huwag lumayo. Pinipilit niyang humabol...
Ganoon ang araw-araw na nangyari sa amin. Maging ang mga kaibigan ko ay naapektuhan sa nangyayari.
"Jaki...ano ba talagang nangyari sa inyo ni Red?" usisa ni Nadine sa akin habang naglalakad kami sa maluwang na hallway. Katatapos lang ng PE class namin.
Hindi na lang ako umimik. Alam kong unfair sa kanila na hindi nila alam ang mga nangyayari pero I think this isn't the right time para magkwento. Everything is too complicated right now. I just need to settle things out.
"Nag-aalala na rin si Tristan..." ani Kate at napabuntong hininga.
Nag iwas ako ng tingin at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa librong nasa dibdib ko.
"Bumabalik si Red sa pagiging badass niya." utas ni Kasey na hindi ko na lang pinansin.
Alam ko. Alam ko lahat ng iyon. Alam kong bumabalik siya sa dating siya bago ko pa man siya makilala. Ang pagiging bully niya at pagtapak sa kung sinong studyante ng Villa Academy.
"Alis!" Napaigtad ako sa marahas na tinig na iyon. Nakita ko kung paano niya hinawi ang mga studyante na nakatambay sa tapat ng classroom namin. Madilim ang mukha niya at halatang wala sa mood.
"Ano ba Red!" iritadong utas ni Nadine dahil sa rudeness na pinakita ni Red sa mga estudyante.
Naiiling na lang na umalis ang mga ito habang ang iba ay nanginginig sa takot.
Nagbaba ako ng tingin. He's way too much.
Naramdaman ko ang pagpisil ni Kasey sa kamay ko bago nauna nang pumasok. Huminga muna ako nang malalim at nag angat ng tingin habang naglalakad papasok.
Agad nagsalubong ang tingin namin.
"Flowers..." mahina ang tinig na utas niya nang makaupo ako sa upuan ko. Nilapag niya sa desk ko ang isang bouquet ng bulaklak pero di ko iyon pinagtuunan ng pansin.
"Jakirah..." untag niya sa akin.
"Cut it out, Red! Your attitude isn't good. Bakit kailangan mong takutin ang ibang mga students?" iritang litanya ni Nadine. Nakita kong hinawakan ni Kate ang braso ni Nadine upang pakalmahin ito.
"Just stay out of this, Nadine," malamig ang tinig na utas nito at muli akong binalingan.
"Jakirah--"
"What the heck! You're totally losing it!" malakas ang tinig na utas ni Nadine at nagmartsa palabas ng room. Sinundan ko siya ng tingin habang si Kate ay nagmamadali itong sinundan.
"Fuck." utas ni Cade at napahilamos sa mukha.
"What's the deal between the two of you?" naguguluhang utas ni Cade. Walang pakialam sa mga kaklase naming makaririnig.
Tinikom ko nang mariin ang aking bibig. Ayoko. Ayokong magsalita.
"Just stay out of this, okay?!" frustrated na sigaw ni Red kay Cade.
Narinig ko ang mahihina ngunit malulutong na mura ni Cade na tila nainis kay Red.
Bumuga ako ng hangin. Gusto ko na lang magpakalayo-layo. Alam ko...alam ko namang maling takbuhan itong sitwasyon namin pero ang hirap...ang hirap-hirap.
Araw-araw kaming nagkikita ni Red at sa bawat araw na iyon hindi niya ako sinukuan. Hhe's damn trying his best. Gusto niya akong bumalik sa kanya. Hindi siya naniniwalang sawa na ako sa kanya. Ayaw niyang tanggapin iyon kaya't pilit niya pa ring pinagpipilitan ang sarili niya sa akin.
Ang hirap magsalita dahil kumokontra ang buong sistema ko sa kung anuman ang mga kasinungaling sasabihin ko sa kanya. Nahihirapan akong mag surrender ng lahat-lahat...I am just taking my time because it's not that easy.
Nagkakagulo na maging sa mga kaibigan namin, alam ko. Kaya maging ako ay naguguluhan na rin. Ano ba ang dapat kong gawin?
//
"Jakirah," Napatalon ako sa gulat ng marinig ang malalim na tinig na iyon. Nandito ako ngayon sa rooftop at nag iisip. I just want to clear my mind. I want to come up with a plan. Kung patatagalin ko pa ang lahat ay mas lalong magiging komplikado ang lahat.
Medyo nakahinga ako nang maluwag ng si Niccolo ang mabungaran ko. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha nang tabihan ako roon. Malakas ang hangin dito sa itaas kaya't sumasabog sa mukha ko ang aking mahabang buhok.
"B-bakit ka nandito?" utas ko para mawala ang awkwardness sa hangin.
"You're thinking about something...right?" Natigilan ako ng di niya sagutin ang tanong ko at deretsong tinignan ako sa mga mata habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Hindi ako nakaimik. "About Red." aniya at tahimik na ngumiti nang tipid.
Nag iwas ako ng tingin at tumingin sa maaliwalas na kalangitan.
"Just end things on a single blow." utas niya na kinagitla ko. Tila ba alam na alam niya ang kung anumang pinagdaraanan ko ngayon.
"I don't know your reason but the only thing I know is you love him and you are hurting yourself now...because you are pushing him away." dagdag niya pa na kinaawang ng bibig ko. Hindi ko na na pigilan ang sariling lingunin siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Nakatingala siya sa kalangitan habang inililipad ng hangin ang kanyang buhok.
He's so damn gorgeous.
But what amazes me is his keen observation. Wala akong naku-kwento sa kanya...wala. Kaya hindi ko inaasahan na napapansin niya pala. Noong mga panahong tahimik lang siya sa isang sulok habang magkakasama kaming lahat...inoobserbahan niya na pala kami 'nun.
"Just end it, Jakirah. To end your pain...and his..." utas niya at nilingon ako. Nagsalubong ang mga mata namin. Malaanghel talaga ang mukha niya at habang tinitignan ko siya ngayon tila anghel talaga ang tingin ko sa kanya.
Nag baba ako ng tingin at dahan-dahang tumango. "Thank you, Niccolo..." mahinang utas ko habang pinag iisipan nag kanyang sinabi.
Hindi madali...pero kailangan.
Tama si Niccolo. Parehas lang kaming nasasaktan ni Red kung patatagalin ko pa ang lahat. Ayoko nang masayang ang oras niya sa akin dahil sa huli wala rin naman siyang mapapala. Sa huli ay pulos sakit lang din naman ang makukuha niya mula sa akin. Dahil imposible...imposible na ang kami.
Nagpaalam na ako kay Niccolo. Makikipagkita ako kay Red at tatapusin ko na ito.
Tinext ko siya at sinabing magkita kami sa park kung saan lagi niya akong dinadala.
Malayo iyon sa academy kaya't nag taxi pa ako papunta roon. Natanggap ko ang reply niya, isang masayang "see you". Mapakla akong ngumiti at inihanda ang sarili habang nasa biyahe.
Damn. This will be the toughest night of my life.
Madilim na ng makarating ako sa parke na lagi naming nilalakad. Naalala ko na matapos naming mag-mall noon ay dito niya ko dinala. Iyon yung time na napapansin ko ng nag-iiba ang pakikitungo niya sa akin.
Nagbayad ako sa taxi driver at mabagal na naglalakad papasok ng park. Tulad ng inaasahan ay walang tao. Siguro ay dahil gabi na.
Nasaan kaya siya?
Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang hinahanap siya ng paningin ko. Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Natatakot ako...
"Jakirah..." Natigilan ako ng marinig ang tinig niya mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakita ko ang di-maipaliwanag na emosyon sa kanyang mga mata.
"N-nawala ka kanina sa klase..." matiim ang titig niya. Ramdam ko...ramdam ko ang pangungulila niya.
Nanginig ang tuhod ko ngunit nilabanan ko iyon.
"I'm asking you Red...to let go of me," utas ko habang deretso ang tingin sa kanya.
Rumehistro ang sakit sa mga mata niya.
"Ilang beses ko na bang sinabi na hindi ako naniniwala, Jakirah? Kung anuman ang sinabi ni mama sayo tungkol sa fiancee na 'yan, di yon totoo!" malakas ang tinig na utas niya at akmang hahakbang sa akin palapit ngunit umatras kaagad ako.
Napatigil siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.
"Ilang beses ko na rin bang sinabi? Ayoko na! Mahirap ba intindihin iyon?" utas ko at kinuyom ang aking kamao. Pinipigilan ang nagbabadyang luha.
"Kung ayaw mo na, bigyan mo ko ng rason! Bakit? Bakit Jakirah?!" utas niya at inisang hakbang lang ang pagitan namin. Sa sobrang bilis niya ay hindi na ako nakahuma ng mahigpit niyang hawakan ang magkabilang balikat ko.
Napasinghap ako habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
Damn...his eyes are bloodshot. His nose is also in red. Don't tell me...
"Bakit ngayon pa? Kung kailan....kung kailan hulog na hulog na ko," pahina nang pahina ang kanyang tinig pero hindi iyon nakalagpas sa aking pandinig.
"Bigyan mo ko ng rason...masaya tayo diba? Kaya hindi ko alam...hindi ko alam kung bakit nagkaganito..." nahihirapan ang tinig na utas niya.
Napaawang ang bibig ko ng sunod-sunod na nagsipatakan ang luha sa mga mata niya.
I didn't expect that he's going to cry! In front of me!
No!!
Tripleng sakit ang bumalatay sa dibdib ko pero pinipilit ko iyong inignorahin. Kaunti na lang...kaunti na lang na tulak sa kanya...
"Damn it! Ano bang nagawa ko? Just tell me! Babaguhin ko sarili ko para sayo..j-just...just don't do this to me, please?" nanginginig ang boses niya ng sabihin iyon. Hindi ko alam ang gagawin at sasabihin habang nakamata lang sa umiiyak na si Red. Namumula ang kanyang ilong at patuloy sa pagpatak ang luha sa mga mata niya. Inalis niya ang pagkakahawak sa magkabila kong balikat at tinakpan niya ang mga mata.
"Y-You promised, right? You won't ever leave me...I-I can't let you go. Damn, I love you so much.."
Pinalis ko ang luhang pumatak sa kanang mata ko. Buti na lang at nakayuko siya at nakatakip ang mga mata niya.
Gustng gusto ko nang pumalahaw ng iyak at bawiin lahat ng sinabi ko...pero alam kong iyon ang dapat kong gawin para maayos ang lahat ng ito.
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang panginginig nito.
"Bakit kailangan mong gawin sa akin 'to?" paos ang tinig na utas niya at inalis ang pagkakatakip sa kanyang mga mata. Namumula pa rin iyon at kitang kita ko ang sakit na nasa mga mata niya.
"I-I can't keep that promise...sorry," utas ko at kasabay n'on ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Sumabay ang luha niya sa patak ng ulan.
Walang gumalaw sa aming dalawa kahit na parehas na kaming nababasa. Buong akala ko ay titigil na siya ngunit laking gulat ko ng dahan-dahan siyang lumuhod.
Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.
Damn, I can't take this anymore...
"T-take my hand..." utas niya at nag angat ng tingin sa akin. Ang bigat bigat ng dibdib ko habang tinitignan siyang tila tutang nagsusumamo sa akin.
Nilahad niya ang kanyang kamay at kitang kita ko ang panginginig nyon.
Hindi ko alam ang gagawin.
"J-Jakirah, take my hand...I-I don't have a ring but I am making a promise...j-just take my hand," utas niya at nilapit pa sa akin ang kanyang nakalahad na kamay.
Nanginig ang labi ko kaya't tinakpan ko iyon. "T-tama na, Red....please.." utas ko at umiling iling sa harapan niya.
Hindi ko na kaya. Kung di pa ako aalis ay baka mabawi ko pa lahat ng nasabi ko sa kanya.
Nakita ko kung paano tumulo ang luha sa mga mata niya sa sinabi ko. His eyes...damn I can't look at his eyes!
I can clearly see the hurt in his eyes. And it's killing me.
Akmang tatalikod na ako sa kanya nang bigla niya akong yakapin sa may bewang para pigilan.
"Wag, please! Jakirah...d-don't leave!" Mariin kong tinakpan ang aking bibig para pigilan ang pagpalahaw ng iyak. Mariin kong pinikit ang mga mata habang hinahayaang umagos ang luha sa aking mata.
"I love you...w-wag naman ganito please..." Ramdam ko ang pagkadurog ng puso ko sa tono ng pananalita niya. Nabasag ang tinig niya. Damn it.
"Wag mo kong iwan uli...Jakirah..." umiiyak na utas niya at mas hinigpitan pa ang yakap sa baywang ko. Umiling-iling ako at pilit siyang tinutulak. Hindi ko na mabuka ang bibig ko dahil kakawala ang isang hagulgol.
"Kahit ano...kahit ano wag lang 'to, Jakirah, please...please...I'm begging you..I will be good, queen. I'll be good! Tell me what I need to do...j-just don't leave me," basag ang tinig na utas niya at sinubsob ang mukha sa may tiyan ko.
Kinagat ko ang ibabang labi. Gustung gusto ko na siyang yakapin. Fuck. Gustong gusto ko siyang i-comfort at sabihing hindi lahat iyon totoo. Gusto kong maramdaman uli ang mainit nyang yakap. Gusto ko uli makulong sa bisig niya...
Pero hindi na pwede.
Kumuha ako ng lakas para makaalis na. At ang tangi kong naisip na paraan para hayaan niya ko ay magsinungaling pa.
"Gusto mong malaman kung bakit?" mahina ang tinig na utas ko.
Nanigas ako sa kinatatayuan ng paulit-ulit niyang dampian ng halik ang tiyan ko. Nanginig ang tuhod ko.
"No...a-ayoko.." utas niya at patuloy pa rin sa ginagawa.
"Ayoko..." tila takot na batang utas niya.
"Hindi sapat...kahit ano pang gawin mo...hindi magiging sapat." malamig ang tinig na utas ko na kinatigil niya.
Nanlamig ang tiyan ko at tila isang libong beses na sinaksak ang puso ko nang makita ang reaksyon niya.
Nanginig ang labi ko nang dahan-dahang lumupaypay ang mga kamay niya sa magkabilang gilid niya.
Hindi siya nag angat ng tingin sa akin at nanatiling nakaharap sa tiyan ko.
"Ah. I get it. Kaya pala kahit anong gawin ko, ayaw mo nang bumalik." malamig ang tinig na utas niya.
Nagsipaglaglagan ang luha sa mga mata ko. Blangko ang ekspresyon ng kanyang mukha at walang buhay ang kanyang mga mata.
Ang sakit-sakit na makita siyang ganyan.
"I will never be enough, huh?" mapait ang tinig na utas niya.
"I fucking get it." muli niyang utas at tinignan ako nang matagal.
"Remember this day, Jakirah...You lost me." walang emosyong utas niya at iniwan na ako roon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top