illegal
(unedited)
-
Kabanata 47
illegal
Nagising ako sa maingay na kalabog sa aking kwarto. Agad akong napabalikwas ng bangon habang kinukusot pa ang inaantok kong mga mata. Naririnig ko ang pagtawag ni tita mula sa labas ng aking kwarto kaya't nagmamadali akong tumayo at pinagbuksan siya ng pinto.
"Jakirah! Nandyan na si Ryzen!" medyo nagulat pa ako dahil tila histerikal ito.
"P-Po?" naguguluhang utas ko. Bakit nandito si Ryzen? At bakit siya kilala ni tita?
"Bilis! Sinusundo ka na niya..." aniya at agad na akong tinalikuran kahit na tatanungin ko sana siya kung anong meron at kung ano ang ginagawa ni Ryzen dito.
Mabilisan na lang akong nag-ayos ng sarili habang hindi pa rin maiwasan ang pag-iisip. Sobra akong nagtataka sa nangyayari.
Simpleng casual na damit lang ang suot ko. Faded jeans at black shirt na tinernuhan ko ng rubbershoes. Agad akong lumabas ng aking kwarto at dumiretso sa baba. Sabado ngayon ngunit di ko alam na hindi binuksan ni tita ang Coffee Bean. Agad kong nakita ang seryosong pag-uusap nina tita at Ryzen sa may di-kalayuang table.
Agad napaangat ng tingin sa akin si Ryzen at sinenyasan akong lumapit sa kanila. Kahit medyo kinakabahan ay naglakad pa rin ako. Wala akong ideya sa nangyayari!
"Sorry I didn't text you earlier..." hinging-paumanhin niya kaagad ng makarating ako sa harapan nila ni tita. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin at i-react kaya tinapunan ko na lang ng tingin ang blangkong ekspresyon ni tita.
"Take care of her, Ryzen..." ani tita na kinaawang ng bibig ko.
"Ano nga oras ulit?" dagdag niya pa.
"Before 5PM po, tita..." nakangiting utas ni Ryzen na kinalaglag ng panga ko. Bakit ang casual-casual nila mag-usap?! Nagkakilala na ba sila before?
"Ah okay..." ani tita at tumango-tango pa. Hindi ko alam ang pinag-uusapan nila for Pete's sake!
"Jakirah, see you doon. Sumama ka muna kay Ryzen.." utas ni tita at magaan akong nginitian. Naramdaman ko ang pagkatunaw ng aking puso. Tumango-tango ako sa kanya habang hindi mawala ang masayang ngiti sa aking labi.
"O-Opo, tita..." ani ko.
Ngayong unti-unti na ulit akong pinagkakatiwalaan ni tita at unti-unti na ring bumabalik ang dati naming bond...ayoko na ulit na masira sa pangalawang pagkakataon ang relasyon namin bilang mag-tita. I won't waste the second chance she is giving me.
"So, let's go?" Nalipat ang tingin ko sa nakangising si Ryzen. Ang gwapo-gwapo niya sa simpleng maroon sweatshirt na pinaresan niya lang ng tight jeans. Naamoy ko rin kaagad ang shower gel na kanyang ginamit.
Tumango lang ako at nagpaalam na muli kami kay tita. "Sorry di kita nasabihan kagabi..." pag hingi niya ulit sa akin ng paumanhin habang naglalakad kami palabas ng Coffee Bean.
"Yeah...sobra akong nawindang ngayon," ani ko habang nanatili lang sa daan ang tingin.
"By the way, bakit ka ba nandito?" nakataas ang isang kilay na usisa ko sa kanya at nag-angat ng tingin.
"Don't tell me you forgot your own birthday?" nakangising utas niya na kinatigil ko sa paglalakad.
Oo nga! Today is my birthday!
Narinig ko ang paghagalpak niya ng tawa habang ako naman ay hindi makapaniwala sa aking sarili na talagang nakalimutan ko na birthday ko ngayon!
"God...we've been waiting for this day tapos ikaw, makakalimot lang?" natatawa pa ring utas niya sa akin habang nakalagay ang malaking kamay sa tuktok ng ulo ko. Matangkad kasi siya sa akin kaya tila ako duwende na hawak niya sa ulo...
Napangiwi ako sa sinabi niya at sumakay na ng pagbuksan niya ako ng pintuan ng kanyang sasakyan. Agad kong nilabas ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon.
Ang dami na agad nag-greet sa akin ng "Happy birthday!"
Hinanap ko ang pangalan ni Red ngunit wala siyang text message. Agad akong nakaramdam ng disappointment ngunit pilit kong isinantabi dahil kinakausap ako ni Ryzen.
"Today is your recognition day...right?" natigilan ako sa pagmumuni-muni sa sinabi niya. Napatingin ako sa mukha niya na diretso ang tingin sa daan. Nasa mainroad na kami kaagad.
"R-recognition...day?" utas ko kahit na may idea na ako kung ano ang ibig niyang sabihin doon.
"You...becoming a certified Villamor," seryoso ang tinig na utas niya na kinaigtad ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko habang iniisip ang mga susunod na mangyayari ngayong araw. Kaya siguro seryoso ang usapan nila kanina ni tita...at nuong tinanong ni tita kung anong oras...
Probably, tita will come.
Napalunok ako at hindi alam ang sasabihin. Nilalamon ako ng kaba ngunit nakakaramdam din ako ng excitement...
"But for now, you need to be the most beautiful girl in the party..." utas nito kaya't napakurap-kurap ako.
"Huh?" utas ko, hindi nakuha ang kanyang sinabi.
Nginisihan niya ako at kinindatan lamang. "This is what I am excited for!" masaya pang bulalas niya na lalo kong pinagtaka.
Nang tumigil ang kanyang sasakyan sa may tapat ng isang mamahalin at kilalang salon at spa ay napatigil ako.
Ito ba ang sinasabi niyang inaabangan niya ngayong araw?
"This is our dad's wish, Jakirah...so...you must obey," aniya sa akin ng makita ang aking reaksyon.
Hindi ko inaasahan na kailangan pa akong dalhin dito para lang sa birthday celebration ko mamaya! Talagang nakakalula dahil hindi ako nasanay na ganito sa tuwing birthday ko...
Nasanay kasi ako na kami lang ni tita ang laging nagce-celebrate sa loob ng Coffee Bean...
"Let's go!" mas excited pa yata siya kaysa sa akin. Napailing-iling ako at nagpahila na lamang sa kanya papasok ng establisyemento.
Agad kaming binati ng mga staffs na naroon. Alam kong gwapo si Ryzen ngunit iba pa rin pala kapag na-witness sa personal na malaglag ang mga panga ng mga staffs na naririto pagkakita sa kasama ko.
Napailing na lang ako.
Agad akong na-accomodate. Pakiramdam ko nga ay may extra-care sa akin ang mga staffs ng salon dahil sa akin lang nakatingin si Ryzen habang kung anu-ano ang ginagawa sa akin. Sa sobrang daming pinapagawa ni Ryzen ay hindi ko napansin na nakatulog na ako.
Nagising lang ako ng maramdaman ang pag-tap ng kung sino sa noo ko. Agad kong nabungaran ang nakangising mukha ni Ryzen.
"You need to dress up...malapit na ang party," aniya sa akin. Tumango ako at sumunod doon sa staff. May pinapasuot siya sa aking isang magarbong purple gown. It isn't dark but light. Gustung-gusto ko ang tila butterflies sa may bandang collarbone pababa sa dibdib. Pati rin ang mga maliliit na diamonds na naka-scatter sa pinaka-palobo ng gown. Gustung gusto ko ang pagkinang niyon kapag natatamaan ng ilaw.
"Wow..." utas ko. Pinaupo na ulit ako para ma-make up-an at maayusan ng buhok. Kinulot ang dulo ng aking buhok at nilagyan ng ibang kulay. Light lang din ang make-up kaya't bagay na bagay sa aking gown.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o aatakihin ng hiya nang makita ang reaksyon ni Ryzen ng makita ako.
Nakaawang ang kanyang labi habang hindi maalis ang tingin sa akin.
"WOW!" hindi makapaniwalang utas niya habang mabagal pang pumapalakpak. Nag init ang aking pisngi.
"You look like a princess, Jaki...you are so outrageously beautiful," lalong nag init ang mukha ng mahimigan ang sinseridad sa kanyang tinig.
Ngintian ko lang siya bilang ganti dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin...
"Let's go...let's not make them wait.." aniya at lumabas na ulit kami roon.
Malapit na nga mag start ang party dahil quarter to six na.
"Yes, pa...yes," ani Ryzen habang kausap sa kanyang cellphone si Mr. Villamor. Mukhang tinatanong kung nasaan na kami.
Medyo nahiya ako dahil alam kong kasalanan ko iyon dahil nakatulog ako...
Mabilis ang pagpapatakbo ni Ryzen hanggang sa makarating na kami sa kanilang mansion. Sa labas palang ay kitang-kita ko na ang magarbong pagkakaayos ng kanilang garden. Halos nahigit ko ang aking hininga ng makita ang venue.
Garden setting.
Napakaganda ng mga halaman kasabay ng pagkikislapan ng mga ilaw na nakalagay duon. Napaka-mellow ng music at maging ng ambiance. Dahil nga madilim na ay tanging ilaw galing sa mga lights at sa lampposts lamang ang tanging tanglaw. Pati rin ng maliwanag na buwan.
Narinig ko ang emcee na nag-uumpisa ng magsalita. Expected ko na kasing dami ng tao ang bisita tulad ng birthday party ni Red ngunit nakahinga ako nang maluwag ng makitang iilang upuan lamang ang nandoon at lahat ay occupied na.
Mukhang gusto pa ring maging private ni Mr. Villamor ang birthday party ko dahil alam niyang magiging uneasy ako kung maraming bisita na hindi naman pamilyar sa kin...
"And let's all give a warm round of applause...the long-lost Villamor only princess, Miss Jakirah Reyes!" masigabong palakpakan ang bumati sa akin pagkababa ko palang ng kotse ni Ryzen. Agad tumutok sa akin ang highlight at agad akong nakaramdam ng hiya lalo pa't napatingin lahat sila sa akin.
"And with her elder brother, Ryzen Villamor..." Nakahinga ako nang maluwag ng kuhain ni Ryzen ang nanginginig kong kamay at pinaabrisete sa kanyang braso. Kahit papaano ay nabawasan ang panginginig at kabang nararamdaman ko.
"Relax...smile...this is your night, honey," nakangiting bulong niya habang sinasalubong kami ng kabi-kabilang kislapan ng camera.
Sinunod ko ang kanyang sinabi. Gusto kong maging maganda sa bawat kuha ng camera dahil alam kong makakalabas ito sa balita at mga dyaryo. Hindi na lang ako isang oridnaryong estudyante ng V.A. but now I am a Villamor heiress. Hindi na basta-basta ang pagkataong dala-dala ko dahil bawat galaw ko ay makakaapekto sa bagong pamilyang dala-dala ko.
I should be careful enough to handle myself.
Naririnig ko ang mga papuri nila ngunit ang tangi lang nahuli ng tingin ko ay ang kulay-tsokolate niyang mga mata sa alon ng mga taong nasa harap ko ngayon.
Even in the crowd, you stand out.
Bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ayokong mag-iwas ng tingin dahil tila ako hinihila pabalik sa kanya.
Napaawang ang bibig ko ng magsalita siya.
"Your beauty is illegal, my queen," he mouthed but in some weird instance, I read his mouth fast amidst the noise around us.
It's weird but he is the only one I can hear right now.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top