everything
Kabanata 17
everything
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Paulit ulit bumabalik sa balintataw ko ang halikan namin ni Red. Pero ang mas nagpangamba sa akin ang isiping kapatid ko siya..
Mabilis na lumipas ang mga araw. Kinabukasan kaagad ang birthday party ni Kate at wala pa akong susuotin!
Busy ako sa pagsagot sa mga homeworks ngayong araw. Balak ko sanang tapusin na rito sa school ang mga homeworks para makahanap na ako ng susuotin para bukas. Bumalik sa normal ang pagiging estudyante ko rito sa Villa Academy ng i-announce ni Red na kung sino ang mambully ulit sa akin ay siya ang makakalaban--- maging ang grupo nilang The Curse. Kapag naaalala ko iyon ay di ko maiwasang makaramdaman ng mainit na haplos sa aking puso. Mula rin ng mangyari ang kiss namin ni Red ay mas naging malapit siya sa akin. Hindi kami close pero siya ang pilit nang pilit. Napabuga ako ng hangin habang ina-analyze ang problem sa may libro.
"Ang boring," hindi ko na yata mabilang kung pang ilang beses ko ng narinig yan mula sa kanya. Nag angat ako ng tingin sa kanya at sinamaan siya ng tingin.
"Bakit ka ba kasi nagpaiwan dito? Sinabi ko bang samahan mo ko?" iritang utas ko. Mas lalo akong nainis ng makita ang pinipigilan niyang ngisi.
"Papasa ka naman kahit di ka na mag-aral," seryoso niyang utas sa akin.
Nagtataka ko siyang tinignan at nagtaas ng isang kilay.
"Hindi ako katulad niyang mayaman," utas ko at nagbaba muli ng tingin sa libro.
"Yayaman ka pa rin pag ako na pinakasalan mo," agad nag init ang pisngi ko at napaangat ng tingin sa kanya.
"Shut the fuck up," nagbabanta ang tinig na utas ko.
Ngumisi lang siya sa akin. damn him. kung alam mo lang..
Muli ko na lang pinagtuunan ng pansin ang mga kailangan kong matapos.
"Kung ako na lang ang tinitignan mo, wag na yang libro...tititigan pa kita pabalik," may bahid ng aliw sa tinig niya. Naiinis kong sinipa ang paa niya sa ilalim ng mesa. Napahagalpak siya ng tawa.
"Isa pa, Villamor," banta kong muli na sinawalang bahala niya lang.
Ganoon na siya kakulit mula ng gabing iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga nangyayaring ito.
Napangiti ako ng matapos ko na rin sa wakas ang mga dapat sagutan. Agad kong niligpit ang mga gamit ko at sinilid ko sa aking bag.
"Ba't ka nagmamadali?" usisa niya sa akin. Hindi ko na lang pinapansin ang mga titig niya dahil habang tumatagal ay nakakasanayan ko na ang mga tingin niya.
Hindi ko na lang siya sinagot at sinukbit na ang aking bag. Diretso na akong lumabas ng room habang nakabuntot pa rin siya. Nag init ang pisngi ko ng mapansin ang masasamang tingin sa akin ng mga babaeng nakakasalubong namin sa hallway.
"Red, may pupuntahan ako, you should just go home," mahinang utas ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay hindi niya talaga ako titigilan.
"Sama na lang ako," aniya at parang bale-walang humikab pa.
Naiinis ko siyang tinignan. "Don't push it. Next time na lang," ani ko. Ayokong makaagaw ng atensyon ngunit napapatingin talaga sa amin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin.
Sumimangot siya sa akin. "Ayoko," utas nito na parang bata. Napabuga ako ng hangin. Paano ako niyan makakabili ng gown? Argh! Alangan namang isama ko siya?
"Wala ka bang gagawin?" ani ko sa kanya.
Umiling lang siya. "Kaya ginugulo mo ko ngayon?" sarcastic na utas ko na kinatawa niya.
"I want to be with you, Reyes, that's why," nakangising utas niya. Naiinis ko siyang sinipa.
"Isa pa ha! Tumigil ka na!" iritadong utas kong muli sa kanya.
Napahagalpak siya ng tawa at napailing-iling.
"Saan ka ba kasi pupunta?" pangungulit niya. Naiinis ko siyang inirapan.
"I will buy a gown." utas ko habang deretso ang tingin sa daan.
Napaangat ako sa kanya ng tingin ng magsalita siya. "Akala ko ba meron ka na?" puno iyon ng inis. Pinigilan ko ang ngiti ko.
"Sorry, I lied!" utas ko at hindi na napigilang mapangisi.
Siya naman ang umirap sa akin. "Stupid." bulong niya at biglang kinuha ang kamay ko.
"H-hoy! Bitaw!!" ani ko at agad luminga-linga sa paligid, baka may makakita sa amin.
"Hayaan mo sila." malamig ang tinig na utas niya sa ako hinila habang hawak-hawak pa rin ang aking kamay. Napatakip na lang ako sa aking mukha habang hinihila niya ako.
"Si Red ba 'yun? Sino kasama niya?" naririnig ko pang bulungan sa paligid. So embarrassing!
Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa parking lot. "Sakay," utos niya sa akin ng pagbuksan niya ako ng pintuan sa shotgun seat ng kanyang itim na jaguar car.
Napanguso ako at nakipagtagisan muna ng titigan sa kanya bago sumakay.
"Good girl.." bulong niya sa tainga ko na naghatid ng laksa-laksang kuryente. Shit.
Umikot siya at sumakay na rin sa driver's seat. Agad niyang pinaandar ang sasakyan habang ako ay matulin pa rin ang takbo ng dibdib.
Alam kong mali ito pero hindi ko maiwasang sumunod sa kung ano itong nararamdaman ko. Napapikit ako nang mariin. Ano ba ang dapat kong gawin?
"What is it?" Napaigtad ako ng marinig ang kanyang malalim na boses. Dinilat ko ang aking mga mata at tinignan siya.
"W-wala.." pagsisinungaling ko at tinuon na lang ang tingin sa daan.
Sa mall kami nakarating. Ilang oras kaming nag-ikot ikot. Ayoko sanang tanggapin ang binili niyang gown para sa akin pero matigas ang ulo niya. Kung ako lang ay hindi ko sasayangin ang libo-libong salapi para sa isang beses lang na event. He's so stupid.
"Babayaran ko 'to," ani ko sa kaya nang naglalakad-lakad na lang kami sa park sa likod.
Alas-syete na ng gabi kaya't madilim na rin at bukas na ang mga lampposts. Malamig ang hangin kaya't nakayakap ako sa aking sarili.
"That's my gift, Reyes," utas niya at tinignan ako. Nagtama ang tingin namin kaya't nakita ko ang pagkinang ng kulay-tsokolate niyang mga mata.
When he's near, I don't feel the cold at all...
Napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin para tawirin ang distansya sa pagitan namin.
"Why?" mahinang utas niya na sapat lang upang marinig ko. Walang gaanong tao sa parteng ito ng park dahil nga gabi na. Hindi rin kami dumaan sa footpath dahil mas masarap ang hangin sa mga damuhan.
Kinakabahan ako. Sobrang lakas ngayon ng kabog ng dibdib ko.
"D-don't kiss me again," halos hindi ko na marinig ang aking sarili. Nakatakip ang isang palad ko sa aking bibig habang nakaiwas ng tingin sa kanya.
Dumaan ang isang nakabibinging-katahimikan.
"I won't..." bulong niya ilang sandali kaya't nakaya kong salubungin ang kanyang nakakanginig tuhod na titig.
Para akong natutunaw sa klase ng kanyang tingin...shit!
Napahugot ako ng malalim na hininga ng isandal niya ako sa trunk ng pine tree na nasa likuran ko lang pala. Nag-iinit ang mukha ko at alam kong nakikita niya iyon. Nakakainis, bakit ang lakas ng epekto niya sa akin?
"You look so beautiful under the moon," mabagal na utas niya habang malamlam ang tingin sa akin.
"P-Pinati-trip-an mo ba k-ko?" halos hindi ko na kayang magsalita sa sobrang kaba. Gusto kong murahin ang sarili dahil paano niya ako nadadala sa mga salita niya?
Alam ko kung paano nagiging tanga ang mga babae dahil iyon din ang isinusulat ko sa aking kwento pero bakit tila nararanasan ko na ito?
I saw amusement in his brown eyes. "Bakit naman kita pagti-tripan?" nakataas ang isang kilay na utas niya.
Ibinaba ko ang palad kong nangawit na sa kakatakip sa labi ko.
"Imposibleng magustuhan mo ko," utas ko at nagbaba ng tingin.
"Damn. How can you still not remember me, Jakirah?" paos na utas niya habang itinataas ang baba ko. Nagsalubong ang tingin namin kaya't naguguluhan ko siyang tinignan.
Mapait siyang ngumiti. "I love to own every inch of you...even before.." bulong niya at dahan-dahang hinalikan ang aking noo. Matagal ang halik na iyon at ramdam na ramdam ko ang sincerity niya. Gusto kong maiyak. How can be this man...be my step-brother?
"Jakirah, hear me," utas niya at muling hinuli ang mga mata ko.
Naguguluhan ako sa nangyayari pero sinalubong ko pa rin ang kulay-tsokolate niyang mga mata. Damn, he's so handsome..
"I'll court you. I'll do everything...everything to make you mine." determinadong utas niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top