chaser

(unedited)

-

Kabanata 19

chaser


Mabagal ang pagpapatakbo niya sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yun o hindi.


"Kung ganyan ka magda-drive, pagdating natin do'n tapos na ang party," utas ko sa kanya ng di na ko nakatiis.

Sinulyapan niya ako habang nakanguso siya. "Well, that's better then," bulong niya na kinasalubong ng kilay ko.

"Kate will be mad at you," ani ko.

Napabuga siya ng hangin at tinukod ang kanyang kaliwang siko sa bintana.

"Let's go somewhere else, Ja?" utas niya sa akin at binigyan pa ako ng nagsusumamong tingin.

"H-huh?" di makapaniwalang utas ko. Teka, tama ba ang rinig ko? He just called me "Ja"?


"I don't want them to see you--" Binato ko siya ng masamang tingin kaya napatigil siya. Muli siyang bumuntong hininga.

"Fine. You'll have my coat later," nakangisi na uling utas niya kaya napailing-iling ako. Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. He's acting like my...

Pinilig ko ang aking ulo at tinuon na lang ang tingin sa madilim na daan.

"You look beautiful in white, by the way," bulalas niya na nagpaubo sa akin.

Marahas ko siyang nilingon ulit.

"Stop doing that," inis na utas ko at inirapan siya.

"Stop doing what?" in-emphasize niya pala talaga iyon. 

"Complimenting me...it's..not so you," utas ko at nag iwas ng tingin.

"Talaga. Hindi naman talaga ako ganoon," sang ayun niya sa akin kaya napaangat uli ako ng tingin sa kanya. He's weird!


"Eh bakit mo ginagawa?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"Kasi it's you...?" nakataas din ang isang kilay na sagot nya. Nag init ang mukha ko at inirapan na lang uli siya. Hindi ko talaga alam kung pinagti-trip-an niya lang ba ko or what!


Sa wakas ay nakarating na kami sa bahay nina Kate. Hindi ko  maiwasang mamangha habang pinagmamasdan ang mga white flowers na naka-hang sa mga hanging plants sa paligid. Maging sa may footpath ay may mga naka-scatter na malilit na white flowers. Nakabukas ang mga lampposts sa mga gilid at kitang-kita ko ang enggrandeng stage. Gusto ni Kate na garden theme ang kanyang 18th birthday. Sobrang ganda dahil bumigay ang white theme color niya sa kanilang garden. Sa di kalayuan ay may nakita akong gazebo habang sa harapan ay may fountain na agad pansin. Ang ganda-ganda rin ng bahay nina Kate.


Nakalagay na ang mga pagkain sa tatlong mahahabang table sa may gilid. Maging ang gma table and chairs ay nakaayos na.

"Anong time start ng party?" tanong ko kay Red.

"7pm," tamad na sagot niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siyang nakatayo lang doon habang bagsak ang kanyang mga balikat.

"Why are you looking at me like that? I look like a god right?" nakangising asar niya sa kin at nilapit pa ang kanyang gwapong mukha. Halos masilaw ako sa kagwapuhan niya ng gawin niya iyon. Nag init ang pisngi ko.

"Whatever," utas ko para pagtakpan ang tunay na nararamdaman.

"Damn they are looking at you.." inis na bulong niya na hindi ko naman narinig dahil tinawag ni Nadine ang pangalan ko. Masaya ko silang niyakap, maging si Kasey. The all look so beautiful!


"Hi, Red!" magkapanabay na bati nila sa nakabusangot na si Red.

"Why do you look like that?" ani Nadine kay Red na nagkibit balikat lang.

"JR!" Agad kong sinugod ng yakap si Tristan na gwapong-gwapo sa kanyang white suit! Bagay yung suit niya kay Kate for sure!

Niyakap ko rin si Cade na agad pinuri ang hitsura ko. Sunod kong nakita si Niccolo. Napaawang ang bibig ko ng makita siya at magsalubong ang tingin namin.

"You look cute," utas niya sa akin na naghatid ng init sa aking pisngi.

"T-thank you..ikaw rin," mahinang utas ko.

Akmang yayakapin ko siya ng unahan ako ni Red. Nagtatakang tinignan ko si Red.

"Wha the f, dude?" utas ni Cade ng makita si Red at Niccolo. Napahagalpak naman ng tawa ang girls maging si Tristan.

"Damn possessive," bulong ni Niccolo at tinulak si Red na nakatiim ang bagang. Saka ko lang napansin na ang dilim ng aura niya.

"Just stop it." puno ng awtoridad na bulong niya sa akin. Nanindig ang balahibo ko ng maramdaman ang kamay niya sa bukas kong likod. Parang may kung ano elementong naglalaro sa aking tiyan at maging sa likod kong naka-expose.


"If you won't, you'll pay for that.." Napakagat ako sa aking ibabang labi habang nag iinit ang aking mukha.

What the heck! he is making me blushed!


"Mag-s-start na!" pahayag ni Nadine kaya't humanap na kami ng upuan. 

"Ay yung gift pala." naalala ko dahil nakalimutan ko iyong ilagay sa may lagayan ng gifts. Alam kong pinapanood ako ni Red pero sinawalang bahala ko na lang iyon. Damn. I need a break! I feel so overwhelmed by him...and this feeling..I cannot control this!


Naglakad ako papunta sa mesa kung saan nakalagay lahat ng gifts ng mga bisita. Nakita ko na nasa stage na ang emcee at wini-welcome na ang mga bisita. Masasabi kong sobrang gaganda at gagawapo ng mga bisita ni Kate. May mga nakita pa ko na taga-Villa Academy pero ang alam ko kakaunti lang ang inimbitahan niya dahil gusto niyang puros kakilala at malapit lang sa kanya ang makakasaksi ng kanyang eighteenth birthday.


Nagpalakpakan ang lahat habang ako ay nilapag na roon ang gift ko. Simpleng apron iyon na may cute na design. Nakwento kasi sa akin ni Kate noon na mahilig siya mag-bake. Alam ko namang may apron sila sa bahay pero alam kong makakatulong din yung apron dahil mahilig siya sa mga cute na bagay.


Hindi ko napansin na may tao pala sa likuran ko kaya nabunggo ako sa kanyang matipunong katawan. Agad kong naamoy ang panglalaki niyang pabango.

"S-sorry.." hinging paumanhin ko kagaad at nag angat ng tingin.

Napaawang ang bibig ko ng makita kung gaano kagwapo ang Adonis na nasa harap ko. Matangkad ito at makinis ang balat. Maputi at sakto ang pagkakakapal ng kanyang kilay. Singkit ito at matangos ang ilong. Mapula rin ang kanyang labi. 

"No, I should be the one sorry," utas nito at ngumiti sa akin. Doon ko nakita ang paglubog ng kanyang dimples. Saka ko lang napansin na nakahawak pala siya sa siko ko ng mapakurap-kurap ako.

"Ah..okay lang. Sige una na ko." ani ko at akmang mauuna na ng pigilan niya ko.

"Wait, miss." Napatingin akong muli sa kanya.

"I'm Chaser," utas nito at nilahad ang kamay. Nagdadalawang isip pa ko kung tatanggapin iyon ngunit sa huli ay tinanggap ko na.

"Jakirah." utas ko.

Matagal bago niya pakawalan ang kamay ko. Kung hindi pa namin narinig ang maingay na music ay di ko pa maiisip na magpaalam. Hinatid niya ako ng tingin hanggang sa mawala ako sa dami ng tao.


Pagkabalik ko ay nakita kong nagkakasayahan na sila. Agad kong nasalubong ang matiim na tingin ni Red pero umupo na lang ako sa tabi ni Nadine at Kasey.

"Ayan na!" sabay sabay kaming napatingin sa may stage habang ipinapakilala ang birthday celebrant.

"Let's all welcome, our very sweet and most gorgeous birthday celebrant today, Miss Kate Angela Lee!" 


Napuno ng palakpakan at maingay na music ang buong garden. Hindi ko maiwasang mamangha habang dahan-dahang umaakyat si Kate suot-suot ang kanyang magandang puting gown.


Hindi ko maiwasang di sulyapan si Tristan na nakaawang ang bibig habang pumapalakpak. Napangiti ako.

Kate looks like a goddess.


Naputol lang ang pagkamangha ko ng biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa aking purse at tinignan kung sinong nag text.


Natigilan ako ng makita ang text ni Red.


From Red

What took you so long?


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top