bad
(unedited)
-
Kabanata 43
bad
Hindi ko maibuka ang bibig ko sa sobrang gulat sa sinabi niya. Nanginginig pa rin ang kamay ko at ramdam ko ang hapdi ng palad kong sinampal sa mukha niya. Pero mas ramdam ko ang pagguhit ng hapdi sa aking puso habang pinagmamasdan ang mukha niya.
Gusto ko na lang siyang takbuhan para maiwasiwas ko ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya.
No...don't...
Inayos niya ang pagkatagilid ng kanyang mukha at nginisihan ako. "Sorry..." malalim ang tinig na utas niya. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya.
Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. He looks like a wounded animal. Gusto ko siyang sunggaban ng yakap. Gusto kong mawala lahat ng lungkot at sakit na kanyang nararamdaman.
"I shouldn't have said that..." aniya at huminga nang malalim.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Tila may pinipigilan siyang sabihin. Tila kinokontrol niya ang pagbuka ng kanyang bibig.
"H-Hindi ka ba babalik?" utas ko nang dumaan na ang isang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"D-dito na lang muna ako," aniya nang hindi na tumingin sa akin. Naglakad siya papunta sa kanyang malambot na king-sized bed at umupo roon. Pinatong ang kanyang siko sa kanyang tuhod at sinapo ang noo.
"O-okay," napipilitang utas ko. Mukhang ayaw niya na ako na nandito. Siguro kailangan ko nang bumalik.
Pero bakit tila gusto kong manatili?
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi at pinilig ang ulo.
Naglakad na ako palabas ng kanyang kwarto. Ramdam ko ang kirot sa aking puso habang papalayo roon.
"Kamusta? Nabigay mo sa kanya?" masayang utas sa akin ni Ryzen nang makabalik na ako. Pilit kong sinuklian ang kanyang ngiti at kiming tumango.
"You don't look happy though..." usisa niya at pinagtaasan ako ng isang kilay.
Hindi ko na lang siya tinugon at hinayaang aliwin ang sarili sa mga maingay na tugtog at kwentuhan sa aming mesa. Natatamaan na rin ako ng alak dahil panay ang bigay sa akin ni Nadine at Cade. Eto talagang dalawang ito...
Napansin kong nawala na si Yumirah sa aming table pagkabalik ko. Marahil ay pinuntahan na rin si Red. Mapait akong ngumiti sa kinukwento sa aking nakakatawa ni Kate kahit na lumilipad ang aking isip. Tinuon ko ang tingin sa alak na nasa harapan at tinungga iyon.
Tonight, he didn't beg me anything.
Well, I should be happy.
"Hinay-hinay, Jakirah," narinig ko ang malamig na tinig ni Niccolo. Tumawa ang katabi kong si Ryzen. "Just let her," ani Ryzen at ngumisi.
Hindi ko na lang sila pinansin. Habang lumalalim ang gabi ay mas nalalasing na ako. Hindi ko na muli pang nakita si Red o kaya si Mr. Villamor.
"Jakirah, I forgot...may kakausapin pala ako," ani Ryzen at nginiwian ako habang nakatunghay sa screen ng kanyang cellphone.
"Oh, okay!" utas ko at nginitian siya. Alam kong tipsy na ako.
"Where the heck is Red!?" narinig kong utas ni Nadine at luminga linga sa paligid.
"Just let him.." ani Kate.
Maingay sina Cade at Tristan habang paalis si Ryzen. Nagpaalam na siya sa lahat.
"See you, bro," ani Ryzen sa The Curse.
Hindi ko na malaman ang mga nangyayari dahil sa kalasingan. Tila umiikot ang mundong ginagalawan ko.
"Hey Jaki..." ani Kasey, malambing ang tinig.
Finocus ko ang tingin sa kanya at nakita ang masuyong ngiti sa kanyang labi.
"Let's dance with others..." aya niya sa akin.
Nauna itong tumayo, sumunod sina Naddie at Kate.
Ha?
"Shit! Come back here, Kasey!" iritang utas ni Niccolo, madilim ang mukha habang pinagmamasdan si Kasey na namumungay na ang mga mata.
Hindi ito pinansin ni Kasey.
"Let's go Jaki.." aya niya pa kaya nagpatianod na lang din ako.
Party music ang umaalingawngaw sa buong hall.
Hindi ko maiwasang mawala sa ritmo ng musika at napapaindak ako roon.
Marami ng tao ang nasa gitna ng hall at nakiki-party at dahil na rin sa espiritu ng alak ay nawala ang kahit na anong hiya sa aking katawan.
I just want to enjoy the night.
Naririnig ko ang mga hiyawan nina Cade at Naddie. Si Tristan ay nakikisabay na rin sa mukha habang kayakap si Kate. Si Niccolo ay frustrated na hinihila palayo roon si Kasey na nakikipagsayaw sa isang lalaking bisita rin.
Napahalakhak ako. Damn. I don't even know why I am laughing...
Naalala kong bigla ang ekspresyon ng mukha ni Red kanina. No, I am wrong.
He did change. And I saw that right in front of my eyes.
And damn it hurts.
Para akong tanga, noong una gusto ko na iwan niya ako at maghanap ng iba. Tapos ngayon mayroon na, gusto kong maibalik sa akin ang atensyon niya.
Napayuko ako habang nararamdaman ang sakit na bumalatay sa aking puso.
Gusto kong maiyak ngayon kahit na upbeat ang music.
Ngunit ang tangi ko na lang nagawa ay sumayaw at tuluyang iwala ang sarili.
Kahit ngayong gabi lang.
"Damn it." Natigilan ako sa pag-indak ng may malalakas na kamay ang humila sa akin kasabay nuon ang pagtaklob ng kung ano sa mukha ko.
What?
Malakas ang kanyang mga kamay at mabibilis ang kanyang hakbang kaya't tila ako kinakaladkad palayo sa masayang party.
"W-wait!" ani ko ngunit hindi man lang niya ako pinakinggan.
Hindi ko makita ang daan dahil sa nakataklob na cloth sa mukha at ulo ko ngunti dahil hawak niya ang baywang ko ay nalalaman ko ang direksyon namin.
Alam kong nakalayo na kami.
Umakyat kami sa may hagdan at naglakad ulit. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka niya lang tinanggal ang cloth sa mukha ko. Agad kong nabungaran ang gwapong mukha ni Red.
Muntik na akong magka-heart attack sa bilis ng mga pangyayari lalo na nang bigla niyang sakupin ang nakaawang kong labi.
Nag-init ang pisngi ko ng maisip na baka malasahan niya ang iba't ibang alak na ininom ko.
He's so gentle. Natutunaw ang puso ko.
Saglit siyang tumitigil sa halik para pagbigyan akong makasagap ng hangin at sasakupin ulit ito.
What the heck, Jakirah!?
Sobrang init ng pisngi ko nang tuluyan niyang ilayo ng kaunti ang kanyang mukha sa akin. Nakapatong pa rin ang cloth sa may ulo ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ang pagpungay ng mga mata niyang nakatingin sa akin.
"D-Did I hurt you?" banayad ang tinig na tanong niya. Naramdaman ko ang paghaplos ng kanyang thumb sa kanang pisngi ko. Nakikiliti ako.
Nagbaba ako ng tingin. God, I love him so much...kahit na ilang beses ko na siyang nasaktan, ako pa rin ang iniisip niya. Ako ang ilang beses na siyang sinaktan pero bakit ako ang tinatanong niya niyan?
Nag init ang gilid ng mga mata ko.
"She's nothing...I wished you were my muse tonight," aniya at inangat ang baba ko upang mapunta muli sa kanya ang aking tingin.
He knew me too well. My heart is aching.
Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang white v-neck shirt. Nagpalit na siya ng damit.
"Thank you for handing me this gift...and greeting me. A-akala ko..." hindi nito itinuloy ang sasabihin at kinagat ang ibabang labi.
Yeah, he changed.
Ngumiti ako at pinigilan ang sariling humilig sa kanyang dibdib. God knows how much I want to be with him.
"N-nagustuhan ko. That's the most special gift I've ever had..." aniya at pinakita sa akin ang regalo ko sa kanya. Isa iyong knitted bonnet. Kulay gray iyon at may nakasulat sa may ibaba.
Red
"Ikaw gumawa?" tanong niya habang nakasandal pa rin ako sa likod ng pinto.
Dahan-dahan akong tumango habang dinadapuan na ng hiya.
Nakita ko kung paano niya pinigilan ang kanyang ngisi at tumalikod sa akin. God, I love him so much.
"Thank you..." paos ang tinig na utas niya at nagkamot sa batok.
Ilang sandali lang ay katahimikan ang sumalubong sa amin. Hindi ko na alam ang susunod na gagawin. Ayoko pang umalis ng kwarto niya. I feel secure. I feel safe.
Bukod doon ay naamoy ko siya rito. Buong kwarto niya ay nandito ang pamilyar niyang amoy.
Sabay kaming napatingin sa may bintana ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad kong naalala sina Cade at ang mga kaibigan kong naiwan sa may ibaba. Feeling ko ay nag-aalala na sila sa akin.
"You're drunk?" utas niya pagkakuwan at tinignan ako.
Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango though medyo nabawasan ang lasing ko ng halikan niya ako.
Nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya't nag-init ang pisngi ko.
"You can sleep here." utas niya na kinatigil ko. Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kanya.
Nakita ko ang pagkagulat na rumehistro rin sa mukha niya dahil sa sinabi at nag-iwas ng tingin.
"W-wala naman akong gagawin...I just don't want anyone to fetch you...and pag ako naman yung naghatid sa 'yo, baka may makakita sa atin..." utas niya nang di makatingin sa akin.
Doon ko lang napagtanto kung bakit niya ako tinakluban ng clothing sa mukha. It's because ayaw niya akong madawit sa kahit anong issue since makapangyarihan ang pamilya nila. Marami nga palang reporters na paggala-gala sa kanila.
"O-Okay..." payag ko habang iniwas din ang tingin sa kanya. Nakakahiya!
Nakita ko kung paanong marahas siyang napalingon sa akin. Nakaawang din ang bibig niya habang nakatingin sa akin.
"You can sleep in my bed. Sa couch na lang ako," aniya at agad pinagpagan ang kama niya. Nag init ang pisngi ko dahil nakikita ko kung paano siya nag-e-effort wag ko lang masamain ang pagmamagandang loob niya.
Napangiti ako ng makita ang namumulang tainga niya.
What? Seriously!?
Tila may mga paru-parong nagwawala ngayon sa tiyan ko habang pinagmamasdan siyang ganyan. Damn, he's so cute.
Kumuha siya ng isang unan at akmang ilalagay iyon sa may couch ng magsalita ako.
"W-we can share..." ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ngunit inignora ko na lamang iyon. Napatigil siya at napamata sa akin.
"Huh?" nakamaang na utas niya.
"I-I mean, we did it before...so there's no harm..." ani ko kahit na umaalon sa kaba ang puso ko.
"You really don't know men, Jakirah..." aniya at umiling-iling.
"Ha?"
"I can't assure you there won't be no harm tonight...you just look so beautiful in white," malalim ang tinig na utas niya at nginisihan ako na nagpatindig ng aking balahibo.
Just for tonight.
Paulit-ulit ko iyong tinitimo sa utak ko habang nagsha-shower ako sa CR ni Red. Naghahanda na kami na matulog. Hindi ko maiwasang tignan ang mga nakalagay sa kanyang CR. Lahat ng mga ginagamit niya ay nandoon. Pati rito ay nanunuot ang kanyang bango!
Nag-init ang pisngi ko ng makita ang toothbrush niya.
At ang bath-tub at ang shower...
dito siya naliligo...at...
Agad kong pinilig ang aking ulo para hindi na umabot sa kung saang dimension ang utak ko. This isn't right! He's mu brother for Pete's sake!
Nang maalala iyon ay nakaramdam ako ng lungkot.
Pinahiram niya ako ng robe at ng maisusuot ko.
Isang white v-neck shirt iyon. Wala siyang shorts na kasya sa akin, buti na lang at may cycling ako sa ilalim ng suot kong dress.
Nag-init ang pisngi ko ng makita ang hitsura ko. Dahil malaki ang t-shirt ni Red ay hanggang gitna iyon ng aking legs. Natatabunan nito ang aking cycling shorts. Mukha tuloy akong walang pang-ibaba...
Shit!
Paglabas ko ng banyo ay mabilis ang kabog ng dibdib ko. Agad nagtama ang tingin namin ni Red nakita ko kung paano bumaba ang tingin niya mula ulo hanggang paa.
Nag-iwas siya ng tingin at tinutok ang atensyon sa laptop niya.
Nakahinga ako nang maluwag.
Umuga ang kama ng umupo ako kaya't nakita ko kung paano siya tumayo at lumipat sa couch. Ha?
Galit ba siya?
Ilang minuto na ang lumipas at nakatutok lang siya roon sa kanyang laptop. Mukhang busy naman siya kaya humiga na ako at naisipang i-text si tita at ang ang mga kaibigan ko.
Kapag nalaman ni tita na rito ako kina Red matutulog ay tiyak for real na ang war sa pagitan namin kaya't nagsinungaling ako at ginawang alibi sina Kate.
I feel guilty and selfish but this is just for tonight...
I want to be with him...
Nilapag ko ang aking phone at pinagmasdan siya roon. Mukhang wala siyang balak na pagtuonan ako ng pansin. Bakit ang cold niya bigla?
Napanguso ako at napabuntong hininga. Hindi ako makatulog dahil iniisip ko kung bakit ganyan si Red...
"Red..." untag ko ng tumayo at lapitan siya sa may couch dun. Napaigtad siya at muntikan pang malaglag ang laptop niya.
Napaangat siya ng tingin sa akin habang ako sinilip ang ginagawa niya.
Naglalaro siya ng Solitaire!
Akala ko pa man din busy...
"Di ka pa inaantok?" aniya at sinara ang laptop at nag iwas ng tingin.
"Iniiwasan mo ba ako?" nagtatakang utas ko dahil bigla siyang tumayo at akmang aalis.
"Kung ayaw mo ko rito kaya ko naman umuwi..." ani ko dahil nasasaktan ako sa ginagawa niya.
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Fuck." malutong na mura niya bago ako hapitin sa baywang ko at malasing sa halik niya.
what the heck....
Naramdaman ko kaagad ang paghaplos ng kamay niya sa likod ko. Pinaghalo ang amoy namin dahil sa ginamit ko ang ginagamit niyang shower gel.
"You smell so much like me.." mababa ang tinig na utas niya sa pagitan ng kanyang mga halik. Nag-init ang pisngi ko ng inangat niya ako para mayakap ko ang dalawang binti ko sa kanya.
Ramdam ko na agad siya.
"This is really bad.." nahihirapang utas niya ng maingat akong ihiga sa kanyang kama.
"So bad..." aniya at tinitigan ako sa mga mata.
Kitang kita ko ang pag-dark ng kanyang kulay tsokolateng mga mata.
"I love you so much..and damn...I want to explore ever inch of you," utas niya na kinainit ng pisngi ko.
///
ooppssssss, not a "SPG" right? hehe! peace
just few chapters before the ending wooot
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top