5. Practice
Gusto ko lang naman ng landi, pero bakit ako bibigyan ng anghit?
"Are you freaking serious right now?"
I was pinching my nose so hard because the boys' locker smelled like feet and armpits!
Sulley was trying his best to smile at me, but his brows and eyes couldn't participate with his lips. "We perspire."
"Don't use perspire sa ganitong amoy, please." Inilabas ko agad ang body spray ko at nag-spray sa nilalakaran namin. "Paano kita lalandiin dito kung nakakahimatay ang amoy rito?!"
"Hahaha! Do you have a plan?" He was laughing as he turned his head in my direction.
"Bakit parang go ka?" nagdududang tanong ko.
"Hahaha! I'm just asking! Curious lang."
Pumasok kami sa dulo ng locker room. Parang simpleng classroom lang din, mas marami lang equipment sa loob. May gym equipment. Metal racks for the basketball stuff. May mahabang upuan sa gitna. The lockers had their locks. Maliit lang naman ang per locker. Sulley found an empty one. Walang lock kaya mabilis na nabuksan. May laman sa loob, mga basurang papel na mabilis din niyang inilabas at ibinagsak sa trash can na kinuha niya sa ibaba lang namin.
That locker was on the third layer from the bottom. Kapantay ng dibdib ko ang taas.
"Malawak naman 'to sa loob. Mukha lang maliit, pero marami kang malalagay rito," paliwanag ni Sulley. "Magdala ka na lang ng sarili mong lock. Wala namang mangunguha ng gamit rito, pero maloko kasi sila. Baka lagyan nila ng daga 'tong locker mo."
"Bruh!" Nandiri agad ako sa sinabi niya. "Humahawak kayo ng daga? Come on."
"Hahahaha! You can never tell."
Sirang-sira na ang steamy romance idea ko sa locker room kasi napakabaho sa loob! Am I supposed to stay there after practice? Tsk! Hate it.
After namin sa locker room, dinala ako ni Sulley sa shower area ng campus. Katabi lang 'yon ng swimming pool kaya sure nang maghahati ang swimmers at players sa shower every practice. Bukas ang shower area at frosted glass lang ang pinaka-wall divider. As far as I know, kaya open 'to at frosted glass ang divider per stall ay para maiwasan ang kung anong lascivious stuff sa shower area.
May kausap si Coach sa labas ng gym pagbalik namin sa court. All members of the team, nagpapahinga sa courtside pagbalik namin ni Sulley. Nakita ko agad ang matangkad na taga-sa amin na wala kanina pagdating ko. Ang dami nila. More than ten siguro silang nandoon sa court.
"Guys! Intro muna." Inakbayan ako ni Sulley.
Pinigil kong ngumiti at kiligin pero hindi talaga kinaya. Para akong timang na pakibit-kibit at pangiti-ngiti habang tina-tap niya ang kanto ng balikat ko.
"This is Messiah," Sulley added. "I know, pang-volleyball team ang attitude niya, pero nakita n'yo naman ang tryout niya."
"Hi, guys," I said, giving them a small hand wave.
"Bakla ka?" tanong ng isang player sa akin na umakbay sa isa pang katabi niya.
"What about it?" I sarcastically asked.
"Sino pinakaguwapo sa 'min?" tanong niya at itinuro pa silang lahat?
I cringed at him. "Not because someone is gay, ibig sabihin din, guwapo na kayong lahat sa paningin niya," sarcastic na paliwanag ko. "And for the record, I fuck girls too. So don't ask me that stupid question kung sino ang pinakaguwapo sa inyo. I'm not here to boost your egos, bitches—"
"Um-hmm."
I cut my words when Sulley ran his hands softly from my forehead down to my whole face. It only touched a few parts of my face, just enough to stop me from talking.
"Don't ask such questions, JM. Anyway, Messiah's a he. Walang problema sa misgendering."
"Nice mo naman, Cap," buyo ng isa. "Di bagay, hahaha!"
"Shut up," kontra agad ni Sulley. "Moving on. Hindi ko alam kung pasasalangin si Messiah sa game, pero huwag muna tayong mag-expect. Again, no bullying. May second warning na tayo, isa lang, pare-pareho tayong hindi makaka-graduate."
Wala sana akong balak mag-dive sa basketball team stuff, but that piqued my curiosity.
Sulley said baka hindi raw ako palaruin ni Coach kasi baka salimpusa lang ako. After all, buo naman na talaga ang basketball team, si Daddy Jed lang talaga ang nagpupumilit isali ako rito.
But I guess Daddy Jed really wanted to see me play kasi chill pa 'kong nagsa-sound trip sa courtside nang tawagin ako ni Coach.
"Psst! Pasok!"
Napahinto tuloy ako sa pagsa-sound trip at nag-pause ng playlist. "Coach?"
"DALI NA! DOUBLE-TIME!"
Nag-rush akong tumayo at ibinalik sa bag ang phone at BT earphone ko para sumali sa practice.
Wala akong idea sa lineup. Hindi ko alam kung ano'ng position ko pagpasok sa court.
Pagtapak ko sa loob ng line, ipinasa agad sa akin ang bola.
"Fast break!" sigaw ng isang player na naka-black sando.
I dribbled the ball as I ran toward the ring. Ni hindi ko alam kung sino ang ka-team ko at sino ang hindi.
I stopped midway and dribbled, defending the ball. "Who's my team?!" I yelled.
A guy in a red shirt raised his hand, ipinasa ko agad sa kanya ang bola. He did a fadeaway but failed to shoot the ball in the ring. May nag-rebound na hindi ko alam kung kabilang team ba, but when everyone ran to the opposite side of the court, sure nang sa kabilang team na ang bola.
I accepted that I didn't pay attention kaya hindi ko kilala kung sino ang mga ka-team ko. Kanina pa sila naglalaro at inuna ko pang mag-soundtrip kaysa panoorin sila, so tinanggap ko nang kasalanan ko 'yon.
Wala akong oras para magtanong, so when I studied everyone's position, nakilala ko na agad kung sino ang ka-team ko at sino ang hindi.
Naka-shoot ang kalabang team. Pagbalik sa amin ng bola, the guy in the blue jersey held the ball. Lumipat kami ng side ng court. A player was guarding me, but he was paying attention sa naka-jersey na may hawak ng bola.
He passed the ball sa isang naka-red shirt. He dribbled and did a behind-the-back move. Nang muntik nang maagaw, ipinasa niya sa isa pa at ipinasang bigla sa akin.
The one guarding me almost took the ball from my hand, pero nag-crossover agad ako, and I took a step back exactly on the three-point line. I jumped and shot the ball. The one guarding me attempted to block it, but he didn't reach the ball after I released it in the air.
The ball landed ringless kaya paglapag ng mga paa ko sa court, nag-hair flip agad ako at tinarayan silang lahat.
Bumalik sa kalabang team ang bola, and this time, nakadepensa na agad kami ng mga ka-team ko.
Hawak na ng naka-guard sa akin ang bola at hinahabol ko siya. I ran faster and instantly blocked his path with my arms wide. He tried side-stepping me, but that shit was an easy steal. Ipapasa sana niya ang bola sa ka-team niya pero tinapik ko agad at nakuha ng ka-team ko. Tumakbo na naman kami sa court namin and one of my teammates scored for a lay-up.
Hindi ko na napansin kung gaano katagal akong nasa laro. Pagpito ni Coach, huminto na rin kaming lahat at lumapit sa kanya.
Pare-pareho kaming hinihingal at pawisan after ng practice game.
"Paano mo nalamang ka-team mo kami?" tanong ng player na madalas magpasa sa akin ng bola kanina. Lumapit pa siya sa 'kin at sinabayan ako sa paglakad.
"It's easy to spot all of you."
"Oooh, nice. For a first-timer na sumali sa play, ang bilis ng pickup mo."
"As I should."
Paglapit naming lahat kay Coach, nakatutok na naman ang tingin niya sa 'kin. Wala naman siyang sinabi, nakatingin lang siya.
"Ado, footwork. Mga jab step mo, palyado," sermon ni Coach sa Ado na 'yon pero sa akin pa rin siya nakatingin.
"Copy, Coach!" sagot ng nasa kaliwang side ko lang.
"Gomez, ang mga screen mo, madaling malusutan." He was still looking at me. What the fuck is his problem?
"Ayusin ko next game, Coach!" that Gomez answered.
"Hernandez, nagdadamot ka na naman sa bola. Makukutusan na talaga kita."
"Sorry, Coach."
Gandang-ganda ba sa 'kin si Coach at di niya maalis ang tingin niya sa 'kin?
Hindi ko siya type! Ayoko sa kalbo!
"One-hour break. Huddle after that."
"Yes, Coach!" everyone responded.
Umalis na rin si Coach after niyang manermon.
Hindi kasama sa game sina Sulley dahil naglilinis sila ng mga bola. Pero paglapit ko sa kanya, ang tamis na ng ngiti niya sa 'kin.
"Good game, Messiah!" Nag-alok pa siya ng high five na sinagot ko naman.
Pag-upo ko sa tabi niya, saka lang ako nakabawi ng hininga. Naghubad agad ako ng T-shirt at ipinunas 'yon sa mukha kong pawis na pawis.
"Ang bilis ng pickup mo," sabi ni Sulley. "Akala ni Coach, mahihirapan kang maka-adapt sa rotation. Hindi ka raw nanonood ng laro bago ka pinasalang."
"Sabi mo kasi bangko lang ako, so nag-expect akong bangko lang ako."
"Hahahaha! Sorry na. Akala ko kasi bangko ka lang talaga, e." Patawa-tawa pa siya nang kuskusing mabuti ng basahan ang bolang hawak.
Naghahabol pa ako ng hangin nang may sumigaw na babae sa entrance ng gym.
"Empiiii!" Pare-pareho tuloy kaming tumingin sa entrance.
"I'm sweating like shit!" malakas na sabi ko nang makita ko sina Jella at Thea na naglalakad papalapit sa courtside kung nasaan kami nakatambay.
"Hi, bebe ko!" tawag ng isa sa nakasalampak sa court.
I assumed that was for Jella, and she confirmed that after she saluted with her middle finger.
"Sungit naman ng bebe ko na 'yan."
Napatingin ako sa kaninang nagguwardiya sa 'kin sa game.
Mukha talaga silang mid lahat sa paningin ko. Wala talagang guwapo rito sa team.
"Break n'yo ba?" tanong ni Jella paglapit.
"Yeah, one hour," sagot ko. "Saan si Peb?"
"Tulog pa."
"Hoy, gaga, wala kang pasok, nandito ka?" sermon ko kay Thea.
"Eee, na-miss kita, e!" kinikilig na sabi ni Thea kaya sumimangot ako.
"Tse! Imbes na matulog na lang, talagang gumala pa!"
Sabay silang naupo sa katabing upuan ko. Si Jella sanay na 'to sa court dahil madalas din ang practice nila ng PEP squad dito. Si Thea lang ang hindi ko alam kung bakit nandito pa samantalang wala naman kaming pasok ng Saturday.
"Nood kami ng game mo, ha?" sabi pa ni Thea. "Magtsi-cheer kami ni Jella!"
"Star player 'yarn?" sarcastic na sagot ko. Pag-irap ko, napahinto ang tingin ko kina Sulley na patawa-tawa na lang. But other than him, nangunot bigla ang noo ko sa matangkad na player ng team na kapitbahay namin.
Nakanganga talaga siya habang nakatitig kina Jella.
Don't tell me, crush nito si Jella?
Aba! Good luck sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top