Chapter 21
THIRD PERSON
"45. 46. 47. 48. 49. 50. 51. 52. 53. 54. 55. 56. 57."
"D*mn!" Mura ng isang lalaki nang tuluyan nang mawalan ng lakas ang kaniyang braso sa pagpupull-up.
"H'wag mo naman masiyadong sagarin ang sarili mo. Hindi nakukuha sa minsanang training ang pagiging professional." Pahayag ng kasama niyang lalaki habang naka-krus ang mga brasong pinagmamasdan ang kaniyang kausap.
"Matagal na 'kong professional sa mga ganitong bagay, Coach Leo." Nagmamayabang na sagot niya tiyaka muling itinuloy ang pagpupull-up matapos magpahinga ng ilang mga segundo lamang. Napailing na lamang si Coach Leo bago naupo tiyaka pinagmasdan ang ginagawang pagpupursigi ng kaniyang kasama.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, Zane?" Pag-iba sa usapan ni Coach Leo. Hindi sumagot si Zane ngunit mababakas sa kaniyang mukha ang pagka-seryoso. "Alam mo kung ano ang bagay na nakasalalay sa gagawin mo." Patuloy ni Coach Leo na tila ba isang babala ang nais niyang ipahiwatig sa kausap.
Tumigil si Zane sa kaniyang ginagawa tiyaka kinuha ang towel matapos ay naupo sa tabi ni Coach Leo paharap sa malawak na pool ng private villa kung nasaan sila. "It's been decided, coach."
"Dahil ba sa kaniya?" Tanong ni Coach Leo't sinulyapan ang kausap. Hindi kaagad nakasagot ang binata dahilan ng tipid na mapangisi ang kaniyang Coach. Marahil alam na niya ang sagot sa tanong niya. Kilala niya si Zane, at alam niya ang takbo ng utak ng binata. "Tingin ko, hindi na talaga kita mapipigilan. Lalo na't mahirap kung pag-ibig na ang usapan. Mukhang iba nga talaga ang epekto sa 'yo ng pangingibang-bansa mo ah." Biro niya.
"Zane!!!" Naagaw ang atensyon nila dahil sa isang lalaking patakbong papalapit sa kinauupuan nila. Napahawak siya sa kaniyang tuhod habang abot ang kaniyang paghinga nang makalapit ito.
"Oh, anong nangyari? May problema ba?" Nakakunot ang noong tanong ni Coach Leo sa kaniya.
"S-si, N-nat---"
"G*go, Andrei. Huminga ka nga muna. Hitsura mo, para kang asong ulol." Inis na mura ni Zane sa kaniya. Inayos ni Andrei ang kaniyang tayo tiyaka huminga ng malalim matapos ay ipinakita niya kay Zane ang screen ng kaniyang phone kung saan makikita ang candid na larawan ng isang dalaga.
"Nathalia??" Nakakunot ang noo, at tila hindi makapaniwalang tugon ni Zane.
"Sinabi ko na kasi sa 'yo, susundan at susundan ka niya rito sa Pilipinas. Pati si Dwight nadawit sa kalokohan mo dahil ang alam ng pinsan mo magkasama kayo."
Napatingin sila kay Coach Leo na mahinang natawa.
"Anong nakakatawa, Coach Leo?" Nayayamot na tanong ni Zane. Tumayo si Coach Leo tiyaka tiningnan ang oras mula sa suot niyang wrist watch.
"Ihanda ni'yo na ang sarili ni'yo, malapit ng dumating ang Royal Queen." Sagot niya dala ang isang mapaglarong ngiti tiyaka naglakad paalis.
"T-teka, alam ni Coach na ngayon ang uwi ni Nathalia?" Hindi makapaniwalang tanong ni Andrei.
"Hindi pa ba obvious, g*go? Magbabalita ka na nga lang kasi, late pa."
"Aba't ako pa ngayon ang may kasalanan?"
"Then who's there to blame?
"Sabi ko nga kasi kasalanan ko." Nakangusong pag-suko ni Andrei.
Kaagad na sumalubong si Coach Leo sa kotseng parating. Mula sa driver's seat lumabas ang isang lalaki na nakasauot ng formal suit, at mula sa passenger's seat naman sunod na lumabas ang isang babaeng nakasuot ng itim na short fitted dress at mataas na heels.
"Ikinagagalak ko ang pagdating ninyo Royal Queen at Royal Chief. Isang malaking karangalan ang----"
"Tss!" Napatingin ang Royal Chief at si Coach Leo sa Royal Queen na nakataas ang kilay habang ang kaniyang tingin ay nakatuon sa direksiyon kung nasaan sina Zane at Andrei.
"Drop the formality, Coach Leo." Tipid na ngiting sagot ng Royal Chief nang muli niyang ibinalik ang atensyon sa Coach.
"STANFORD!!!!" Halos mapatakip sila ng tainga dahil sa lakas ng boses ng Royal Queen nang lapitan niya ang dalawa na akmang patayo na para tumakbo.
Magkakasunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid ngunit hindi man lang nila ito inabala. "Mukhang biglaan yata ang pagdating ni Nathalia." Komento ni Coach Leo nang pagmasdan ang tatlo.
"Teka Nathalia! Ano bang kasalanan ko?! Teka lang---aray!!!!"
"Tinatanong mo pa kung anong kasalanan mo?!! GUSTO MO BANG PASABUGIN KO 'YANG ULO MO AT NANG MALAMAN MO ANG SAGOT SA TANONG MO?!! HUH?!!"
"She's after that vagabond kid. Tss." Pailing na sagot ng Royal Chief dahilan nang mapangisi si Coach Leo.
"Parang kailan lang noong maliit pa si Zane at laging tinatamad sa training. Wala man lang siyang planong lumabas sa kwarto niya noon. Hindi ko nga akalain na magiging kasing-husay ni'yo rin siya." Papuri ni Coach Leo dahilan nang mapatingin sa kaniya ang Royal Chief.
"May dapat ba 'kong malaman, Coach Leo?" Tanong niya nang mapansin na para bang may gustong ipahiwatig ang Coach sa kaniyang sinabi. Tumingin si Coach Leo sa kaniya nang hindi man lang napapawi ang mga ngisi sa kaniyang labi.
"Dumating na ang hinihintay ni'yo, Tyler... Ang pagbabalik ni Zane sa Serpent Society bilang Royal Knight."
"He's coming back?"
"Tama. At buong-buo na ang desisyon niya."
Napatingin si Tyler sa kaniyang pinsan na si Zane habang patuloy parin ito sa pag-takbo para iwasan ang putok ng baril. Napahalukipkip na lamang si Tyler.
Anong pumasok sa isip ng lalaking 'to at naisipang seryosohin ang posisyon niya sa Serpent? If this is what they call growth, I think it doesn't fit Zane well. Ang bagay na nasa kaniyang isip.
Korbin's Hideout
THIRD PERSON
"Boss, may balita po mula sa Dark Thorn Gang." Magalang na pahayag ng isang tagabantay mula sa labas ng pinto ng pribadong silid.
Hindi sumagot ang kanilang pinuno, sa halip ay kaagad na ang kaniyang kanang-kamay na nagngangalang Valeria ang siyang tumayo para puntahan ang tagabantay. Nang makalapit si Valeria, kaagad na sinabi ng isang lalaki ang balita sa kaniya matapos ay lumapit siya sa kanilang pinuno upang sabihin ang mensaheng katatanggap lamang.
"Tungkol po sa dark list ang balita, Boss." Magalang na panimula niya. Walang natanggap na sagot si Valeria kaya naman nagpatuloy siya sa pag-uulat. "Nasa kamay na po ng Serpent ang listahan, at nagbaba na ng opisyal na utos ang Serpent Commander para sa magaganap na annihilation." Patuloy niya nang mapansin ang pagkuyom ng kamay ng kanilang pinuno.
Ilang sandali lamang ay marahang bumukas ang pinto at mula roon pumasok ang isang lalaking nasa 40s ang edad suot ang lab coat. Isang general surgeon na nagngangalang Noel. Kaagad siyang tumungo nang makalapit sa harap ng kanilang pinuno bago iniabot ang kulay pulang sobre na naglalaman ng liham. "Isang sulat mula sa Aris Gang, Boss."
Si Valeria ang kumuha sa sobre. Kaagad naman niyang binuksan ito tiyaka tahimik na binasa ang nilalaman ng sulat.
"Nais po ng leader ng Aris na makipagkita sa inyo." Maikling paliwanag niya matapos basahin ang sulat ngunit katahimikan ang muling bumalot sa apat na sulok ng silid.
"Hindi magandang ideya na basta na lamang kayong magtitiwala ulit, Boss. Sampung bangkay na kasapi sa Dark Thorn Gang ang ipinadala ng Aris matapos nila tayong traydurin. Nangako sila na ipadadala nila ang mga bata rito sa hideout kapalit ng ipinangako nating pera, pero sa halip mga bangkay ng tauhan ng gang ang natanggap natin." Pahayag ni Doctor Noel kontra sa sulat.
"Sino ang nagsabing pinagkatiwalaan ko na ang Aris?" Walang emosyong tanong ng kanilang Boss. Ilang sandali lamang ay kinuha niya ang baril na naka-display sa ibabaw ng mesa tiyaka marahang hinaplos ang barrel niyon.
"A-anong ibig niyong sabihin, Boss? Inaasahan ni'yo ba na tataliwas ang Aris sa usapan?" Tanong ni Noel.
"Iba ang takbo ng utak ng Aris leader. Kung hindi ka marunong sumakay sa laro niya, parang ikaw na mismo ang naghukay ng sarili mong libingan." Ikinasa niya ang baril.
"Ihanda mo ang sasakyan, Valeria. Ayokong biguin ang isang kasapi sa angkan ng mga Stanford."
Serpent Headquarter
FRIZA GONZALES
"Ano pang natatandaan mo maliban sa suot niya?" Seyosong tanong ni Axcel habang naka-dekwatro sa harapan ko, hawak ang sketch pad at lapis niya.
"May suot siyang singsing...tapos.....tapos....."
Biglang bumukas ang pinto dahilan nang mapatingin kami ni Axcel doon. "Tapos ang gwapo ko." T*ng inang Creid, umagang-umaga.
"Luh, nananaginip na naman ng gising 'to. Mas gwapo ako, g*go." Sumunod si Nickolas. Mga t*ng inang nilalang, nakalimutan ko na 'yong sasabihin ko.
"G*go na gwapo." Bangay ni Creid sabay upo sa tabi ni Axcel tiyaka umakbay. Naka-mood yata siya ngayon. Tss! Balik pambababae malamang.
"Ano 'yan, Cel?" Curious naman na tanong ni Nick matapos kumuha ng in can na softdrink sa ref tiyaka tumabi sa kanan ni Axcel.
"Teka, ba't parang kilala ko 'to?" Kunot-noong tanong ni Creid tiyaka kinuha ang sketch pad na hawak ni Axcel. Napatingin ako sa kaniya at nagbabakasakaling kilala nga niya ang lalaking tinutukoy ko. Pinagmamasdan niya 'yon na para bang may kung anong inaalala. "He looks like the guy I encountered last week." Napakunot-noo ako.
"Nick, tingnan mo. Diba kamukha niya 'yong lalaking nakita natin sa mall?" Tanong niya sabay abot ng sketch pad kay Nick. Itinungga niya ang can bago seryosong pinagmasdan ang larawan.
"Uy, syete, oo nga." Hindi niya makapaniwalang sagot. Nagkatinginan kami ni Axcel.
"Kilala ni'yo ba? Anong pangalan?" Curious na tanong ko bago ibinalik ni Nick 'yong sketch pad kay Axcel.
"Hindi ko alam 'yong pangalan eh." Sagot ni Nickolas kaya naman napatingin kami ni Axcel kay Creid na isinandal ang likod sa sofa.
"I don't know too. Kita ko lang nagtitinda ng mga phone cases."
"G*go! / T*ng ina mo!" Sabay na mura namin sa kaniya ni Axcel. T*ng ina 999 times! Akala ko seryoso na.
"Why? Totoo naman kahit itanong mo pa kay Nick, kamukha talaga niya----"
"Manahamik ka na nga lang, Creid, t*ng ina ka talaga." Inis na mura ko sa kaniya nang akmang ihahagis ko na sana sa kaniya ang librong nasa tabi ko nang biglang bumukas ang pintuan. Napatingin kaming lahat kay Dhale. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya mula ulo hanggang paa. Anong mayro'n? Blooming na blooming yata siya.
"Mukhang iba yata ang porma natin ngayon ah?" Taas kilay kong tanong sa kaniya. Babae ako pero kung lalaki lang siguro ako matic ng makukuha niya ang atensyon ko.
"You're sexy and I love it~" Pagkanta ni Nick sa malanding boses habang si Axcel ay nakangisi at si Creid ay nanatiling tahimik lang, pero 'yong tingin niya kay Dhale, t*ng ina, 999 times! G*gong inlababo 'to.
"P-pinapatawag kayo ni Commander." Iwas tingin na sabi niya. Hindi ko alam kung ano pero tingin ko may kakaiba kay Dhale.
Tumayo si Nick sunod ay si Axcel. "Pwede ba tayong mag-usap sandali, Dhale?" Tanong ni Axcel. Pustahan, may naisip na naman na ka-gagohan ang lalaking 'to.
"You can say it here." Pagsawsaw ni Creid na ngayon ay seryoso na. Kita mo ang isang 'to ang laki talaga ng problema, kanina lang kung makangiti't makapan-trip akala mo nakailang babae siya kagabi. Tss!
"Alam mo Creid, may mga bagay kasi na hindi dapat sinasabi sa harap ng madaming tao...hindi ba, Dhale?" Sagot ni Axcel nang nakangisi sabay tingin kay Dhale na alanganing ngumiti tiyaka nag-iwas ng tingin.
"If you're going to talk about the organ trafficking case, you can talk about it here with her even along with our presence. I bet you don't even have a more personal matter with her to talk about aside from the case." Hindi rin halatang bwiset na ang g*gong Creid na 'to sa tono pa lang ng boses niya. Napatingin ako kay Nick na nakangisi't pailing-iling lang.
"Ayos lang ba sa 'yong mag-usap ng tayo lang dalawa, Dhale?" Tanong ni Axcel na hindi pinansin si Creid. G*go talaga.
"Hmm..." Hindi ko talaga maiwasang mapakunot-noo nang alanganing tumingin si Dhale kay Creid pero mabilis din naman siyang nag-iwas ng tingin. "L-let's talk in the discussion room." Sagot niya matapos ay kaagad din umalis. Ilang sandali lang ay tumayo si Creid pero mabilis siyang inunahan ni Axcel sa paglabas ng kwarto.
"F*ck" Pabulong na mura ni Creid na sapat na para marinig ko bago siya tuluyang lumabas.
"Hoy, Nick! Anong meron sa dalawa huh? Pati kay Dhale." Tanong ko sa kaniya na akmang aalis na. Tumigil siya tiyaka niya ako tiningnan ng nakangisi.
"Itanong mo sa inosenteng si Rix."
T*ng ina!
...
Habang naglalakad ako papunta sa meeting room ay nakasalubong ko si Jinno. "Pinapatawag ng Royal Commander ang lahat ng ranked-members sa boardroom." Bungad niya na siyang nagpakunot sa noo ko.
"Anong mayro'n ? Bakit sa boardroom?" May importante bang announcement?
ELLISSE ZERINA
"You shouldn't be here if you want to rest." Napamulat ako habang nakaupo sa rocking chair nang biglang marinig ko ang isang pamilyar na boses hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nakatayo habang nakasandal ang kaniyang mga braso sa railings ng balcony. The heartless man I've ever met.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" Iritado kong tanong nang hindi man lang tumutungo habang nanatili ako sa kinauupuan ko. I'm sick of his presence. If he came here to annoy me, baka masipa ko na talaga siya.
"Should you at least show some respect, Ms. Lorico?" Saad niya tiyaka humarap sa akin. Respect pinagsasasabi nito?
"Ilang beses mo ng sinabi 'yan at ilang bses ko na ring pinaramdam sa 'yo na hindi mo 'yon deserve. Sorry to say, Commander pero hindi ka pasado sa standard ng mga taong tunay na kagalang-galang." Sagot ko sa kaniya. He crossed his arms on his chest tiyaka ako pinagmasdan na siyang nagpakunot sa noo ko. Weird talaga ng feelings ko kapag nagtatama ang mga mata namin.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan huh? Hindi mo ako makukuha sa ganiyan."
"Just wondering how unique your genes is. You look stunning." And my jaw dropped dahil sa banat niya. Is he trying to flirt with me or what? At ito namang puso ko kung makapag-wala akala mo naman nakakatuwa 'yong sinabi ng lalaking 'to.
"Bakit huh? Type mo ba ang genes ko?" Mataray kong tanong.
"Your genes?" He smirked. "If I say yes, then are you willing to combine it with mine?" he playfully asked na nagpamilog sa mga mata ko. I was about to say something when he stepped closer to me. I stepped back but he kept stepping closer to me nang hindi man lang umiiwas ng tingin sa mga mata ko hanggang sa napasandal na ang likod ko sa railings. D*mn it!
"If you like to, well, I don't mind. I don't mind making a Serpent heir or heiress with you." Bulong niya tiyaka humawak sa railings mula sa magkabilang gilid ko. WTH, bakit ganito ang pakiramdam ko? Sa mga ngisi pa lang niya alam ko na ang takbo ng utak niya. How dare he play with me?
"Kapal mo naman" Itinulak ko ang dibdib niya palayo gamit ang buong lakas ko at nang makabitaw siya sa railings kaagad ko siyang inatake ng suntok pero nabigo ako nang mabilis niyang nahawakan ang braso ko tiyaka patalikod na niyapos ito. Sa posisyon namin para niya akong yakap mula sa likuran habang hawak ang mga braso ko na nasa aking dibdib.
"Let me go." Seryoso kong saad ng may pagbabanta pero mas lalo lang humigpit ang pagkakayapos niya sa braso ko. WTH, Commander, ano na naman ang trip mo? Ikinuyom ko ang kamay ko tiyaka buong lakas na kumawala sa mga braso niya pero wala akong nagawa.
"Ano ba?! I said let me go!" Inis na sigaw ko sa kaniya pero wala siyang pinapakinggan.
"Letting go is out of my suit, hon." He whispered seductively na siyang nagpatigil sa akin. Deja vu again. Para bang bigla na lang may kung anong pamilyar na boses ang nag-echo sa tainga ko. D*mn, his cousin.
"LET. ME. GO." Matigas na tugon ko.
"No. Never will I do that." Hindi ko alam pero sa bawat katagang binitawan niya para bang may kung ano akong nararamdaman sa loob ko at hindi ko masabi kung ano 'yon.
I can feel his warmth behind me and it's d*mn comforting yet I know he's only d*mn playing at ayoko na sakyan siya sa kung ano man ang walang kwenta niyang trip sa buhay.
"Hindi mo gugustuhin ang gagawin ko. So please...LET ME GO." Pagbabanta ko na pilit pinipigilan ang sarili ko.
"I think I'll---"
"Ano ba, Mikael Lorenzo!! I said let me go!!!" Inis kong hinawi ang braso niya at nang lumuwag ito ay kaagad akong kumawala tiyaka ako humarap sa kaniya.
"What did you say?" Kunot noong tanong niya na parang may nasabi akong mali o kakaiba.
"Ang sabi ko subukan mo ko't makikita mo ang hinahanap mo!" Pasigaw kong sagot. Hindi siya sumagot, at nanatili lang na nakatingin sa akin diretso sa mga mata ko. Nakakailang ang mga tingin niya, para bang may sinasabi siya o kung ano mang iniisip.
"No. Before that." Napakunot-noo ako. Anong sinasabi ng lalaking 'to?
"Ang ali---?"
"Commander." Nadako ang tingin ko sa likuran niya kung saan nanggaling ang boses ng isang lalaki. Ang secretary niya. "Dumating na po ang Royal Chief." Patuloy niya. Napatingin ako sa Commander na walang imik na hanggang ngayon ay sa akin padin ang tingin.
"And the gang?" Walang emosyon niyang tanong.
"Nasa boardroom na po ang lahat, Commander." Magalang na sagot ng secretary niya. Hindi nagtagal ay tumalikod siya at paalis na sana ng tumigil siya tiyaka muling nagsalita.
"Follow us, Ms. Lorico." Seryosong wika niya. Ganito ba talaga ang mga walang puso? Moody?
"Commander?" Saad ng secretary niya na para bang may gusto siyang ipahiwatig sa mga tingin niya sa Serpent Commander.
"That's an order." Walang emosyong patuloy ng Commander tiyaka siya naunang naglakad. Napatingin ako sa secretary niya na bumuntong hininga bago itinuon ang atensyon sa akin.
"Please, follow me, Ms. Lorico." Saad niya tiyaka naunang naglakad.
DHALE TIZUAREZ
"Kumusta kayo ni Creid?" Kaagad na bungad ni Axcel pagkapasok niya sa discussion room. As what I thought. I faced him as I crossed my arms on my chest and waited for what he would say next.
"Biro lang." Natatawa niyang sabi tiyaka naupo. "Hindi mo naman kailangang itago sa akin, Dhale. Kilala kita at mas lalong kilala ko si Creid. Buti naman at ayos na kayo." He went on, but his playful smile is meant to say something.
"Just tell me what you need, Cel." Saad ko matapos kong bumuntong hininga. He then handed me the sketch pad.
"Siya 'yong lalaki na naglagay ng party drugs sa inumin ni Friza sa Red Fox. Hindi pa 'yan fully detailed pero malakas ang pakiramdam ko na isa siya sa mga miyembro ng Aris." He explained. Pinagmasdan kong mabuti ang larawan na iginuhit niya at napakunot ang noo ko nang may maalala ako.
"I think, I've seen him before. The day I went to the orphanage last week." I stated in confusion which caused him to frown. "Orphanage?" I nodded in response.
"Anong gagawin ng isang gang member sa orphanage?" He thoughtfully asked. I was about to say something when his phone suddenly rang.
"Ano?" Kunot-noong tanong niya. After a few seconds, he looked at me right after he ended the call.
"What's wrong? Sino 'yon?"
"Bumalik na ang Royal Knight." He replied which stopped me for a moment. After years?
"If that's the case then it means....." Napatingin ako kay Axcel.
"Magbabalik-trono na ang Royal Queen." He continued. Now, the queen has no reason to leave just to find her cousin. Iniisip ko pa lang ang mga susunod na mangyayari, parang gusto ko ng magtakip ng tainga.
ELLISSE ZERINA
Napatingin sa amin ang lahat ng nasa boardroom pagkabukas ng pinto. Napatingin ako kay Friza na mukhang hindi inaasahan ang pagdating ko. "Anong ginagawa mo rito, Ellisse?" Kunot-noo at pabulong na tanong ni Creid nang makaupo ako sa tabi niya.
"Ba't di mo itanong sa Commander ni'yo? Ako nga mismo hindi ko alam kung bakit na naman ako pinasunod dito." Iritado kong sagot sa kaniya nang mapatingin ako sa Commander na ngayon ay seryoso na at as usual blanko na naman ang ekspresyon ng mukha niya.
Hindi ko inaasahan na magtatama ang mga tingin namin, para bang binabasa niya ang mga mata ko. Umiwas nalang ako ng tingin at sa ibang direksiyon itinuon ang atensyon ko.
"Begin." Walang emosyong utos ng Commander mula sa center seat nang magsimulang magsalita ang secretary niya na nakatayo sa kaniyang tabi.
"You were all called here to announce the official order from Serpent Royalties for the annihilation to be held." Ikinuyom ko ang kamay ko sa panimula ng Commander-Secretary. Gusto ko kaagad umapila pero pinigilan ko ang sarili ko dahil panigurado na wala rin akong magagawa sa ngayon kung hindi ang manahimik.
"All the business tycoons included in the dark list will be the target. Walang ano mang imbistigasyon ang magaganap kundi isang bagay lamang." Tumigil siya sa pagpapaliwanag.
"Spare no one." Walang emosyon na patuloy ng Commander. Nag-iinit talaga ang dugo ko sa kaniya. Wala na talagang pag-asang lumambot ang puso niya. Sure ba siya na tama ang mga pangalang nasa list? Paano kung may inosente ro'n tapos na-setup lang pala? D*mn him!
"That's an order from the Serpent Royal Commander." Ma-awtoridad na wika pa niya.
"That's an order from the Serpent Royal Commander" Panggagaya ko pero pabulong lang. Kinalabit pa ako ni Creid para umayos ako dahil mukhang napansin na naman ako ng Commander kuno nila. Tss. The hell do I even care?
"Any objections?" Tanong ng secretary niya. Wala man lang ni isang tumutol.
Dahil hindi na ako makatiis, patayo na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. "I object."
"Ash??" Literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat nang makita ko siya. He's different from his usual aura. Parang hindi siya 'yong Ash na nakilala ko dahil napaka-pormal ng tindig at suot niya. Napatingin siya sa akin pero kaagad din niyang ibinalik ang tingin sa Commander. Why is he here? Ano ang ginagawa niya rito?
"Show your respect, Zane. Nasa harap ka ng Royal Commander." Ma-awtoridad na paalala sa kaniya ng Royal Chief.
"Nice meeting you again, Mr. Hilton." Diretso ang mga mata niyang nakatingin sa Commander, at para bang nakikipagsukatan pa siya ng tingin.
"Teka nga lang...Anong ginagawa mo rito, Ash? Paano ka nakapasok dito?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya dahil hindi ko na talaga mapigilang magtanong.
"Fill out your objection, Mr. Stanford." Seryosong saad ng Commander na hindi man lang pinansin ang sinabi ko, kahit si Ash na muling ibinaling ang tingin sa seryosong Commander.
"As a Serpent Royal Knight, I cannot condone the annihilation." Royal Knight? Ibig sabihin isa rin siyang miyembro ng Serpent? D*mn! I can't believe this!
"Hindi ako makapapayag sa gusto ninyo ng walang isinasagawang pormal na imbistigasyon tungkol sa mga taong kabilang sa nakuhang listahan mula kay Marcelito Luna sa Frisco Di Yarte." Patuloy niya.
"Each one on the list must be eliminated. No investigation. No opposition." Hayag ng Commander na matamang nakatingin kay Ash.
Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Kung bakit madaming alam si Ash tungkol sa Serpent, at sa mga gangs, dahil siya mismo ay isa sa kanila.
"Paano ka nakasisiguro, Commander na totoo ang dark list na hawak ng Serpent? At kung ano nga ba talaga ang totoo tungkol sa listahang 'yon? Do you have any proofs? An enough details to commence with the annihilation?" Tanong niya na para bang nanghahamon. Nagkaroon ng sandaling katahimikan kaya naman napatingin ako sa Commander. He has nothing to----
"Do you have any f*cking proof then? Nothing. You may now f*cking leave." Sinulyapan pa niya ang pinto bago ibinalik ang tingin kay Ash.
"Think again, Mr. Hilton... Sasabihin ko ang lahat ng nalalaman ko sa isang kondisyon." Napatingin ako kay Ash na seryoso ang mukha. Ito na yata ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nag-seryoso habang may kausap. Nagkaroon ng sandaling katahimikan hanggang sa bigla na lang akong nilapitan ni Ash tiyaka hinila sa tabi niya.
"Anong ginaga---" Naputol ang sasabihin ko nang muli siyang magsalita.
"Exclude her from any mission." Napatingin ako sa kaniya na seryoso lang na nakatingin sa Commander.
"She's an official member of Serpent. You have no single right to remove her from her position." Seryosong sagot ng Commander.
"Ash, ano bang ginagawa mo?" Pabulong kong tanong sa kaniya tiyaka ko marahang pinisil ang braso niya. Hindi na maganda ang nararamdaman kong tension, pero sa halip na sagutin niya ako ay kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya tiyaka mahigpit 'yong hinawakan.
"Hindi siya isang knightress o kabilang sa grupo ng rooks. Alam kong alam mo ang patakaran, Mr. Hilton. Ang isang Serpent member na hindi kasapi sa dalawang grupo ay maaaring kumalas sa samahan ano mang oras." Pahayag niya.
"And you also know the rule that no one has the right to defy my command."
"Wala akong kahit na anong nilalabag na batas, Mr. Hilton. Sinusunod ko lang ang patakaran ng samahan." Sagot niya.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na si Ash ang nasa tabi ko. Ang dating training partner ko na inakala kong bulakbol na isa pa lang Royal Knight ng isang makapangyarihang mafia org.
"This territory is under my reign. This is my place...Don't ever forget that, Mr. Stanford." Napatingin ako sa Commander. Ang dating blankong mga mata niya at walang ekspresyon niyang mukha ay bigla na lang napalitan ng matalim na mga tingin. "Let her go." Patuloy niya na para bang nagbabanta. Naramdaman ko ang mas lalong paghigpit ng kamay ni Ash sa kamay ko kaya naman napatingin ako sa kaniya.
"Mapipilitan akong labagin ang gusto mo, Commander. Exclude her first in this case then I'll let her go." Nagkaroon ng sandaling katahimikan nang biglang magsalita ang Royal Chief.
"Enough, Zane. Just let----"
"You have no right to take my knightress out of my territory. I'm warning you, Ash Zane Stanford." Napatingin ako sa Commander. What the hell did he say?
"Zane---" Hindi naituloy ng Royal Chief ang dapat niyang sasabihin nang biglang nagkasa ng baril si Renzo at tiyaka 'yon itinutok kay Ash na siyang nagbigay katahimikan sa loob ng buong silid.
"You're touching the wrong piece, Zane. Bitawan mo siya kung ayaw mong ako mismo ang tumanggal sa posisyon mo bilang Royal Knight ng Serpent. Otherwise, I would be f*cking pleased to blow off your head."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top