Kabanata 13
Kabanata 13
May Ibang Gusto
"Umalis na tayo!" Sabi ni Troy at binitiwan ang kamay ko.
Hiningal ako sa pagkakahila niya. Sa bilis ng lakad niya halos tumakbo na ako.
"D-Diba bumabalik k-ka palang..." Hindi ko matapos sa hingal ko. "Sa t-table niyo?"
"Oo nga. Liningon kita, ikaw naman yung pinopormahan. Umuwi na nga tayo! Wa'g kang magtiwala sa mga lalaki diyan sa bar."
"Alam ko. Tsaka... ano sa tingin mo? Loyal tong puso ko kay Jayden." Sa wakas at nakarecover na ako sa hingal.
"Tayo na nga!" Galit na sinabi niya.
Binuksan niya agad ang driver's seat at pumasok sa loob. Anong problema ng kurimaw na ito? Pumasok na rin ako sa front seat at tinitignan siyang naka busangot ang mukha.
"Naniniwala na ako sayo." Sabi ko.
Napatingin siya sakin, galit parin.
"Sige na! Turuan mo na ako kung paano."
"Tinuruan na kita. Sana inalala mo lahat ng ginawa ko."
"Ano? Uhmm... Let's see... Pinintasan mo yung babae, nilait, pero pinuri parin. Ganun yun diba para di ka matanggal sa isipan nila?"
Tahimik lang siya habang nakatingin sa kawalan.
"So... ganun ang gagawin ko kay Jayden." Ngumisi ako. "Para di na ako matanggal sa isipan niya."
Kinuha ko ang cellphone ko. Nalaglag ang panga ko nang nakitang may mensahe si Jayden doon.
"OMG! TROOOY!" Sinabunutan ko si Troy.
"ANO BAH!" Sigaw niya sakin at inayos ang buhok niya. "Kainis ka naman oh! Wa'g mo ngang guluhin ang buhok ko."
"Si Jayden! Nag text!" Sabay pakita ko sa cellphone ko.
Pero di ko hinayaang makuha niya sakin dahil baka idelete niya na naman ang text na 'to.
Jayden:
Hi, miss! Good evening!
Tumili ako sa loob ng sasakyan ni Troy. Halos mabingi na nga siya sa tili ko. Tinignan ko kung anong oras niyang tinext yun, mga alas otso pa pala, gayung 10:30PM na ngayon.
Ako:
Hi! Sorry sa late reply. Dami kong ginagawa.
Tumili ulit ako.
"Anong tinext mo sa kanya?"
Sumimangot ako sa tanong ni Troy, "Na marami akong ginagawa kaya late ako nakapagreply."
Ngumiti siya at humalukipkip.
Nagreply agad si Jayden!
Jayden:
Oh! Busy ka pala pag gabi. Hehe
Mahirap talagang di tumili! Lalo na pag umaapaw ng rainbow ang cellphone mo. Nag type agad ako ng reply.
"No!" Sabi ni Troy.
"Huh?"
Tinakpan niya ang cellphone ko.
"Sabi mo maniniwala ka na sakin, diba?"
Tumango ako.
"Mag reply ka after 5-10 minutes. Hindi ka pwedeng mag reply agad. That's another tactic."
"HUH?" I swear lalabas na yung eyeballs ko. "Talaga bang kasali yan, Troy?"
Umiling siya sa kawalan bago ako binalingan ulit, "Sa larong ito, Trisha, kailangan mo ng disiplina sa sarili. Alam kong nagkakandarapa ka kay Jayden. Alam kong atat kang makareply. Pero kung susundin mo ako, hinding-hindi ka na niya lulubayan ulit."
Tumango ako at sinubukang idisiplina nga ang sarili ko.
Pinaandar niya ang sasakyan niya at napansin ko agad na di papuntang bahay ang nilikuan namin.
"Saan tayo?" Tanong ko.
"Mag di-drive ako kung saan-saan hanggang sa matapos kayong mag text. Saka kita iuuwi."
Bakit parang naninikip ang dibdib ko sa sinabi niya? Bakit parang may nag li-leak doon? Hindi ko alam kung ano. Siguro dahil lang yun sa pag iisip ko na mahal ang gas ngayon... at kung gagawin niya ang sinasabi niya, mag-aaksaya lang siya.
"Talaga? Gusto mo bayaran ko ang gas mo?" Tanong ko.
Tumawa siya, "May rason kung bakit ako si Troy Ezekiel Salazar, Trisha." Sumulyap siya at kinilabutan ako sa ngiti niya.
Narealize kong magulo na pala ang buhok niya. At dahil magulo na ito, mas lalo siyang gumugwapo. Posible ba talaga yan? Ang alam ko, pumapangit ang mga tao pag magulo ang buhok nila. Pumapangit din sila pag galit pero bakit si Troy, hindi? He's dangerous.
"Replyan mo na. Sabihin mo hindi ka busy." Sabi niya nang nakitang natulala na ako sa mukha niya.
"O-Okay."
Ako:
Hindi naman ako busy. Haha
"Matagal akong nagrereply tapos sasabihin kong di ako busy, Troy? Bakit?" Tanong ko.
Ngumiti na naman siya, ngayon kinagat niya na ang labi niya.
DARN! Pwedeng itigil at maglakad na lang akong mag isa. Parang ayoko na yatang kasama si Troy lalo na pag ginagawa niya yan! Tinignan ko pa yung kamay niyang tamad na nakahawak sa manibela. Bakit parang lahat ng moves niya ay cool tignan? Bakit?
"Para mabaliw siya sa kakaisip kung anong ginagawa mo. Sinabi mong di ka busy, pero matagal kang nag rereply. O diba?" Tumawa siya.
May point ang kurimaw. Luluhod na ako at sasambahin siya. Master of Seduction nga!
Agad nag reply si Jayden.
Jayden:
Mukha ka namang busy. Hehe.
Naghintay ulit ako ng limang minuto bago nakapagreply ulit.
Ako:
Talagang hindi. haha! Ikaw?
Jayden:
Hindi rin. Bakit gising ka pa? Gabi na ah?
Nakita kong dumadaan na kami ni Troy ngayon sa isang madilim na kalsada. Walang streetlights.
"Troy! Ba't tayo nandito? Di ka ba natatakot dumaan dito? Baka may mumu!" Sabi ko habang tinitignan ang labas.
"Mumu ka diyan! Nasobrahan ka yata sa panonood ng horror! Maganda dumaan sa mga madilim na lugar kasi kitang kita mo yung mga bituin." Sabay nguso niya sa labas... sa langit.
Tama siya! Mas matingkad ang kulay ng mga bituin kung nasa madilim na lugar ang tumitingin. Tinignan ko ulit si Troy. Nakita kong nakangisi lang siya habang nag di-drive. Tapos ay may inabot siya sa gitna ng sasakyan. Nagpatugtog siya ng music!
"Patingin ng playlist." Sabi ko.
"Okay." Sagot niya.
Kinuha ko ang iphone para tignan kung anong mga music doon. Halos party music ang lahat ng nandoon kaya wala akong choice kundi pumili ng ganoong klaseng music.
5 minutes. Humikab ako at kinuha uli ang cellphone ko.
May isa pang text si Jayden:
Hey? Still there?
Sumulyap si Troy sakin at niliko ang sasakyan.
"Sabihin mo inaantok ka na. Matutulog ka na." Sabi niya sakin.
"Huh? Kaya ko pa namang makipag text sa kanya ah?" Bumabalik na kami sa dinaanan namin ngayon.
"Sige na. Sabihin mo na lang. Para maiuwi na kita. Tsaka... dapat ikaw ang unang bumitiw sa text niyo. Hindi pwedeng ikaw yung matulugan niya. Dapat ikaw yung makatulog."
Tumango ako at sinunod siya.
Ako:
Sorry, nakaidlip ako. Inaantok na kasi ako. Tulog ka na rin. Good night, Jayden.
Jayden:
Sure! Good night din! Sweet dreams, Trisha. :)
Napangiti ako sa text niya at ibinaling ko ulit ang tingin ko sa seryosong mukha ni Troy.
"Anong sabi niya?" Tanong ni Troy nang narealize na nakatitig na ako sa kanya.
"Sweet dreams, daw." Ngumisi ako.
Umiling siya, "Parang yan lang masaya ka na?"
"Oo. Bakit? Ganyan pag crush, Troy. Wala ka bang crush?" Tanong ko.
Sumulyap siya sakin. Matagal siyang nagsalita. Sa sobrang tagal akala ko nagalit siya sa tanong ko.
Napabuntong hininga siya at napalunok bago sinabing, "Meron."
Ngumisi ako. Kahit paano ay tao din pala siya.
"Pero may iba siyang gusto."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top