Chapter 24

Marahang pumikit si Syn habang dinadama ang pagdampi ng maligamgam na tubig sa kanyang katawan, sa tatlong araw nyang pananatili sa hospital ay napagdesisyonan na nyang umuwi muna para makaligo, Hindi naman sya nangangamoy pero, hihintayin nya pa bang mangamoy?

Patuloy pa rin ang pagmomonitor ng doctor sa kalagayan ni Marcus, sabi ng doctor nyang si Khien Rovan ay mabilis daw ang pagrecover ni Marcus pero ang pinagtataka lang ni Syn ay bakit hindi pa ito  nagigising.

"Sana magising na sya ngayong araw." Bulong nya sa sarili.

Mabilis ang naging kilos nya sa paliligo, kasalukuyan syang nagbibihis ng marinig nya ang tatlong katok sa pinto.

"Syn, bilisan mo jan at mag agahan ka muna bago bumalik sa hospital." Sambit ni Nanay Rose.

Hindi sya sumagot at inayos ang suot nyang jacket, lumapit sya sa pinto at binuksan ito.
Marahan syang bumaba sa hagdan.

"Oh nariyan kana pala, mag agahan ka muna." Sambit muli ng Ginang.

Napatingin sya sa hinanda nitong agahan at nalipat ang tingin sa mag isang kumakain sa mesa. Kay Nisha nakayuko ito na para bang walang mukhang maihaharap sa kanya, ngumiti sya bago sumagot.

"Salamat nalang ho manang pero kaylangan ko na talagang bumalik sa ospital, hinihintay ako ng asawa ko." Sambit nya at walang sinayang na oras agad na lumakad patungong garahe.

"Anak!" Sigaw ni Nanay Rose kaya natigil sya sa pagbubukas ng pinto ng kanyang kotse.

"Dalhan mo sina Kuya Kael mo at mga kaibigan mo ng mga pagkain, mga matatakaw pa naman ang mga yun." Sambit ng Ginang at inabot ang isang malaking paper bag.

Nagtaka sya ng ngumiti ito ng matamis at inabot sa kanya ang isang maliit na supot.

"Peace offering." Sambit nito, napa angat naman sya ng kilay dahil wala namang kasalanan ang matanda sa kanya.
"Galing kay Nisha." Dugtong nito kaya agad na nawala ang pag angat ng kilay nya. Ngumiti syang tinanggap ang supot, nakita nyang lumabas ang dalaga at tumakbo papalapit sa kanya.

"Ate sorry." Sambit nito at niyakap sya rinig nya ang paghikbi nito kaya hinas nya ang likuran nito para patahanin.

"Shhhh.... Tahan na, naiintindihan ko. Nadala ka lang nang galit at pagkabigla sa pangyayari." Sambit nya. I deserve it though. Sambit naman ng utak nya.

"Hindi ko  dapat ginawa yun." Puno ng pagsisisi ang boses nito.

"Okey na yun," sambit nya at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. "Sa ngayon sasama ba kayong puntahan si Marcus? He needs us, gisingin natin sya kaylangan na nyang magising." Sambit nya.

"Aba! sasama ako diyan." Hindi nagpahuling sabi ng  Ginang.

"Ako din." Sambit ni Nisha sabay punas sa pisngi nya.

"Kukulitin ko si kuya hanggang sa magising sya." Sambit nito at napahagikhik.

Ngumiti si Syn at pinagbuksan sila ng pinto sa kotse, wala siyang sinayang na oras pinasok nya ang mga pagkain sa kotse at agad na sumakay sa kotse at pinainit ang makina nito. Pinatakbo nya agad ito nang hindi naman masyadong mabilis pero hindi rin mabagal.

May pinag uusapan ang dalawa na nasa back seat pero mas pinili nyang wag makinig dahil marami syang iniisip.

'Magigising  ba sya ngayong araw? Magiging maayos kaya ang mata nya? Mapapatawad nya kaya ako sa nagawa ko? Nasaktan ko kaya sya dahil sa nagawa ko?' Madaming tanong ang bumabagabag sa utak ni Syn habang patungo sila sa ospital kaya hindi nya agad namalayan na nasa harap na sila ng malaking ospital.

"Baba na muna kayo, ipapark ko lang ang kotse." Sambit nya at sumang ayon naman ang dalawa kaya agad silang bumaba, nang makaalis na ang dalawa ay agad syang naghanap ng puweding pag parkingan ng kotse.

Nangmakahanap sya ay agad syang nagpark doon, pinatay nya ang makina at nilingon ang backset kong naiwan ba nina Nisha at Nanay Rose ang pagkain pero ng makitang wala na ito sa kinalalagayan nito ay agad na rin syang bumaba.

Parang hindi mapalagay si Syn habang papalayo na sa kotse, pakiramdam nya ay may matang nakasunod sa kanya. Parang may nakabantay sa kanyang galaw. Lumingon sya sa paligid kong tama ba ang pakiramdam nya, Nang wala syang nakita ay agad naman syang nakampante pero hindi parin maalis ang pakiramdam na may nanunuod sa kanya sa malayo.

Binilisan na lamang nya ang paglakad para maiwasan ang gano'ng pakiramdam, habang papasok sa loob ay unti unting nawala ang gano'ng pakiramdam. Naging kampanti rin sya.

Mas pinili nyang dumaan sa hagdan kesa makipagsiksikan sa elevator habang paakyat ay nasiklapan nya ang isang lalaki na pababa sa hagdan at mukhang nagmamadali ito, sa sobrang pagmamadali ay nabangga nya si Syn.

"Ay diyos ko!" Napasigaw sya dahil sa gulat.

"Oh! Syn!" Napasigaw din si Theodoric.

"Theo..." Tanging sambit nya.

"Hinahanap ka nila sa taas." Sambit nito. "Dinalaw ko lang si Marcus, babalik din agad ako sa isla." Nangunot ang noo nya sa simanbit nito.

"Hindi mo ba talaga pweding iwan yung isla?" Tanong ni Syn.

Bumuntong hininga ito at nag uwas ng tingin. "Wala si Vienna sa isla kaya ako munang bahala duon." Sagot nya at tumango na lamang si Syn.

"Okey.. Gaya ng sabi mo na hinahanap nila ako, I have to go na. Ingat sa beyahe pabalik sa isla." Tumango lamang at ngumiti si Theo bilang sagot.

Tinalikuran nila ang isa't isa nang makarating sa third floor ay agad nya'ng  hinanap ang kwarto ng asawa, nasa malayo pa lamang sya ay naririnig na nya ang mga tawanan ng mga kaibigan. Hindi nya mapigilan ang mapangiti kahit ganon ang nangyari kay Marcus ay wala syang narinig na pansisisi galing sa mga ito. Wala silang  ginawa kundi ang damayan sya at intindihin.

Pagbukas nya sa pinto ay nakaramdam sya ng pagkailang nang tumigil ang lahat sa pagtawa at nakatingin sa kanya ang lahat.

"W-what's going on?" Tanong nya at pilit binabawi ang pagkailang na nararamdaman.

Napakurap ang lahat at bigla silang nagtawanan, hinahampas pa ni Bogart ang sifa sa sobrang tawa.

"Tapos isang buwan na si Nathan pero yung kagat ni Syn sa braso ni Marcus hindi pa gumagaling." Mas lalong lumakas ang tawanan at napaismid na lamang si Syn sa narinig.

Naalala nya ang pinag uusapan nilang lahat, iyan yung araw na isinilang nya ang isang anghel.

Ngumiti sya at umupo sa tabi ng asawa, hinawakan nya ang kamay nito habang nakikisabay sa tawanan nila.

Habang inaalala nya ang araw na pagsilang nya kay Nathan habang si Marcus naman ay nakaalalay kanya at hindi sya iniwan hanggang na nailabas ang anak nila. Patuloy ang asaran nila habang ang iba ay kumakain na din, pero sya? Walang gana, masaya man ang pinag uusapan nila pero hindi parin nagawa na kunin ang pangamba sa puso niya.

"Ikaw Syn bakit hindi kapa kumain?" Tanong sa kanya ni Nanay Rose kaya napatigil sya sa pag iisip.

"Mamaya na ako." Maikli nyang sagot at ngumiti rito.

"Pasalamat na lang si Marcus may mga supportive syang mga kaibigan nung nililigawan nya si Syn, Piliin pa naman yung pinakaastig sa pamilya ng mga Montana." Sambit ni Ashton habang nagtatawan sila Bogart, Ryke at Nanay Rose.

Ngunit ang kinagulat ni Syn ay naramdaman nyang gumalaw ang kamay ni Marcus na hawak hawak nya.

Siguro guni guni ko lang 'to.

"Tapos unang lapit nya kay Syn sapak agad ang sunalubong sa kanya." Binabulaan na naman ito ng mga tawanan. Napahampas si Bogart sa mesa habang hawak ang tyan nya at namumula na rin ito sa kakatawa.

"Doon na ako naniwala sa love at first punch." Singgit ni Ryke habang tumatawa rin.

Mas lalong umingay ang buong kwarto, napangiwi na lamang sila parang walang paryenti na natutulog dito sa tabi sa ingay nila. Pero hindi ito sinaway ni Syn mas maayos na ito kisa sa tahimik.

Napahawak ulit ng mahigpit sa kamay nya si Marcus.

"Hmmm...." Ungol nito. Pero hindi masyadong narinig ni Syn dahil sa lakas ng tawanan ng mga kaibigan nilang dalawa.

Nagulat si Syn ng gumalaw si Marcus sa kanyang kinahihigaan, magkahalong tuwa at kaba ang nararamdaman nya. Namamalik-mata lang ba sya? O gising na talaga ang asawa nya.

"M-marcus..." Bulong nya.

"Ano ba, ang iingay nyo." Reklamo ni Marcus at dahan dahang sumandal sa kanyang higaan. Halos hindi makagalaw si Syn sa kanyang kinauupuan at napatigil din ang lahat sa pagtawa sabay lingon sa gawi nilang dalawa.

"W-wife? Patay ba ang ilaw?" Tanong nito. 

Hindi makagalaw si Syn habang nakatulalang nakatingin sa kanyang asawa

"Wag!" Sigaw nilang lahat nang hawakan ni Marcus ang bindahe sa kanyang mga mata.

"What the— hindi ako bingi para sigawan." Sambit ni Marcus at binaba ang kamay nya.

"Marcus..." Bulong ni Syn at nilingon nya ang nga kaibigan.

Parang maintindihan naman ng mga ito ang gusto nyang sabihin kaya Isa isa silang lumabas, Nang makalabas na ang lahat ay bumuntong hininga si Syn at hinawakan ang kamay ng asawa nya.

"Marcus, hindi mo pweding kunin mo 'yang bindahe sa mga mata mo." Sambit ni Syn habang hinihimas ang kamay nya.

"Bakit?" Tipid nitong tanong.

"Dahil sa aksedinte —" Natigilan si Syn nang bumukas ang pinto at pumasok ang Doctor.

"Mabuti at nagising kana Marcus." Napalingon si Marcus sa gawi nito at nagulat si Syn ng ngumiti ito.

"Of course, I'm strong." Pagmamalaki ni Marcus at hinigpitan ang hawak sa kamay ni Syn, parang nagiginhawa ang babae sa ginawa nyang paghawak sa kamay nya. It's still. The best feeling.

"Nothing changed." Kumento ng Doctor at lumapit sa kanila.

"Hambog ka parin." Dugtong nito.

Mahinang tumawa si Marcus at ganon din si Khien Rovan.

"Magkakilala pala kayo?" Tanong ni Syn.

"Yes, Mrs Zacharios. Batch mate." Sagot ni Khien, tumango tango lang si Syn.

"Bro, alam kong mahihirapan si Syn sabihin sayo kong anong nangyari kaya ako nagmamadaling pumunta dito." Panimula nya at umupo sa harapan ni Marcus.

"Nabulag ka Marcus." Diretsang sambit ng Doctor nya kaya pinandilatan ito ng mata ni Syn, masyadong biglaan ang sinabi nya at hindi nya ito nagustuhan.

"What? Alam kong ayaw ni Marcus ng paligoy ligoy." Sambit nito.

Lumapit sya Kay Marcus at tiningnan ang mga bindahe sa mata.

"Bukas pwedi ng kunin yan." Sambit nya at agad na tumayo, lumakad na ito patungo sa pinto.

"Maiwan ko na kayo." Sambit nya at lumabas sa pinto sabay sarado nito.

"Ilang araw akong tulog?" Tanong ni Marcus at muling humiga.

"Tatlo." Tipid nyang sagot at bumuntong hininga.

Mabilis ang kamay ni Marcus hinawakan ang balikat nya at pinahiga sa tabi nito.

"My wife is okey?" He asked with his sweet voice.

Oh this man..

Siniksik nito ang mukha nya sa leeg ni  Syn hindi nya mapigilang ngumiti dahil sa kiliting hatid nya paghinga nito.

"Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan." Sagot n'ya rito.

"Im always okey if your okey." Bulong nito.

Tila kumirot ang puso ni Syn dahil sa sinambit nito, ni hindi man lang nito nakuhang magalit sa kanya.

"Bakit ganon ka?" Tanong ni Syn.

"Ganito ako dahil sayo." Bulong ulit nito na tila bang nanlalambing ang boses nya.

"Hindi kaba galit? Nagkaganyan ka dahil sa akin, ni hindi kita hinayaang magpaliwanag at sinisi—"

"Shhhh...." Pagod ang boses nito na para bang inaantok pa "nagkaganito ang dahil mahal kita, hindi mo ako hinayaang magpaliwanag dahil nasaktan ka sa plano namin. Sinisisi mo ako sa pagkamatay ng anak natin dahil sarili kong kadugo ang pumatay kay Nathan, ang kapatid ko ang pumatay sa anak ko." Namamaos ang boses nito kaya humarap si Syn sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.

"Alam kong naguguluhan ka at hindi mo alam kong saan ka papanig, pero sana pinaintindi mo sa akin ang lahat. Para nadamayan naman kita sa oras na nahihirapan ka, sa mga oras na parang hindi mo na kaya. Sana sinama mo ako sa lahat ng pag sakripisyo mo." Kaya nyang pigilan ang paghikbi pero ang mga luhang dumadaloy sa mga mata nya ay hindi.

Hinawakan din ni Marcus ang kanyang mukha at nilapat ang mga labi nito sa mga mata nitong lumuluha.

"May banta sa buhay mo kaya ko nagawa iyon at gusto ko lang linawin ang lahat, ang inakala mong babaeng kasama ko sa airport nuong paalis ako sa bansa ay hindi ko iyon babae wala akong ibang babae. Ikaw lang ang minahal ko. Ang babaeng iyon ay si Vienna —" agad na tinulak ni Syn palayo si Marcus sa kanya at bumangon.

Parang mas gugustuhin nya  pang bayarang babae ang kasama ng asawa nya at hindi lang ang babaeng iyon.

"Tapos hinalikan mo sya?!" Hindi pasigaw ngunit may halong inis nyang tanong.

Tumawa ito at hinila sya pabalik sa kanyang balikat. "Hindi. Hindi ko ni minsan sinubukan humalik sa ibang babae."

"Dapat lang, baka mabutasan ko tagiliran mo eh." Sagot nya at ngumuso, mahina namang tumawa si Marcus dahil sa ginawa nya.

At naging madali ang paghalik ni Marcus ni Marcus sa kanya.

Hindi nya inaasahan ang ginawa nito.

"Puro dilim nakikita ko." Bulong ni Marcus.

Hinalikan ni Syn ang labi nya.

"Ako ang magiging ilaw mo sa ngayon." Bulong nya at siniksik ang mukha sa balikat nito.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top