C H A P T E R 5
"Anong nangyari at mababa lang ang scores mo?"
Sabay halakhak ni Johoney na imbes i-cheer up ako kasi nga mababa lang ang score na nakuha ko kanina sa quiz namin sa OralCom ay nakuha pa akong asarin. Napanguso ako at nagkibit ng balikat habang nakamasid sa papel ko. Naka-mark lang naman dito kung ilan ang nakuha ko.
10/20
Diskompyado akong napabuga ng hininga. First time kong makakuha ng ganito kababa. Kinakabahan na tuloy ako dahil parang delikado ang grades ko this semester. At isa pa, 'di lang OralCom ang naibagsak ko kanina; pati rin ang ang Entrep at GenMath.
Nasabi naman kahapon na may quiz talaga ngayon, ewan ko na lang talaga sa sarili ko kung ba't ko nakalimutan at nagawa ko pa talagang pumunta sa Cal na 'yon kagabi!
"Hindi sa pinapakaba kita pero papaano kung disappointed na ang mga ma'am natin sa grades mo kanina?" pang-aasar ni Pearly sa 'kin. Effective 'yon dahil tumalbog ang puso ko sa kaba sa mga pinagsasabi niya. "Pero, bawi ka na lang bukas. Mag-review ka at mangongopya ako."
"Wow," pangbabara ni Johoney sa kaniya. "Ni 'di mo nga kami pina-copy kanina, eh! Kahit si Chelsy na lang sana ang binigyan mo ng blessing!"
"Hoy, papaano ko kayo mapapakopya kung nasa tabi ko si ma'am? Aba, edi lagot tayong lahat," pagtatanggol ni Pearly. Ganoon naman talaga ang nangyari kanina; panay ang lakad ni ma'am kanina para walang magkopyahan.
Lumingon na naman silang lahat sa 'kin, at si Allysa na nakakunot ang noo ang nagsalita. "Saan ka ba kasi kagabi? Dapat nag-study ka. 'Di ba sinabi ko naman sa 'yo na mostly sa mga subjects natin may quiz?"
Muli akong napairap nang tipid. "Oo. Pero nakalimutan ko lang. Nakatulog ako."
At isa pa, busy ako kagabi; busy ako sa pagpunta sa lugar na sana ay 'di ko na lamang tinangkang alamin. 'Yon tuloy ang naging dahilan kaya sa kauna-unahang pagkakataon, fifty percent lang ang nakuha ko sa isa sa mga quiz na t-in-a-ke ko.
"Mag-set ka na lang ng reminder sa phone." Ngumiti si Allysa sa 'kin. "Akala ko pa naman may pinuntahan ka kagabi kaya ganito. Anyway, wala ba kayong balak bumili?"
It's recess time at mostly sa mga kaklase ko ay wala pa rin sa room. Pero 'yong nakaagaw ng atensyon ko ay 'yong mga nakalinyamg babae na may hawak na pulang rosas. Dumaan lang talaga sila malapit sa bintana ng room. Literal na gumapang sina Pearly at Johoney at sumilip sa bintana. Sandali akong natawa.
"Anong meroon doon?" tanong ko kay Allysa na nagkibit lang ng balikat. "Parang may parade. Parang may anniversary o something na nangyayari."
"Chels," dinig kong tawag ni Allysa sa 'kin. May kakaiba sa mga mata niya kaya may hula na ako na about kagabi ang itatanong niya ngayon. Nakasilip pa rin 'yong dalawa sa bintana dahil nga nagpalatuloy pa rin 'yong parang parade. "Hindi ka nakapag-study kagabi dahil sa kaniya, 'no?"
Lumaki ang butas ng nanahimik kong ilong. "Anong dahil sa kaniya?" Sunod-sunod akong umiling at bahagyang nag-iwas ng tingin. "Nakatulog talaga ako at masyadong mahirap ang lessons kaya tinamad ako nang grabe."
"Ahh, kaya pala 'di ka makatingin sa 'kin."
Napasinghot ako at sinilip siya. Nang makitang nakamasid pa rin siya sa 'kin -- na may panunuya pa rin sa mga mata niya -- ay pinaikot ko ang sariling upuan para maiwasan siya. "'Wag na lang nating pag-usapan," tipid kong tugon.
"Nakapunta na rin naman ako roon," dinig kong muli. "Roon sa frat house nila. Nakapunta na rin ako."
Napataas ang kilay ko at muling inalsa ang bangko para makaharap siya. "Bakit ngayon mo lang sinabi? Roon din ako nanggaling kagabi!"
Tumaas ang kilay niya at napahalakhak, ako naman ay napatikom na lang sa sariling bibig. Kahit kailan ay pahamak 'tong dila ko!
"See? Anyway, nakapunta na talaga ako roon. Months ago na 'ata," aniya.
"At bakit? Na-recruit ka?
Tahimik siyang tumango bago muling sumagot, "Oo, pinilit pa nga ako no'ng Cal na 'yon. Alam mo, balak ko rin talagang sumali noon kaso natambakan ako ng maraming trabaho kaya 'di na lang naituloy." Napailing siya, halatang may inaalala. "But I do not know their benefits still. I am not sure whether those benefits are all favorable in my end kaya 'di ko na talaga tinuloy."
"But you are somehow interested. Kung i--
i-invite ka niyang muli, papayag ka?"
"Hindi na. Sadyang na-cu-curios lang ako, Chels. Nakakatakot sumali sa isang group lalo na kung halos lahat ng members ay mga lalaki. 'Tapos 'di pa talaga tayo aware sa mga pinaggagawa nila--"
Naputol siya sa pagsasalita nang magsilapitan sina Johoney at Pearly sa 'min. Gustong-gusto kong marinig ang sasabihin sana ni Allysa pero 'wag na lamang muna. Masyadong malalim ang topic. Alam kong gagawing katatawanan lang 'to nina Johoney at Pearly kung sakali na malaman nila 'to.
"May nangyayaring kakaiba sa ABM floor," anunsyo ni Johoney.
Na naman. Malamang ay involved na naman ang lalaki na 'yon dito tutal siya naman ang palaging sanhi ng ingay noon at hanggang ngayon.
"May nililigawan daw si Cal!" si Johoney.
"Si Cal kaya ang nililigawan!" pagkokontra naman ni Pearly.
"Hoy, pandak na babae, lalaki lang ang nanliligaw, 'no!"
"Hoy din, iba na ang generation ngayon! At isa pa, parang 'di ka na nasanay na maraming pakulo sa buhay ang lalaki na 'yon!"
"Tumigil mula kayo, wait. Time pers muna," si Allysa at literal na pumagitna para matigil na 'yong dalawa. Pilit pa kasi nilang inaabot 'yong buhok ng bawat isa. "So, ano ba talaga ang totoo? Si Cal ang nanliligaw o siya ang nililigawan?"
"Taga-ABM, 'no?" sabay-sabay na tanong noong magkakaibagan na classmate din namin. Nasa first row kami habang nasa third naman sila kaya malaya pa rin naming kaharap ang bawat isa. Apat sila sa group nila. At si Mika, 'yong mahaba ang buhok, ang muling nagsalita. "Kung 'yong lalaki ang nililigawan, 'di na ako magtataka."
"Ba't di na lang natin alamin para sure?" tumawa si Johoney at siguradong gagawin nito ang lahat samahan lang namin siya patungo sa building na 'yon. Basta ay wala na akong balak pumunta sa kung saan ngayon. Baka 'di ko mapigilan ang sarili at masisi kong muli 'yong Cal na 'yon dahil mababa ang mga marka ko kanina.
"Agree ako! Sarap gumala ngayon," pag-sang-ayun ni Pearly na sinundan naman ng ibang mga kaklase ko. Si Allysa na lang talaga ang hinihintay namin, pero nakabaling lang siya sa 'kin na para bang may gusto siyang marinig galing sa 'kin.
"Kayo na lang." Iritado kong kinuha ang phone mula sa loob ng sariling bag at nag-enjoy kaka-scroll sa IG. Siguradong makikita ko lang ang Cal na 'yon kung sasama ako. Dzuh. Mas mabuting dito na lamang ako para 'di ko siya masabunutan.
"Sure ka?" si Allysa na parang gusto pa talaga akong pilitin.
@CalRamirez: halika rito.
@ChelsyCattaneo: may nanliligaw sa yo? funny.
@CalRamirez: just come here.
"Wait, pasama." Natigil sila sa paglalakad nang kaagad kong inayos ang sarili. Para magmukha akong tao ay sinuklay ko ang buhok dahil ang gulo-gulo na talaga nito -- parang binagyo na ewan. Sina Pearly naman at Johoney ay nag-aaway pa rin. Ano nga ba talaga kasi ang nangyayari? May nililigawan o siya talaga ang nililigawan?
Kagaya ng inaasahan, punong-puno ang floor. 'Yong nakita naming mga babae na may dalang bulaklak kanina ay nakalinya na ngayon. Nagbato-batopik na sina Johoney at Pearly pero seryoso pa ako sa seryoso sa pagtingin sa paligid.
@CalRamirez: i can't see you.
Umirap ako at nag-type. 'Di naman 'ata required na mag-usap kami ngayon. Ang balak ko lang talaga ay makinood sa mga nangyayari.
@ChelsyCattaneo: malapit sa room niyo, sa may bandang hagdan.
@CalRamirez: all right.
"Siguraduhin niyo na lang na 'di 'to aabutin ng isang oras dahil malapit na 'yong next subject natin," nag-aalinlangang ani ni Allysa, dahilan para mapabuntong-hininga ako.
@ChelsyCattaneo: nagpapaligaw ka ngayon?
@CalRamirez: yes, darling, at tapos na rin akong kumain.
Hindi na ako nag-type pang muli. Parang kasabay ng pag-ubos ng lakas ko ang siyang pag-ubos din ng pasensya ko sa lalaki na 'yon. Kahit sa text ay abnormal pa rin talaga siya. Kung hindi dahil sa mga kaibigan ko ay 'di naman talaga ako pupunta rito. Sila rin kasi ang iniisip ko. Gusto kong samahan sila sa mga lakad nila.
Nang sumiklab ang tilian ng lahat, tumingkayad ako para malaman kung ano nang nangyayari.
Ano ba 'to? Para akong nasa concert at ako 'yong nakapuwesto sa pinakadulo. Kaya pala ganoon ay dahil sa lumitaw lang naman ang kilalang barumbado sa school na 'to, walang iba kundi ang Ramirez na walang ibang ginawa kundi balutin ang noo ng isang towel. Naka-plain white t-shirt siya pero imbes na slacks ay pantalon na naman ang suot niya.
@CalRamirez: why can't i fucking see you?
"Bibig mo," bulong ko at in-off na ang phone. Siguradong nangamgamba lang 'yon. Baka natatakot na 'yong ipagkalat ko sa kani-kanino 'yong nalaman ko patungkol sa grupo nila.
"Ang boring, Allysa. Bili muna kaya ako?" Nagkamot ako ng batok dahil talagang nawawalan na ako interes. Kung mukha lang ng lalaki na 'yon ang makikita ko, 'wag na lang. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha no'n! "Iiwan ko na lang kayo rito saglit. Bibili lang ako ng coke."
"Sige." Sabay tango ni Allysa, kaya nagsimula na ako sa paglalakad. Pumunta ako sa canteen at binili 'yong kanino ko pa gustong bilhin. Absent daw kasi si Ma'am Salvina, Earth and Life Science teacher namin, kaya may libre pa kaming isang oras bago ang next subject.
"Ano'ng kaganapan sa building niyo?" tanong ni Jina.
"May nanliligaw raw," sabi ko at pinaresan na rin ng tawa.
Isa si Jina sa mga naka-close ko noon pero nang maghiwa-hiwalay kami ng strand ay parang nabawasan 'yong closeness namin. Mabuti na nga lang talaga at kami nina Johoney, Allysa, at Pearly ay parehong nasa iisang strand.
"Ay, sana all! Sa 'min din may ganiyan! Halos lahat na ng mga classmates ko may mga jowa na." Madrama niyang hinaplos ang dibdib. "How about me naman?! Charing lang. I am in love with myself, badly, desperately. Charing ulit."
Medyo napatagal ang pag-uusap namin dahil ang dami niyang sinabi. Ako naman ay marami ring naitanong sa kaniya.
Bumalik ako kung nasaan ang mga kaibigan ko. Kaagad kong inilahad ang tatlong coke na nasa cellophane. Tig-iisa sila.
"So ano na?" Sumandal ako sa isang pader at inobserbahan ang paligid. Marami pa ring estudyante kahit saan ka man lumingon. Ang ingay talaga nila na halos mawasak na ang ears drums ko -- dagdagan pa na nakikisali rin sina Johoney at Pearly sa pagsigaw. Sa aming apat ay kami lang ni Allysa ang pokerface habang nanonood.
Hindi nagtagal ay nakita ko na naman si Cal. Nakaupo siya sa isang highchair at nakatingin lang sa babaeng nasa harap niya na sinasabi habang nagdadala ng bulaklak. Napa-wow na lamang ako dahil babae nga ang nanliligaw.
Wala akong pakealam sa ganiyan na set-up -- 'yong bang babae ang gumagawa ng moves. We all have the right to do the things we love. Gender equality is a must in our lives. 'Di naman kapag nakasanayang lalaki lang ang gagawa, eh, para lang talaga sa lalaki ang gawain na 'yon. 'Di ganoon.
Pero 'wag niyo nang isali ang nakikita ko ngayon dahil involve lang naman ang isang nakakairitang lalaki. May pangisi-ngisi pa siya na halatang nag-e-enjoy siya sa nakikita.
Kinakabahan 'yong babae -- matagal na sigurong ganiyan ang posisyon nila -- pero ang lalaki ay nagtataaas lang ng kilay at kinakagat ang pang-itaas na labi.
"Anong ma-s'-say mo?" tanong ko kay Allysa na ngayon ay nakakibit na ang mga braso.
"Siguro kulang sa hampas sa ulo ang lalaki na 'yan," sagot niya. "Kulang o nasobrahan. Ewan ko. "
"Why naman kasi so bitters?" sabad ni Johoney at inirapan pa kami. "Gusto lang naman i-express no'ng babae 'yong love niya."
"Wow, so naka-move on ka na? Patingin nga ng happy face?" pang-aasar ni Pearly sa kaniya.
"I am currently under the process of absolute moving on," si Johoney. "Char, English."
"Wala naman akong makitang mali sa babae, eh," seryosong sabi ni Allysa na nagpabalik sa 'kin sa ulirat. "Sa lalaki, mero'n, marami, ngiti pa lang marami na."
"Dahil nakakainis ang ngiti niya?" hula ko.
"Dahil nakakamatay ang ngiti niya," pagtatama niya sa 'kin. Iba na sana ang iisipin ko. Iisipin ko na sana na tinamaan na siya ni Cal nang malupit kaya fall na fall na siya ngayon nang muli siyang nagsalita, "to the point na maraming biktima. I know his woman will cry a lot because of him."
Natahimik ako sa narinig. Parang ang lalim naman no'n.
"He will be your death, Chelsy."
"Ha?" Nakakunot na ang noo ko.
"Do not fall for him. Alam ko na halos lahat ng classmates natin ay may gusto sa kaniya. And I did once like him. Kaya ikaw. . . Sigurado akong magugustuhan mo rin siya."
Umiling-iling ako. Parang gusto ko na ngang masuka sa narinig para mawala ang cringe sa sistema ko. "Kahit siya na lang ang maiwang lalaki sa mundo, 'di ko siya magugustuhan." Agresibo akong napailing ulit. "Look at him, Allysa. He looks so wasted. Oo, gwapo, pero hindi naka-uniform! Oo, matangkad, pero parating naka-smirk na parang manyakis!"
"Because that's him. He's Cal, Chelsy."
"He's Cal Ramirez," bulong ko. "Pero wala. Wala pa ring espesyal sa kaniya."
"Lahat ng mga kinaiinisan natin sa kaniya ay 'yong mga reasons kung bakit marami ang nagkakagusto sa kaniya," sabi niyang muli sa 'kin. "Pero ito lang ang gusto kong sabihin sa 'yo: Kapag kaharap mo 'yan, 'wag mong tititigan sa mata; 'Wag mong hayaan ang sarili mo na tumatawa sa mga banat niya; 'Wag mong hayaan na parating makipag-usap sa kaniya."
"And I am gonna do everything to guard my heart." Nakangiti na ako. "Guarded."
Bumalik na kami ni Allysa sa room at hinayaan ang dalawa na mag-stay roon. May ten minutes pa naman sila bago ang start ng next subject.
Ginawa ko na 'yong isa sa mga assignment ko para mamaya ay wala na akong masyadong gawin. Balita ko ay nasa mansion daw si Kuya Adrian mamaya. As what we planned, manonood kami ng mga documentaries. Kaya ngayon ay dahan-dahan ko nang tatapusin ang mga gawain. Sa bahay na lang din ako gagawa ng reaction paper. Magpapaturo na rin ako kay Kuya.
@CalRamirez: you were not here.
I made a swear. Pero 'tong lalaki na 'ata na 'to ang sisira sa pangarap ko. 'Di na nga ako nakapag-study kagabi dahil sa kaniya tapos 'eto siya at d-in-i-distract na naman ako.
@CalRamirez: i have just had realized that you are like my 'profit' because i am willing to get you at all costs.
@ChelsyCattaneo: P. E ka ba? Minor subject ka lang pero nakakainit ka na ng ulo.
@CalRamirez: awits.
In-off ko na ang phone ko. Ba't ngayon ko pa lang kasi naisip na i-off pati na rin ang data?
For sure, nasabi niya na rin ang mga banat na 'yon sa iba!
"Hoy, ano nang balita sa kuya mo?" bulong ni Allysa sa 'kin mayamaya. "In-i-stalk ko siya pero deleted na 'yong mga recent posts niya."
"He's moving on," malungkot kong sabi, "at 'di na rin ako mangangarap na tatawagan ako no'n."
"Pero at least may Kuya Adrian ka pa naman."
"Kaya nga. Nakaka-amaze nga. Sinalo na ni Kuya Adrian 'yong responsibidad ni Kuya Rynierre. Parang naging double na 'yong role niya. Pero okay pa rin naman---" ngumiti ako "--mas mahalaga sa 'kin 'yong peace of mind ni Kuya Rynierre."
"Ikaw." Binitawan ko muna saglit ang ballpen para magkausap kami nang maayos. "How's life being an oldest child?"
"Taga-gawa ng assignment nina Gemma at Marijo. Ang ingay-ingay nga sa bahay parati."
"Mas maganda 'yong ganiyan -- 'yong masaya. Unlike sa 'min na nagkakaron lang ng ingay once a week." 'Di ko mapigilang 'di matawa nang mapakla. "Sa 'min, sa sobrang laki ng bahay, halos 'di ko na mahanap 'yong saya. Anyway, okay lang. . . Sanay naman na ako."
Masyado akong nalungkot sa usapan namin ni Allysa kaya pinili kong mag-social media na lamang para magbasa ng memes. Nag-back read na rin ako sa conversation namin ni Cal kanina dahil inaamin kong nakakatawa talaga 'yong mga pinagsasabi niya kanina.
@CalRamirez: online ka.
@ChelsyCattaneo: y?
@CalRamirez: tapos na ang class?
@ChelsyCattaneo: hinihintay na lang namin si ma'am.
@CalRamirex: libre ka mamayang gabi?
same Location. Same time
Hindi na ako nag-reply dahil nakakatamad nang mag-type. Baka lasunin na naman ng Cal na 'yon ang utak ko at 'di na naman ako makakapag-study mamayang gabi.
"Chelsy!" tawag ni Johoney na ngayon ay bagong dating pa. Tumalon-talon siya papalapit sa 'kin. Nagtaka ako sa inaakto niya dahil na rin nakatulala lang si Pearly habang nakatingin sa mukha ko.
"Anong nangyayari?" tanong ko na. Pinapakaba ako ng mga mukha nila.
"Nakita ko ang mukha mo--" si Johoney at hinawakan ang magkabila kong braso "-- sa isang wallpaper! Sa isang cellphone! And it's from Cal's!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top