First chapter
"Oy! Oy! Tapos nakita ko sila kanina sa cafeteria magkasamang bumibili ng lunch! Shet kinikilig talaga ako sainyo Trish!"
Eto nanaman sila, routine na ata nila ang magkwento ng magkwento tungkol saamin ni Kevin. Yung tipong lahat na lang ng gagawin naming dalawa may ibang kulay sa mga utak at paningin nila?
Well, sanay naman na kaming dalawa ni Kevin. High school palang kaming magbabarkada, kaming dalawa na ang love team ng barkada. And yes, hanggang ngayong college na kami, going strong parin sila.
"Kasi naman e! Ayaw niyo pang umamin! Alam niyo yun? May something kasi talaga eh!" Kinikilig na sabi ni Jane saakin habang hawak hawak niya yung shake na iniinom niya.
"Wala ngang something. Ano ba guys, college na tayo. Move on na." Sabi ko at umupo ako sa bench na lagi naming tambayan.
Wala naman kasi talaga, noong high school kami nila jane magkakaibigan na kami. And yes including Kevin, actually kabarkada namin siya, and yes isa lang siyang lalaki. TUNAY NA LALAKI.
"Wala wala ka diyan! Eh kapag magkasama kayo parang may hearts everywhere." Maarteng sambit ni Drake. Si Drake na kung anong kinalalaki ng pangalan. Siyang kinabaluktot ng kanyang kasarian.
Matagal na nila kaming pinupwersa ni Kevin na meron saming dalawa, hindi lang namin sinasabi. Kesyo kasi nga daw natatakot kami mawala yung friendship, o kaya naman baka daw kasi inisin kami lalo or worst maging awkward pag nagkaaminan.
But kasi sa side ko, kaibigan lang talaga turing ko kay Kevin eh. And sa tingin ko ganun lang din siya para sakin.
"Stop your fairytales. Kailangan niyong tanggapin na magkaibigan lang talaga kami. Di ba kayo masaya para dun?" Sabi ko at sumipsip ng shake na hawak ko.
Uwian na namin ngayon, kakatapos lang ng klase naming magbabarkada. But si Kevin as usual di namin siya kasabay ng uwian dahil sa ibang course siya. And si Blaire at Shane naman is nasa ibang school na sila dahil sa wala yung course na kukunin nila dito sa university namin.
"Well natutuwa naman syempre, pero mas matutuwa kami kapag kayo yung nagkatuluyan! O diba, great achievement yun!" Masayang sabi ni Jane. At nagtawanan sila ni Drake.
Ewan ko ba dito sa mga to kung bakit hanggang ngayon ayaw nila kaming tigilan ni Kevin. Minsan nga naisip ko kung meron ba talaga si Kevin para sakin, dahil halos lahat ng nakakakilala saamin noon sa school namin dati, akala eh kami na or nililigawan ako ni Kevin.
Eh sa point of view ko naman, ala namang kakaibang ginagawa si Kevin para sakin. Kung anong turing niya saakin, ganun din siya sa ibang niyang babaeng kaibigan.
"Ehem. Speaking of Kevin..." Napatingin ako kay Jane na kasalukuyang nakatingin sa direksyon ni Kevin na papunta naman saamin.
Nagngisngisan yung dalawa sa tabi ko habang ako nakatungo paring kay Kevin.
"Ang aga mo ata?" Tanong ko sakanya at tumingin sa orasan ko.
4:30 palang. Ang pagkakaalam ko 6 ang dismissal niya ngayon.
"Eh kasi nga gusto ka niya makita!" Bigla namang nagtawanan yung dalawa pagkatapos nilang sabihin yun.
Inirapan ko na lang sila at ibinaling ulit ang atensyon ko kay Kevin.
Buti na lang talaga nasanay na kami sa mga to, dati kasi medyo naiilang pa kaming dalawa ni Kevin kapag iniinis kami, ngayon hindi naman na.
"Early dismissal. Absent yung last prof ko eh. Kumain na kayo?" Umupo siya sa harap namin at ipinatong yung bag niya sa katabing upuan.
"Oo naman, kami pa? Etong si Trisha nangunguna sa kainan, pagkalabas palang namin ng classroom umaarangkada na." Biglang sabi ni Jane at sumipsip ulit ng shake na hanggang ngayon hindi parin niya nauubos. Ewan ko ba dito sa babaeng to napakabagal uminom at kumain!
"Daya kayo. Palibre nga." Eto nanaman si Kevin, nagpapalibre. Kayaman yaman eh nagpapalibre. Oo kahit lalaki siya, siya parin yung nagpapalibre, kapal talaga ng mukha. Pero kahit ganun gentle man naman siya.
"Libre ka diyan, ayan kay Trisha ka magpalibre. Madaming pera yan." Sabi ni Jane
"Oo kanina nilibre ako niyan." Sabi ni Drake at agad ko naman siyang tinapunan ng masamang tingin.
Pero dahil kilala niya ko, ngumiti lang siya saakin at tumawa ng malakas.
So ang ending? Ayun nilibre ko si Kevin ng frappe. Dahilan niya, mahirap daw yung test niya kanina, at dapat ko daw siyang ilibre. At madaya daw ako dahil bakit si Drake nilibre ko tapos siya hinde. Minsan talaga may pagkaisip bata 'tong si Kevin.
"So anong balak niyo this weekend?" Tanong ni Kevin habang inaayos niya yung gamit niya. Papunta na kami ngayon sa bahay nila Blaire. Friday naman, ibig sabihin free kaming magbabarkada after classes.
"Ang sabi saakin ni Shane, wala rin daw silang sched. for this weekend. So ano guys?" Nagkatinginan kaming apat.
And yes, yung tinginan na yun, alam na namin yun na may magaganap na galaan.
"So 10:00 sharp ha? Sa dating cafe na lang tayo magkita-kita." Sabi ko at inayos na rin ang gamit ko.
"Pero kailangan ko rin palang umuwi, kasi may tatapusin pa kong plates para sa sunday." Pahabol ko.
Kahit naman ganito kaming magbabarkada, conscious parin kami sa grades namin at consistent ang high grades namin.
Bigla namang napatingin saakin si Kevin. Kaya napatingin na rin yung dalawa saakin.
Napataas ako ng kilay. "Oh ano nanaman meron?"
"Sabi mo kanina free ka this weekend. Bruha ka talaga." Sabi ni Jane at binatukan ako.
Agad naman kaming nagtawanan at inayos ko ang buhok kong nagulo.
"Oo nga ang sabi mo free time natin yun, tas maririnig ko gagawa ka ng plates? Halika nga sa prof mo! Kakausapin ko lang." Akmang tatayo na dapat si Drake pero syemp bumalik rin siya. Palabirong baklita talaga!
"Eh wala e, ang ganda ng schedule ko, may sunday class." Sarkastiko kong pahayag.
"Oh eh paano yan? Maaga din tayong uuwi?" Imbis na kay Kevin ako tumingin dahil siya yung nagsalita, kila Jane at Drake ako tumingin.
Napahinto sila at sabay na nagngitian. Tingnan mo, sabi kona't may iba nanamang pumasok sa utak nila e!
Napailing na lang ako at isinara ko na yung bag ko. "Eh pwede namang ako lang maaga umuwi." Sumulyap ako kay Kevin na kasalukuyang nakadikwatro ng upo sa harap ko.
"Oo nga naman Kevin! Hindi naman kasi porket umuwi na si Trish, uuwi ka na rin." Sabi ni Drake.
Para naman akong binuhusan ng yelo dahil bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. Alam kong palabirong sabi iyon ni Drake. Pero ng makita ko ang reaksyon ni Kevin, parang may iba eh. Ewan ko ba! Siguro nagugutom lang ako.
"Unless, gusto mo lang siyang sabayn umuwi." Sabi ni Jane at ngumisi ng mapangasar.
Tiningnan ko siya ng masama na parang sinasabing "hoy alam kong gusto mo siya paminin, pero wag ganito, ang awkward."
Mukhang nakuha naman niya at agad siyang tumawa.
"Mga ulol. Ano tara na ba?" Sabi ni Kevin at tumayo na.
Minsan talag naiisip ko, kung meron ba talaga? Kaso kasi naisip ko kung gagaya ako kila Jane na nag-iisip ng kung ano-ano sa mga kilos at salita ni Kevin pagdating saakin, baka mabigo lang ako kapag nag-assume ako. Gaya niyan, parati na lang siyang nagchechange topic pag umaabot sa ganyan ang usapan.
"Hoy babaita! Halika na nga!" Sigaw ni Drake saakin. Tumayo na rin ako at sumunod na sakanila.
Pagdating namin sa parking lot. Agad nagtakbuhan yung dalawa papunta sa passenger's seat.
Pagbukas ko ng pinto. "Oy ayusin niyo yung gamit niyo uupo ako." Muwestra ko.
Pero dahil mababait talaga sila... "Ayun sa harap ka umupo, nakita mong ang ganda na ng upo namin eh." Sabi ni Jane
Tiningnan ko sila ng masama. "Sige na kasi!"
Tumawa ng malakas si Drake. "Bakit ba kasi ayaw mo pang umupo dun? Ala namang mangyayare ah?"
Inirapan ko na lang siya at umikot ppunt sa upuan sa harapan.
Narinig ko parin yung tawa nilang dalawa kahit nasa labas na ako. Mga bruhilda talaga ang mga kaibigan ko! Nakakaloka!
Pagbukas ko ng driver's seat, bumungad sakin si Kevin na kasalukuyang inaayos yung rear view mirror.
Napatingin siya saakin. "Oh anong hinihintay mo?" Mas lumalim yung boses niya ngayon.
Parang medyo naiilang ako na ewan dahil magkatabi kami ngayon. Agad naman akong pumasok na sa loob at iniwasan siya ng tingin.
Nang akmang iistart na dapat niya yung engine. Naramdaman kong tumingin ulit siya saakin.
"Hoy hindi pa ba tayo aalis? Anong oras na." Tanong ni Jane.
Bigla na lang tinanggal ni Kevin yung seatbelt niya at lumapit saakin.
Kapag sinabi kong malapit, malapit talaga. Yung tipong naramdaman ko ung braso niya sa braso ko. At lalong napalapit yung makisig niyang mukha sa mukha ko. Shet oo gwapo siya, pero kaibigan ko lang siya.
"Ano ba?!" Bigla naman akong natauhan at napatingin kay Kevin na nakangisi na habang iniistart yung engine.
"Ikinabit ko lang." Sabi niya habang natatawa-tawa.
At doon ko lang napagtanto, hindi ko pala naikabit yung seatbelt.
Nakakahiya! Para kong tanga.
At syempre, nasaksihan yon ng dalawa kong supportive na kaibigan.
"Nakapuntos nanamn si pareng Kevin!" Pagpaparinig ni Drake habang palakad kami papasok sa bahay nila Blaire.
Napailing na lang ako, at sinundan si Jane at Drake.
Hindi ko alam. Pero napahintonako at may part sakin na naghahatak na tumingin kay Kevin dahil ramdam kong nakatingin siya saakin ngayon.
At hindi ako nagkamali.
Dahil pagsulyap ko sakanya, kasalukuyan siyang nakatungo saakin habang naglalakad siya.
Pero gaya ng dati, umiwas siya ng tingin at inunahan ako sa paglalakad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top