Chapter 125

Walang Poreber Pero Walang Iwanan

Mar. 26

Friday, 08:01

nana banana: GOOD MORNING

nana banana: TANGINA GAGRADUATE NA TAYO MAMAYA OMGGG

haechan: wow i cant believe it

haechan: kaso puta after kong gumraduate, magp-premed pa ako

nono the samoyed: HALA WEH GAGRADUATE TAYO? HAHAHAHA JOKE

lele boy: WAAAAAAAAH CONGRATS

lele boy: pupunta kami mamaya ni jisung, for support

nana banana: thank u bebe chenle

haechan: teka gisingin ko lang si renjun, di na naman makakapag-breakfast yun tsk

nono the samoyed: Love, may surprise ako sayo mamaya

nana banana: hALA ANO YUN?

nana banana: SABIHIN MO NAAA

nono the samoyed: Mamaya na, surprise nga diba?

nana banana: hnng naeexcite tuloy aqqq

lele boy: harot

~

×××

"Baby. Baby, wake up! Renjun!"

Narinig ko siyang umungot at kinusot ang mga mata. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti, "Good morning."

"Good morning, Your Highness. Kakain na po tayo."

"Anong Your Highness ka d'yan?" he giggles. Bumangon siya at isinabit ang mga braso sa batok ko. "Carry me."

"No! May paa ka 'di ba?" Kinalas ko ang mga braso niya. "Nagpapa-baby ka na naman."

"But I am your baby."

"Right. But still, no carrying."

He pouts hard and gets out of my bed. Hinawakan niya ang kamay ko saka hinila ako palabas ng kwarto.

~

×××

Walang Poreber Pero Walang Iwanan

13:30

lele boy: hoy nasan na kayo?

lele boy: nakakaloka, nauna pa pala kami ni Jisung eh hindi naman kami yung gagraduate ngayon

nono the samoyed: HAHAHAHAHA

nono the samoyed: eto na, naka-kotse na nga eh -hyuck

lele boy: ay wow sige sige

nana banana: POTEK NAKA-KOTSE SANA ALL

nana banana: malapit na, paliko na

lele boy: bilisan niyo mga hyung -js

nono the samoyed: ITO NA NGAAA OH, ANG BILIS NA NGA MAGMANEHO NI JENO SHUTA -renj

nana banana: goodluck, reckless driver yan HAHAHAHA

nono the samoyed: haeop sana pala ako na lang nag drive -renj

lele boy: ingaaat!

~

×××

After mag-park ni Jeno sa tabi ng school ay lumabas na kami ng kotse. Kasama namin ang parents niya at parents ni Hyuck.

I wish my mom was here.

Pumasok na kami sa loob ng school at nakita namin sa waiting area sina Chenle, Jisung, Jaemin at parents niya.

"Jeno!" Tumakbo si Jaemin papunta kay Jeno at niyakap ito. "I miss you so much!"

"I miss you too."

"Mga anak, picture-an ko kayong dalawa." biglang sabi ng nanay ni Hyuck. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang Mama, nahihiya ako.

Nag-pose kami ng kung ano-ano. 'Yung una ay parehas kaming seryoso, and then wacky, tapos holding hands at ang panghuli, naka-piggyback ride ako sa kaniya.

" Ayan! Ang cute niyo." kinikilig pang sabi ni Mama.

"Wag mo munang ipo-post 'yan, Ma. Ipasa mo sa akin mamaya."

"Sige, sige." Ang cute ng relationship nilang mag-ina, parang magtropa lang.

"Haechan hyung, Renjun hyung, happy monthsary sa inyo!" May binigay na maliit na bulaklak sa 'min sina Chenle at Jisung.

"Salamat!"

"Thank you."

Today marks our 5th monthsary. Sumaktong graduation day namin. Wow! It feels like it's been 5 years.

"Gaga! Oo nga pala, monthsary niyo ngayon. Stay strong!" sabi ni Jaemin habang nakaakbay sa kanya si Jeno at natawa naman ako.

"Salamat, Jaem!"

"Baby."

"Hm?"

"Look at me."

Humarap ako sa kanya at kinunot ang noo, "Bakit?"

Nagulat ako nang halikan niya ako sa labi. "Wala lang."

Ngumiti ako nang malapad, "Siraulo ka talaga!"

"Ang harot! Graduation day niyo, hindi wedding day."

"Darating din kami d'yan, Chenle."

Tumawa naman si Jisung sa likuran ni Chenle. "Halika nga rito, Lele!"

Bumuntong-hininga ako nang malalim. I can't believe na makakalayas na ako sa school na 'to. After 4 years, finally!

"Renjun, anak!" Kumunot ang noo ko nang marinig ko ang boses na 'yon.

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Kasama niya ang step-daughter niyang si Yunhee. "Uh,"

"Anak, belated happy birthday!" May iniabot siya sa 'kin.

Wow! After 11 years, ngayon lang siya nakabili ng regalo.

Umiling ako, "No, thank you. It's been 11 years, matagal na akong tumigil sa paghihintay."

Naramdaman kong hinawakan ni Hyuck ang kamay ko.

"Anak, I'm sorry—"

"Wag mo 'kong tawaging anak! At bakit sa 'kin ka nagso-sorry? Hindi ba't dapat kay Mom?" Hindi siya sumagot. Ang dami nang nakatingin sa 'min pero wala akong pakialam. "Oh, by the way, lumuwas si Mom sa China para alagaan ang lola ko—nanay mo. Oo, nanay mo. Sarili mong ina hindi mo maalagaan, inatupag mo 'yung kabet mo—ay hindi, 2nd family na lang para maganda pakinggan." I roll my eyes as I sigh. Pigil na pigil ang mga nagbabadyang luhang gusto nang tumulo.

Hindi akong pwedeng umiyak, masisira ang makeup ko na pinag-effort-an ni Hyuck.

"How dare you talk to Dad like that?"

"Wala kang pakialam, Jung Yunhee! Wala ka ring alam sa pinagdaanan namin ni Mom, sa pinagdaanan ko. Tangina." Hindi ko na napigilan, tumulo na talaga ang mga luha ko.

"Injun!" Bigla akong hinila ni Hyuck at niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik at ipinahinga ang ulo ko sa balikat niya.

"Mr. Huang, please, lumayo po muna kayo kay Renjun." narinig kong sabi ni Jaemin.

"Pakibigay na lang ito sa kanya. Salamat."

"I'm supposed to be happy today. Fuck."

"Shh, it's okay. I'm here. We're here."

"I'm sorry."

×××

Sa wakas! Graduated na kaming apat. Ang ginhawa sa pakiramdam.

Ang umakyat sa taas para sa akin ay ang nanay ni Hyuck.

"Hoy, monthsary niyong dalawa ngayon. Wala bang libre d'yan?" biglang sabi ni Jeno.

"Wala! Financially broke nga ako, manlilibre pa?"

"Awit. Saan galing 'yung pinambili mo ng regalo kay Renjun noong birthday niya?"

"Sa ipon ko, syempre."

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ng pantalon ko saka ito ini-unlock.

Nag-text si Mom.

Mama♡:

Hello, anak! Happy graduation and belated happy birthday! Sorry kung wala ako dyan. Nandito ako sa bahay ng Tita mo, kapatid ng tatay mo. Magaling-galing na ang lola mo pero kailangan pa rin naming bantayan. Okay lang ako rito. I hope you're doing fine as well. Nga pala, may padala ako dyan as gift ko sayo, pinadala ko sa address ni Donghyuck na sinend mo sakin. Siguro mamaya o bukas ay darating na yun kasi last month ko pa yun pinadala. Mag-iingat ka palagi. I love you <3

Bigla na lang ako napaiyak. Bakit ba napakaiyakin ko?

"Renjun-ge, ayos ka lang?"

"Baby, what happened?"

"W-wala. N-nag-text sa 'kin si Mom."

He sighs of relief. "Akala ko kung ano na. Tama na iyak, nasisira ang makeup." Pinunasan niya nang marahan ang mga luha ko. "Ganda mo."

"Alam ko."

Sabay kaming tumawa. "Let's go home?" I just nod.

"Hoy Jeno, ano ba 'yung surprise mo sa 'kin?"

"Ay oo nga pala. Tara na, tara na!"

Muntik ko nang makalimutan na kasama nga pala nila ang mga magulang nila.

"Wait, wait!" biglang sabi ni Chenle at lumapit sa 'kin. "Renjun-ge."

"Yes, didi?"

Ngumiti siya at may pinakita sa 'king papel. "Renjun-ge, can we be bestfriends again?" pagbasa ko at tumingin sa kanya. "Of course! We've been bestfriends since elementary."

Nagyakapan kami saglit bago kumalas din agad.

"Aww!" rinig kong sabi ni Jaemin.

"Tara na nga, tara na nga! Enough drama today."

Naglakad na kami palabas habang nagtatawanan.

-

A/N

I will publish the Epilogue on friday. Stay tuned! :D

feedback?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top