CHAPTER 2
Micaella
Habang nakalagay ang phone ko sa tenga at nakaipit sa balikat ko ay nag titimpla din ako ng gatas. Kinakausap kasi ako ni Dra.Balicha dahil sa ayaw ko pa umuwi ng pilipinas.
"Ano? Wala ka pang balak umuwi? mag hahanap ako ng bagong secretary ko" Mahina akong natawa sa sinabi ni Dra.
"Ilang beses mo na iyang sinabi? Sa isang taon ko dito halos araw araw mo sinasabi yan ah" Natatawang sagot ko, shinake ko ang bottle ng gatas at lumapit sa anak ko.
"Ikaw kasi eh, ayaw mo pa umuwi. Oh siya tatawag ako mamaya kasi nandito na naman ang walang kwentang lalaki" Lumakas ang tawa ko dahil alam ko na kung sino ang sinasabi niyang walang kwenta.
"Sige Dra. Mag iingat ka diyan kung ayaw mo magaya sakin" Inunahan ko si Dra. Balicha na patayan ng phone dahil alam kong masisigawan na naman ako.
Umiling ako at humarap sa baby ko na nakahiga sa sofa.
"Hi baby, drink tayo milk okay?" Binuhat ko ang anak ko at pinadede sa bottle ng gatas niya.
My baby's name is Angeline, Angeline Dylien Smith. Yes. Smith. Nag research ako about Dylan Smith after what happened a year ago. I found out that his father is a Pulis man and while Dylan business man.
The truth is, ang papa niya ang tumulong sa akin na makalabas ng Pilipinas kapalit ay pagsunod ng apelyedo nilang mga Smith.
Nilapag ko si Angeline sa sofa at nilagyan ng unan sa gilid niya dahil tulog na ito, buti nalang at linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho.
Kinuha ko ang phone ko at nag open ng Skype, naka online si Cleassie pero wala akong lakas na loob tumawag sa kanya pagkatapos ng nangyari sa akin.
Cleassie Bautista-Vinagre. Talagang nagkatuloyan sila ng Latinong iyon. Napailing ako at nag scroll pa kung sino ang online at may isa pa akong nakita na kilala ko.
Angel Faith Naga-Menoitios. Natawa ako, talagang sila din ang nagkatuloyan. Pinatay ko ang Skype dahil wala naman akong tatawagan.
My parents died 5months ago, palihim akong pumunta sa burol nila dahil ayaw kong may makakita sa akin. Ang alam nila ay tinakwil ako ng mga magulang ko at lahat ng mana ay nasa kapatid ni Papa.
I don't care about the money and our property, all I care is my baby and my own money. Kaya kong buhayin ang sarili ko. Hindi ako mag tatago sa lahat kung wala akong pera.
Dylan
Nakatulala ako sa office ko habang nakatingin sa labas ng glass wall.
Nagising ako sa pagkakatulala ng may kumatok sa office ko kaya inikot ko ang swivel chair at umayos ng upo bago ko pinindot ang remote para mabuksan ang pinto office.
"weirdo, bakit hindi ka sumama kahapon?" Sumandal ako sa upoan dahil si Victor lang naman pala ang dumating.
"wala ako sa mood" Umiling siya at umupo sa table kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya iyon pinansin.
"Kailan ka pa nag karoon ng mood? isang taon na yan Dylan. Girl problem?" Umiling ako at pinikit ang mata ko. I don't know. After that night I always lost my mood when it comes to girls, even my sex life is affected.
"Huwag mo akong lolokohin Dylan. Hindi ka mag kakaganyan pag hindi babae ang problema mo" Nangisihan ko si Victor dahil sa sinabi niya.
"Why Victor? experienced?" Victor raise his middle finger and mouthed 'Fuck you'. Mahina akong natawa.
"Hinding hindi ako mag kakaproblema sa babae. I play with girls but never feel in love" Tumayo ako at inayos ang business suit ko tapos humarap kay Victor.
"I fucked girls Victor, then one year ago. Viola! I've stop because of a girl. Yes. My problem is a girl" Lumabas ako sa office at nakasalubong ko ang taong hindi ko inaasahan na makasalubong ko sa company ko.
"Dylan Smith"
"Tyga Heris"
Nag sukatan kami ng tingin hanggang sa may tumapik sa balikat ko, si Victor.
"Tyga, what are you doing here?" Matigas na english ang gamit ni Victor sa pag tatanong niya.
"Dylan. Meet me at Meniotios Restaurant, 3pm nasa iyo na kung pupunta ka or you'll lose your chance" Matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya kaya nag taka ako kung anong sinasabi niya.
Bumaling ako kay Victor na hindi pa nilulubayan ng tingin si Tyga.
"Anong ibig sabihin niya?" Umiling ako kay Victor dahil hindi ko rin naman alam ang sinasabi ni Tyga pero may tumutulak sa akin na makipagkita sa kanya.
Micaella
Tulak-tulak ang stroller ni Baby ay tumitingin din ako sa mga can goods dito sa grocery store. Huminto ako sa mga cup noodles at tumingin pero wala akong nagustohan.
"Angelic?" Nagulat ako at lumingon sa likod, nakita ko si Mary Jane na nakatayo habang hinihimas-himas ang tiyan niyang sa tingin ko ay 5months na.
"Ano ka ba Jane, akala ko sino na tumawag sa akin. Huwag mo akong tatawaging Angelic sa maraming tao" Ngumuso siya at kumuha ng limang cup noodles at inilagay sa cart niya.
"Nakakatampo ka ah. Dumaan ako sa bahay mo tapos wala ka, nandito ka lang pala bruha ka" Tumawa ako at sumabay ng pag lalakad sa kanya. Hindi naman talaga ako bibili dito pero feel ko lang pumunta kaya sasabay nalang ako sa kanya.
"Wala akong magawa sa bahay. Nakakabagot talaga pag day off ko." Hinawakan ko ang tiyan niya at hinimas iyon "Kailan mag kakaroon ng boyfriend ang mommy mo?" Natawa ako kasi tinapik ni Jane ang kamay ko at ngumuso na naman siya. Isip bata talaga.
"Hindi ako mag boboyfriend, mga lason ang mga lalaki" Umiling ako at sumunod na lang sa kanya.
"Nga pala Angelic, I mean Micealla kailan ka uuwi ng Pilipinas?" Huminto kami sa milk stand at kumuha siya ng gatas niya para sa mga buntis.
"Next month pa siguro. Nag tatampo na si Dra. Balicha kasi isang taon na akong wala" Ngumiti si Jane at umiling.
"Huling tawag niya sa akin sinabi niyang ginugulo siya ng isang Eagle" Nag kibit balikat lang ako dahil ayaw kong manghimasok sa buhay nila.
Ang Eagles at Tigers ay laging nagkakaharap sa basketball dati noong high school pa kami. Hindi ko alam kung anong balita sa Eagles dahil hindi ko naman sila kilala.
"Tara na sa counter" Tumango ako at sumumod kay Jane habang tulak tulak pa rin ang stroller ng anak ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top