CHAPTER 12

Maev Nariahree

Nang makarating kami sa port ay may sumalubong sa amin na galing sa organisasyon.

"Nandoon ang kotse." Tinulungan niya ako kay Nyle. Sumakay kami sa isang kotse at mabilis iyon na pinaandar.

"Paano ang tama ni Wheel?" Tinignan ko ang sugat ni Nyle. Nakahawak ang kamay niya doon para pigilan ang dugo pero marami pa rin ang lumalabas.

"Huwag kang mag alala. Mala-pusa iyang si Nyle." Napatingin ako sa lalaking nag drive ng kotse dahil kaswal niyang sinabi ang pangalan ni Nyle.

"Manahimik ka nga William, mag drive ka nalang." Hindi naging mahaba ang byahe. Tumigil kami sa isang hospital.

"Pakihanda ang isang kwarto Nurse Joy." Naiwan akong nakatayo sa labas ng ER. Biglang nanghina ang mga tuhod ko kaya humanap ako ng upuan at doon nagpahinga.

Nyle

"Nasundan kayo doon sa isla." Pumikit ako habang ginagamot ni William ang tama ko sa braso.

Nakarinig ako ng malakas na pag bukas ng pinto at pagsarado kaya dumilat ako at tinignan kung sino iyon.

"Nyle! What happened?" Nag iwas ako ng tingin kay Gail at pumikit ulit.

"You! Nyle, how many times do I have to tell you? Stop this nonsense! I gave you the freedom!" Wala akong oras para makinig kay Gail ngayon.

"Stop it Gail, ginagamot ko si Nyle." Rinig kong sabi ni William.

"William, don't spoil this brat. Sinabihan ko na siyang umalis sa oraganisasyon. Look what happened to him"

"Gail, hindi na siya bata. Let him be."

"Iyon na nga, he's not a kid anymore. Dapat nakikinig siya."

"Enough okay? I'm fine. Buhay pa naman ako." Pag awat ko sa kanilang dalawa. Para manahimik na.

"Oo buhay ka sa ngayon. Paano nalang sa susunod na araw? Nyle, I'm telling you to stop this nonsense." Nang maramdaman kong natapos na si William sa paggamot ay umupo na agad ako at tinignan si Gail.

"This is not nonsense Gail, this is for my sister." Nagulat nalang ako dahil bigla niya akong sinuntok sa panga. Madaling pumagitna si William sa amin.

"Gail! What are you doing?!" Hinawakan ko ang pisnge ko. Pota masakit yun.

"Your sister's death has nothing to do with the organization. She killed herself because she knew someone is tailing her!" Bumalik ang tingin ko kay Gail dahil sa sinabi niya.

"What did you say?" Hinawi ko si William sa harapan ko at deretsong tinignan si Gail.

"Your sister, killed herself knowing someone is tailing her. That's the reason why I want you to stop working with the organization. Just like Baxter, look what happened to her sister. She's suffering because of the organization." Bigla akong nanghina at paulit-ulit na umiling.

"No, no. That's not true! I never told my sister I'm working for the organization. I made sure that my enemies has no information about my family. This is... Impossible." Lumapit si Gail sa akin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"The enemies, they have our information. All of us. But I did make sure that all of them are safe. I can't protect you because you're in someone else's care. Please Nyle, I'm begging you. Break the contract. I'm always here." Iyon lang ang sinabi niya bago siya umalis.

Tahimik ang buong kwarto, kahit si William ay walang masabi.

"Nag sayang lang ako ng panahon sa mga bagay na dapat matagal ko ng tinalikuran." Wala sa sarili kong sabi.

"Tama din naman si Gail. Matagal ka niyang pinapaalis sa organisasyon dahil hindi ka niya matulungan. Nasa ibang kamay ka Nyle. Kung aalis ka, siguradong mahahawakan ka ni Gail." Inabot sa akin ni William ang isang polo kaya tinanggap ko naman.

"Kung ako sayo, aalis na ako sa organisasyon at mamumuhay ng tahimik. Huwag kang gagaya sa iba." Sabi niya at may tinawag na siyang nurse para linisin ang mga gamit.

Tsaka ko lang naalala. Si Dragon.

Maev Nariahree

Aliw na aliw ako habang nanunuod sa mga baby na nasa infant section. Ang cute nilang tignan, napakapeaceful.

Sa mga baby na ito, may magiging doctor, police, pilot at kung ano-ano pa. Nakakatuwa.

"Andito ka lang pala." Mabilis akong lumingon dahil narinig ko ang boses ni Nyle.

"Ayos ka na?" Tumango siya at bigla akong niyakap.

Bakit feeling ko ang lungkot niya ngayon. Hindi niya ako inasar, wala siyang masyadong sinabi. Talaga bang ayos siya?

"Samahan mo ako ngayon." Sabi niya matapos umalis sa yakap namin. Tinignan ko naman siya na may pagtatanong kung saan kami pupunta.

"Basta." Hinila niya ako palabas ng hospital. Saktong pag tapat namin sa kalsada ay tumingil sa harapan namin ang isang kulay blue na kotse.

"Oh, nadali ka ulit? Umuwi ka muna sa village. Hinahanap ka ni Baxter." Sabi ng lalaking lumabas doon at ibinigay kay Nyle ang susi.

"Mamaya Jin, dadaan kami doon. May pupuntahan lang kami." Tinignan ako ng lalaking si Jin at biglang tumawa ng malakas.

"Sabi na ikaw susunod eh! Ingatan mo iyang asawa mo Nyle. Take Isaac as example. Hindi madali ang mawalan ng mahal sa buhay." Sabi niya kay Nyle at umalis na. Tinignan ko naman ngayon si Nyle na nakakuyom ang kamao.

"I know weirdo. I know." Nagtaka ako at akmang mag tatanong na ay binuksan ni Nyle ang pinto ng kotse.

"Get inside." Wala naman akong sinabi at pumasok nalang.

Nang makapasok na din siya ay nag simula na siyang magdrive. Hindi ko mapigilan na tignan ang likod namin kung may kahina-hinala bang nakasunod.

"Don't worry. We have our protection. Alam kong hindi ako matitiis ni Gail." Kahit wala akong naintindihan ay tumango nalang ako sa kanya.

Marami akong gustong itanong sa kanya ngayon. Simula noong matapos siyang magamot ay nagiba na ang tuno ng pananalita niya. Parang iba na din ang kataohan niya. Hindi ito ang Nyle na palabiro at palaasar.

"Pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin. I want you to stay in my car. Huwag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi." Tinignan ko siya at mukhang walang bahid na ngiti ang kanyang mga labi.

"Paano pag lumabas ako?" Tanong ko sa kanya. Nagulat nalang ako dahil nilabas niya ang baril at itinutok sa akin.

"Then I'll kill you." Napahawak ako sa gilid dahil sa biglang pag tigil ng sasakyan. Mabilis ko siyang tinignan.

"Nyle, anong nangyari sayo?!" Hindi niya ako pinansin at lumabas nalang ng kotse, bago pa niya ito isara ay tinignan niya ako.

"This is your chance, if you love me too. Stay here and don't go outside" Tapos ay isinara niya na ang pinto ng kotse.

Nakita ko siyang pumasok sa isang gate at hindi ko na makita kung anong nasa likod ng gate na iyon dahil sa sobrang taas ng mga nakapalibot na pader.

Nasa kotse lang ako naghihintay, hindi ko alam pero kinakabahan ako sa gagawin niya. Nasaan kami? Anong ginagawa niya sa loob? Hanggang anong oras ako maghihintay.

Sumapit ang gabi, hindi ko na matiis kaya akmang lalabas na ako kotse ay bigla nalang bumukas ang gate kung saan pumasok si Nyle kanina.

Nakita ko ang apat na lalaki, napatakip agad ako sa bibig ko ng makita ko na pinagtutulungan nilang buhatin si Nyle at inilapag lang sa gilid ng kalsada.

Sugatan, duguan at walang malay si Nyle. Biglang naglabasan ang mga luha ko. Nang makaalis ang mga lalaki ay lumabas ako ng kotse at tumakbo papunta kay Nyle.

Pero bago pa man ako makaabot sa kanya ay biglang may kotse na tumigil at lumabas doon ang dalawang lalaki.

"Holy shit! Nyle!" Binuhat ng isang lalaki si Nyle at ipinasok sa kotse. Ang isang lalaki naman ay nakita ako.

"Noe! Ikaw magdrive dyan! May kasama pala si Nyle, ako na dito." Mabilis na tamango ang isang lalaki at umalis na.

"Ikaw, tara sundan natin sila."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top