CHAPTER 1

Maev Nariahree

Kunot noo kong tinignan ang kakilala ko dito sa Placer dahil sa sinabi niyang may pupuntahan daw siyang training,

"Anong training naman yan?" Tanong ko at inayos na ang gamit ko sa shop, mga materials sa tattoo at iilang kalat ko dito sa buong araw,

"Sa Mafia to Maev, diba pangarap mo sumali sa mga ganun? Ano sama ka?" Natigilan ako sa pag liligpit at humarap sa kanya,

"Sigurado ka? Mafia iyan?" Paninigurado ko, matagal ko ng inaasam na makasali sa isang malaking organization ng Mafia,

"Oo nga, second batch tayo at kailangan makapasa tayo sa training para maging parte ng Mafia!" umupo ako sa tabi niya at nag isip,

Kung sasali ako, makakaya ko naman kaya? Nag training naman ako mag isa pero hindi sapat iyon.

"Sige call ako" Nag kamayan kami at umalis na siya,

Kinabukasan maaga ako sa shop dahil maraming customer ngayon, naging busy ako sa pagtattoo at hindi ko na namalayang pahapon na pala.

Pagod akong umupo sa bakal na upoan at hinilot ang braso ko, sobrang nakakapagod magtattoo lalo na pag babae. Ang aarte, akala mo naman kinaganda nila.

"Maev! Maev!" Napatayo ako at lumabas ng shop, nakita ko iyong kausap ko kahapon na may dalang itim na bag.

"Halika na, ngayon ang simula ng training!"

---

Pagod at hinihingal akong umupo sa malaking bato malapit pampang at ang ibaba ay isang malalim na dagat,

"Inang yan! Hindi man lang nila sinabi na kasama ang training sa pag-akyat ng ganito kataas na pampang!" Reklamo ko at nabaling ang tingin kay Sword, hindi niya tunay na pangalan.

Lahat kami ay may codename at iyong kakilala ko naman ay hindu nakapasa sa unang training namin. Ang lakas ng loob mag-aya tapos hindi pala kakayanin!

"Teka, may van oh" Tinignan ko ang tinuro niya sa kabilang dako ng pampang at nakita ko ang puting van, napatayo pa kami dahil pagewang gewang iyon at mas lalo kaming nagulat ng deretso ang hulog ng van sa dagat

"Tara! Iligtas natin!" Tinanggal ko ang malaking bag pack at walang pag aalinlangan na tumalon sa malalim na dagat.

Nahirapan ako sa pag langoy dahil malakas ang hampas ng alon sa ibabaw ng dagat at medyo nadadala ako, nasa kabilang dako ang van kaya malayo.

Umangat ako at huminga ng malalim ng maiahon ko ang ulo ko, nakita ko din si Sword sa may kalayoan sa akin. Sumisid ulit ako, medyo madilim ang dagat sa ilalim dahil sobra na ang lalim nito.

Nang makarating ako ay nanlaki ang mata ko sa nakita, iyong isang babae ay pamilyar! Agad ko siyang kinuha at ganoon naman ang ginawa ni Sword sa babaeng natrap sa seat belt.

Mabilis ang ginawa kong pag ahon dahil nararamdaman kong hindi na humihinga ang babaeng hawak ko, nang makaahon ang ulo ko ay mabilis ang pag langoy ko papalapit sa dalampasigan.

Hiniga ko ang babae at napaubo pa ak ng tubig dagat na nainom ko dahil sa lakas ng alon.

Pinagkatitigan ko ang babae bago pinindot ang nakasuot sa tenga ko,

"This is Anchor from team B! Kailangan namin ng tulong!" Hingal na hingal pa rin ako at pilit na inaalala ang babaeng.

Tama! Siya nga! Nakita ko siya sa mga pictures ng kasal ni Liezel, nasabi niya sa akin na kaibigan niya ito sa Manila. Pero bakit nandito ang babaeng ito?

Nakita kong umahon si Sword at pinahiga din ang babaeng dala niya, sakto namang dumating ang tulong at dinala na ang dalawang babae.

"Kahit sabihin niyo pa na nag ligtas kayo ng tao ay hindi niyo pa rin natapos ang training. Bilang parusa ay hindi muna kayo dadalo hanggat hindi pa nag iisang buwan" Sabi ng nakakataas sa mga reaper na si Red,

Nagkatingin kami ni Sword at tumango kay Red. Tatambay na naman ako nito sa shop. Inang yan!

Nyle

Kadarating ko lang sa kampo namin ng salubongin ako nang kasamahan kong si Red,

"Oy, kamusta Nyle? isang buwan kang nawala ah. Anong nangyari?" Nakipag-apir siya sakin at sabay kaming umupo habang nakatingin sa mga nag te-training.

"Pahinga tsaka namatay ang asawa ng kaibigan ko kaya kailangan ako doon" Naisip ko tuloy si Isaac, isang buwan na ang nakalipas noong namatay si Shindy, noong nakaraang linggo lang nilibing at hanggang ngayon magulo pa rin ang isip ng anak nila.

"Ganoon ba? Nakakalungkot naman" Tumango tango ako at tinignan ang bagong recruit nilang mga taohan,

"Iyan na lahat? Mukha namang malalaki ang katawan pero magagaling kaya?" Tumawa si Red at tumayo, lumapit siya sa mga bagohan kaya tumayo na din ako at lumapit doon,

"Team A! Ipapakilala ko ang isa sa mga Seniors niyo. Siya si Gunner, nakakataas siya kaya galangin niyo" Tumango ako sa kanila at bahagyang ngumiti.

Lahat kami ay may codename na ginagamit, ang akin ay Wheel. Wheel na ginagamit sa pag maneobra ng barko.

"Sige pag patuloy niyo na ang training" Sabi ni Red at nag lakad ulit kami papunta sa Team B, ang Team B ay nabubuo ng mga babae at ang Team A naman ay sa mga lalaki.

Nag sasanay sila para maging reaper ng Royalties.

"May dalawang suspendedo sa Team B, mamayang gabi ang balik nila dito" Sabi ni Red at pinakilala naman ako sa kanila, nag paalam ako kay Red at pumasok sa malaking tent kung nasaan ang mesa ko.

Nagulat pa ako kasi naabotan ko si Daniel doon na nakaupo sa bakal na upoan.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Gumawa ako ng paraan para mapalaya kayo sa sitwasyon na 'to tapos bumabalik ka pa rin?" Napakamot ako ng ulo dahil sa litanya ni Daniel, lagi naman.

"Weirdo, gusto ko ang ginagawa ko" Sumama ang tingin niya sa akin kaya tinaas ko ang dalawang kamay ko,

"Woah, easy there weirdo" tumayo siya at dumampot ng dalawang baril

"Tara sa shooting range" Initsa niya sa akin ang isang baril at sinalo ko naman, lumabas kami sa tent at pumasok sa shooting range na paboritong lugar ni Daniel pag napupunta siya dito.

"Nabalitaan ko sa palasyo na may misyong ibibigay sa inyo pagtapos ng pag sasanay. Pili lang ang isasama" Sabi niya at sinisipat ang target at ganoon din ako.

Sinipat ko ang sintido ng target, kinalabit ko ang gatilyo ng baril at walang mintis ang tira ko.

"Iyon nga ang sabi nila, sa Russia daw gagawin" Sabi ko naman at sinipat ang mata ng target at kinalabit ko ang gatilyo, tira lang kami ng tira ni Daniel hanggang sa maubosan kami ng bala,

"Delikado ang mga sindikato sa Russia, malakas ang kapit nila sa nakakataas doon" Napatango tango naman ako sa kanya at nilapag ang baril sa bakal na mesa,

"Kaya ko sila, ako pa" Pag mamalaki ko kaya nakatanggap ako ng sapok galing kay Daniel at nag lakad na siya paalis.

"Uuwi na ako, buntis asawa ko kaya hindi ako pwede mag tagal" Sabi niya habang nag lalakad at kumakaway sa akin kaya hinayaan ko na.

Maev Nariahree

Focus na focus ako sa pagtattoo ng customer ko sa likod niya, ang pinatattoo niya ay isang pakpak ng Eagle lang at may korona sa dulo ng pakpak nito

Acxel Lorenzo ang pagpapakilala niya sa akin kanina at mukha siyang malungkot dahil sa mga mata niya,

"Ayan tapos na, suggest ko lang na huwag mong masyadong gagalawin dahil pwede siyang mamaga" Paalala ko at hindi naman siya kumibo, nag lapag lang siya ng bayad sa katabing mesa at kinuha ang T-shirt niya kanina tsaka walang pasabi na lumabas.

"Inang yan, walang manners and right conduct!"


#AnchorAndWheel
#InangYan!
#WalangManners

Acxel Lorenzo everyone! from Eagles.

Sorry ngayon lang nakapagupdate. Nag move on pa kasi ako sa ending ng TS 10.

Salamat nga pala sa mga matapang na bumasa ng ending ni Isaac at Shindy.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top