TWENTY- TWO
I would have preferred to tell him everything but he insisted on going down to eat first. He slipped a necklace around my neck before we headed down for supper.
"Tapos na ang birthday ko ah," protesta ko.
"'Di ba nangako ako sa'yo noon na papalitan ko ang pilak ng ginto. Hindi ako nakalimot, Rae..." bulong niya.
My eyes shone with tears again because I had not forgotten at all but I had kept that foolish little dream a long time ago.
"This is a symbol of my love to you, baby. Mula noon hanggang ngayon, hindi 'yan nagbago. Pangalan mo pa rin ang pendant para ipaalala sa'yo na buong pagkatao mo ang pinili kong mahalin..."
His sincerity was evident in his handsome face. Ang suwerte ko naman na isang katulad ni Atlas ang nagmahal sa'kin.
Tahimik lang ako sa hapagkainan habang si Atlas ang nagpupumilit na maglagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Ako na," mahinang protesta ko. Nakakaasiwa kasi dahil nakangiting nakatingin si Papa sa'min.
Pagkatapos namin maghapunan ay saka kami nagkaroon ng pagkakataon na magkausap.
"Papa, puwede po bang sumama po kayo sa'min?"
"Sigurado ka ba, Rae? Puwede naman na kayo lang ni Atlas ang mag-usap."
"Papa, karapatan n'yo rin po na malaman ang sasabihin ko."
Hindi ko man gusto ang mga sasabihin ko, alam kong maduduwag lang ulit ako kung hindi ko pa sasabihin sa kanilang dalawa ngayon. Dapat ay matagal ko nang sinabi sa kanila ang mga nangyari sa'min ni Nanay.
Tumungo kami sa opesina ni Atlas at naupo silang mag-ama sa sofa habang ako naman ang sa silya sa harap nila.
Atlas nodded encouragingly at me, keeping silent so as not to interrupt my thoughts.
"Rae, kahit ano'ng sabihin mo, pamilya pa rin tayo," paalala ni Nong Andres kaya naman nagkaroon ako ng lakas ng loob na magsimula.
"Nang umalis po kami ng La Estrella ay totoo na nagkaroon ng bagong trabaho si Nanay bilang guro sa dating school na pinagtatrabahuhan ni Tatay at kung saan din ako nag-aral. Pero laging nagkakasakit si Nanay at hindi niya natatapos ang mga gawain kaya naman pagkatapos ng isang taon ay hindi na nila siya pinabalik."
I immediately saw the pain and concern in both Atlas and his father. We kept our struggles a secret from our friends in La Estrella and even Nang Tess didn't know what we were going through in Manila.
"Sa wakas ay nakahanap din si Nanay ng trabaho bilang receptionist sa isang dental clinic. Pag-aari 'yon ng Mama ni Timothy. Ako naman ay nagsimulang magtrabaho sa isang maliit na flowershop sa loob ng tatlong taon."
Eventually, we saved enough for me to go back for my sophomore year in college but it was all we could do to make it for a whole school year. The neighborhood we were staying at didn't feel safe and I knew Atlas or his father would realize something was up if they know our address so I stopped all kinds of communication with them.
"Hindi ko maintindihan, anak. Bakit hindi kayo nagsabi ng Nanay mo sa'min? Kahit kaunti sana ay nakatulong kami sa inyo. Hindi ka sana natigil sa pag-aaral mo," komento ni Nong Andres, bakas sa mukha niya ang paghihinayang.
"You stopped writing me..." Atlas said slowly, the events falling into place in his mind.
"Oo, dahil nahihiya ako sa'yo, Atlas. Abogado ka na habang ako..."
Alam ko naman na dapat ay humingi kami ng tulong. Pero kahit si Nanay ay nagdadalawang-isip na makipagugnayan pa sa mga taga La Estrella maliban na lang sa pagtanggap ng renta ng bahay namin. Palaisipan din talaga sa akin kung bakit hindi na lang kami tuluyang bumalik sa La Estrella pero hindi ko na siya pinilit dala na rin ng hiya ko kay Atlas.
Pareho silang natahimik para maipagpatuloy ko ang kuwento pero alam kong hindi lang ako ang apektado sa pag-alala ng mga pinagdaanan namin ni Nanay. Kahit ngayon, nalulungkot ako na hindi man lang niya naranasan ang maginhawang buhay.
"Halos tatlong taon na ang nakalilipas nang inatake si Nanay sa puso sa unang pagkakataon. Tinulungan kami ni Doc. Buensuceso at nang nakalabas na si Nanay sa ospital ay nagbakasakali kaming magtrabaho sa bahay nila dahil nang panahong 'yon ay talagang wala kaming mapuntahan. Naubos ang ipon namin sa pag-aaral ko at sige rin ang bayad sa tinutuluyan namin."
"Alam ko na huli na ang lahat para sa mga pagsisisi, Rae. Hindi ko lang mapigilan ang manghinayang. Hindi kayo dapat nag-isa noon ng Nanay mo sa mga pinagdaanan n'yo," mahinang sabi ni Atlas.
I shook my head and realized tears were streaming down my face. The past few years after leaving La Estrella had been terrible and I never dwell on them if I can help it. 'Yon ang huling habilin sa akin ni Nanay. Huwag daw akong magbaliktanaw sa mga masasakit na nangyari, harapin ko raw ang buhay ko nang may ngiti sa mga labi. Huwag daw akong mamuhay sa nakaraan tulad nil ani Tatay.
"No'ng una ay pareho kaming namasukan ni Nanay na katulong sa bahay nila. Hanggang sa umuwi si Timothy mula sa bahay ng Papa niya at nakilala niya ako. Kinumbinse niya ang Mama niya na payagan akong pumalit bilang receptionist at... niligawan niya ako."
Atlas eyes hardened a little at that. It sounds like Timothy put me in a position wherein I owed him a debt of gratitude but it was not like that.
"Naging... naging mabuti ba sila sa'yo?" tanong ni Atlas.
Tumango ako dahil 'yon naman ang totoo.
"Magaan at halos walang trabaho si Nanay sa bahay nila Doktora. Mabait din ang pakikitungo nila sa amin ni Nanay. Hanggang sa nalaman niyang balak akong pakasalan ni Timothy."
I let my words sink in for a few moments because as much as I want to explain or defend my innocence or motives, I cannot deny the fact that I was planning on marrying Timothy for his money. It was not just the money though.
Gusto ko lang naman ng mas maginhawang buhay, para sa akin at kay Nanay. At kahit isinikreto namin ang ugnayan namin, akala ko ay hindi naman 'yon hahadlangan ni Doktora kapag nakapagtapos na sa Dentistry si Timothy. Pero, nagkamali ako.
"Nang lumuwas ako sa Maynila at nadatnan ko kayong dalawa lang ni Nang Sylvia sa ospital, Rae. Nasaan si Timothy?"
I exhaled slowly and closed my eyes for a moment, still feeling upset about what happened although it has been more than half a year already. Doctor Buensuceso had been kind to us but she didn't take to being betrayed calmly.
Hindi ko rin siya masisisi kung bakit pinalayas niya kami ni Nanay.
"Malapit nang magtapos sa pag-aaral si Timothy kaya kinailangan niyang sundin ang Mama niya..." mahinang sagot ko.
"Kung talagang desidido siya, dapat hindi siya pumayag na pabayaan kayo," marahas na tugon ni Atlas kaya napangiti ako.
Hindi lahat kayang magsakripisyo para sa'kin, Atlas.
"Ilang buwan lang pagkatapos naming umalis sa mga Buensuceso ay nagkasakit nga si Nanay... at alam n'yo na ang sumunod..."
Nong Andres stood up and stepped closer to me before bending to engulf me in a tight embrace. It broke my heart because even though I tried to be strong for my mother in all those years, I longed to ask for help. She was adamant that we don't tell anyone from La Estrella of our hardships but I hated seeing her suffer.
"Sabi ko kay Nanay hindi na namin kaya, Pa!" hikbi ko habang patuloy niyang hinihimas ang likod ko. Ni minsan ay hindi ako naiyak sa balikat ng sarili kong ama— ang kinikilala kong ama na si Tatay Edgardo. Matagal ko na ring ibinaon sa limot ang maliit na kyuryosidad na malaman kung sino ba talaga ang tatay ko. Kaya ngayong yakap ako ng Papa ni Atlas ay nanghihinayang ako sa mga yakap na hindi ko naranasan mula nang bata ako.
"Kung alam ko lang na gano'n ang sitwasyon n'yo, sana ay nakatulong kami sa inyo. Hindi ako papayag na hayaan kayong gano'n ang pamumuhay, Rae. Pero tapos na lahat 'yon. Gusto ko lang ipaalala sa'yo na nandito ka na sa amin ngayon, Rae. Hindi ka na mag-iisa ulit," alo niya sa'kin.
I cried harder not only with the pain of remembrance but also with joy because at last, I have found my rest not only with Atlas, but also with his father.
Alam kong darating din ang panahon na kakayanin ko ring sabihin sa kanila ang sikreto ng pagkatao ko. Sa ngayon ay kikimkimin ko muna 'yon, pero alam kong kapag dumating na ang oras na handa na akong magbukas ng puso ko ay makikinig sila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top