Harsh Truth

Kompara kagabi, maayos na ulit ang pakikitungo ng mag-asawa sa isa't isa. Nagprisinta pa nga si Josef na ito na ang maglinis ng sugat ni Armida sa balikat. Kaya ayun at nakaupo si Armida sa tabi ng toilet sink, bagong ligo lang at tuwalya lang ang suot habang nilalagyan ng iodine ang tahi niya sa balikat habang hindi pa siya nakakapagbihis.

"Does it hurt?" tanong ni Josef.

"Makirot nang kaunti but tolerable naman ang sakit."

Napahinto sa pagdampi ng bulak si Josef at tiningnan ang mukha ng asawa niya na nakatingin naman sa ginagawa niyang paggamot dito.

Bigla niyang naalala ang nangyari noon. Naalala niya noong ginamot niya si Jocas sa HQ.

"Pain is all in the mind. Masasaktan ka kapag inisip mong masakit."

Napansin ni Armida ang paghinto niya sa ginagawa kaya nag-angat ito ng tingin. "Problem?"

Sinalubong niya ang tingin nito. "I find your answer more human." Napatango na lang si Josef at ipinagpatuloy ang paggamot sa asawa niya. "Surprising lang. Akala ko, hindi ka na nakakaramdam ng sakit."

"Pain is inevitable. Masasaktan ka kasi tao ka lang naman."

Natigilan ulit si Josef at napaawang ang bibig nang bahagya dahil sa sinabi ng asawa niya. Napangiti na lang siya at napailing bigla.

Ibang-iba sa inaasahan niya ang sinabi nito. Malayo sa inaasahan niyang sinabi rin nito ilang mga buwan lang ang nakararaan. O baka dahil hindi naman kasi si Jocas ang kausap niya kundi si Armida. At magkaiba ang dalawa.

Tinapos na lang niya ang paglalagay ng gamot at tinakpan iyon ng benda.

"Sigurado ka, hindi ka na galit sa akin?" nakangiting tanong ni Armida kay Josef na nagliligpit ng medicine kit.

"Hindi na nga po," sagot ni Josef at kumuha ng isa pang tuwalya para punasan ang basang buhok ng asawa niya. Inipon niya ang buhok nito at parang batang inaasikaso habang tinutuyo iyon.

Kinuyakoy naman ni Armida nang mahina ang mga binti niya habang nakaupo pa rin sa mataas na sink at nakatingin sa mukha ng asawa niyang focused na focused sa pagtuyo ng buhok niya.

"Bakit hindi na?" parang batang tanong ni Armida kahit na nananatili pa rin ang tono niya na masyadong mature para gayahin si Jocas.

"Kasiiiii . . ." mahabang sagot ni Josef kahit isang salita lang naman. Saglit niyang binitiwan ang towel na hawak at pinindot nang mahina ang tungki ng matangos na ilong ni Armida. "Mahal kita. Okay ka na?"

Napaangat ng mukha si Armida sabay ngisi. Nagpakita tuloy ang mapuputing ngipin niya kay Josef kahit na ngumingisi lang siya nang ganoon kapag may kalokohan siyang ginagawa.

Napakunot tuloy ng noo si Josef dahil mukha talagang may ginawang kalokohan si Armida kung makangisi. Ipinatong na lang niya ang magkabilang palad sa magkabilang gilid ng hita nito at saka niya ito tinitigan nang malapitan. "Alam mong nakakatakot ka ngumiti, right?"

Akala ni Josef, malapad na ang ngiti nito, may mas ilalapad pa pala roon.

Ipinalibot lang ni Armida ang mga braso niya sa batok ni Josef at saka niya ito inilapit sa kanya para dampian ng halik. Naramdaman ng lalaki na nakangiti siya nang maglapat ang mga labi nila kaya saglit itong lumayo.

"Miss that, huh?" tanong nito bago ibinalik ang pagkakalapat ng mga labi.

"Uhm-hm," sagot ni Armida at pinalalim pa ang halik. Napahawak na si Josef sa likod niya para ilapit pa siya rito.

Matapos sa labi ay gumapang na ang mga halik ni Josef sa pisngi niya papunta sa panga paibaba.

"No neck kisses for tonight, Mr. Zach," paalala agad niya dahil may sugat pa siya roon.

Saglit na tumigil si Josef at natawa nang mahina. "As you wish, milady." At imbis na bumaba, umakyat na lang ang mga dampi ng halik ni Josef sa pisngi at doon pinupog ang asawa niya na parang batang pinanggigigilan.

Mula sa magkabilang pisngi, sa noo, sa sentido, sa tungki ng ilong, halos sa buong mukha ni Armida, binaunan ng halik ni Josef.

"Hahahaha!" Natawa na lang si Armida dahil ang dali namang kausap ng asawa niya. Hinawakan na lang niya ito sa magkabilang pisngi at tinitigan ang maaliwalas nang mukha nito kompara kagabi na halos balutin ito ng nakakatakot na aura.

Sa tanang buhay niya, hindi niya lubos maisip na magkakaroon siya ng pagkakataong maranasan iyon. Na may asawa siya, na mahal siya ng asawa niya at tanggap kung ano siya. Na kapag tinititigan niya ang mukha nito, masasabi niya sa sarili niya na kung magkakaroon siya ng dahilan para mabuhay, malamang na para lang makasama si Josef nang matagal. Wala na siyang pakialam kung paano sila mabubuhay, basta ang mahalaga hindi sila maghihiwalay.

At kahit wala siyang binabanggit kahit isang salita, mukhang nabasa ni Josef ang mga mata niya.

"I love you too," sinsero nitong sinabi at dinampian siya ng halik sa noo.

Bumitiw na rin ito sa kanya at inabot na nito ang mga bihisan niya. "Bihis ka na. Aayusin ko lang yung kama."

Matipid lang siyang ngumiti at sinundan na lang niya ng tingin ang lalaki hanggang sa makalabas ng banyo.





MASYADONG MABILIS MABAGO ang mood ng mag-asawa. Kung kagabi ay halos sumpain nila ang isa't isa, ngayon, kulang na lang, humalili sila sa asukal sa sobrang tamis.

Nakaupo lang sa kama at naka-indian seat si Armida habang nakaupo naman sa likuran si Josef, nakasandal sa may headboard na pinatungan ng tatlong unan, at sinusuklayan siya. Talagang pinanindigan niya ang pagiging kunwaring imbalido para asikasuhin siya nito dahil "masakit" nga raw ang balikat niya. Na kung tutuusin, sa lagay na iyon, kaya pa niyang magpatumba ng sampung tao kahit may tama siya.

Wala lang, masaya lang siyang inaasikaso ng asawa niya.

Wala rin namang kaso kay Josef dahil sanay ang lalaki sa pag-aasikaso sa kapatid nitong babae. Mas malaking version nga lang ang asawa niya.

"Josef," pagtawag ni Armida.

"Hmm?" tanong ni Josef na patuloy lang sa pagsusuklay kay diretso naman na ang buhok ng asawa niya

"Sabi ng estudyante ko, may kakambal si Shiner. Sunny ang pangalan."

"And?"

"Kaibigan ni Havenstein si Sunny. Magkasama sila sa iisang grupo."

"Okay. That's . . . okay?"

"Pero sabi ng estudyante ko . . . patay na si Shiner."

Doon natigilan sa pagsuklay si Josef. "What do you mean by that?"

"Last night, umakyat ako sa kuwarto ni Shiner para i-check siya."

"Okay?" Lalong lumapit si Josef sa asawa niya para makinig pa rito.

"Narinig kong nagso-sorry si Shiner sa kapatid niya." Nilingon ni Armida ang asawa niya sa kanang gilid para makita ang reaksiyon nito. "I heard her confession. Hindi siya si Shiner Soliman. Siya si Sunny Soliman . . . at pinatay niya ang kakambal niya." Pumaling patalikod si Armida para makita ang asawa niya. Paluhod siyang humarap dito. "Shiner was involved in drug trafficking. At yung sumugod sa atin kagabi, hindi sila mga tao ni Isidore Soliman."

"W-What?" Napuno agad ng pagtataka at pagkalito ang mukha ni Josef. "And you know it?"

"Yung isang nakalaban ko kagabi, nakita ko ang tattoo sa pulsuhan," kuwento ni Armida at itinaas ang braso para magpaliwanag. "May isang talamak na gang na humahawak ng malaking drug syndicate dito sa bansang 'to. Bawat miyembro nila, may tattoo ng Alef Maksura sa wrist."

Tatango na sana si Josef nang matigilan at napaawang na lang ang bibig.

Alef Maksura. Kilala niya iyon. O parang kahit sino yatang kriminal, kilala ang samahang iyon. Pero ang mas nakakagulat sa kanya ay ang binanggit ni Armida.

"Si Shiner? Member . . . ba?" alanganin niyang tanong.

"Kung ang pagbabasehan ko ay hindi si Shiner na kilala mo kundi si Sunny na kilala ng mga estudyante ko, sasabihin kong oo." Napaayos ng pagkakaluhod si Armida at ipinatong ang mga palad sa hita ng asawa niya pantukod. "Imagine, kakalat-kalat si Shiner dito sa area, tapos hindi siya kinukuha ng ama niya. Imposible e. Maliban na lang kung may kakompitensyang may hawak sa anak niya."

Nakagat ni Josef ang labi at napatingin sa kanang gilid. Napapaisip na siya tungkol kay Shiner.

Masyadong delikadong samahan ang Alef Maksura. At masyadong alanganin para kay Shiner ang mapabilang sa delikadong grupong iyon.

"You don't believe me?" tanong ni Armida dahil bakas sa mukha ni Josef ang pagkalito.

Umiling agad si Josef. "Hindi naman sa hindi kita pinaniniwalaan. Iniisip ko lang kung paano." Sinalubong niya ang tingin ni Armida. "Kung hawak siya ng Alef Maksura, matagal nang nanganganib ang buhay ng batang 'yon. They're one of the worst syndicate I've known. It doesn't matter kung kung miyembro pa siya."

"Runner ng droga yung bata," panapos ni Armida sa kuwento niya.

Si Josef naman ang napasuklay ng buhok nito gamit ang mga daliri habang balisang nag-iisip.

Hindi niya alam kung paano kakalkalin sa utak ang mga nalaman.

Iniisip pa lang niya, parang eksaktong-eksakto sa nangyari kagabi ang mangyayari kapag may kinuha silang tao ng sindikatong iyon.

"Involved ba sa drugs ang mga Soliman?" tanong na lang niya.

Umiling si Armida. "Extortion at illegal gambling lang ang hawak ng mga Soliman. Wala silang record ng drug trafficking."

"Oh my god," napahimas ng bibig si Josef at lalong bumigat ang ulo niya. Akala niya makakatulog siya nang maayos ngayong gabi, hindi pa rin pala. Tingin niya, kailangan na niyang masanay na sumasalubong sa mga bad news mula umaga hanggang gabi para hindi na siya nagugulat pa.

Ngayon, parang dama na niya kung bakit parang wala nang pakialam sa kagulat-gulat na bagay ang Fuhrer na pinalitan niya.

Sa dami ng gulo sa mundo, malamang na umay na umay na ito sa masamang balita para mag-react pa.

Ito namang asawa niya, parang hindi matatapos ang araw na wala itong sorpresa sa kanya na ikagugulantang niya.

"Kausapin na lang natinbukas yung bata, hmm?" pakiusap niya kay Armida at hinawakan ito sa magkabilangpisngi at bahagyang pinanggigilan iyon. "Pahinga na muna tayo. Masyado mo nangkinokompleto ang araw ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top