32: Death Sentence
Kyot nung may mga naiwan pala akong remembrance photo ng mga portrayer ko dati sa media hahaha
____
"Dan!"
Napahilamos ng mukha si Erajin habang puno ng pag-aalala ang mukha nang pigilan si Daniel sa paglapit kina Josef.
Humarang na rin si Aspasia na handa na ring dumepensa kapag inatake sila.
"Erajin . . . umalis ka sa daraanan ko," mariing utos ni Daniel.
Umiling ang babae. "Hindi kailangang umabot sa ganito . . . kailangan natin siya!" Hinawakan pa niya ang pulsuhan ng lalaki para pigilan ang kamay nitong akmang babato ng bagong hugot nitong army knife.
"Walang may kailangan sa kanya!" ganti ni Daniel at dinuro si Josef. "He took everything away from you! And from me . . ."
"No . . . don't," tanging nasabi ni Erajin habang nakatingin sa nagngangalit na mga mata ni Daniel na puno ng pagnanasang pumaslang.
"Ang taong 'yan ang may kasalanan kung bakit nawala ako sa trono! At ngayon, pipigilan mo 'ko? Bakit, ha? BAKIT?!" Bigla niyang sinakal si Erajin na halos magpapikit dito dahil sa gulat.
"Armida—agh!" Napakibot tuloy si Josef nang manakit ang dibdib gawa ng pagsigaw.
"D-Daniel . . ." Hindi na halos makapagsalita si Erajin dahil sa higpit ng pagkakahawak sa leeg niya.
"Alam mo ba ang kasunduan namin?" pagmamalaki ni Daniel kay Josef. "Papatayin ka niya pagkatapos ng kasal n'yo. At babalik ako sa Citadel para bawiin ang posisyon ko kasama siya."
"Daniel . . . t-tama na . . ." Napapikit na lang si Erajin at nahirapang hanapan ng katwiran ang sinabing iyon ng lalaki.
"Lahat ng ito . . . lahat ng ito, planado na 'to mula pa noon!" sigaw ni Daniel at binitiwan na sa pagkakasakal si Erajin pero sinabunutan niya ito sa likurang bahagi ng buhok nito at ipinaharap kay Josef. "Hindi ito ang asawa mo . . . Richard Zach. Dahil walang iyo . . ." Umiling siya at mapait na natatawa. "Ako ang nakatakdang ipakasal sa ikalimang Armida Zordick, hindi ikaw. Ako ang nandoon at kasama niya mula pa noon, hindi ikaw. Ako ang Guardian niya, mula noon hindi ikaw. At ako lang ang kayang magligtas sa kanya sa galit ng Citadel, hindi ikaw! Naiintindihan mo!" Itinulak niya sa maputik na kalsada si Erajin at mabilis na nilukso ang direksiyon nina Josef.
"Daniel!" sigaw ni Erajin.
Sinalubong ni Aspasia ang paparating na pagsugod ng lalaki. Ipinaikot niya ang kamay sa braso nito at malakas nitong inuntog sa mukha si Daniel. Nabitiwan tuloy nito ang kutsilyo at bumagsak iyon sa damuhan.
Napaatras ang lalaki pero mabilis na nakabawi at pumaling palikod saka siniko si Aspasia sa mukha.
Ngunit masyadong mabilis ang babae dahil yumuko ito at sinuntok sa panga si Daniel at saka niya inangat ang sarili hanggang maipalibot niya ang mga binti sa leeg nito. Buong puwersa niya itong ibinagsak sa lupa at sinubukang suntukin ito sa mukha pero nakailag agad ito at gumulong pagilid.
Parehong hiningal ang dalawa at napahawi ng mukha dahil sa ulan na umaagos doon.
"Huh," napangisi si Daniel at lalong tumalim ang tingin niya kay Aspasia. Mabilis siyang tumayo at humugot nang baril. Ngunit bago pa man niya makalabit ang gatilyo at isang lumilipad nang army knife ang bumaon sa dibdib niya mula sa direksiyon ni Josef.
"DANIEEEL!" Mabilis na tinakbo ni Erajin ang lalaki at sinubukang yakapin ito para protektahan sa kanilang lahat.
Napalunok na lang si Daniel nang tingnan ang dibdib niyang may natarak nang kutsilyo.
"D-Dan . . ." naiiyak na sinabi ni Erajin at hindi na malaman kung saan hahawakan si Daniel. Palipat-lipat ang kamay niya sa balikat at pisngi nito. Nilingon niya sina Razele na nanonood lang sa kanila. "Arkin! Gabrielle!"
Napaiwas na lang ng tingin ang mga ito sa kanya.
"Milady . . ." mahinang pagtawag ni Daniel at napaluhod na dahil sa panghihinga.
"Hindi . . . hindi . . . Daniel . . ." Naghalo na sa mukha ni Erajin ang luha at patak ng ulan.
"K-kahit anong . . . m-mangyari . . ."
"Sshh . . . h-huwag ka nang magsalita, hmm?" Idinantay niya ang ulo nito sa balikat niya at nagmamakaawa ang tingin kina Brielle. "Razele! Iligtas n'yo si Daniel, parang awa n'yo na!"
"T-tandaan mong . . . w-walang ibang . . . p-poprotekta sa 'yo . . . k-kundi ako . . . lang . . ."
Naramdaman na lang ni Erajin na bumigat ang ulo ni Daniel sa balikat niya.
"Dan . . . Daniel . . . ?" Saglit niya itong inurong paharap at nakitang wala na itong ulirat. "Daniel?" Tinapik-tapik pa niya ang pisngi nito para magising ito pero hindi na ito sumasagot. "Daniel!"
Lumapit na si Razele sa kanya para ilayo siya sa lalaki.
"Jin . . ."
"Bitiwan mo 'ko!" pagpalag niya at sinubukang balikan ang lalaki. "Daniel!"
Wala silang ibang naririnig sa mga sandaling iyon kundi ang paulit-ulit na pagtawag ni Erajin sa pangalang iyon at ang malakas na ulan.
Ni hindi na nito inintindi kung halos balutin na sila ng putik sa kalsada. Nakatingin lang sila kay Erajin na parang ito na ang pinakanakakaawang tao sa mundo sa mga sandaling iyon.
"DANIEEEL!"
Isang malakas na sigaw sa langit na parang doon makikita ni Erajin ang sagot sa lahat ng nangyayari sa kanya sa mga sandaling iyon.
Biglang bumalik ang lahat sa kanya. Noon, sa Isle . . .
"Milady, ayos lang ba ang pakiramdam mo?"
Si Daniel, ang batang lalaking kasama niya sa isla.
"Kung napapagod ka na, sabihin mo lang sa 'kin, ha?"
"Daniel . . ."
"Hmm?"
"Bakit ikaw lang ang kumakausap sa 'kin dito?"
"Kasi . . . Kasi, espesyal ka."
Biglang sumilay rito ang inosenteng ngiti.
"Basta, ako ang magbabantay sa 'yo sa lugar na 'to."
Naalala niya ang gawain nito noon na kukurutin ang ilong niya nang marahan saka ito tatawa nang mahina.
"At hangga't nandito ako, walang puwedeng umaway sa 'yo."
Biglang nawala ang inosenteng ngiti na iyon sa isipan niya at napalitan ng ngiti nitong handang pumatay ng kahit sinong haharang sa landas nito.
"Daniel, hindi mo naman ako iiwan dito, di ba?"
Naaalala niya kapag hindi siya nakakatulog nang maayos. Hahagurin lang nito ang buhok niya at kakantahan siya nang awiting pampatulog.
"Hindi kita iiwan dito. Hindi kita puwedeng iwan dito mag-isa . . . Matulog ka na, Milady. Babantayan lang kita . . . walang mananakit sa 'yo hangga't kasama mo 'ko. Pangako 'yan."
Naalala niya noong isinayaw siya nito sa tabing-dagat.
"Daniel,"
"Hmm?"
"Mukha na ba 'kong prinsesa?"
Hindi kailanman napawi sa isipan niya ang ngiti nito.
"Prinsesa ka talaga, Milady . . . Ikaw ang pinakamagandang prinsesa sa buong mundo."
Bigla niyang naalala ang isa pang ngiti sa tabing-dagat na sumingit sa lahat ng pag-alala niya.
"Gusto ko lang na habang nandito pa tayo, may maalala kang maganda sa dagat."
Bigla siyang natulala sa langit. Papikit-pikit siya habang tinatamaan ng mga patak sa langit ang mahahaba niyang pilik-mata.
"I can't promise you the world, but if the world fall upon us, I'll protect you at all cost."
At sa isang iglap, parang ibinagsak ng langit ang lahat sa kanya dahilan ng kanyang pagpikit.
Dinama niya ang lamig na gumagapang sa buong katawan niya. Sa pisngi niya, pababa sa buong mukha.
At sa muling pagdilat niya, nasagot na ang lahat ng tanong na gusto niyang masagot.
Ibinaba niya ang tingin sa walang buhay na katawan sa kalsada. Tahimik niya iyong inangat at idinantay sa mga balikat niya para yakapin. Marahan niya iyong hinalikan sa sentido at hinagod-hagod ang basang buhok nito.
"I'm sorry, Dan . . ." mahina niyang bulong at walang buhay ang mga mata nang idako ang tingin kina Mephist na nakatingin sa kanya. Nalipat ang tingin niya sa sasakyan sa di-kalayuan.
"Kay Markus ang sasakyan. Puwede bang magamit?" diretsong tanong niya na may buo nang boses at maotoridad.
"Jin?" takang tanong ni Brielle sa kanya na akay-akay ni Mephist.
Dahan-dahan siyang tumayo habang akay-akay ang katawan ni Daniel. "May linya ang AFV para makatawag. I have to send a distress call sa Citadel. Kakausapin ko ang mga Wolfe." Kitang-kita nila na pinipilit buhatin ni Erajin si Daniel kaya napilitan na si Razele na makiakay rito para matulungan.
"Erajin, sigurado kang tatawag ka sa Citadel?" tanong ni Razele.
"Kakausapin ko ang Decurion ko para maasikaso 'to."
Biglang natigilan si Razele at nakaawang ang bibig nang sundan ng tingin si Erajin. Ni kahit ang pag-akay ay hindi na nagawa dahil sa pagkagulat.
"Mephistopheles, kunin mo si Daniel. Bilisan mo," mariing utos ni Erajin kaya binitiwan na muna nito si Brielle at dinaluhan ang nag-uutos. Ito na ang kumuha ng katawan ni Daniel para dalhin sa van.
"Armida!" pagtawag ni Josef at hinatak ang braso ni Erajin.
Lahat sila ay nag-abang ng susunod na mangyayari. Base kasi sa ikinikilos at mga sinabi nito, mukhang nagbalik na ang alaala nito.
"Tell me, nagbalik na ang alaala mo," masayang sinabi ni Josef na naghahalo na ang pagluha at pagngiti.
Naging masama lang ang tingin ng babae sa braso nitong hawak ni Josef.
"Bitiwan mo 'ko," utos ni Erajin.
"H-ha?" Lalong nalito si Josef.
Nag-angat ng tingin si Erajin at sinalubong ang nalilitong tingin ng lalaki. "Hindi kita kilala kaya bitiwan mo 'ko." Marahas niyang tinabig ang kamay ng lalaki at lumapit na papunta sa AFV.
"Imposible!" Marahas ding hinatak ni Josef ang braso ni Erajin para maharap ito. "Alam kong natatandaan mo na 'ko!"
Mapait na napangisi si Erajin. "Oo, natatandaan kita." Marahas na naman niyang binawi ang braso at puno ng galit ang mga tingin niya kay Josef. "Ikaw ang pumatay kay Daniel. At isinusumpa kita."
Mabilis siyang tumungo sa van at sumakay roon.
"Armida!" pagtawag ni Josef na naghalo na ang gulat at pagtataka. Akma na sana siyang hahabol nang pigilan siya ni Brielle.
"You better not, brother," anito at umiling na lang para sabihing huwag na siyang sumunod. "You better not."
"Pero . . ."
Wala nang nagawa si Josef kundi panoorin ang van na umalis at iwan sila roon.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top