Chapter 30
Chapter 30
Facts
Mariin akong kumapit sa magkabilang braso niya at tiningala siya. "A-Anong s-sinabi mo?"
Mabigat siyang napalunok. "I have her..."
Bigla akong nanghina sa sinabi niya. Maagap niya akong hinawakan at kung hindi ay baka nadala na ako ng tubig.
"You're cold. We should go back to the shore," bulong niya.
"I don't think I can walk." Nanghihina na ang mga binti ko. Gusto na nilang bumigay.
"I'll carry you."
Pumayag na ako na kargahin niya. Natutulala pa ako habang pinoproseso ang lahat. Habang kinakarga niya ako ay saka pa lang ako napatanaw sa baybayin. Nakita ko ang mga kasamahang doktor na nakatanaw din sa amin ni Theo. May nakita rin akong isa pang bangka.
"K-Kailan ka p-pa dumating?" tanong ko kay Theo sa paos na boses.
"Kagabi lang..."
"Okay ka lang ba, Doc Abby?!"
"Doc Theo, okay lang ba siya?"
Nag-uunahan na ang mga katrabaho naming doktor sa pagtatanong nang nasa mahabang sandbar na kami ni Theo.
"Ibaba mo na ako, Theo," utos ko sa malat na boses.
Hindi siya sumagot. Galit niyang tinitigan ang bandang paa ko kaya naman ay nagbaba na rin ako ng tingin dito. Nakita kong tadtad pala ito ng sugat at dumurugo pa. Hindi ko man lang namalayan. Wala na rin kasi akong suot na sapatos.
Nagpatuloy si Theo sa paglalakad habang karga-karga pa rin ko papunta sa bangka. Sumilip ako sa likod namin. Nakita ko ang mga kasamahang tahimik at namamangha lang na nakatingin at nakasunod sa amin.
Maingat akong ibinaba ni Theo sa upuan ng bangka at pagkatapos ay inangat niya na rin ang sarili para makasunod sa pagsampa. Niyakap ko ang sarili dahil sa lamig. Sumunod na rin sa bangka sina Doc Alvin at Doc Christian.
"Heto po, Doc Theo. Para 'di lamigin si Doc Abby," si Doc Christian sabay abot ng kumot.
Walang imik itong tinanggap ni Theo at pagkatapos ay marahang ibinalot sa akin. Napatitig ako sa katawan niyang basa na rin.
Unusog siya sa harap ko at iniluhod ang isang tuhod. Marahan niyang itinupi ang dulo ng jeans ko. Mas lumantad lang ang marami ko pang mga sugat. I saw his jaw clenched angrily.
"Nasa'n ang first aid kit ninyo?" Bumalik na rin ang galit sa mga mata ni Theo.
"Ako na ang kukuha," madaling presinta ni Doc Alvin at pagkatapos ay mabilis na naglakad papunta sa kabilang bangka.
Ibinalik ko ang tingin kay Theo. "Gusto kong makita si Red."
Nag-angat siya ng tingin at naging banayad na ito. "Pag-uwi natin ng Manila."
Marahan ko siyang tinanguan. Ang dami ko pa sanang gustong itanong sa kanya kaya lang hindi ko alam kung saan magsisimula. At isa pa, bumalik na rin sa bangka si Doc Alvin. Ibinigay niya ang first aid kit kay Theo at tahimik lang na umatras sa may sulok.
"I know you have a lot of questions. I will answer all of them when you're ready," pangangako ni Theo habang marahang nilalapatan ng paunang lunas ang mga sugat ko sa paa.
Nagtagal ang katahimikan ko hanggang sa matapos na niya ang pagdi-disinfect sa mga sugat ko.
Hindi ko na muna siya kinausap kahit na bumibiyahe na ulit kami sakay ng bangka. Hindi ito dahil sa gusto ko na naman siyang iwasan at ignorahin. Tahimik lang ako dahil sa napakaraming mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
"Nagulat talaga kami no'ng nawala ka, Doc Abby!" si Doc Grace. "Mabuti na lang nagising si Doc Christian at napansin niyang kumot na lang ang natira sa puwesto mo!"
"Salamat din at dumating bigla si Doc Theo. Nakita niya kaagad si Doc Abby sa dagat no'ng dumaong 'yong bangka niya."
"Amazing nga," sabad naman ni Doc Mark. "Mabuti nga at uh..." Napasulyap siya sa akin, "naisip mong sumunod, Doc Theo."
Alam kong kuryoso silang lahat dahil sa biglang pagsunod ni Theo sa amin sa Cebu. Hindi ko naman sila masisisi dahil mismong ako ay nagtataka rin.
"I was worried about, Doc Abigail," kalmanteng sagot ni Theo na naupo sa tabi ko.
Isang mahabang katahimikan ang sumunod dito. Naduwag akong mag-angat ng tingin para tingnan ang reaksiyon nila sa deretsahang sagot ni Theo.
"Uh... Grabe rin 'yong puyat namin. 'Di man lang namin napansin na nag-sleepwalk na pala si Doc Abby," si Doc Grace na naunang makabawi.
"Delikado rin 'yon. Madalas ka bang nakaka-experience ng gano'n?" baling naman sa akin ni Doc Alvin.
"H-Hindi naman. Kagabi lang..."
"Sobrang natakot talaga ako kagabi! Akala ko talaga malulunod na tayo sa bangka," sambit ni Doc Grace.
"Masyado ka lang talagang nag-panic, Doc Grace," komento ni Doc Christian. "Malaki naman 'tong bangka natin..."
Nagpatuloy lang sila sa usapan hanggang sa marating na namin ang pier. Natanaw namin ang naghihintay na van ng hotel. Sinalubong din kami ng ilang hotel staffs. May bitbit silang mga tuwalya at may tray rin ng take out coffees at cup noodles.
Kinumusta kami ng ilang staffs at sinabi nilang nag-alala talaga sila sa amin dahil hindi na raw kami nakauwi ng hotel kagabi. Matapos ang kumustahan ay pumasok na kami ng van. Sa loob na rin kami uminom ng kape at ang iba naman ay kumain ng cup noodles.
Bago kami tumulak papunta sa airport ay kumain muna kami ng breakfast sa hotel. Habang kumakain na sa mesa kasama ng iba pang mga doktor ay natanaw ko naman si Theo na kararating lang sa breakfast hall. Pansin kong nagpalit na rin siya ng damit. Isang black vneck shirt at dark jeans ang suot niya. Kasabay niyang kumukuha ng pagkain sa buffet area si Doc Alvin.
"Ang drama naman pala nitong si Doc Grace," komento ng nakaupo sa tabi kong si Doc Rica, ang kasama naming anaesthesiologist.
"Bakit?" si Doc Mark.
"Nag-send daw 'yan ng message sa Makati Med kahapon ng umaga. Parang namamaalam na raw 'yong tono ng message niya. Malakas daw kasi ang bagyo. Basta, ang drama! Ipinasa sa'kin ni Doc Clarence..."
Natawa si Doc Mark. "Baka kung ano na iniisip nila sa Makati Med, ah!"
"Malamang! Baka nga kumalat na talaga ro'n. Kaya siguro nagpunta na rin si Doc Theo..." Napasulyap sa akin si Doc Rica.
Nagpokus lang ako sa pagkain at hindi na pinatulan pa ang usapan nila.
Matapos kumain at habang abala na ang lahat sa paghahanda para sa pag-alis tulad na lang ng pagsakay ng mga bagahe sa van, nilapitan naman ako ni Theo.
"I'll see you later in Manila."
Kumunot ang noo ko. "Hindi ka sasabay sa'min?"
Inilingan niya ako. "Saan tayo magkikita?" tanong ko.
"Kung sa'n mo gusto..."
Kinagat ko ang ibabang labi at tumango. "How about sa... breathing space mo?"
"All right." Ngumiti siya pero may lungkot sa mga mata niya.
Muli akong sumulyap sa van at nakitang handa na ang lahat. Tiningnan ko ulit si Theo.
"Mauna na kami," paalam ko.
"Take care." He nodded.
I and my fellow doctors left for Manila. I was anticipating my meet up with Theo the entire flight. Sa lahat ng mga emosyon na bumuhos sa akin, nangibabaw rito ang kasabikan sa muli naming pagkikita ng anak ko.
Nang makarating na sa Maynila ay umarkila kaagad ako ng taxi para makauwi na sa condo. I took a quick shower when I reached home. Bumagal ang oras para sa akin habang naghihintay ng mensahe ni Theo kung nakauwi na rin ba siya ng Manila.
Nakatanggap ako ng private message mula sa kanya. Marahil ay sa ospital niya nakuha ang number ko. Tinanong niya sa akin kung anong oras kami magkikita. I told him that we should meet at six in the evening.
Quarter to six, I received a text message from him again. Ipinaalam niya sa akin na nasa meeting place na siya. Suot ang leather jacket dahil malamig ang panahon, bumaba na ako ng condo at bumiyahe papunta sa kung saan na siya naghihintay.
The drive was short because of the anticipation I felt. Maski na alam ko namang hindi niya dinala si Red, sabik pa rin akong malaman ang lahat kung paano napunta kay Theo ang anak namin. I was nervous as well lalo na sa lahat ng magiging rebelasyon.
Ipinarada ko ang sasakyan sa tabi ng Aston Martin ni Theo. Nakita ko ang agaran niyang paglingon sa akin. Nakatayo siya kung saan tanaw ang kalakhang siyudad. Mukhang kanina niya pa ito ginagawa habang naghihintay sa akin.
Tinanggal ko ang suot na seatbelt at pagkatapos ay bumaba na ako ng sasakyan. Naglakad ako palapit sa mahabang wooden bench at ganoon din ang ginawa niya. Naupo ako sa kaliwang dulong bahagi ng upuan. Tahimik niyang tinitigan ang mahabang espasyo na sadya kong inilaan para mamagitan sa aming dalawa. Ilang sandali pa ay naupo na rin siya sa kabilang dulo ng upuan.
There was a long pause before I decided to speak.
"T-Tulog na ba si Red?"
"Not yet," sa mahinang boses niya sinabi. "She said she'd... wait."
May parang lumundag sa dibdib ko. Huminga na muna ako ng malalim. Nalilito pa ako sa kung alin ang isusunod na tanong dahil nag-uunahan na ang mga tanong sa utak ko.
"I can... start from the beginning," Theo helpfully added.
Sinulyapan ko siya at marahan akong tumango.
He heaved a deep sigh. "I was still in Canada when I received a call from my mother," panimula niya. "She told me that you and I had a... baby. No'ng marinig ko 'yon sabi ko agad sa kanya na uuwi ako ng Pilipinas." I saw him swallowed hard. "But then her next words stopped me..."
Ibinaling ko ang tingin sa mga kamay na ipinatong ko sa kandungan habang pinakikinggan si Theo.
"She told me that you... gave our child away," aniya sa matigas na boses. "That you could not handle the responsibility. That you..." he sharply inhaled, "did not want her..."
"Did you believe her?" mapait na tanong ko at tiningnan na siya.
"She gave me proofs." Tiningnan na rin ako ni Theo. He looked so confused as he gazed at me. "Nakausap ko ang mag-asawang pansamantalang kumupkop sa anak natin dahil umuwi pa rin ako ng Pilipinas. That's when I also found out that Red had undergone a heart surgery."
"Dahil humingi ako ng tulong sa kanila," desperadang giit ko.
Naningkit ang mga mata niya na para bang litong-lito siya. "That's not what they said." Marahan siyang umiling. "Ang sabi nila, ipinamigay mo na raw si Red sa kanila no'ng nalaman mo ang kondisyon niya. That you found her a... liability." Tagos sa akin ang pait ng tono ng pananalita niya sa huling salita.
Nagpakawala ako ng hinugot ko pa sa pinakailalim na hikbi. "T-that's not true," sambit ko sabay iling. "Alam ng Diyos ang lahat... Alam ng pamilya ko ang paghihirap na dinanas ko simula nang... mawalay sa'kin ang anak ko!"
He nervously licked his lower lip. "But those were the facts handed to me back then... Those were the truths that I resented to believe."
"Anim na taon!" Marahas akong napatayo dahil sa emosyon. Hinarap ko siya. "Anim na taon akong nagdusa habang nangungulila sa kanya! Hirap na hirap akong mabuhay, Theo..." pagsusumamo ko. "Alam mo ba kung ano lang ang nagsisilbing rason ko para gumising araw-araw?" galit na tanong ko sa kanya. "Pag-asa! Maski konting pag-asa man lang na sana... na sana kinabukasan, makita ko na siya... Na sana mayakap ko na ulit siya..."
"Hindi ko alam," nanghihina niyang saad.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin no'ng nagkita tayo ulit?" panunumbat ko. "Napakaraming pagkakataon..."
"Dahil itinanggi mo, Clau," tugon niya. "I asked you plenty of times if you ever had a kid but you kept...on denying it... Kaya iba ang paniniwalang pinanghawakan ko..."
Bumuhos ang galit at nagsusumamong mga luha ko.
"I-Itinago niyo siya s-sakin... Ipinagkait ninyo sa'kin ang anak ko." Pumikit ako at hindi na makontrol pa ang mabibigat na paghikbi. "S-Sana... Sana p-pinatay niyo na l-lang ako... d-dahil parang gano'n din naman ang g-ginawa ninyo..."
Muli akong dumilat at tiningnan ulit siya na bigo namang nakayuko. Dahil sa maliit na bombilya na parang alitaptap ay maliwanag pa rin ang paligid kaya klarong-klaro ko ang pagpatak ng mga luha niya sa lupa.
"Aminado ako sa pagkakamali ko na itago sa'yong buntis ako," pagpapatuloy ko sa medyo kalmado ng boses. "Pero gano'n b-ba talaga ang parusa na dapat ipataw sa'kin? Ang ipagkait sa'kin ng maraming taon ang sarili kong anak?"
"I am not blaming you, Claudine," aniya sa durog na boses. "I suffered as well, but I will never invalidate your feelings nor undervalue your pain for I now know that you suffered too. I'm sorry... I'm sorry for the six years of being in pain."
"I want to see her now," paos na hiling ko pagkatapos ng ilang minuto. "I want to see Red."
"I'll take you to her."
I followed Theo's car. Ang lakas ng bawat pagpintig ng puso ko habang nagmamaneho. I had mixed emotions. I was excited, but at the same time nervous. Parang sasabog ang dibdib ko sa saya pero sa likod nito ay may matinding takot din. Takot ako sa magiging reaksiyon ng anak ko. Takot ako kung ano ang iisipin niya at kung matatanggap niya ba ako.
Ang sinabi lang ni Theo sa akin ay naghihintay raw sa akin ang anak namin. Ibig sabihin ba nito ay alam niya?
Pumasok kami sa isang pinakakilalang exclusive village sa Makati. Theo's car slowed down when it reached the last big white mansion. There's a huge fountain as well. Sumunod ako sa kanya hanggang sa tuluyan niyang ipinarada ang kanyang sasakyan sa gilid. Ganoon din ang ginawa ko. Bumaba siya ng sasakyan at bumaba na rin ako.
Tiningala ko ang malaking mansiyon. It was huge that it made me think that it's his entire family's home.
"It's my parents' house but... they're not around," malapit na boses ni Theo.
Sa pagkamangha ko sa mansiyon ay hindi ko na napansin pa ang paglapit niya.
"So it's just you, Red, and your wife who live here?"
Nagkasalubong ang dalawang kilay niya. "Wife?"
"Papa!"
Nabulabog kami sa sigaw ng isang bata na nanggagaling sa loob ng mansiyon.
Mahinang napamura si Theo. "She's probably running down the stairs." He glanced and smiled at me apologetically. "Let's go..."
Nauna siyang naglakad papunta sa malaking pintuan. Nakasunod ako sa likod niya. Bumukas ito at pumasok kami sa loob. Nakita ko ang patakbong pagsalubong sa kanya ng... anak namin na halatang kabababa lang ng mahabang hagdan. May dalawang unipormadong katulong sa likod niya.
Walang kahirap-hirap na kinarga ni Theo ang anak naming nakasuot na ng pantulog. May ibinulong si Theo sa kanya at pagkatapos ay mabilis na napalingon si Red sa gawi ko. Umawang ang labi niya at may mangha rin sa kanyang mga mata. Nagmamadali siyang bumaba mula sa pagkakarga ni Theo.
Kusang kumilos ang mga paa ko. Kinain nito ang distansiyang namagitan sa amin ng anak ko.
"Mama!" hiyaw niya sa napakasayang boses.
Sinalubong ko siya ng mainit at mahigpit na yakap. Lumuhod ako para mas maayos itong magawa. I cried so hard as her little arms tightened around me. Not letting go. Matagal na ganoon ang ayos naming dalawa.
Kumalas lang ako pansamantala para tingnan siya ng mabuti. May bangs din siya tulad ko at sobrang itim din ng buhok niya tulad ng sa akin. Ang pusyaw pa rin ng balat niya tulad noong baby pa siya. She's also tall just like Theo.
"A-Ang laki laki mo na..." hindi makapaniwalang sambit ko. "Ang ganda ganda mo, Red..."
"You're so pretty too, Mama!" ngiti niya.
Ngumiti ako at walang tigil na namang bumuhos ang mga luha ko. Niyakap ko siya ulit at walang paglagyan ang saya sa puso ko.
Kung hindi pa kami pinagsabihan ni Theo na lumipat sa sala para maupo sa sofa, mananatiling ganoon ang puwesto namin.
Kumandong ang anak ko sa akin at hindi na umalis sa tabi ko. Parang walang nawalang anim na taon kung paano siya makitungo sa akin. It was as if I just left for work in the morning and then went home the evening.
Sa bahay na rin nila ako kumain ng dinner. Tumabi ulit sa akin si Red maski tapos na raw siyang kumain at kumain na lang ulit. Ang daldal niya habang kumakain kami. I also noticed that she knows how to eat on her own. Theo must have trained her.
Tahimik lang si Theo na nagmamasid sa amin ni Red gamit ang namumungay na mga mata.
"Mama, when I grow up, I want to be a doctor too," saad ni Red.
Nagtaas ng isang kilay si Theo. There was also a ghost of smile on his lips. "I thought you don't want to be one 'cuz we're already a family of doctors?"
"But I wanna be like Mama," giit ni Red sabay gawad ng matamis na ngiti. "Papa said that you're very smart, Mama. You were Mangga Cum Laude in college!"
"What's that again, Red?" ngisi ni Theo.
"Mangga Cum Laude," puno ng kumpiyansang baling ni Red sa ama bago itinuon mui ang buong atensiyon sa akin. "I'm very smart too!"
"Of course you are. Mana ka sa'kin," banayad na sabi ko sabay gawad ng marahang halik sa noo niya.
Lalong lumapad ang ngiti niya at napayakap siya sa akin. She's a very sweet child. It's very heartwarming.
Napasulyap ako kay Theo at nakitang pinagmamasdan niya ang anak namin sa nanghihinang mga mata. Nang umambang lilipat ang tingin niya sa akin ay agad akong nag-iwas ng tingin.
Nagpatuloy ang masayang dinner namin na parang isang buong pamilya. But I could not stay.
"You can stay here for the night," imbita ni Theo nang magpaalam na ako. Karga niya sa bisig ang nakatulog ng anak namin.
Iginala ko ang tingin sa mansiyon ng mga magulang niya bago sumagot at muli siyang tiningnan.
"I don't think I can."
May pait na dumaan sa mga mata niya. Alam kong batid niya ang rason ng pagtanggi ko. Masyadong maraming masasakit na ginawa sa akin ang mga magulang niya.
Ibinalik ko ang tingin sa anak namin. Tulad ng kay Theo, ang hahaba rin ng mga pilikmata niya.
"You didn't change her name..." puna ko sa mahinang boses.
"It's the name you gave her. I didn't have the right."
Matagal pa bago ako nagsalita ulit. "Red... knows me."
"She does."
"I mean it's not just my name and that I'm her mother she's aware of. She also knows a lot about me."
Napalunok si Theo at sumidhi ang titig niya sa akin. "That's because I told her all about you. I started describing you to her when she was just one year old."
Mistulang may yumakap sa damdamin ko sa naging rebelasyon ni Theo.
"But you hated me..." lito kong sinabi.
Marahan siyang umiling. "Hindi saklaw ng galit ko ang pagiging ina mo, Clau." Banayad niyang tiningnan ang anak namin. "I wanted her to know you the way I knew you. I wanted her to know how amazing her mother is..."
"H-Hndi mo sinabi sa kanya ang paniniwala mong... ipinamigay ko siya?"
"No, I didn't. I didn't want her to carry the same burden I was carrying. I didn't want her living in pain."
Napasinghot ako. "T-Thank you, Theo."
"I'm sorry for taking her away from you—"
"No, you didn't." Maagap akong umiling. Hindi sumasang-ayon dahil nauunawaan na ang lahat. "You didn't know. We both didn't. Biktima lang tayong tatlo ng anak natin ng mga taong makasarili." Napasulyap ako sa madilim ng labas.
"I should go," baling ko ulit kay Theo at saka ngumiti. "Malalim na ang gabi at para na rin makaakyat na kayo ni Red..."
"All right," ani Theo sabay puno ng pag-asa akong tinitigan. "We'll see you... tomorrow."
"See you tomorrow," I promised.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top