Chapter 33

ALES

MAGDAMAG AKONG HINDI nakatulog dahil sa nangyari.

Hanggang ngayon, nanggigigil pa rin ako sa galit. Hindi ko matanggap na meron akong ganoong klase ng magulang.

Dinaan ko na sa iyak at lahat-lahat, pero ang bigat pa rin ng talaga sa pakiramdam. Si Mama lang ang kayang magpaiyak sa 'kin nang ganito kasi ang sakit niya talagang maging nanay.

I haven't told Theo about it yet. Ayoko siyang tawagan kasi baka hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Hihintayin ko na lang siyang makauwi para personal kong masabi sa kanya.

Theo arrived home around seven in the morning.

Puyat ako kaya ang sakit ng ulo ko at ang clouded ng utak ko ngayon.

Pagkapasok niya rito sa apartment, niyakap ko agad siya nang mahigpit.

Finally, I felt safe and at peace again. Hindi ko alam pero para akong bata ngayon na gustong-gusto nang magsumbong sa kanya.

Nagulat nga siya sa 'kin kasi sanay siya na tulog pa ako kapag umuuwi siya, pero ngayon, ako mismo ang sumalubong sa pintuan.

"Bakit gising ka?" tanong niya sabay hinigpitan ang yakap sa 'kin. "Imposibleng maaga kang nagising. Hindi ka pa natutulog, 'no?"

Napangiti ako. "Kilalang-kilala mo talaga ako. I can't sleep."

"Tsk." Sinabit niya ang car keys niya malapit sa pinto, tapos hinawakan ang mukha ko. "Sumusobra na 'yang pagpupuyat mo, ah. Magkakasakit ka niyan."

"I'm fine. Okay nga 'yun, eh. Look, nakapagluto ako ng breakfast. Let's eat?"

"Kailan naging okay 'yun? Tingnan mo 'yang mga mata mo, namamaga na 'yan sa pagod."

Napaiwas agad ako ng tingin.

Hindi naman kasi dahil sa pagod kaya namamaga ang mga mata ko. I cried the whole night.

"Pagkatapos mag-almusal, matulog ka, ah?" sabi niya na lang. "Wag ka na munang magsulat."

"Okay, mister. Kain na tayo."

Nauna na akong pumunta sa kusina para gumawa ng kape sa coffee maker.

"Ano 'to?" bigla niya namang tanong. "Kanino 'to galing?"

Lumingon ako at nakitang hawak na niya 'yung binigay na pastries ni Mama. Hindi ko pala naitabi 'yon. Maaga ko tuloy masasabi sa kanya ang tungkol sa nangyari.

Bumuntonghininga na lang ako. "My mother went here last night."

Hindi siya nakasagot.

"Ewan ko kung paano niya nalaman kung saan tayo nakatira," dagdag ko. "She just appeared at our door. Hindi ko muna sinabi sa 'yo kasi baka mag-alala ka sa 'kin."

"Pumunta rin pala siya rito."

Natigilan agad ako at muli siyang tiningnan. "Rin? What do you mean by that?"

He suddenly looked away.

Tumigil na ako sa paggawa ng kape at binalikan siya. "Theo, did something happen? You're scaring me."

"Mamaya ko pa sana 'to sasabihin kasi alam kong wala ka sa mood kapag ganitong oras." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "Pinuntahan din ako ng Mama mo kagabi sa Third Base. Hindi mo magugustuhan ang ginawa niya."

Napabagsak ako ng mga balikat. Wala pa naman siyang ibang sinasabi, pero ang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"W-what did my mother do?"

Napayuko siya. "Binigyan niya ako ng cheke. Ang gusto niya, makipaghiwalay ako sa 'yo."

"Oh my god." Hinang-hina akong napaupo sa silya.

My chest tightened, and I couldn't force any words out. Pakiramdam ko maiiyak na lang ulit ako sa galit.

"Wag kang mag-alala," sabi niya, "hindi ko naman tinanggap."

I looked up at him. Nanunuyo ang mga labi ko. "What did you tell her?"

"Wala. Sinabi ko lang na ang lungkot siguro ng buhay niya."

"W-what?"

"Totoo naman kasi. Malungkot ang buhay niya kaya gusto niya, lahat ng kakilala niya, malungkot din. Para siyang hindi nanay."

"Theo..." Napatakip na ako ng mukha dahil nahihiya ako sa kanya. "I'm so sorry for what she did. Ako na ang hihingi ng tawad."

Lumapit naman agad siya sa 'kin at pinayakap ako sa baywang niya. "Wala 'yon, wag mong problemahin. Hindi naman talaga ako naapektuhan sa nangyari. Medyo napikon lang, pero ayos lang ako."

"No, that's not okay. Napaka-unfair kasi ang bait-bait ng pamilya mo sa 'kin. Pero ako, ang nanay ko, ganito sa 'yo. Ako ang nahihiya para sa kanya. I'm really sorry."

Humila rin siya ng silya at umupo na sa tapat ko. He held my shaking hands and squeezed them. "Wag kang mahiya. Sige, aaminin ko, hindi ko gusto ang Mama mo. Iba siya kung tumingin sa 'kin. Ininsulto niya rin ang Third Base kagabi at kinwestyon niya ako kung kaya raw ba kitang buhayin sa kinikita ko sa club. Pinaglaban ko ang sarili ko kagabi, pero nagpigil pa rin ako kasi alam kong nanay mo pa rin siya. Kailangan ko pa rin siyang respetuhin kahit na papaano."

"Anong sinabi niya tungkol sa club?"

"Masyado raw maliit. 'Yung cheke na binigay niya sa 'kin, gamitin ko na lang daw para magpatayo ng mas malaking club. Basta hiwalayan lang daw kita. Sa totoo lang, hindi ko alam na may gano'n pala talagang klase ng tao. At magulang mo pa. Pero kahit ano namang gawin at sabihin niya sa 'kin, hindi kita iiwanan." Hinaplos niya ang pisngi ko at ngumiti siya nang matamis. "Wala akong pakialam sa kanya. Basta mahal na mahal kita, 'yun ang importante."

Pumikit ako nang mariin.

Naaawa na ako sa kanya kasi sinasalo niya 'to at iniintindi niya lahat kahit na alam kong nasasaktan din naman talaga siya. Na hindi naman talaga okay 'tong nangyayari pero pinipilit niyang maging kalmado. Hindi siya nagagalit.

He squeezed my hands so I would look at him again. Kaso hindi ko na siya magawang tingnan kasi nahihiya ako sa klase ng pamilya na meron ako.

"Anong ginawa ng Mama mo rito kagabi? Sinaktan ka ba ulit niya?"

Hindi ako makasagot. Alam ko kasing hindi niya magugustuhan ang naging pag-uusap namin ng nanay ko.

"Ales? Anong nangyari?"

I glanced up at him. 'Yung mga luha ko, malapit ng tumulo dahil sa sama ng loob. "Pinilit niya rin akong makipaghiwalay sa 'yo. Sinabi niya ulit sa 'kin ang tungkol kay Eithan. She wants me to marry him instead because we need his family to save our businesses."

"Hiwalay na ba talaga 'yon sa asawa niya?"

"That's what my mother said. Eithan broke up with his wife because he realized he was still in love with me. Hindi ko alam kung totoo ba 'yon, pero sobrang bullshit."

Napahinga naman siya nang malalim. "Nahalata ko na 'yon nung pumunta tayo sa kasal niya."

"What?"

"'Di ba binanggit ko sa 'yo 'yon? Nung nandoon tayo sa kasal niya, iba pa rin siya tumingin sa 'yo. Ramdam kong gusto ka pa rin niya."

My shoulders slumped. Naalala ko nga na sinabi niya 'yon sa 'kin, pero hindi ko alam na seryoso pala talaga siya that time. I thought he was just teasing me.

Napayuko na ako kasi nakaramdam na naman ako ng hiya. "I'm sorry, I didn't know."

"Hindi naman ako galit, hindi rin ako nagseselos kasi alam kong akin ka lang. Hindi ko lang gusto na pinipilit ka ng nanay mo sa Eithan na 'yon na para bang wala ako rito."

A sharp ache pierced my heart. Ako na ang nasasaktan para sa kanya.

Hindi na talaga katanggap-tanggap 'tong nangyayari. Kaka-kasal pa lang namin, pero ang bigat na agad ng kinahaharap naming problema. This has to stop. Ayokong maabuso ang pagiging mabait ng asawa ko.

Tinapangan ko ang loob ko at tumayo na.

"Saan ka pupunta?" tanong niya agad sa 'kin.

"I'm going to call my mother."

Pumasok ako sa kwarto para kunin ang phone ko. Tinawagan ko agad ang demonyo kong nanay.

After a few rings, someone answered. "Hello."

Natigilan ako kasi ibang boses ang sumagot.

"Audrey?" hula ko. "Is this you?"

"I think so. Who's this? Alessia?"

Napapikit ako. Ang kapatid ko nga ang sumagot. Ngayon ko na lang ulit siya nakausap. Hindi kami malapit sa isa't isa kahit na dalawang taon lang ang tanda niya sa 'kin.

"Where's your mother?" Pinipigilan ko ang panggi-gigil ng boses ko.

"She's out to have breakfast with my fiancé's family. Naiwan niya ang phone niya sa 'kin. Why did you call? Is there a problem? Bigla ka yata uling nagparamdam."

"Alam kong alam mo kung bakit ako tumawag."

"I don't know. Kaya nga kita tinatanong."

"'Yang nanay mo, ginugulo kami ng asawa ko! Pinuntahan niya ako kagabi para piliting balikan si Eithan. And then he went to my husband and offered him money just to leave me. Ano ba, ayaw niyo ba talaga akong maging masaya?"

"Bakit mo ako dinadamay sa galit mo? I don't have anything to do with this."

"Oh, shut up! Alam kong magkasabwat kayo ni Mama pagdating sa mga ganito."

"Will you please stop assuming. Ni hindi ko nga alam kung ano talaga ang issue niyo ni Mama. I just heard that you came to our house with a guy. Nagpakasal ka na pala? Naunahan mo pa ako. But you know what, relax, I can talk to Mom about this. Sasabihan ko siya na pabayaan ka na kasi matanda ka naman na."

"Oh, really? You'll do that just for me?" I was being sarcastic.

"Bakit ba ganyan ka makipag-usap sa 'kin? Para bang pati ako, kaaway mo. Tsaka hindi ka na nasanay kay Mama. Gano'n naman talaga ang ugali no'n. And she's stressed lately because of what's happening to our businesses. Pero wag kang mag-alala, ginagawa ko naman ang lahat para makatulong. I'm getting married to Samuel Chen in a few months."

"Your mother did tell me about that. Bakit ka pumayag sa arranged marriage? Palagi ka na lang nagsusunod-sunuran kay Mama na nakakalimutan mo nang piliin kung saan ka talaga magiging masaya."

She chuckled on the other line. "Who said that I'm not happy? I'm happy with my life decisions, Alessia. I like Samuel a lot, so it's a win-win situation."

Umigting ang panga ko. "Okay. So ako lang pala talaga ang walang ambag kasi nagpakasal ako sa lalaking mahal ko?"

"Is that what Mom told you? Come on, Alessia, wala naman na talagang magagawa si Mama kasi kasal ka na. Hindi ka niya pwedeng diktahan na makipaghiwalay nang ganun-gano'n na lang. You're old enough. And honestly, I'm glad that you've already settled down. Akala ko hindi ka na makakapag-asawa dahil sa personality mo. But look at you. Galit lang si Mama ngayon, pero matatanggap niya rin 'yan. As I've said, I can talk to her so she'd stop bothering you and your husband . . .

. . . I just have one condition."

Napakunot ang noo ko. "What is it?"

"Come to my engagement party. Gusto ko na kumpleto tayo. It's about time that we reunite. Ako nang bahala kay Mama. Sa akin lang naman talaga nakikinig 'yon. Sisiguraduhin ko na hindi na niya ulit kayo gugulohin."

"'Yon lang ang kapalit? You just want me to be there at your engagement party? At bakit naman ako maniniwala na gagawin mo nga talaga ang sinasabi mo?"

Natawa ulit siya sa kabilang linya. "Wow, your trust issues are really showing. My dear sister, I know you don't like me. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba ako ang mas paborito ni Mama? As far as I can remember, I didn't do anything nasty to you. You just hate me for no reason. Wala kang tiwala sa 'kin? Sige nga, may naaalala ka bang pagkakataon na pinahamak kita? Hindi mo kasi ako kinakausap kaya hindi mo alam na kaya naman kitang protektahan."

Hindi ako nakasagot. Parang natauhan ako bigla.

To be honest, she has a point. Hindi naman talaga kami magkaaway o ano, hindi lang talaga kami nag-uusap. Masyado kong tinatak sa utak ko na ayoko sa kanya kasi nagiging clone na siya ni Mama.

"So..." nagsalita siya ulit. "Is this a deal?"

Napapikit ako at huminga nang malalim bago sumagot. "When is your engagement party?"

TO BE CONTINUED

AUTHOR'S NOTE: Hello, loves! Thank you so much for patiently waiting! I appreciate you all so much! I am very sorry kung ngayon lang ulit ako nakapagsulat. My father passed away last October. Nahirapan akong bumalik sa usual routine ko. I'm still not 100% okay, but I'm slowly recovering. Maraming salamat sa paghihintay! Completed na until Chapter 40 ang story na ito sa Patreon. Epilogue na lang ang kulang. If you want to read the chapters in advance, you may subscribe to my Patreon at www.patreon.com/barbsgaliciawrites. Thank you so so much for the support. I love you all!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top