SALVATION // 15 🍀


You can read this completely on Novelah/StoryOn/Finovel for free!

By reading The Salvation written by Magunthengtsismosa you are also helping the writer to earn points.

Sana po ay mag-enjoy kayo sa pagbabasa at sana ay matulungan niyo rin ako.

Paalala lang po pala, while starting on writing The Salvation, I am still an inexperienced writer so expect to see some loopholes in the story but I can vouch on myself that my writing style does improved every chapters.

•|||||||||||||||||||||||||||•

I'm back!

**   ***

Almira's POV

"Nakapagdesisyon ka na ba, Estheria?" Tanong ni Daddy kay Auntie Estheria habang nasa hapag kami at kumakain ng umagahan.

Nagising kasi kami ni Auntie kanina na nasa labas ng bahay si Daddy at nagtatao po.

"Wala naman akong magagawa, magiging masama lang ako sa paningin ng pamangkin ko kung pipigilan ko siya sa gusto niyang gawin. Gusto ko lang na ingatan at alagaan mo siya doon, huwag ko lang malalaman na sinasaktan at pinapaiyak niyo itong pamangkin ko dahil talagang susugudin ko kayo sa bahay niyo sa Maynila." Pagsang-ayon na may kasamang pagbabanta pa ni Auntie, napangiti naman ako ng lihim sa sarili ko. Tagumpay ang unang step ko, makakapunta na ako ng Manila!

"Auntie, bakit hindi niyo na lamang po ako samahan?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Hindi na. Pamilya mo ang naroon at saka walang magbabantay ng bahay basta kung ayaw mo doon bumalik ka agad dito at hihintayin kita. Mag-iingat ka doon ah." Aniyang hinaplos ng kaliwang pisngi ko.

Ngayon ay nagdadalawang isip tuloy ako, ayokong iwang mag-isa si Auntie Estheria hindi naman sa matanda na siya pero baka mahirapan siya sa ibang bagay pero naisip ko rin naman na kung ipagpapatuloy ko ang misyon ko mas maganda ito sapagkat makakasama niya ang totoo niyang pamangkin—ang totoong Mira at makakabalik ako sa dati kong buhay.

Ipinilig ko ang ulo ko at ngumiti kay Auntie, "ikaw rin po, mag-iingat lagi. I love you , Auntie Estheria." Malambing kong sabi sa kaniya.

"Siya-siya tapusin na natin ang pagkain natin nang maayos na natin ang mga dadalhin mo para hindi kayo gabihin sa biyahe ninyo ng Uncle Romualdo mo." Magana akong sumubo ng pagkain. Nae-excite na ako sa pagbabalik ko. Ngunit itinatak ko rin sa utak ko ang dapat kong gawin sa Manila. Hanapin ang lalaking huling nakasama ko, bisitahin ang sarili ko sa hospital at magligtas ng mga kaluluwa habang gumagawa ng mabuti.

**   *** 

"Are okay there? Comfortable?" Ani daddy ng makapasok na sa sasakyan niya.

Sa sobrang saya ko na makakapunta na ako ng Manila ay hindi na ako nakapagsalita pa at tanging tango at ngiti nalang ang isinagot ko sa kaniya.

Dahil malayo-layo pala talaga ang probinsya nina Auntie Estheria sa Manila ay nakatulog ako sa biyahe nagising lang ako ng tapikin ako sa balikat ni Daddy.

"Pananghalian na, sorry ginising kita baka kasi malipasan ka ng gutom baka sundan at sugudin pa ng Auntie mo ang bahay namin sa Maynila. Hahaha!" sambit niyang may kasunod pang matunog na ngisi.

Napatitig naman ako kay Daddy, namiss ko yung ganito kami dati, yung kahit wala si mommy at dalawa lang kami pero masaya.

Napaseryuso tuloy si Daddy dahil napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya.

He cleared his throat before handing me the paper bags na may lamang mga pagkain, "may burger, fries and chicken diyan, ito naman yung drinks mo," itinuro niya ang softdrinks na nasa lagayan sa pagitan ng upuan namin.

"Malapit na po ba tayo?" Tanong ko matapos kong kumain kahit pa alam kong malapit naman na kami, wala lang...gusto ko lang na mag-ingay ng kahit konti.

"Nandito na tayo," nakangiting sambit niya sa akin. Napatingin naman ako sa bintana ng kotse at nakita ko na nga  ang mga nagtataasang buildings patunay na nakabalik na nga ako rito sa Manila!

I'm back!

Finally! I'm really back here!

"Bago sana kita ihatid kina tita Andrea mo dadaan muna sana tayo sa hospital."

"Sige po! Okay na okay po!" Mabilis kong sagot. Natawa lang ng mahina sa akin si Dad at napanguso naman ako, wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah.

"You know what? Magkakasundo kayong dalawa ni Almira. Sana lang magising na siya para makilala mo na siya, mabait ang unica kong iyon. Mas matanda lang siya ng dalawang taon sa'yo pero mabait at magkakasundo talaga kayong dalawa." Nakangiting kuwento niya pa. What did I do in my past life for me to have a great father...he doesn't even include how rude I am he just plainly said that I am kind.

"Uncle, puwede pong sumama sa loob?"

"Sure, let's go." Sumunod agad ako sa kaniya papasok ng hospital.

"Hon, kamusta ang kalagayan ni Almira?" Tanong ni Daddy kay Tita Ellaine matapos niya itong hagkan sa pisngi.

"Stable pa rin naman sa ngayon pero mas mapapabilis daw sana ang paggaling niya kung conscious na siya." Napabuntong hininga nalang si Dad at napadapo ang tingin sa akin.

"Oh...by the way Hon, this is Joy Miracle Olanda, Almira's cousin and my cousin's long lost daughter."

"Oww it's nice to meet you iha," tumayo siya at basta nalang akong niyakap. Hindi naman ako nakasagot sa kaniya ni maski tapik man lang sa balikat niya.

"Mira, this is my soon-to-be wife, Ellaine." Kumalas na si tita Ellaine sa pagkakayakap sa akin pero hinawakan naman niya ngayon ang pisngi ko at tinitigan ang mata ko.

"You're so pretty, iha. I'm hoping to get close to you." Nakangiti pa rin ito sa akin ng matamis kahit ng bumalik na siya sa sofang kinauupuan niya kanina.

"Hon, ako na ang magbabantay mamaya kay Almira, magpahinga ka na muna lagi ka nalang napupuyat magbantay sa kaniya."

"Shh okay na po, magpapahinga na po ako mamaya."

"Kung nakikita lang siguro ni Almira ang effort mo sa kaniya ngayon, hindi yun mahihirapang tanggihan ka." Kahit pa pabulong lang na sinabi ni daddy kay tita Ellaine ay nadinig ko pa rin.

"It's not my efforts that counts, it's my love for you okay? Almira is like my daughter too. You love her and I love you which also means I'll love everyone whom you love." Nakangiti pa rin si tita Ellaine at malumanay pa rin kung magsalita.

"Sandali, ibibili ko muna pala kayo ng meryenda ni Mira." Tatayo na sana si tita Ellaine ng pigilan ko siya.

"Ah...tita, ako nalang po ang bibili," pagpipresenta ko.

"Sure ka ba?" Tumango naman ako at matipid na ngumiti.

Iniabot niya sa akin ang pambili, "sa unang palapag ang canteen nila, bumalik ka agad ha?" Bilin pa nito sa akin.

Napasulyap namn ako ng tingin kay daddy at nakita kong nakapikit na ito habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng sofa at tila nakaidlip na.

Nagpunta nga akong canteen ng hospital at nagtingin ng meryendang mabibili.

Busy akong namimili nang makarinig ako ng mga ilang tilian sa labas ng hospital canteen kaya napatingin ako, may mga hawak na cellphone o kaya ay camera ang ang mga kabataang halos kasing edad ko lang o mas bata pa sa akin habang kausap ang isang matangkad na lalaking nakatalikod sa gawi ko. Dahil sa kaliwa't kanan na kumakausap sa kaniya ay pabaling-baling sa magkabilang direksyon ang ulo nito.

"Sino pong binisita niyo dito?" Dinig kong magkakasabay na tanong nila pero hindi ko nadinig ang isinagot nung lalaki dahil May kalayuan din ang puwesto nila sa puwesto ko.

I-iiwas ko na sana ang paningin ko sa kanila pero bigla kong nakita ang mukha nung lalaki! S-Siya y-yon! Siya! Tama! Kahit blurred ang mukha niya sa panaginip at ala-ala ko'y alam kong siya yun dahil parang biglang luminaw ang itsura niya sa utak ko! Tatakbo na sana ako para puntahan yung lalaki.
"Miss, ano po yung bibilhin niyo?" Tanong ng bantay ng tindahan sa akin kaya nawala ang atensyon ko don sa lalaki at bumili na muna ng kung ano dahil naalala kong inutusan nga pala ako.

Pagkaabot ng sukli ko at ng binili ko ay dali-dali akong tumakbo para habulin yung lalaki at mga kabataan dahil paalis na ito ng hospital.

Shit! Shit! Shit! Sandali lang! Tangina naman o! Kailangan na kitang makausap! Tangina ito na yung pagkakataon ko shit! Huwag ka munang makaalis sana! Sana...sana masiraan ka ng sasakyan! Sana may pumigil sa'yo! A-Ako p-pala! Ako ang pipigil sa'yo!

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top