CHAPTER 12

CHAPTER 12

LACY HAVENWOOD

"Uno, help me! You really had a weird chicken! She almost pecked me!" I said, panicking.

I'm still shrieking dahil nagpapanic ako! Rinig na rinig ko pa rin ang manok sa baba; mabilis ko siyang sinilip. Hindi niya tinutuka si Uno but the hen was looking up to me and trying to fly para maabot ako!

"Oh my god! Oh my god!" I shouted.

"W-wait! Bakit ka ba—"

"The chicken! She's after me!"

I know I looked like a koala here; nakakapit ako ngayon sa batok ni Uno habang ang dalawa kong legs ay nakapulupot na sa waist niya. Late ko na rin na realize na I can hold myself for a longer time in that position because Uno automatically wrapped his strong arms around my waist so I don't fall.

"It's 5 in the morning, Lacy. huwag kang sumigaw," pagpapakalma niya but I can't! Para akong mabibingi dahil super bilis ng heartbeat ko.

Natigilan ako at natulala sa kan'yang face dahil sobrang lapit niya sa akin! Of course, Lacy! Talaga naman na malapit siya sa 'yo because para kang koala right now!

Ang tagal naming nakatingin sa isa't isa bago nagbago ang facial expression niya. His grip on my waist is getting weaker; my eyes widened because of that, umiling ako sa harapan niya habang natataranta na.

"No, no, no! Don't do that. Huwag mo akong ibaba!" I said, panicking. I instinctively hugged his neck and locked my legs on his waist now para hindi niya ako maibaba.

"Alam mo ba kung anong position nating dalawa?" he asked. "Lacy, get down now. Kakasimula pa lang ng araw bakit parang ang daming nangyayari ngayon."

I looked and glared at him. "Of course I know! I'm not bobo. But no! Hindi ako bababa. Get that hen away from me. She looks angry—"

"Ang weird mo talaga 'no—"

Both of us were silenced when the cute chubby chick that I hide on my chest suddenly started chirping. I saw how Uno's brows furrowed and looked down on my chest, kaya ngayon kitang kita niya ang color white na chick.

His mouth went agape, and he slowly looked at me. Napapailing na kinuha niya sa akin ang baby chick using his free hand. I was about to complain when the hen started making noise at parang gustong abutin ang hawak ni Uno na chick.

Uno gently lowered me and gave the chick to the hen. Naging calm na ang manok, and gumawa pa siya ng sounds after no'n sumunod na ang mga ibang chicks sa kan'ya.

"The reason why she's chasing you is because you took her baby," Uno said.

Oh... now I know. That made my heartbeat calm. Okay, Lacy, you're just overreacting. Of course sinong mommy ang hindi magiging gano'n kung bigla na lang kukunin sa kan'ya yung anak niya?!

Gosh, kung gan'yan mangyayari sa akin, I'll go ballistic if someone takes my child away from me.

I slowly looked up para matingnan si Uno. Eh? He's not wearing a shirt; ngayon ko lang napansin. Naka-crossed ang arms niya ngayon sa broad chest niya habang nakatingin sa mga animals niya na naggagala sa backyard.

"Kaya tigilan mo na 'yang balak mong kunin yung mga sisiw dahil hahabulin at hahabulin ka ng mga nanay n'yan hangga't hindi mo binabalik yung anak nila," he talked and finally gazed at me.

"Okay and I'm sorry. Gusto ko lang naman buhatin yung chick because it's cute and chubby. Hindi ko naman alam na manghahabol ang hen na 'yon," I answered.

The side of his lips rose up, ayan na naman siya. Nagpipigil na huwag tumawa!

"Ngayon alam mo na?" he asked.

The tone of his voice is like he's teasing me or something. I rolled my eyes and looked away para hindi naman masira ang araw ko ngayon sa pagiging gan'yan niya.

"Yeah..." I responded.

Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo pa rin dito. I can go inside the living room and do my things there, pero nandito pa rin ako at sinasamahan si Uno na tingnan ang mga animals niya na may sariling mga mundo.

It's a little cold here because it's still morning. The familiar scents of woods, fresh grass, trees, and animals fill the air. Malayong malayo sa kung anong meron sa England.

Mas lalong nagiging cold dahil mahangin din ngayon. Hindi naman super maliwanag and I can feel that parang uulan din later.

"Teka nga. Pinakain mo ba yung mga manok? Parang may nakita akong feeds sa lapag ah," Uno suddenly talked, I saw him na mag lakad papunta sa isang area kung saan ako nag lapag ng feeds kanina.

My eyes widened and slowly turned around para makatakas. He doesn't know kasi na kumuha ako ng pagkain ng manok. I sneakily walked away but Uno called my name.

"Lacy, pinakain mo ba 'tong mga sisiw at manok?" he asked again.

Natuwid ko ang aking katawan; I looked at him on my shoulder and saw him bending down and taking some feeds on the ground and double-checking them.

"Pagkain nila 'to, ah..." I heard him whisper. Umangat ang tingin niya sa akin habang nakakunot ang brows. "Did you feed them? It's still 5 in the morning, ala sais ng umaga ko 'yan sila pinapakain."

Can I say badwords? Just once.

And shit, I didn't know na may tamang oras din ang pagpapafeed niya sa mga chicken.

I laughed awkwardly and dahan dahan na tumalikod; hindi ko na siya pinansin pero tinatawag niya pa rin ako.

"Lacy, I'm talking to you. Bakit mo 'ko tinatalikuran? Is that how a princess behave?"

Crazy ba siya!? Ayan na naman siya sa gan'yan-gan'yan niya!

"I'm not a princess here, Uno."

"Did you feed them?" he asked and ignored my answer.

"Uhmm... I think I'm hungry? Nagugutom na ako. Can we eat na ba?" I slowly walked away from him while talking.

"Come here. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko."

Napangiwi ako nang marinig na parang super lumalakas na ang boses niya. That's mean lumalapit na siya sa akin! Mahina akong napatili at nagmamadaling pumunta sa kitchen.

"Lacy!"

"Yes! I feed them, pero hungry na ako. Let's eat na kasi!" I shouted as I ran away from him.

˖ ݁𖥔 ݁˖ 𐙚 ˖ ݁𖥔 ݁˖

"Just teach me, okay?"

"Mamatay lang alaga kong manok sa 'yo. Pumasok ka na lang kaya sa loob?"

I was following him the whole day na parang buntot niya. Kaya ngayon, pinapanood ko lang siya kung ano ang mga ginagawa niya sa isang buong araw, and all I can say is he's really a busy person.

Ang dami niyang ginagawa. He's already done feeding the animals, pero may hinuhuli siyang papakainin and that's his cow. Kaya ngayon, nandito kami sa cowshed. Uno is trimming their hoof; kailangan daw kasi 'yon. It's for their own good naman din kasi. Para hindi maimpeksyon, 'tsaka sa overall health nila and also for their productivity.

Uno looks like a teacher today. Ang dami niyang sinasabi sa akin. He even offered that if I want to help, I can help him naman daw. Of course I agree, sinong tatanggi sa ganito?

Nakaka enjoy ang ginagawa niya. He offered me that, pero parang ayaw niya ipahawak sa akin ang pagpapakain sa manok.

Well, I admit sometimes na oover feed ko sila ng hindi ko namamalayan. Ang cute naman kasi nila kapag tumitingin sa akin. I feel like they understand me kasi kapag kinakausap ko sila laging nakatingin sa akin. Parang nagpapacute na pakainin ko pa raw sila.

Tapos kapag saan ako pumupunta sinusundan nila ako! I feel like I'm their mother.

"You offered me that I can help you, but why can't I feed your chicken?" I asked, naiinis na ako dahil nilalayo niya sa akin yung mga manok niya.

Mas okay pa nga silang kasama kesa dito kay Uno. He's always teasing me. Ang hilig pa akong barahin.

"Mamamatay mga manok ko sa 'yo," sagot niya. Kumuha siya ng new tools sa isang wooden box at inasikaso na niya ulit ang hoof ng isang cow.

He's sitting in a small chair while I nakatayo lang sa gilid niya at pinapanood lang. I think this is the last cow that he's going to trim the hooves off, and after that, papakainin niya na ang mga 'yon.

Medyo natagalan lang 'yon dahil nagkaroon na nga ng infection ang right hoof niya. Napansin na rin 'yon agad ni Uno dahil paika-ikang naglakad yung cow papunta sa trimming chute.

"Huwag mo ng i-close yung mga alaga kong manok. Maawa ka sa kanila. Iooverweight mo pa 'yang mga 'yan."

Dahil naka-focus siya sa pagkakalikot sa hoof sa alaga niyang baka, nagkaroon ako ng chance na tingnan siya ng masama. I scoffed and crossed my arms on my chest.

"E'di bigyan mo lang ako ng right amount of food for them. Paano bibilis yung work mo here kung babantayan mo rin ako sa ginagawa ko. Hindi mamamaximize yung oras mo n'yan," I answered.

"Mag pastol ka na lang ng mga kambing papunta sa kulungan nila sa hapon," he responds while laughing.

I just frowned at his response. Saktong ang half ng hair niya ay naka topknot at ang iba ay nakalugay, puwedeng puwede ko siyang masabunutan kapag naiinis na ako sa kan'ya.

"Uno! Ano ba 'yan."

"What?" natatawa niyang tanong at tiningnan ako. "Madali nga lang 'yon. 'Yon na lang kausapin mo. Lubayan mo lang mga manok ko. Pinagbibigyan na nga kita sa gusto mo kahit na hindi puwede, eh. Lola will scold me if she finds out I let you help me do my work here."

"You're so mean. I can't even enjoy myself here if mag kukulong ako sa room ko. Besides gusto ko rin malibot tsaka ma tingnan 'tong malawak mong place."

Nakabukas ang malaking door ng cow shed. Similip ako roon para tingnan ang malawak na area kung saan nakikita ko ang isang alagang kabayo ni Uno. it was a black stallion. Kahit na nasa malayo, I can see kung paano kumikintab ang itim niyang balahibo kahit na nakasilong siya under the tree.

"You're rich siguro 'no? You own this big place, eh. I don't even know how many hectares this is, but I'm pretty sure that costs a lot," I said, absentmindedly. "Are you rich, Uno?" I asked again.

Tumawa lang siya. He's already done; niligpit niya lang ng mabilis ang mga tools before niya paalisin ang cow sa trimming chute at binalik sa kulungan nito.

Ang inupuan niya kanina ay kinuha ko at doon umupo. I'm just silently watching him; he's now feeding his cow. And as usual, wala siyang suot pang itaas at maong na pants lang sa pang ibaba.

Hindi ba siya naiinitan? Sa ilang araw na nakikitira ako sa house ni Uno, masasabi ko na okay naman siya. It's just, he's always teasing me. At nakakainis na rin sometimes lalo na kapag binabara niya ako.

"Rich? Hindi, ah," natatawa niyang sagot nang malapitan ako. "Mukha ba akong mayaman?" he even points to himself.

I rolled my eyes and looked away. Nakangisi kasi siya, nangaasar na naman. Hindi na ako nagsalita dahil alam kong mang aasar na naman siya.

He's humble. 'Yon na 'yon at wala ng iba pang salita.

Owning this kind of place requires a lot of money, to be honest. Sobrang lawak at ilang hectares din 'tong pagmamay-ari niya. He just doesn't admit that he's rich.

Goodnes... I want this kind of life. Living in a simple house with a lot of money. I laughed a little. S'yempre sa panahon ngayon kailangan natin ng pera para mabuhay.

"Baliw," I heard him whispered.

I ignored him. Ako pa tatawagin niyang crazy eh mas crazy nga siya—

Natigil ang iniisip ko nang marinig na tumunog ang phone ni Uno na nakapatong sa ibabaw ng hay. I saw Uno looked at his phone to before gazed at me.

"Can you answer the call? Madumi pa kasi yung kamay ko."

I took a deep breath and picked up his phone. Tinignan ko muna kung sino ang caller.

'Silas'

"Silas..." I read. Umangat ang ulo ko para tingnan si Uno. nakatingin na pala siya sa akin at parang naghihintay sa sasabihin ko. "It's Silas, friend mo?"

He nodded. "Yes. answer it. I-speaker mo na lang."

"Okay."

Binalik ko sa ibabaw ng hay ang phone niya at pinakinggan na lang ang magiging conversation nila. I don't want to be a nosy pero kasi naka speaker. Of course, maririnig ko talaga yung paguusapan nila.

"Juan, pumunta ka na rito bukas..." that's was the caller said when I answer the call.

"Sa susunod na!" Uno shouted as he fixed something inside the cowpen. "Sa susunod na araw!"

"Palaging nauusog. Maiistress na si Maya dito. Puro ka nalang sa susunod."

Uno laughed ecoed thorugh the cowshed. "Akala mo makakalusot ako d'yan? Sinunod niyo naman yung sinabi ko, hindi ba?" Uno asked.

To be honest, wala akong naiintindihan sa pinag-uusapan nila, but nakikinig pa rin ako. I'm curious who's Maya.

"Yes."

"Kumusta na siya ngayon?" Uno asked again.

"She's doing fine."

"E'di ayan na ang sagot. Sa susunod na araw na lang ako pupunta d'yan."

"That's my birthday. Anyway, alam kong wala naman akong magagawa. Dress nicely on my birthday. May mga bisita na dadating sa hacienda."

"Okay."

They talked for a longer time until Uno was the one who hung up the phone. Marami pa raw siyang gagawin at ayaw niyang maubos ang oras niya na kausap lang daw si Silas.

"Are we going to come on his birthday?" I asked while we were walking.

We're now walking on the walkway, heading to the barnhouse. I thought na uulan, pero hindi pala. Mabuti nga at naging okay na rin ang weather. It so mainit pa rin as usual, but I don't mind naman kasi malakas ang hangin.

Medyo masakit nga lang sa eyes, kaya lagi akong naka-squint. Dapat pala bumili na lang ako ng bucket hat para may masuot ako kapag ganito ang gagawin namin.

"Anong we. Ako lang," he answered. "Hindi ka naman niya sinabihan na pupunta ka, ah."

"So you're going to leave me here tapos magsasaya ka doon sa house ng friend mo? Why don't you bring me too para naman maka meet ako ng ibang tao bukod sa 'yo," naiirita kong sagot sa kan'ya. "Nakakasawa na puro face mo na lang ang nakikita ko rito sa house mo."

Gosh. Ayan na naman siya. He's starting it again. Imbis na mainis din sa naging sagot ko. He just laughed at me.

When he arrived at this barnhouse, he opened the door for me before he spoke. Halatang nagpipigil na naman siyang tumawa no'n.

"Ay pasensya kana kung sa bahay kita nakatira at ako ang may ari, malamang ako ang makikita mo kasi sa akin 'to. Magulat ka kung ibang tao nandito, nanakawan kana n'yan."

I sat on his couch and leaned. Thank goodness at nakabukas na agad ang aircon. Super lamig na agad dito sa living area kaya ang presko na sa pakiramdam. Habang itong si Uno, he went to the kitchen at hindi ko na alam kung ano ang ginagawa niya roon.

"Uno! I'm starting to get pissed off because of you! Call your friend and introduce me to him para ma-invite niya ako sa birthday niya!" I shouted.

Isang malakas na tawa lang ang narinig ko sa kan'ya galing sa kusina.

"Wow! Makautos akala mo kung sino," natatawa niyang sagot. He went out from the kitchen carrying mango juice in the pitcher and two glasses.

Binaba niya 'yon sa center table and nag-pour ng juice sa glass namin. Kinuha na niya ang isang baso at nag-drink doon.

"Well for your information alam mong pri—"

"Stop right there; hindi mo puwedeng gamitin 'yang princess card mo sa akin. nanggaling na sa bibig mo kanina na hindi ka princess dito, 'di ba?" he poured juice in his glass again before drinking it.

I glared at him. "Can I mura you? Just once?"

Napaatras ako ng kaonti nang marinig na parang nasamid siya sa juice. May tumalsik pa nga na juice somewhere at nadamay pa ang arms ko!

Yuck!

"Uno! Ano ba, that's gross!" reklamo ko.

Hindi na niya napigilan na humalakhak. That's the loudest laugh I've ever heard from him. Walang emosyon na tumayon na ako at nilagpasan siya para umakyat papuntang room ko.

Bahala siya d'yan. I hope his stomach hurt while laughing.

"Bawal mag mura. Masama 'yan," pahabol niya.

"Ewan ko sa 'yo! Crazy ka!" I shouted as I walked upstairs.

Tumatawa pa rin siya at naririnig ko 'yon. Naririnig ko na tinatawag niya ako, pero hindi ko na siya pinapansin because sobrang pissed off na ako sa kan'ya. And I know i'm already red like a beetroot!

"Lacy! Wait! I'm not done talking to you!" tawag niya sa akin, and nagawa pang humabol paakyat sa second floor.

"You're not done talking to me? pwes ako I'm so done talking to you. Ang annoying mo na Uno. You're so really great when it comes to teasing kasi you're pissing me off na eh. Bahala ka d'yan."

Napaawang ang labi niya at napatango na lang sa akin. See? Ayan na naman siya. I know that expression on his face. I rolled my eyes at minimake sure kong makikita niya 'yon. Tumalikod na ako at binuksan ang door ng room ko para pumasok pero nagsalita naman siya para pigilan ako.

"It was a joke, okay? S'yempre isasama kita. Just wear comfortable clothes that day. Sigurado naman ako na may dala kang damit na gano'n."

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top